Chapter 2

1539 Words
CHAPTER 2            Nagising si Gino sa ingay ng paligid. Kaya kahit puyat sya dahil sa trabaho bumangon nalang sya mula sa maliit nyang kama. Tumayo sya at naglakad papunta sa malaking bintana ng bahay nila at inislide iyon para bumukas.   Sa lugar nila, ang bahay nila ang isa sa pinakamataas. Isa kasi ang lola nya sa unang tumira sa dito sa masantol. Isang kilalang slum area sa bansa. Kayanga luma narin talaga ang bahay.    Pinagmasdan ni Gino ang paligid ng lugar nila mula sa bintana ng bahay nila    "Tay penge ako piso.." yung maliit na anak ni Mang Renato, nagmamakaawa para sa piso habang hinihila ang laylayan ng damit ni Mang Renato.   Sa may kaliwa naman nya, may tatlong babaeng kaharap ang mga batya at palanggana nila at sama-samang naglalaba habang nagchichismisan. Yung iba naman, nagiigib sa bomba. Ang pinagkukuhaan ng tubig ng buong lugar namin.   "Hoy Mona, yung utang mo kelan mo babayaran?" si Aleng Marian naman yun, ang may ari ng tindahan dito sa lugar nila. Malupet maningil ng utang.   Sa halos katapat ng bahay nila ay may isang mahabang mesa, andun ang magiina na naghahanda ng mga kakanin na ilalako nila sa palengke.    Yan ang lugar namin. Lugar ng mga mahihirap sa bansa. Lugar kung saan maraming pinagkaitan ng swerte, lugar na maraming nagsisikap para lang makaahon sa hirap. Yung iba naman, wala lang... Basta makasurvive sa isang araw goods na.  "Gino, handa na ang agahan..." napangiti sya. Sa kabila ng hirap sa buhay, maswerte parin sya na may Nanay sya na nagaalaga sa kanya. Si Aling Belen.  Hindi nya totoong Ina si Aling Belen,. Wala na syang mga magulang. Si Aling Belen ay malayong kamag-anak ng kanyang Ina. Pero kahit na ganun ay totoong nagmalasakit ito kay Gino ng maulila.    "The best talaga 'tong nanay ko eh. Amoy palang ng niluluto, nakakabusog na." "Naku itong gwapo kong anak nambola pa..."   "Hindi kaya... Nagsasabi ako ng totoo Nay." sagot ni Gino.   "Oo na anak... Kumain ka na at may labada pa ako."   Medyo nakaramdam ng lungkot si Gino. Ayaw na nyang tumanggap ng labada ang Nanay nya dahil matanda na ito. Pero ayaw papigil. Kaya ng nagiipon sya ng pang dowbpayment sa washing machine. Hindi nya kasi kaya ng cash eh.    "Uy, wala na palang asukal." magtitimpla sana si Gino ng kape, pero wala pala silang asukal. Kaya bumaba sya para bumili.    News Report: Anak ni Senator Madrigal na si Mikaella Madrigal, kasama ang nobyo at mga kabarkada nito ay nahuling nagiillegal drag racing sa quezon avenue.   Kaninang madaling araw ay nagkainkwentro ng mga pulis ang grupo ng mga kabataan na nagiillegal drag racing. At ayun sa mga pulis ay nakipaghabolan pa ito sa kanila. Kasama dito si Mikaela Madrigal na sumama lang sa boyfriend na si Ranz Midriano.  Patong patong na violation ang isinampa sa kanila. Isa na dito ang curfew, at napag alaman pang ni isa sa mga kabataan na to ay walang mga lisensya. Tanging si Mikaella lang ang may student permit.  Ngunit dahil sila ay minors pa lamang ay nakulong lamang sila ng 24h at nagbayad ng penalty. Si Senator Madrigal mismo ang sumundo sa nagiisa nyang anak.  Yan ang naabutan ni Gino sa tindahan. Si Aling Marian nanunood ng TV. "Yang anak ni Senator na yan talagang dungis sa pangalan ng Ama nya." sabi ni Ate Marian   Hindi nya naman maitatanggi na ang babaeng nakita nya sa fastfood kagabi at ang Mikaella Madrigal na nasa balita ay iisa. Sa totoo lang hindi sya ganun kadali maattract sa isang babae. Pero ng makita nya ito kagabi, talagang napatitig sya ng di nya napapansin.   Sa kabila kasi ng pagiging sopistikada ng mukha nito, hindi maitatago ang angking kagandahan nito. Hindi nya nga alam bakit napatitig sya kahit alam nyang hindi naman ito ang tipo nyang babae, sa kilos at pananamit palang masyado ng sosyal, halatang laki sa yaman.  "Baka naman nadamay lang..." pagtatanggol ni Gino. Sa nakita nya kagabi mukhang walang kwenta ang boyfriend nito. At mukhang mabait ang Mikaella dahil ngumiti pa ito sa kanya.    "Hay naku Gino, nadamay? Alam mo bang ilang beses na yan nabalita? Yung dati inaway ang isang vendor. Navideohan at kumalat sa internet, ayun... At alam mo ba na galit daw yan sa mahihirap. Kaya naisip ko nga kung totoong anak ba yan ni Senator Madrigal eh."   Galit sa mahihirap? Ganun ba talaga ang babaeng yun? Napailing si Gino. "Basta mayayaman talaga pare-pareho lang." bulong ni Gino.   "ha? Anu yun?" tanong ni Aling Marian.   "ah wala ho... Sabi ko pabili ng dos na asukal."   *****  "Mikaella, when are you going to stop this nonsense?! Pagod na pagod na ako. Palala ka ng palala." Galit na galit ang Papa nya dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Ito na kasi ang pinakamalala ng ginawa nya dahil nakulong pa talaga sya.   "Pa, hindi na po mauulit." sagot ni Mikaella. Sana madaan sa lambing ang Tatay nya dahil she really want this conversation to end.   "Sinabi mo rin sa akin yan the last time na gumawa ka ng kabalbalan. Hindi mo na nirespeto ang pangalan ko Mikaela and just so you know Mikaella, na-hospital si Wendy dahil kinulong mo raw sya sa Auditorium. Umakyat sya sa hagdan to call for help pero nahulog." Gusto pa nyang matawa sa bagong balita pero pinigilan nya ang sarili nya.   Binuksan ng Papa nya ang drawer ng table nito. Kinuha mula rito ang ibat ibang klaseng tabloid. "This... Diba when you did all these diba sabi mo di na mauulit? Bakit ngayon mas lumala ka pa?" Napatingin sya sa ibat ibang tabloid na nasa harapan nya. It’s like a collection sa sobrang dami. Ibat ibang dates with different issues.   "I gave you everything, hindi ako nagrereklamo kahit na lumalampas ka na sa credit line mo sa credit card. Hindi ako nagreklamo na sa highschool naka apat na school ka. Hindi ako nagreklamo na papalit palit tayo ng cook sa bahay dahil lang unting mali tinatanggal mo sila. And this what I got in return? Magpapakulong ka lang?! You're just 17, for heaven sake"   Ngayon lang nagalit ang Papa nya ng ganito mula ng magsimula syang magrebelde. At dati nakakasagot pa sya, pero ngayon talagang parang sobra na ang galit nito.   "Pa, I-Im really s-sorry... I’m willing to accept any punishment." alam nya ika-cut nito ang lahat ng credit cards nya. No cars, phone at school bahay lang.   "Dapat lang... And I have two punishments for you. First break up with that Ranz Midriano. Hindi kita pinalaki para bumagsak sa isang walang kwentang lalaki, walang kwenta na nga ang ginagawa mo sa buhay, tapos sya ba ang boyfriend mo."  That's fine with her. Di naman sya patay na patay sa lalaking yun. Di nya akalain na ganun kadali ang parusa ng Ama kaya palihim syang napangiti.    "And secondly..." huminga ng malalim ang Ama nya. "I even asked for you Lolos and Lolas for this, and they agreed with my decision."   Ang mga Lolo at Lola nya ay nasa ibang bansa na. Ang mga magulang ng Mommy nya ay nasa Australia na at ang sa side naman ng Papa nya ay nasa London na.   "...Pack your things at aalis ka na ng bahay na to." nanlaki ang mata nya sa sinabi ng Ama nya.   "Pardon?" nagbabakasakali si Mikaella na baka mali lang ang pagkakarinig nya.   "Pack your things, at aalis ka na sa bahay na to. Sa Masantol ka titira for two months."    "Masantol?! Pa, slum area yun, papatirahin mo ako sa squatter?!"    "Yeah, it’s a slum area. Nakahanap ako ng pwede mong tirahan doon. You will live with them, live with their lifestyle for three months."   "Pa,!! Hindi pwede... Ayaw ko." hindi na mapakali si Kaella. "P-Pa, that is against my right as a minor. Pwede kang kasuhan..."   "Mikaela, I am one of the Senators in this Country, kaya don't use that rights na sinasabi mo against me. I know better than what you have in mind. Ok? And I have to risk, matuto ka lang."    "Pa naman... I won't do it again, promise... ibang punishment nalang" pagmamakaawa nya sa Ama.    "I've made my decision, doon ka titira. Actually you left with no choice, kaya whatever it takes, magbago ka lang gagawin ko..."    "Wait wait... Was it really for me to change or was it because of the coming election? Na baka di ka manalo dahil sa akin" tanong ni Mikay.   "Of course not, this coming election has nothing to do with my decision" matugas na sagot ng Papa nya.    "You're doing this because of the election. Kapag napakita mo sa mga tao na your daughter is under discipline under your rules, ikaw nanaman ang malinis ang pangalan... You're giving me to those filthy rags sa Masantol for you to win sa Presendency mo!!!"    "Filthy rags?! Mikaella they are human like you... Like us. Mahirap sila but you don't have the right to judge them. And didn't put you in that situation without any basis, you gave me enought reason to do so!"    "No Pa!! You're selfish, you're just using me. And yung mga mahihirap na yan, sila yung mga opportunista ng bayan. Sila ang walang alam kundi magnakaw, pumatay... Dahil sa kanila I lost my Mom, dahil sa kanila I lost my Father also!!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD