bc

I know, he will.

book_age18+
291
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
twisted
sweet
heavy
like
intro-logo
Blurb

It takes courage to love.

Love takes sacrifices to continue and it takes endurance to stay. Love has the power to make your world go round. It has the magic to turn your agony into laughters.

However,

Love can also torment, torture and kill someone while breathing. It can make people despise being alive.

Will you still love the idea of love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1.
Archem’s point of view: My dad used to tell me “Every day is an opportunity to show love and kindness”. He always keep on reminding us to be good and gentle when it comes to all living because this world is cruel enough to make people suffer and miserable. Everyone is struggling and fighting against their own personal battle and the simplest way to help those people is to be kind and to be understanding when it comes to what they feel. Making people feel that someone understands and love them can be a great way to encourage them to go on. Life is hard to carry alone, so do your best to support others on your own simplest way. Napangiti ako sa mga ala-alang ito sa pagitan namin ng aking ama. Kung paanong sa bawat umaga ay ipinapaalala niyang maging mabuti sa kapwa. Sa kung paano niya ipinaunawa sa akin ang kahulugan at kahalagahan ng salitang kabutihan at pagmamahal pagdating sa iba. Mag-isa lamang akong anak subalit ni minsan ay hindi ko naramdamang malungkot o nag-iisa dahil may mga magulang akong hindi lamang ina at ama ang sa buhay ko’y ginampanan nila dahil nagsilbi rin silang kapatid at kaibigan sa tuwing kailangan ko sila. Sa kabila ng kakulangan nila ng oras dahil sa trabahong mayroon sila, hindi nila nakakalimutang mayroon silang anak na nangangailangan sa kanila. Ngayong isa na rin akong ganap na ama hindi ko maiwasang balikan ang mga panahong palihim akong lumilipat sa higaan ng aking ama at ina. Mga panahon kung saan pinipilit kong isiksik ang maliit kong katawan sa pagitan nilang dalawa o ang mga gabing nagkukunwari akong tulog sa sala upang buhatin ng aking ama paakyat sa sarili kong kama. Kung paano kaming maglaro ni ama kahit pa oras na nang pagtulog para sa isang bata. Kung paano ako turuan ni inang sumulat at bumasa. Kung paano sila kapursigidong alamin ang mga pagkaing nais kong kainin upang mailuto nila kahit pa kapos na sila sa oras tuwing umaga. Naalala ko pa kung paano naming ipunin ni ama ang mga laruang pinaglumaan ko na para ipamahagi sa mga batang nais ding magkaroon ng mga laruang gaya nila. Kung paanong ipaliwanag sa akin ni ina kung bakit kailangan kong ihiwalay ang mga damit kong maliit na o di kaya ay hindi na nagagamit pa upang ipamahagi sa mga batang mas higit na nangangailangan sa kanila. Mula pagka bata ay mulat na ako sa pamilyang hindi lamang nabubuhay para sa sariling pamilya dahil ang bawat nilang umaga ay laan rin para sa iba. Kaya rin pinili kong maging isang doktor, upang maging instrumento sa pagtulong sa ibang tao. Nakangiti akong nakaharap sa salamin ng kwarto naming mag-asawa habang inaayos ang suot kong Navy blue polo na pinaibabawan ko naman ng itim na coat nang kumatok ang aking panganay na anak na si Khylle. Mayroon lamang akong dalawang anak. Kambal sila, isang babae at isang lalaki. Iyon ay sina Ian Khylle at Iana Kharylle. Parehong silang nasa kolehiyo, si Khylle ay kumukuha ng kursong Architecture at Nursing naman ang anak kong si Kharylle, habang ang asawa ko namang si Krystal Arielle ay kasalukuyang guro. Mabilis na pumasok ang aking anak na si Khylle at naupo sa kama naming mag-asawa. “Dad, tomorrow is the final day. Are you in?” maligalig na tanong niya. Inaalam nito kung makakarating ba ako sa laro nila. Third year college na ito at isang kilalang baskeball player sa university nila. At sa pagkakaalam ko ay University meet ng kanilang school at final na laro nila bukas. Bilang isang magulang, kahit gaano pa ako kabusy sa Hospital, gumagawa ako ng paraan upang makadalo sa mga mahahalagang ganap sa buhay ng mga anak ko. kahit pa madalas akong nahuhuli o kaya naman kung minsan ay patapos na ang mga event kung saan sila kasali ay humahabol pa rin ako. Sa ganitong paraan ipinakita ng aking ama