Mc Ashley’s point of view:
Mabilis kong nilakad ang distansya sa pagitan ko at ng grupo ng mga taong igaguide ko sa araw na ito. Pinanatili ko ang ngiti sa aking mga labi, siniguradong hindi mararamdaman ng mga bisitang ito ang anumang uri ng pagkailang at pagkahiya.
“Good Morning Everyone! I am Mc Ashley Ruz Conserman, and I will be your tour guide for today’s new learning and discoveries.” pakilala ko sa grupo ng mga bisita. Kitang-kita ang excitement sa mga mata ng mga taong ito habang pumapalakpak. Isa sa mga dahilan kung bakit lagi akong ganado sa tuwing mag tatrabaho, masarap sa pakiramdam kapag alam mong nakakapagbahagi ka ng kaalaman sa mga taong gustong matuto.
Isa-isang nag ngitian at bumati pabalik ang mga taong kaharap ko. Mula sa kanilang mga pisikal na katawan at pananalita, malalaman mong ilan sa kanila ay mula sa ibang bansa. Kilala ang aming lugar kung kaya’t hindi na kataka-taka na may mga dayuhan. Makalipas ang ilang minuto ng batian at paghahanda ay inaya ko na sila papunta sa aming magiging sasakyan upang masimulan na ang aming tour.
Tatlong kilalang lugar lamang ang aming pupuntahan sa araw na ito dahil iyon lamang ang kasama sa ticket na binili nila kabilang nga ang kilalang Our lady of the most Holy Rosary of Manaoag. Kilala ang simbahang ito sa aming lugar lalo na sa mga katolikong deboto.
Nang makarating kami sa sasakyan at nag-umpisang umusad patungo sa aming unang destinasyon ay sinimulan ko na rin ang pagpapakilala sa aming lugar. Huminga muna ako ng malalim bago mag salita.
“Welcome to our humble town everyone!” panimula ko. Mabilis naman na umayos sa upuan ang mga bisita at itinutok ang kanilang atensyon sa akin. Lalo naman akong ginanahan mag salita at mag patuloy.
“This four-century old Municipality of Manaoag was formerly called “Sapang” during the occupancy of the Augustinians, an important religious event occurred that pilgrimage became the etymological beginning of what is now called Manaoag,” pagkukwento ko sa naging kasaysayan ng sarili naming lugar.
“The Municipality of Manaoag progressed rapidly and in 1642, it became a regular pueblo or town under the Spanish Colonial Government. The first Captain was Don G. Finuliar, a civic leader of Manaoag. The local Government operated under the encomienda system, although decree prohibiting the enforcement of this type of system was issued by the king of Spain in 1574. And Despite efforts by the governor to implement the king’s order, the system continued for the purpose of tax collection until it was abolished a century later,” mahabang sabi ko bilang pagpapatuloy. Tutok na tutok ang mga bisita sa pakikinig habang kami ay nasa biyahe.
Nag patuloy ako sa pagpapakilala ng aming lugar mula sa kaniyang kasaysayan hanggang sa mga tagumpay nito sa kasalukuyan. Maya-maya pa ay narating na namin ang aming unang destinasyon. Kita ang pagkamangha sa mata ng mga bisita. Pagbaba pa lamang nila mula sa aming sasakyan ay iba’t-ibang mga salita na ng pagkamangha ang aking narinig. Sino nga namang hindi mamamangha sa lugar na ito? Puno ng mga berdeng kulay mula sa mga puno at halaman ang lugar. Napapaligiran din ng makukulay na bulaklak ang daan paakyat sa tinatawag na Bubon birhen. Nagkalat ang mga imahe ng mga santo sa paligid. Maging ang imahe ng inang birheng Maria at ang kaniyang anak na si Jesus.
Saglit ko pang ninamnam ang lamig ng hangin at ganda ng paligid habang hinahayaan ang mga bisitang kumuha ng larawan sa lugar. Sinabi ko sa mga ito na ipagpatuloy ang paglalakad hanggang sa umabot kaming lahat sa taas. Pinangunahan ko ang nasabing pag akyat bilang kanilang guide. Nang marating namin ang tuktok ay sinimulan ko ng ibahagi ang hiwaga ng nasabing lugar.
“This place is called Bubon birhen or Virgin Mary’s well,” panimula ko. “although the place is on elevated portion of a hill, the water of the well does not dry up even on dry months of the year. That is why they call this as a miraculous well of virgin Mary,” pagpapatuloy ko. Ang mga bisita naman ay isa-isang pumalibot sa tinutukoy kong balon upang silipin ang loob nito.
“Maraming mga tao ang nagpapatunay na mapanghimala raw ang balon na ito. Marami sa kanila ang nagsasabing minsan na silang napagaling ng tubig mula rito,” pagkukwento ko pa sa kanila.
“Paano ka nakasisigurong ang tubig nga mula rito ang nakapag pagaling sa kanila?” walang ano-ano’y tanong ng isang lalaki mula sa likuran. Walang ibang nagsasalita sa mga oras na iyon bukod sa akin kung kaya’t sabay-sabay nilingon ng mga bisita ang pinag mulan ng tanong na iyon.
Diretsong nakatingin sa akin ang lalaking nag tanong. Hindi alintana ang ibang mga matang nakatuon sa kaniya. Nag simula ng umugong ang bulungan sa paligid kaya naman ngumiti muna ako at huminga ng malalim bago muling magsalita. Nakakapag takang nakakainsulto ang tanong niya subalit napanatili ng kaniyang paraan ng pagtatanong ang respeto.
“Bilang isang mananampalataya at naniniwala sa mga himalang kayang gawin ng aking sinasampalatayanan, sapat na ang mga patutuong ito para maniwala,” gulat man sa tanong niya ay diretso at nakangiting sagot ko sa kaniya.
“Wala rin naman silang mapapala kung magsisinungaling sila hindi ba? Sa katunayan nga ay karamihan sa kanila ay mula pa sa malalayong lugar. Wala silang makukuhang benepisyo dahil hindi naman sila tagarito.” pagpapatuloy ko.
“Ngunit hindi pa rin sapat ang mga salita bilang patunay na nawala nga ang sakit nila,” muling sabi niya. Unti-unti ng nabubuhay ang pagka irita sa aking pakiramdam. Sa pananalita ng taong ito ay para na rin niyang pinapatay ang pag-asa ng mga taong naniniwala sa lugar na ito.
“Faith is the foundation of miracles, sir. Mailap ang ganitong pagkakataon sa mga taong kulang ang paniniwala at puno ng pagdadalawang-isip,” nakangiti pa ring sabi ko ngunit may diin.
Tumango na lamang ang lalaki at nanahimik. Kaya naman ipinag patuloy na namin ang aming pag lalakbay at hindi na kami nakapag-usap pang muli ng lalaki.
Mabilis na lumipas ang oras at kami na ngayon ay nasa aming huling destinasyon, Our Lady of the most Holy Rosary of Manaoag. Nakangiti kong pinagmasdan ang kabuuan ng simbahan. Buong pagmamalaki kong inanyayahan ang mga bisita papasok sa loob ng nasabing simbahan.
“The history of this church began with an account farmer walking home after tilling the land. The farmer, tired, but with a heart wholly submitted to the lord, saw a blinding bright light and heard a woman with a sweet voice calling to him from the woody place above the Baloking creek, He turned his head toward the direction from where he had heard the voice calling him and saw the image of the Virgin and her son in rich and brilliant attires standing on the branch of molave tree,” mahabang k’wento ko sa mga bisita. Patuloy naman ang kanilang pagkuha ng litrato at ang ilan pa sa kanila ay nagsusulat ngunit makikita pa rin ang kanilang atensyon habang patuloy kami sa paglalakad.
“The name Manaoag is given to the place where the apparition of the Virgin Mary occurred. Our lady of Manaoag is thus known as “The Virgin Mary who call”. The construction of this church was started in the year 1702. It was a permanent structure of brick and hardwood and was considered at the time an architectural achievement. The inauguration of the church took place when the miraculous image of the Virgin of the Holy Rosary of Manaoag was fittingly enthroned in her new shrine. The image of the Virgin Mary was brought to the Philippines from Mexico in 16-005 by the Dominicans and a church was constructed where it is said the Virgin wanted her shrine erected. This account appears in the book of records of the Dominican order in the province of Pangasinan,” pagpapatuloy ko habang naglalakad kami papalapit sa altar ng simbahan. Hinayaan ko muna silang manalangin nang marating namin ang altar.
Inilibot ko ang aking paningin sa lugar nang mapansin ko ang lalaking nagtanong kanina na nakatitig lamang sa imahe ng Birheng Maria. Tila sinisipat nito ang bawat bahagi ng imahe. Maya-maya pa ay nag-umpisa ng umikot ang kaniyang paningin, tila pinag aaralan naman nito ngayon ang istraktura ng lugar.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya kung kaya’t nagawa kong pag-aralan ang kabuuan niya. May itsura, hindi ko alam subalit iyan agad ang mga salitang pumasok sa aking isipan. Makikita sa kutis nitong mula ito sa mayamang angkan. Makinis at maputi ang kaniyang balat, matangos ang kaniyang ilong, makapal rin ang kaniyang kilay at may mahahabang pilik mata. Nakakaakit ang mapupula niyang labi at tikas ng kaniyang tindig kahit pa nakaupo siya. Lalaking-lalaki ang prente ng kaniyang pagkakaupo.
Ramdam ko pa rin ang pagtitig sa binata nang maramdaman ko ang maliliit na daliring kumakalabit sa aking kanang kamay. Isang batang babae ang nakita kong nakatitig sa akin ng may pagtataka.
Napakainosente niyang pagmasdan. Naksuot siya ngayon ng isang kulay pink na dress at may parehong kulay sa suot niyang bonnet. Mayroon siyang makikintab na bilugang mga mata mahahabang pilikmata. Mapupula ang hugis puso niyang mga labi.
“Ate, are they chicken with half human blood?” tanong ng bata sa akin sabay turo sa imahe ng mga angel na nakapinta sa itaas na bahagi ng simbahan.
Sa aking palagay ay nasa tatlo hanggang apat na taong gulang ang edad. Natawa ako sa tanong niya. Hindi ko alam bakit tila hindi ito pamilyar sa itsura ng mga anghel gayong mukha itong mayaman.
“No baby, they are the angels of God. They are also our guardian angels,” nakangiting sagot ko sa kaniya. Tila nagliwanag naman ang singkit niyang mga mata.
“I knew it, they are angels!” muling sabi niya bago muling mag salita. “My older brother told me that they are chicken with a half human blood po,” bulong nito sabay lingon sa batang lalaking nasa bandang harapan kasama ng kanila yatang ama.
Bahagya akong natawa sa batang babae sabay pisil sa kaniyang malambot na pisngi, nakakagigil. Bago ko ibalik sa harapan ang aking pangin ay naramdaman ko ang isang pares ng matang nakatingin sa akin. Dali-dali ko itong hinanap at nag tama ang aming paningin. Kakaiba ang kulay ng kaniyang mga mata, tila itong pinaghalong abo at tsokolate. Nauna akong nag-iwas ng tingin bago tuluyang ayain ang mga turistang magpatuloy sa aming pag iikot sa loob ng simbahan.
Mabilis na lumipas ang oras kaya naman tuluyan ng natapos ang aming paglalakbay para sa araw na ito. Nagpaalam at nagpasalamat ako sa mga turista matapos silang ihatid sa aming munisipyo upang iberipa na kompleto at ligtas na nakabalik ang mga bisita mula sa tour. Bago tuluyang umalis ay nag-iwan ako ng maikling kataga para sa mga bisita.
“Ang nakaraan ay karugtong ng kasalukuyan kaya naman gawin mong makabuluhan ang ngayon para sa masayang bukas,” nakangiting sabi ko sa kanila bago kumaway at tumalikod. Subalit hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay may humila sa laylayan ng suot kong dress kaya naman mabilis akong napahinto.
“Ate, keep this and remember me always,” maamong aniya. “Keep this as a reminder that once in your life, you gave hope to an unhopeful one,” dugtong na sabi ng batang babaeng kausap ko kanina sa loob ng simbahan bago iabot sa akin ang isang keychain na may manipis na puso.
Bago pa man ako makasagot ay tuluyan na itong tumakbo palayo pabalik sa kaniyang pamilya. Subalit bago pa man niya maabot ang kamay ng kaniyang nakaabang na ina ay may isa pang bata ang nakabangga sa kaniya, nahulog ang suot niyang bonnet. Kasunod nito ay tumambad ang ulo niyang wala ng buhok. Mabilis na kinuha ng kaniyang ina ang kaniyang bonet at isinuot ‘yon pabalik sa ulo ng bata. Niyakap ng ina ang kaniyang anak, kitang-kita ang gulat sa mga taong nakakita ngunit isang magandang ngiti ang isinukli ng bata sa kanila.
Hindi ko inaasahang ang bagay na iyon, napaka sigla at masayahin niyang bata. Nakita ko iyon sa maikling oras na nakausap ko siya. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot, unti-unting nanginig ang mga kamay ko, nanlalambot ang mga tuhod ko at unt-unti ring lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nag babadya. Gusto kong yakapin ang bata at mag pasalamat sa kaniya.
“I’ll keep this forever. Please remember that for once, you changed someone’s life,” bulong ko sa aking sarili. Umaasang maririnig ng batang babae ang mga salitang sinabi ko.
Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang laban, may mga laban na matagumpay na nalalampasan. At may mga laban na pinipili na lamang sukuan. Pagsuko na pinakakinakatakutan ng karamihan, tila nalimutan ang kagandahan ng nasabing pagsuko at kabiguan. At iyon ang ang pag-asang panibagong laban ang maaring simulan at mapagtagumpayan.