Kahit sabihin pa’ng nasa maayos ng kalagayan ay vessel ng kanyang Ama ay marami pa rin siyang inaalala. Isa sa pinaka nagpapasakit ng kanyang ulo ay kanina pa siya hindi sinasagot ni Onyx. She is feeling frustrated and rejected again. Nagsisimula na namang umatake ang pagiging over thinker niya. At kahit ano pa ang kanyang pagpipilit ay talagang kusang gumagawa ng masamang senaryo ang kanyang utak. “Pa’no kung alam na ni Onyx na si Derrick ang mayhawak sa Anak niya? Paano kung idimay ako ng walang hiyang ’yon?” Gia was holding her hair and harshly pulling it. Namumukha na siyang sira-ulo dahil sa ginagawa niya. Paro’t parito rin ang kanyang lakad at walang tiyak na direksyon. “No! I couldn't let that happen. I am no longer Gia ’pag pumalpak ang plano ko’ng ’to.” Bahagya siyang tumigil sa

