Mc Ashley's point of view:
Maingat kong inilabas sa aming lumang aparador ang bistidang suot ko nuong araw na inaya ako ni Hastrup magpakasal sa pangalawang pagkakataon. Matagal ko itong pinakatitigan, bawat bahagi ng kasuotang ito ay tila nagpapalalala ng mga masasayang kaganapan sa pagitan namin ng aking asawa nuong kabataan. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko, kung maari lamang sanang ibalik ang mga nag daang panahon.
Inilapag ko ang bistida sa ibabaw ng kama naming mag-asawa. Nakangiti ko pa rin itong pinagmamasdan ng biglang may kumatok sa pintuan ng aming silid. Maya-maya pa...
“Granny, good morning. Breakfast time,” nakangiting pumasok ang apo kong si Kharylle. Walang kupas ang kabaitan at kagandahan ng batang ito.
Nakangiti akong tumango at dahan-dahang naglakad patungo sa kaniya. Maingat naman niya akong inalalayan palabas at inakay papunta sa hapagkainan ng aming pamilya.
“Good morning my treasures!” nakangiting bati ko sa kanila. Isa-isa naman silang tumugon bago magpatuloy sa kanilang ginagawa bago ako dumating.
Napakagandang pamilya, ganyang klase ng pamilya ang piniling buuin ng aking anak na si Archem. Bilang kaniyang magulang masaya ako para sa kaniya. Ang pamilyang ito ang patunay na nag tagumpay kami ng aking asawa sa pagpapalaki sa aming nag-iisang anak. Nakakataba ng puso dahil nakikita ko sa bawat ngiti, halakhak at asaran ng pamilyang ito ang pagmamahal, ang pagmamalasakit at pagkakaunawaan. Panatag akong sa oras na lilisanin ko ang mundong ito ay may masasandalan ang pamilyang ito, at iyon ay ang bawat isa sa kanilang miyembro. Masaya akong pinagmamasdan sila, sa mga ganitong oras ko pansamantalagang nakakalimutan ang pangungulila sa aking mahal na asawa.
Matapos mag agahan ay inihatid na ako ng aking apong babae sa aking silid upang ako’y makapag bihis na. Nilingon ko pa muna ang kalendaryong nasa ibabaw ng study table sa tabi ng aking kama, June 9. Parehong petsa kung kailan ako inaya ng aking asawa magpakasal sa pangalawang pagkakataon. Nagbihis ako ng may galak sa puso dahil muli kong bibisitahin ang aking asawa. Makalipas nga ang ilang sandali ay handa na ako at lumabas na ng silid. Naratnan ko ang aking manugang na si Krystal na kasalukuyang nakaupo sa aming sala.
“Are you ready mom?” malambing na tanong nya. Napaka palad ng anak ko sapagkat nakatagpo siya ng babaeng singanda at singbait ng batang ito.
“More than ready,” nakangiting sagot ko. Nakangiting tumango naman ito bago niya ako akayin palabas ng aming tahanan matapos masiguradong nasa ligtas ng kondisyon ang lahat ng gamit sa loob.
Naratnan namin ang mga bata kasama ng kanilang ama na kasalukuyang iniaayos ang aming mga gamit sa loob ng sasakyan. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nag salita ang aking apong si Kharylle.
“You look stunning in that dress Granny!” Napangiti ako sa sinabi ng aking apo. Ganyan rin ang sinabi ng kaniyang lolo nuon nang makita akong suot ang bistidang ito.
“Really apo? This is what I wore when your lolo proposed to me for the second time,” pagkukwento ko pa sa kaniya. Hindi maiwasang balikan ang araw na iyon sa pagitan naming mag-asawa.
“Awww. I hope I can also have a man like Dad and lolo in the future,” muling sabi ng dalagita kong apo na siya namang kaagad na kinontra ng kaniyang nakatatandanag kapatid.
Natawa pa muna ako sa kanilang dalawa bago binigyan ng mga paalalang naayon sa kanilang edad at sitwasyon. Makalipas ang ilang sandali ay narating na namin ang kanilang paaralan.
Nagpaalam pa muna ang mga bata at si Krystal sa ama ng kanilang tahanan bago tuluyang mag paalam sa akin. Napakababait na mga bata, bulong ko sa sarili. Matapos ng pagpapalam at pagpapaalala ay muling binuhay na ng aking anak ang makina ng sasakyan upang kami ay makaalis na. Subalit bago kami tuluyang makaalis ay muling nag salita ang aking apong si Kharylle.
“Granny, tell lolo I miss him so much!” sigaw nya. Bahagya akong napahinto at napa-isip sa sinabi ng aking apo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniyang lolo ang salitang nais niya iparating.
“Makakarating apo,” mahinang bulong ko na lamang sa aking sarili na para bang maririnig ito ng aking apo. Nakita ko pa ang pasimpleng paglingon sa akin ng aking anak na si Archem mula sa salamin na nasa kaniyang harapan.
Tahimik na tinahak namin ang daan patungo sa Hospital na pinagtatarabahuan ng doktor na anak kong si Archem. Parehong daan patungo sa lugar kung saan ko makikita ang aking asawang si Hastrup. Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga berdeng kulay ng mga puno at halaman. Maging ang bughaw na kulay ng kalangitan at malamig na hampas ng hangin habang nasa daan. Kay ganda ng araw, nakakagaan ng pakiramdam sa kabila ng kalungkutang pilit kong nilalabanan.
“HOSEOK’S HOSPITAL”
Makalipas ang mahabang oras ay narating na namin ang aming destinasyon. Ang gusali na ito ay nahahati sa dalawa. Ang unang bahagi ay ang Hospital kung saan nag tatrabaho ang aking anak. Pampubliko ang hospital na ito kaya naman hindi basehan ang estado sa buhay bilang kwalipikasyon para sa mga pasyente rito. Ang kabilang bahagi naman ay ang home for elderly. Kabaliktaran sa pagkakaunawa at pagkakaalam ng karamihan, ang mga taong dinadala sa pasilidad na ito ay hindi inabanduna ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa katotohanan nga nito, ang karamihan sa mga pasyenteng naririto ay mga wala ng pamilya ngunit hindi inabanduna. Karamihan sa kanila ay yung mga tumanda na sa kalsada o di kaya naman ay wala ng nakikilalang pamilya. Kung ang pasyente naman ay mayroon pang pamilya, sila ay binigyan ng pagkakataong tumulong sa pag-aalaga sa kanilang mahal sa buhay na narito sa tuwing sila ay bibisita. Malapit sa puso ko ang lugar na ito lalo na ang mga residente, pasyente, mga nurses at doctor. Kaya naman sa tuwing pupunta ako rito ay halos kilala ako ng lahat. Idagdag pa natin na ang anak ko ay isa sa mga doctor nila rito.
Mula sa bintana ng sasakyan ay tinanaw ko pa muna ang b****a ng gusali, napaka payapa at tahimik. Mukhang walang problemang dalahin ang mga pamilya ng mga pasyente. Naunang bumaba si Archem, inilagay sa kaniyang likuran ang kaniyang bag at hinawakan naman niya sa kaniyang kanang kamay ang bag ko bago tuluyang umikot upang pagbuksan ako ng pinto. Nginitan ko pa muna ang aking anak bago tanggapin ang nakalahad niyang kamay.
Akay-akay niya ako papasok ng Hospital. Kabikabilaan ang pagbati sa amin ng aking anak at bukal sa puso naman namin iyong tinutugunan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang Nurse station ng Hospital.
“Good morning Doc Arc! Good morning Nurse Mc!” bati sa amin ng bagong dating na Nurse. Kagagaling lang marahil nito sa ward dahil na rin sa chart na hawak niya.
“Nurse Abby, matagal na akong nag ritiro sa pag Nunurse kaya wag mo na ako tawagin ng Nurse. Okay na sa ‘kin ang Mrs. Buenaventura gaya ng tawag sa akin ng mga kasamahan ninyo rito,” mahabang sabi ko kay Nurse Abby. Sinugardo ko ang lumanay sa aking pananalita upang hindi niya isiping pinagagalitan ko siya.
Gaya nang nasabi ko kanina malapit sa akin ang lugar na ito dahil na rin sa mahigit 30 years kong pagtatrabaho sa Hospital na ito bilang isang Head Nurse. Sa tagal ko rito marami na akong nasaksihang kaganapan. Sa buhay man ng mga empleyado o sa buhay ng mga pasyente at kanilang pamilya. Hindi madali ang buhay ng mga katulad naming nagtatrabaho sa isang Hospital. Nariyan ang pakiramdam na kasalanan mo kung may isang buhay na mawawala sa mga kamay mo, pakiramdam na halos ayaw mo na muling pumasok sa tuwing mawawala ang pasyenteng napalapit sa iyo at ang pakiramdam na gusto mong saktan ang sarili mo sa tuwing wala kang magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng ibang tao.
“Sundin mo na lang si mommy Nurse Abby, gusto lang talaga niyan na makagraduate sa pagiging Nurse niya,” tatawa-tawang sabi naman ng aking anak.
“Noted Doc. See you around Mrs. Buenaventura!” sabi ni Nurse Abby sabay kaway bago tuluyang mag paalam upang daluhan ang bagong dating na pasyente. Ngumiti naman ako sa kaniya at kumaway pabalik.
“How’s our patients Nurse Anne?” rinig kong tanong ng aking anak sa Nurse na kausap niya. Saglit pa silang nag palitan ng salita bago tuluyang humarap sa akin ang aking anak.
“Are you ready mom?” nakangiting tanong sa akin ni Archem. Laging ganito ang tanong ng aking anak sa tuwing narito kami sa Hospital. Lagi ko naman siyang binigyan ng kasiguraduhan sa pamamagitan ng pag ngiti at pag tango sa kaniya.
“Okay, then let’s go,” nakangiting aniya at inakay ako papunta sa kabilang bahagi ng hospital. Patungo kami ngayon sa malawak na hardin ng lugar na ito. Dito kadalasang namamalagi ang mga residente ng home of elderly. Palinga-linga at dahan-dahan ngunit siguradong paghakbang, sa ganiyang paraan ko tinahak ang daan patungo sa malawak na hardin. Maya-maya pa…
“Oh! Magandang umaga Doc Archem! Napaka guwapo mong pagmasdan sa iyong kasuotan,” isang matandang lalaki ang masayang sumalubong sa aking anak.
Napakasaya ng aking anak habang kausap ang lalaki, hindi ko maiwasang titigan silang dalawa habang tumatawa. Saglit pa silang nag-usap bago ako ayain ni Archem na maupo sa isang bench malapit sa amin. Naiwan naman ang aking paningin sa taong kausap niya, nginitian muna ako nito bago tuluyang mag lakad palayo sa amin.
Mahirap taguan ang multo ng nakaraan, ang mga bakas at anino nito ay sabay mong gugustuhin at katatakutan. At kahit gaano man ito nag dudulot ng lungkot at kapighatian, kadalasan sila pa rin ang gugustuhin mong balikan. May mga kaganapan sa nakaraan ang masarap balikan, mga kaganapang minsang naging sanhi ng ating kasiyahan. Subalit isa rin sila sa maari nating maging pinaka mabigat na kalaban. Dahil ang mga ito ang kadalasang nagiging rason ng kalungkutan sa kasalukuyan.