Chapter 1

1491 Words
CHAPTER 1     "Goodmorning Mam Kaella" bati ni Aurora, isa sa mga katulong nila. Habang si Mikaella umupo lang sa harap ng mesa for breakfast. "Where's Papa?" tanong ni Mikaella.   "Maaga pong umalis, may meeting daw po sa Senado." sagot ni Aurora.   Napataas nalang sya ng kilay. Magisa nanaman syang kakain sa napakahaba nilang dining table.   "Diba sabi ko pancake ang breakfast ko,.. Bakit ito ang inihanda nyo?" mataray na tanong ni Kaella.    "a-ah.. Ahm, bago palang po si Nena, ang bagong tagapagluto." paliwanag ni Aurora.   "Bago? Pakitawag nga yang nena na yan..." Mikaella   Maya-maya ay lumabas na si Aurora kasama si Nena "ahm.. Mam, pinatawag nyo raw po ako."   Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Nena bago nagsalita "Bakit ito ang agahan ko?"   "ahm... Kasi po,. Ah.." tumingin muna si Nena kay Aurora na parang humihingi ng tulong. "Hindi ko po alam na hindi po pala kayo kumakain ng bacon, hotdog at eggs" paliwanag ni Nena.   "Hindi mo alam?! Pumasok ka sa trabaho ng di mo alam ang gusto ng pinagsisilbihan mo?" sigaw ni Kealla. Wala syang pakialam kahit na alam nyang mas matanda sa kanya ang sinasagot nya.   "Magluluto nalang po ako ng pancake nyo..." sagot ni Nena.   "So hihintayin pa kita?!" tumayo si Kaella, "nawalan na ako ng gana.." at umalis.    Siyam na taon na ang nakalipas matapos ang malungkot na insidente sa buhay ni Mikaella. Nagbago ang lahat matapos nun, bagamat nakaligtas ang kanyang ama, ay parang wala paring natira sa kanya dahil naging busy ito sa paglutas ng kaso sa pagpatay ng kanyang ina. Nakaranas din ito ng matinding depresyon sa nangyari sa asawa.   Matapos ang limang taon, nabigyan din ng hustisya ang kanyang Ina. At dahil doon, nakilala ang ama nya sa buong bansa. At di nagtagal, napagisipan nitong pumasok sa politika. Kaya ngayon ay isa na itong Senator.    Matapos ang 30 minuto ay narating na ni Kaella ang paaralang pinapasukan. Nasa 12th grade na si Kaella, halos six months pa lamang sya dito sa Carmen's High Academy. Galing sya sa St. John Academy, doon sya nagstart ng Senior High nya. Kayalang natanggal sya dahil sa nahuling may kasamang lalaki sa CR.    Wala naman syang ginagawang hindi maganda sa loob ng CR kasama ang lalaking may gusto sa kanya eh. Sinadya nya iyon para mainis ang Daddy nya dahil masyado na itong nagiging busy sa Politics.    "Kealla, pinapatawag ka ni Mr. Romero sa Director's Office.” Si Mr. Romero ang Director ng school. At alam nya kung bakit sya pinapatawag nito.    Tumayo sya at naglakad papunta sa office. Ni hindi manlang nagpasalamat sa kaklase nya.  "Kaella, babe... How are you?" that's Ranz, anak ng isang businessman. Sikat sa Academy, at 1week na nya itong boyfriend. But NOT because she's inlove with him, napagtripan nya lang. May pakinabang naman ito sa kanya eh.    "I’m fine, kakausapin lang ako ni Mr. Romero..." sagot nya na parang hindi naman masaya na nakita ang boyfriend.   "Ganun ba..." bahagyang hinila sya nito mula sa bewang nya "Mamaya ha...." bumulong ito sa kanya. Nginitian nya lang ito bilang sagot.   Makalipas pa ang ilang minuto ay narating nya na ang Director's Office. Walang bati-bating pumasok sya sa Office. Napailing nalang si Mr. Romero sa ginawa ng dalaga.   "Goodmorning Miss Madrigal..." sarkastikong sabi ng Director. At ngiti lang ang isinagot ni Kaella, at umupo sa upuang nasa harap ng Director's table.    "Miss Madrigal, alam mo naman kung bakit pinatawag kita.." Mr. Romero   "Yes Sir, and I will never say sorry to that girl.." sagot ni Kaella.   "I’m not asking you to say sorry to her... But I am reminding you na ito na ang last school na tatanggap sayo... Sa katunayan nga hindi na kita tatanggapin kung di lang dahil kay senator eh..."   She smiled with bitterness "Don't you know Sir na what you did is biased. You gave considerations because of me being a Madrigal."   Napailing si Mr. Romero "You know Mikaella, you are really impossible. Anyway, it’s not biased, it’s a favor dahil alam ko na gusto ng Ama mo na mapabuti ka"   Hindi umimik si Kaella. "Alam mo Miss Madrigal, I scanned your profile from other school,. And it seems like you really hate poor people... Why is that so?"   Hindi parin umiimik si Mikaela, ayaw nyang sagutin ang tanong. Because if she did, baka tuluyan na syang matanggal sa school na to.   "You know Mikaella, as a Director of this school. Alam mo bang we're reaching you out? Kasi alam ko na you can do better than all these things..."   "Sir, kulang na ba sa budget at pati pagiging guidance counselor pinasok na ninyo?"   Napahinga nalang ng malalim si Mr. Romero at nagpipigil ng sarili dahil alam nyang hindi siniseryoso ni Kaella ang usapan nila "At isa pa nga pala sa dahilan why I called you because of your punishment... Hindi pwedeng palampasin nalang namin ang ginawa mo kay Ms. Baredo."   "Ok Sir, what's the punishment?" parang bored na tanong ni Kaella.   "Suspended ka for a week.... And you have to clean the whole auditorium"   "Buong Auditorium?! Sir, ang laki noon, ayaw ko!?" sagot ni Kaella.  Ngumiti si Mr. Romero “Whether you like it or not, lilinisin mo ang buong Auditorium mag-isa.”    Napanganga si Mikaella in disbelief, lumalaban na sa barahan ang director nila. Napailing sya "Ok Sir... I’ll start na" saka tumayo at umalis.     *****   Hindi pumasok si Mikaella sa mga klase nya dahil nga suspended sya. Nagsimula narin sya sa paglilinis ng auditorium., "Oh, ang Princesa ng mga Madrigal naglilinis ng Auditorium?" napalingon si Mikaella sa nagsalita. Its Wendy, isa sa mga nakaaway nya sa school na to.  "Oo eh... Actually Im starting to liked it. I have a better access sa mga gamit dito, like keys... Mukhang maganda magvolunteer dito" napakunot noo si Wendy sa sagot ni Kaella. "Wow, Mikaella the great.. Ang Princesang galit sa mahihirap? Mukhang gusto ng maging katiwala..." sagot ni Wendy. "Parang ganun na nga..." napansin ni Kaella na naglalakad papasok si Wendy sa loob ng Auditorium. Kaya nagwalis sya ng sahig ng marating ang pinto tumingin ulit kay Wendy.  "Kaella, ikaw na ang Princesa ng Auditorium. Princessa ng non-teaching personnel ng school na to. In short part ka na ng Janitor's team." natatawang pang aasar pa ni Wendy na akala mo na talagang waging wagi na. "Yes Wendy, I am the Princess. Kaya nga I’m giving you a chance to stay in my castle." and with that she closed the door. Alam nyang mabubuksan nito ang pinto, pero ang tanong, ang main door ba ng auditorium mabubuksan nya?   Tumatawa si Kaella ng makalabas sa auditorium. "Wendy, wendy... Your still the same as ever. Hindi nagiisip"  Naglakad sya with a smirk. Nagwagi nanaman sya. Malayo layo na sya sa auditorium at nakita ang head ng Janitor's Team "hey manong, tapos ko na ang auditorium. Here's the key."   "ok, salamat. Wala ka na bang naiwan doon?" tumingin sya sa daan na pinangalingan nya. "wala na manong, walang wala na"       ***** Gabi ng umuwi ng bahay si Mikaella to change her clothes. May lakad sila ni Ranz. "Dumating na ba si Papa?" "wala pa po..." sagot ni Aurora.   "Ok good. I’m leaving." at umalis na ng tuluyan. Hindi na sya nagpahatid sa driver dahil nasa labas na ang boyfriend nya.   Naging gawain na ni Mikaela ang night life. Pero sa one week relationship nya with Ranz ay ito ang naging kasama nya gabi gabi.     "Baby, daan muna tayo ng McDo ha..." sabi nya sa boyfriend. Nagugutom na kasi sya.     "Ok basta ikaw baby?" pangatlong boyfriend na nya si Ranz pero ni minsan di pa nya naranasan kiligin ni isa sa mga ito. Kahit na kasi mga gwapo, parang wala parin sa kanya.     Nakarating sila ng McDo. Pumasok sila ng hawak kamay. Wala lang kay Kaella ang holding hands, wala ngang spark, pero ginagawa nya nalang.     Narating nila ang Counter. Hahayaan nya nalang magorder ang boyfriend, alam narin naman nya ang gusto nito. Nagbabasa nalang sya ng message sa phone nya.       "2 Double Cheese burger with large coke and Hott Fu---" napahinto si Ranz sa pagsabi ng order nya. "excuse me brad, ako ang umuorder at ako din ang magbabayad, so stop staring at my girl. Hindi ka magugustuhan nyan"       Napatingala si Kaella sa crew na nasa harap nya dahil sa mga narinig nya from Ranz. Nakita nya na namumula ito at dali daling nagpunch ng mga order na sinabi ni Ranz. She hates guys na nakatitig sa kanya, pero bakit parang ang gaan ng loob nya rito.   Pasimple syang tumingin sa nameplate nito. "Gino pala ang pangalan no ha..." sabi nya sa isip.     Natauhan nalang si Kaella sa pagscan ng gwapong crew na nasa harap nya dahil sa may kamay na yunakap mula sa bewang nya. Ang boyfriend nya pala. "Let's go babe..."    Bago tuluyang tumalikod ay saglit muna silang nagkatinginan ng ni Gino the Crew. Malakas ang dating ng lalaking iyon, yung dating na hindi mayabang. Yung dating na may kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD