Chapter 3.

1687 Words
Mc Ashley's point of view: 57 years ago... Bagong umaga, bagong pag-asa. Panibagong araw na naman ang kailangang tapusin nang masaya. Para sa akin ang bawat ay araw ay pagkakataon para baguhin ang isang sitwasyon. Kaya naman araw-araw sinisikap kong baguhin ang buhay na mayroon ako at ng pamilya ko. Hindi kami mayaman, Construction worker lang si papa habang si mama naman ay nakikilabada paminsan minsan pero kadalasan ay nasa bahay lang siya. Dalawa lamang kaming mag kapatid at parehong nasa kolehiyo. Fourth year college na ako habang ang kapatid kong si Erika naman ay nasa First year. Journalism ang kinukuha nitong kurso habang Nursing naman ang kurso ko. Dahil pareho kaming nasa kolehiyo ay hirap sila mama na pag-aralin kami nang sabay. Kaya naman bilang pagtulong, nag tatrabaho rin kami ng kapatid ko bilang pangsuporta sa pamilya. Isa siyang manunulat, dito nakakatanggap siya ng halaga bilang bayad sa mga naisusulat niyang libro habang ako naman ay isang tourist guide tuwing sabado at linggo o kaya naman ay kung bakante ang oras ng klase. Malapit lamang ang aming paaralan sa aming munisipyo kung saan ako nag tatrabaho kaya naman mabilis lamang akong nakakabalik sa eskwelahan pagkatapos ng trabaho. Ngayon ay araw ng sabado kaya naman maaga akong nagising at nag handa para pumasok sa trabaho. Medyo nahihilo ako dahil na rin siguro sa kakulangan ng aking tulog. Nalalapit na kasi ang aming midterm exams kaya’t kailangan kong mag-aral ng doble. Idagdag mo pa rito ang duty ko sa Hospital mula alas-tres ng hapon hanggang alasiete ng gabi. Dahil nasa fourt year na ako ay kinakailangan na naming mag duty sa hospital bilang mga student Nurses. Sa ganitong paraan kami sinasanay at inihahanda para sa trabahong napili naming gampanan. Sa kabila ng hindi maayos na pakiramdam ay pinilit ko pa ring bumangon at iayos ang aking mga dadalhin sa aking trabahao bago tuluyang lumabas ng aking silid. Sa labas ay naratnan ko ang aking kapatid kasama ng aming ina habang naghahanda ng almusal. “Oh kumain ka muna bago ka umalis Mc dahil baka kung mapa’no ka sa labas napakainit pa naman ng panahon,” mahabang sabi ng aking ina nang malingunan niya akong palabas sa pintuan ng aking kwarto. “Of course ma! papalampasin ko ba naman luto mo?” pambobola ko pa sa kaniya bago tumungo sa lalagyan ng mga plato upang tulungan ang kapatid kong nag lalagay ng mga gagamitin sa hapag. Natawa nalamang si mama sa naging sagot ko. “Oy Kang-kang exam na, nahaharap mo pa bang mag review?” tanong ko sa aking kapatid habang sabay naming kinukuha ang mga pagkaing ilalagay sa mesa. “Kinakaya naman pero pakiramdam ko kinakapos ako ng oras,” laylay ang balikat na tugon ng kapatid ko. Gusto kong maawa sa kaniya, alam kong mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho lalo pa sa sitwasyon niya pero hangga’t maari ay ayoko ‘yon ipakita sa kaniya. “Kaya mo ‘yan, mana ka kaya sa ‘kin,” pang aalo ko sa kaniya sabay gulo sa kaniyang buhok matapos kong ibaba ang uulamin namin sa aming mesa. “Sus ate mas maganda nga ako sa ‘yo,” pagyayabang naman niya. Tinawanan ko na lamang siya ng bahagya pero totoo ang sinabi niya. Mas maganda talaga siya sa akin. Mas maliit lamang siya kung ikukumpara sa akin ngunit may mas maputi siyang balat. Mapupungay ang kulay tsokolate niyang mga mata, matangos ang kaniyang ilong at perpekto ang hugis ng kaniyang mga labi. Kung tititigan mo siya’y makikita mo kung gaano nagkatugma-tugma ang mga parte ng kaniyang mukha. Hindi lang siya maganda dahil matalino rin siya. Yun nga lang ay hindi siya magaling makisalamuha sa iba. Mas gusto niyang mag-isa, ang magsulat kaysa ang makipag kuwentuhan sa iba. Siyempre sa amin iba, dahil madaldal siya sa harap namin nila mama. Hindi siya nauubusan ng sasabihin, lagi siyang may napapansin. Nakaupo na kami nang mapansin kong wala si papa. “Ma, nasaan si papa?” tanong ko sa aking ina. Alasais pa lang ng umaga kaya naman sana ay narito pa ang aking ama dahil alas-otso pa ang pasok niya sa trabaho. “Ah, maaga silang pumasok dahil hanggang alasdos lang daw ang trabaho nila ngayon,” paliwanag naman ng aking ina bago tuluyang pangunahan ang panalangin para sa aming magiging agahan. Pritong itlog, tuyo at nilagang talbos ng kamote na pinaibabawan ng itlog maalat ang nakahain sa amin. Simple lamang ang mga pagkaing ito pero para sa pamilya namin isa pa rin itong pagpapala. Simpleng buhay man ang mayroon kami, masaya ako. Tumango na lamang ako sa sinabi ng aking ina at kumain na. Makalipas ang halos kalahating oras ay nag simula na akong magligpit ng pinagkainan at ang kapatid ko naman ay kataka-takang naligo ng ganitong kaaga gayong sabado ngayon. “Lalabas daw ang kapatid mo para mag pirma ng panibagong kontrata,” walang ano-ano’y sabi ng aking ina habang inahahanda nito ang kakainin ng aming pusa. Ibig sabihin nito ay panibagong libro na naman ang susulatin ng aking kapatid. “Talaga ma? I’m a proud ate!” masayang sagot ko sa aking ina. Totoo, sobrang proud ako sa kapatid ko. Sa mura niyang edad ay nakakasulat na ito ng mga libro, alam kong magiging sikat na manunulat ito. Nagkwentuhan pa muna kami ni mama habang naghuhugas ako ng pinggan. Matapos ko ay inayos ko na ang aking sarili bago tuluyang pumasok sa trabaho. Bilang isang tourist guide ay kailangan kong maging presentable tignan. Palabas na ako ng bahay matapos kong mag paalam kay mama nang makasalubong ko ang aking kapatid sa pintuan. Nagsampay ata ito ng kaniyang tuwalya sa labas. “Hoy chaka, Congrats sa bagong kontrata! You’ll do great!” masayang pagbati ko sa aking kapatid matapos ay ginulo ko ang kaniyang buhok. Sinimangutan naman niya ako. “Dahil diyan may regalo ka sa akin, nilagay ko sa ibabaw ng study table mo,” muling sabi ko sa kaniya at kitang-kita ang saya sa nanlalaki niyang mga mata. “Hoy salamat, you’re the best!” sigaw pa nito sa akin dahil nag simula na akong maglakad palayo sa kaniya kaya naman nagkaroon na kami ng distansya sa isa’t-isa. Tatawa-tawa ako habang naglalakad palayo sa aming bakuran upang maghanap ng tricycle dahil isang Twin pack ng Kopiko Blanca lang naman ang regalong tinutukoy ko. Alam kong sisimangot ang batang ‘yon ngunit alam kong hindi niya tatanggihan dahil mukha siyang kape. Hindi ata ‘yon papayag na matapos ang araw ng hindi siya nakakainom ng kape. Hayst, tuleg tapos magrereklamo bakit hindi makatulog agad sa gabi. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa munisipyo ng aming bayan, “Manaoag Municipal Hall”. Dito ako magtatime in bilang patunay na pumasok ako ngayong araw. Bago tuluyang pumasok sa loob ay sinipat ko pa muna ang sarili ko gamit ang pintuan ng isang opisina sa bungad ng munisipyong ito dahil gawa ito sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng puting off shoulder na bulaklaking bistida na pinaresan ko naman ng kulay puti ring sneakers. Hindi ako mahilig gumamit ng hills kaya naman karamihan sa sapatos ko ay rubber shoes. Nabigyang diin ng kasuotang ito ang aking tangkad at hubog ng aking katawan. Nakalabas rin ang maliit na bahagi ng aking dibdib ngunit hindi bastos tignan dahil na rin sa collar bone kong lumitaw dahil na rin sa off shoulder na disenyo ng suot ko. Hindi rin ako mahilig mag make up dahil nangangati ang mukha ko. Sapat na sa akin ang simpleng ayos dahil nadadala naman iyon ng matangos kong ilong, natural na pagkapula ng aking labi, kulay tsokolateng mga mata, makakapal ngunit maayos na kilay at maging ng makakapal kong pilik mata. Kinindatan ko pa ang aking sarili bago tuluyang maglakad papasok ng municipal hall. Pagpasok sa loob ay nakita ko ang aking kaibigan na si Hope. Nakapila ito para sa time in machine. “Hoy ang ganda mo naman ngayon! Sabi ko dapat ako ang laging mas maganda saiyo,” nakasimangot kunwari na aniya. Natawa naman ako sa sinabi nya. Maganda rin si Hope, Pilipinang-pilipina ang uri ng ganda na mayroon siya. Morena ang kaniyang balat at perpekto ang hugis ng kaniyang mukha, maging ang hugis ng kaniyang katawan ay hindi rin maipagkakaila ang ganda nito. Kung may kapatid nga akong lalaki ay ilalakad ko ito sa kaniya. Hindi, itatakbo ko na lang pala para mas mabilis. “Ang ingay mo ang aga-aga,” sabi ko na lamang sa kaniya. Kunwari ay hindi pinansin ang sinabi niya. Inirapan naman niya ako bago humalukipkip. Tumabi ako sa kaniya at bahagyang isinandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakapila, nahihilo pa rin talaga ako. Maya-maya pa ay natapos na kaming mag time in. Papunta na kami ngayon sa iba’t-ibang grupo ng turista upang simulan ang aming trabaho. “Hoy babae saan ka ngayon?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Hope. Siya lang naman may lakas ng loob tawagin ako ng “Hoy” bago sabihin ang pakay niya. “Wala kang pakialam,” pagsusungit ko kunwari sa kaniya ngunit kalaunan ay sinagot ko rin naman ang tanong nya. Dito lang ako ngayon sa aming mismong bayan. Lilibutin namin ang buong Simbahan ng Manaoag, ang buong campo ng mga sundalo at maging ang Bubon birhen kung tawagin. May permit ang aming Organisasyon kaya naman pinapayagan kaming pasukin at libutin ang mga nasabing lugar. Nagpaalam na kami ni Hope sa isa’t-isa dahil magkaiba kami ng lugar na pupuntahan kaya naman nagsimula na akong maglakad papunta sa grupo ng mga tao kung saan ako ang magiging guide. Huminga ako ng malalim at ngumiti habang papalapit sa mga ito. Simula na naman ng panibagong araw ng paglalakbay at pagkatuto... Sa bawat paghakbang palabas ng tahanan ay sugal para sa karamihan. Hindi alam kung aling daan ang pipiliing lakaran. Hindi matukoy kung aling direksyon ang dapat puntahan. Hindi alam kung paanong makababalik sa tahanan ng hindi sugatan. Subalit sa kabila ng kawalang direksyon at ideya. Buong lakas na inihakbang ang mga paa, hindi alintana ang anumang panganib na nagbabanta. Ganiyan ang buhay ng mga taong tapang ang sandata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD