Mc Ashley’s point of view: 6 am hanggang 2 pm ang Duty ko ngayon. Ako naman ang nakipag palitan ng duty dahil may usapan kami ni Hastrup sa araw na ito. Kasalukuyan akong nageendorse kay Nurse Mika nang pumasok si Hope sa Nurse station. Kita ang puyat at pagod sa nanamlay na kaibigan ko habang inaayos ang ilang mga gamot at syringe. Nang matapos akong mag endorse ay lumapit ako sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. Sa pagkakaalam ko off niya ngayon. “Hindi ko rin alam,” matamlay na sagot niya sa akin. “ang alam ko lang natutulog ako kanina dahil 3 am na ako nakauwi, tapos may tumawag sakin. The next thing I know, andito na ako.” gusto kong matawa sa itsura niya ngayon ngunit mas nangibabaw ang awa ko sa kaniya. “Ginusto mo mag Nurse ‘di ba?” nakangiting tanong