at ina ang pagmamahal sa akin kaya naman sinisikap kong gawin rin iyon para sa aking mga anak. Nakakatuwa bilang isang ama na aminadong may kakulangan sa oras para sa kanila dahil nauunawaan ng mga anak ko ang trabaho na mayroon kami ng kanilang ina. Kunwari pa akong nag-isip bago magsalita “Hmmm… I only watch worthy games” naghahamon kunwaring sabi ko sa kaniya kasunod nang mahinang pagtawa. Ganito kami mag-usap ng panganay ko pagdating sa mga hilig niya, barkada. “Come on dad, I’m your son remember?” nagyayabang kunwaring sagot ng aking anak. “and besides, I trust my team a lot. I know we can make it,” Hindi maipagkakailang magaling sa larangang ito si Khylle. Hindi lamang sa pag-aaral ito nakikilala dahil pinapatunayan din niya ang husay nito sa paglalaro na siya namang kinabibiliban kong tunay sa kaniya. Siya yung tipo ng manlalaro na sa tindig pa lamang ay alam mong may ibubuga na. Matangkad si Ian Khylle, perpekto ang hugis ng kaniyang mukha, may matangos na ilong, mahahabang pilik mata, makapal bagaman maayos na kilay at may natural na pagkapula ang kaniyang mga labi. Kakikitaan din ng pagkakinis at pagkamalinis ang kaniyang maputing balat. Sa malayo pa lamang ay agaw atensyon na ang aking lalaking anak. Kaya naman binasagan ito ng kaniyang mga kamag-aral ng “University heartthrob”. “Okay son, Go and carry the day!" malakas na sabi ko sabay akbay at akay sa kaniya palabas ng aming silid. "We will have one family pizza for your championship.” masayang sabi ko sa kaniya habang pababa kami ng hagdan rason upang tila magliwanag ang mukha nito.  Ganitong relasyon ang pinili kong mabuo sa pagitan namin ng mga anak ko. Kaibigan, kapatid at ama, gusto kong ako ang una nilang maisip sa tuwing nanaisin nilang magbahagi ng nararamdaman nila subalit napapanatili ang limitasyon at respeto sa relasyon namin bilang mag-aama at syempre ganoon din sa kanilang ina. “Pizza alone?” si Iana. “How about Ice Cream Dad? I think that would be great,” suhesyon niya bago humalik sa pisngi ko. “You look awesome dad,” pahabol pa nito. Hinaplos ko naman ang buhok nito bago tuluyang lumapit sa asawa ko upang batiin ito. “What do you think honey?” tanong ko sa aking asawa matapos itong yakapin at halikan sa pisngi. Kasalukuyan nitong inaayos ang upuang gagamitin ng aking ina bago ako makalapit sa kaniya. “Hmmm,” nag iisip kunwaring aniya. “how about watching movie?” masayang sabi niya habang nakayakap sa akin bago humarap sa amin ng mga anak niya na siya namang naging hudyat upang gawin ng magkapatid ang handshake na ginagawa lamang ng aming pamilya matapos tumango. “Kharylle, call your Granny, it’s time for breakfast” utos ng asawa ko sa babae naming anak bago ilagay sa lamesa ang aming magiging almusal. Mabilis namang sinunod iyon ng aking anak at makalipas nga ang ilang minuto ay kasama na niya ang aking aking ina na may magandang ngiti agad sa mga labi niya. Sa ganitong paraan niya batiin ang aming pamilya, sa paraang magaan, payapa at masaya. “Good Morning my treasures!” masaya bagaman mahinang bati niya nang makalapit sa hapag-kainan. Isa-isa naman kaming lumapit sa kaniya upang yumakap. “Good Morning Granny,” bati ng aking anak na si Khylle. “You look beautiful,” pagpupuri niya sa kaniyang lola. “Good Morning Mom!” masayang bati naman ng aking asawa. Bago iabot ang mga kobyertos na gagamitin niya sa pagkain. “Good Morning Mom, how’s your sleep?” tanong ko sa aking ina kasunod ng pag-alalay ko sa kaniya upang makaupo siya ng maayos sa kaniyang upuan. “Great son, I dreamed about your father. I’m so happy,” masayang sabi niya ngunit kakikitaan ng lungkot sa mga mata. Nanahimik ang buo kong pamilya kaya naman ako na ang nag lakas loob na magsalita. “Dad loves you so much Mom,” nakangiting sabi ko sa kaniya. “I know son, he really do,” nakangiti ring sagot niya. Nginitian naming lahat ang isa’t-isa at tuluyan na kaming nagsimulang kumain ng almusal. Gaya ng nakasanayan, naging masaya ang aming hapag, napuno ito ng tawanan at kwentuhan. Ganito namin sinisimulan ang bawat araw. Maliban na lamang kung nagkaroon ng emergency sa Hospital kung saan ako nag tatrabaho dahilan upang hindi ako makasabay sa kanila sa mga kainan. Makalipas ang ilan pang sandali ay handa na kaming lisanin ang aming tahanan. Sabay-sabay kami ng aking mga anak na pumunta sa garahe upang isakay ang aming mga gamit sa sasakyan. Maya-maya pa ay palapit na rin ang aking asawa akay ang aking ina. “You look stunning in that dress Granny!” pabungad na sabi ng aking anak na babae nang tuluyang makasakay ang kaniyang lola. Nakasuot ito ng puting dress na may mahabang manggas at may mga palamuting ibinurda sa bawat hangganan ng tela. She looks really perfect even with wrinkles on her cheeks. “Really apo? This is what I wore when your lolo proposed to me for the second time,” nakangiting kwento ng aking ina. Palihim naman akong napatawa nang maalala ang ginawa ni papa sa araw mismo ng proposal ko para sa asawa ko. “Awww. I hope I can also have a man like Dad and lolo in the future,” madamdaming sabi ng aking dalaga habang nakatingin sa taas at magkalapat ang mga palad. “You need to pray for your board exam first before that princess,” pambabara naman ng kuya niya sa kaniya na inirapan lang ng aking anak na babae. Natawa naman ang kanilang lola. “That’s right. There’s no need to rush things apo, because there is always a perfect time for everything,” nakangiting sabi ng aking ina. “Ah Ian, don’t give false hope,” paalala ng aking ina nang malingunan nitong pasimpleng tinatawanan ng kaniyang lalaking apo ang kapatid nito. Natawa naman kaming lahat dahil kitang-kita sa mga mata ni Khylle ang gulat matapos sabihin ng kanilang lola ang mga salitang iyon. Gaya nga ng nasabi ko ay magandang lalaki si Khylle kung kaya’t hindi na nakakapag taka na lapitin ito ng mga babae lalo na at laman din ito ng mga pageant contest gaya ng kapatid niyang si Kharylle. Si Kharylle ay may mas maliit kung ikukumpara sa kaniyang kuya subalit mas matangkad siya kumpara sa mga kaedaran niya. Maputi, may mahabang buhok, mapupulang labi, matangos na ilong at may mahahabang pilik mata rin si Kharylle dahil nga kambal sila ni Khylle ay hindi nagkakalayo ang kanilang itsura. “Of course Granny! lolo told me before that I should treat girls heart just like how I treat and protect my mom’s heart.” Pagbibida ng aking anak na lalaki. Napangiti naman ako habang tumatango bago magsalita. “That’s my son!” Bulalas ko bago makipag high-five sa kaniya at pare-pareho kaming nanahimik matapos nito. Maya-maya pa... “LEXIAN INTERNATIONAL SCHOOL” Narating na namin ang paaralan kung saan ang aaral ang mga anak ko. Ang eskwelahang ito ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Malaki ang paraalan na ito kung saan din nag tuturo ang aking asawa kaya naman mayroon itong iba’t-iba at mabibigat na kurso para sa mga mag-aaral na nais mag-aral dito. Bumaba na ang aking mga anak at ang aking asawa, nagpaalam muna sila sa akin bago humarap sa kanilang lola. “Bye Dad! Drive safely. Bye Granny see you later!” paalam ni Kharylle sa amin. “Take care Dad. See you later Granny. I love you both” pagpapaalam naman ng aking anak na si Khylle. “Drive carefully hon, take care of mom!” sabi naman ng aking asawa bago tuluyang bumaba ng sasakyan. “Hey kiddos! –” bago ko pa man ituloy ang sasabihin ay pinangunahan na ako ng aking pamilya. “Every day is an opportunity to show love and kindness,” sabay-sabay na anila. Napangiti naman ako at tuluyan ng binuhay ang makina. “I love you three,” sabi ko na lamang at bago pa man tuluyang makaalis ay muling nagsalita ang aking anak na si Kharylle. “Granny, tell lolo I miss him so much!’ sigaw nito bago tuluyang pumasok sa kanilang paaralan. “Makakarating apo,” mahinang bulong ng aking ina. Matapos no’n ay tuluyan na naming tinahak ang daan papunta sa Hospital kung saan ako nag tatrabaho. Parehong daan kung saan muli naming makikita at mabibisita ang aking pinakamamahal na ama. Walang perpektong pamilya, madalas itong binubuo ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan. May mga pagkakataon rin na gugustuhin mo na lang lumisan sa inyong tahanan. Subalit pagkatapos ng araw, sila at sila rin ang gusto mong uwian. Sa pamilya mo rin gustong ibahagi ang bawat mong tagumpay. Sa kanila mo rin nais yumakap sa tuwing nakakaranas ng panlulupaypay. At kahit gaano man kasakit at kahirap ang buhay, may pamilya kang kaagapay, sila ang pinakamabisang gamot sa anumang uri ng lumbay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook