Matapos maayos ang kanilang vessel ay nakabalik na rin silang lahat sa loob niyon. Kahit naiinis sa nangyari ay wala na siyang magagawa dahil nangyari na. Nang masigurado na niyang naiayos na sina Chesly at Zhyn ay ibinalik naman si Sy sa silid nito. Siya naman ay nasa opisina ngayon ni Gia at prominenteng umiinom ng kanyang alak—hanggang sa tumonog ang telepono niya. Kaya wala na siyang nagawa kun’di ang tumayo at kunin ito sa mesang gawa sa rare na punong kahoy. “Hello,” bored niyang sabi sa kabilang linya. “Derrick! What happened? What the hell did you do? Ano’ng nangyari sa cargo ship ni Dad?” Mabilis pa sa alas-kwatro niyang nailayo ang cellphone sa tenga niya nang marinig ang malakas na boses ni Gia. Parang nakikita na niyang lumalabas na naman ang nga ugat nito sa noo dahil sa lab

