Hindi mapakali si Onyx habang nakatingin sa daan kung saan nakita niyang paika-ikang dumaan kanina si Zhyn. Gusto man niyang pigilan itong umalis subalit hindi siya makakita ng dahilan sa kanyang puso kung bakit ayaw niya itong paalisin. Hanggang sa hinayaan na lang niya itong tuluyang maglaho. Matapos nilang magniig kanina ay nakatulog na ito. Kaya katulad ng lage niyang ginagawa—umalis siya at ’di nagpakita. “What should I do? You're messing with my head, Z . . .” bulong niya sabay inom sa hawak niyang alak. Nakapikit siya at ninanamnam ang init na hatid nito sa kanyang lalamunan. “Sir!” Malakas ang boses nito subalit kalmado. Kaya kunot noo siyang napalingon sa madilim na parte ng kanyang conference room. “What is it, Dos?” “Sir. Miss Zhyn’s tracking device is heading to the mayor

