Prologue

972 Words
PROLOGUE How it all started Way Back 1996   "Isabel, napakaganda ng anak natin..." masayang sabi ni Alberto sa kanyang asawa habang karga-karga ang anak. “She looks just like you...”  Ngumiti si Isabel; bakas sa mukha nya ang sobrang kaligayahan dahil naisilang nya ng maayos ang Princesa nila. Inilipat sa kanyang bisig ng kanyang asawa ang kanyang anak at napatitig sya dito ng puno ng pagmamahal. "Dumating na ang Princessa natin Alberto isa na tayong buong pamilya,”  Lumapit sa kanya ang asawa at hinalikan sa noo ang asawa "Magiging masayang pamilya tayo... Magiging masayang kaharian ang tahanan natin, aking Reyna"  Dalawang taon nang kasal sina Isabel at Alberto bago sila nagkaroon ng unang anak, at alam nila na ang batang nasa bisig nila ngayon ay ang bunga ng kanilang panalangin sa Diyos.  Sina Alberto at Isabel ay parehong galing sa mga kilalang pamilya sa bansa. Si Isabel ay galing sa isang political family ng Roxas; anak sya ng isang kilalang Congressman ng isang Province, na kilala din na kasangga sa paglaban sa droga sa bansa, habang si Alberto naman ay anak ng isang business tycoon na si Ronaldo Madrigal.  Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan nila sa hospital. Dumating na ang kanilang mga magulang. Bakas sa mukha nito ang pagkasabik sa kanilang unang apo.  "Nasaan na ang aking Apo..." hanap agad ni Ronaldo pagkapasok palang. Lumapit agad sya sa magasawa at masayang kinuha ang apo.  Masaya nilang pinagmamasdan ang mukha ng kanilang unang apo at para pa silang bata na nag-uunahan na mahawakan ang bata. Napatawa nalang ang mag-asawa.  "naku, Madrigal talaga ang napakagandang batang 'to"  "Pero naman manugang, bakas din ang pagiging Roxas nya." nagtawanan sila sa sinabi ng Ina ni Isabel.  "Teka, mga anak ano bang ipinangalan nyo sa Apo namin?" singit naman ng Ama ni Isabel.  Nagkatinginan ang mag-asawa at saka nakangiting humarap sa kanilang mga magulang.  "Areeyah Mikaella Roxas Madrigal po" sagot ni Alberto.   **** Mabilis na lumipas ang panahon at ang Princesa ng Madrigal ay lumaking maayos, masayahin, matalino at talagang napakagandang bata. Hindi man sya tunay na Princesa pero nabubuhay sya na parang Princesa.   Sa kabila ng pagiging busy ng kanyang Ama sa sarili nilang kompanya ay lagi itong may oras para sa buong pamilya. Masaya silang naghahapunan, minsan naman kapag weekends ay lumalabas sila at namamasyal. Halos perpekto ang pamilyang kinabibilangan ni Kaella, hindi dahil sa mayaman sila kundi dahil sa puno sya ng pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. News Report: Congressman Anthony Roxas ay magiging tagapagsalita ng PDEA dahil sa naging isa itong tapat na kaagapay sa pag sugpo ng mga droga sa bansa.     "Papa, ang galing-galing ni Lolo..." masayang sabi ng batang si Kaella ng mapanood ang balita sa TV.     "Syempre naman anak,. Dahil pangarap talaga ni Lolo ang isang bansa na walang bad persons…" paliwanang ni Alberto sa anak.     "Tama ang sabi ng Papa mo, alam mo ba kung bakit nya iyon ginagawa?" napailing naman si Kaella bilang sagot.     "Syempre para sa nag-iisa nyang Princesa; dahil gusto nya na lumaki ka sa isang bansa na walang bad persons. Para mas maging masaya ang bansa kapag big girl ka na." paliwanag ni Isabel.     Napapalakpak si Kaella sa tuwa "Ang galing ni Lolo... Para syang superhero"     **** Isang araw, walang pasok sa opisina ang mga magulang ni Kaella kaya napagpasyahan ng mga ito na ipasyal ang kanilang anak sa amusement park.  Masaya silang nagbabyahe. Nag aawitan, nagtatawanan at kumakain... Pero sa sobrang layo ng byahe ay nakatulog na si Kaella.   Habang tahimik silang nagbabyahe may isang sasakyan ang huminto sa kanilang harapan. Nagkatinginan ang mag-asawa marahil pareho sila ng unang pumasok sa isip nila- isa itong g**o.    “Lalabas nalang ako, baka magising pa si Kaella.” Ang protektahan ang pamilya nya ang unang pumasok sa isip nya, “Alberto delikado.” Pigil agad ng asawa nya.   Hinawakan nito ang ang kamay ng nagaalalang asawa “Kahit anong mangyari wag kang lalabas.”   “Alberto mag-iingat ka…” paalala ng asawa nito. Tumango sya at tuluyang lumabas ng sasakyan.   "Alberto!!!" sigaw ni Isabel ng makitang hinampas nalang nga isang b***l ang kanyang asawa sa may batok nito at agad syang bumaba sa sobrang pagaalala sa asawa. Iniwan ang anak na mahimbing na natutulog sa back seat, buti nalang hindi ito nagising sa pag-sigaw nya.   "Boss, ayan na ata ang anak ni Congressman..." narinig nyang sabi ng lalaki na may hawak na b***l. Kinabahan si Isabel.   “Maawa kayo sa amin,..” pasimple syang lumingon sa sasakyan kasabay ng panalangin na sana hindi magising ang kanyang anak. “ANong kailangan nyo, pera? Ibibigay naming, wag nyo lang kami sasaktan”   Agad naman tinutukan ng b***l si Isabel. Habang ang isang lalaki ay nakatutok ng b***l sa kanyang asawa. "Miss pasensya na, hindi naming kailangan ng pera mo, at napagutusan lang kami.." binaril sa harapan nito si Alberto.   “Nagmamakawa kami sa inyo..”iyak ni Isabel habang habang niyayakap ang katawan ng asawa; hindi nya alam kung may buhay pa ba ito o wala na.   "ano bang nagawa namin sa inyo?!"   "Yung tatay mo kasi masyadong pakialamero.. Kung hindi nya kinalaban ang Poseidon, edi sana hindi to mangyayari." hindi sya napasagot at umiyak nalang. Ang heavens ang grupo ng sindikato ng droga sa bansa na ipinabagsak ng kanyang ama.   "Miss, magsama ng kayo ng asawa mo..." sabi ng lalaki habang sya ay nananalangin na sana hindi magising ang anak. At kasabay ng pagmulat ng kanyang mata ay ang isang putok ng b***l na kumuha ng buhay   Sa pangyayaring yun, may isa batang nakasaksi ng lahat. Tahimik syang umiiyak habang nakasilip sa likod ng shotgun seat, nagtatago at puno ng takot ang puso.    Bakit sa ganoong kamurang edad nya pa mararansan ang ganito, bakit napakabilis naman matapos ang mala fairytale ng buhay ni Areeyah Mikaella Roxas Madrigal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD