Mc Ashley's point of view:
Malungkot na pinunasan ko ang bakas ng ilang patak ng luha sa aking pisngi. Matapos nito ay huminga ako ng malalim at pilit ibinalik ang sigla sa aking sarili.
“This is how life works, Ash.” bulong ko sa aking sarili bago tuluyang maglakad papunta sa mapunong bahagi ng aming plaza.
Pagkatapos ng trabaho at may oras pa ay dito ko pinipiling magpahinga. Maraming tao sa lugar na ito subalit may bahagi rito na hindi na naabot ng tao at duon ko pinipiling magpahinga. May isang maliit na lamesa na napaliligiran ng apat na upuan ang nasa ilalim ng puno ng isang Nara sa likod na bahagi nitong plaza. Dito ko rin madalas na antayin si Hope kapag may usapan kaming magkita. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakasandal sa likod ng upuan ko at hinayaang itangay ng hangin ang bigat ng pakiramdam ko.
Maya-maya pa ay muli kong naramdaman ang pamilyar na tingin kaya naman dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Hindi ko maipaliwanag subalit nararamdaman ko kapag may matang nakatingin sa akin kahit pa hindi ko iyon nakikita. Umayos ako ng upo at muling hinanap ang pares ng mga matang nakatingin sa akin kanina pa. Oo mula sa munisipyo hanggang sa b****a ng Plaza ay ramdam ko na ang mga tinging iyon pero pilit ko iyong isinawalang bahala dahil tila ang gusto ko nalamang ay ang magpahinga.
Sa palihim kong pagmamasid ay muli kong nakita ang magkahalong kulay abo at tsokolateng mga mata. Hindi ko aalam kung anong iisipin, nagkataon lang bang narito rin siya o ako’y sinusundan niya? Hindi ito ang unang pagkakaton na may turistang sumunod sa akin matapos ng tour subalit ngayon ko lang hindi naramdaman ang takot at kaba sa parehong sitwasyon.
Sandali pa akong nanatili sa posisyon ko at gano’n rin naman ang lalaking nag mamay-ari sa mga matang nakatingin sa akin kanina pa. Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya akong maglakad-lakad muna habang hinihintay ang kaibigan kong si Hope, napaka payapa sa bahaging ito ng plaza. Habang palinga-linga ay napansin kong sumusunod sa akin ang lalaki kanina. Binilisan ko ang aking hakbang upang masiguro na ako nga ang sinusundan niya. Nang makarating kami sa bahagi kung saan dumarami na ang tao ay bahagya na rin niyang pinapaliit ang distansya naming dalawa. May mga pagkakataon na kapag may ilang taong lilingon sa akin ay bigla ako nitong haharangan sa paningin nila. Sa makailang beses na gano’n ay nag pasya na akong kausapin siya.
“Excuse me, are you following me?” tanong ko matapos kong humarap sa kaniya. Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakasagot at tanging paglunok lamang ang nagawa niya.
“Do you need something?” tanong ko ngunit wala pa rin siyang naging tugon. “If you want to visit more places within this town you can go back there again later after lunch. May mga tour guide pang magduduty mamaya,” sabi ko sa kaniya sabay turo sa direksyong papunta sa aming munisipyo.
“Ah, the thing is ahmm—” hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o maawa dahil parang may gusto siyang sabihin pero nahihirapan siya. Hinintay ko pa siyang masabi ang gusto niya subalit kalunan ay napabuntong hininga na lamang siya. Tinignan ko ang aking wrist watch at nakitang 11:23 na kaya malamang ay papunta na si Hope dito.
“I’m sorry I can’t be able to help you. I need to go,” paalam ko sa kaniya at hindi na siya inantay pang sumagot bago tuluyang maglakad palayo. Sa gate ko na lang aantayin ang kaibigan ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay muling humabol ang lalaki.
“Wait miss,” sabi nito kaya naman mabilis na nilingon ko siya dahil tatalakan na naman ako ni Hope kapag nagkasalisi kami at nahuli ako sa oras ng pagkikita namin.
“I think,” muling sabi niya. Hinintay ko namang dugtungan niya ang sinabi niya.
“I think you need to change,” puno ng pag-aalinlangang sabi niya. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya matapos ay inamoy ang sarili. Mabango pa naman ako ah.
Naintindihan ata nito ang iniisip ko kaya naman kahit halata ang hiya ay muli siyang nag salita.
“You— you have red spots,” sabi niya sabay iwas ng tingin. Sandali ko pang prinoseso sa aking isip ang sinabi niya. Nang maintindihan ang ibig niyang sabihin ay para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kaya pala masama ang pakiramdam ko kanina dahil darating na naman ang buwanang dalaw ko.
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko kaya alam kong namumula na ako sa kahihiyan. Hindi ako nakagalaw hanggang sa naramdaman ko nalamang ang mga baraso niyang nasa aking balakang. Nanlalaki ang mga mata ko iyong nilingon at nakita ko ang kulay itim niyang Jacket na nakabalot na sa akin upang matakpan ang tinutukoy niya. dahan-dahan ko siyang nilingon at nagulat ng iabot niya sa akin ang isang sanitary napkin.
“Go get change,” muling sabi niya bago tuluyang tumalikod at walang lingunang naglakad palayo sa akin. Ilang segundo pa akong nanatili sa gano’ng posisyon bago makaipon ng lakas para humanap ng pinaka malapit na Cr.
Mabilis ang aking naging mga paghakbang hanggang isang bakanteng Cr ang aking nakita. Bago tuluyang makapasok sa loob ay tinext ko muna si Hope.
“Hoy bukas na tayo mag sabay kumain kelangan ko na umuwi. Muaps,” pagka send ko ng text ay pumasok na ako sa loob at ginamit ang Napkin na binigay ng lalaki kanina. Habang nasa loob ay hindi ko maiwasang mahiya para sa sarili. Mygoodness nakakahiya!
Patuloy ko pa ring iniisip kung mula saan nag simulang makita ang mga red spots na ‘yon sa dress ko. Wala sa sarili akong nag lalakad nang makatanggap ng reply galing kay Hope.
“Ang chaka mo kabonding! Di sana masarap ulam nyo.” tugon niya sa text ko. Natawa nalamang ako at ibinalik sa Sling bag ang Cellphone ko. Loka-loka, alam naman niyang hindi marunong mag luto ng hindi masarap si mama.
Pagdating sa bahay ay mabilis kong kinuha ang aking tuwalya at dumiretso sa aming palikuran upang maligo. Habang naliligo ay ipinapanalangin kong sana’y walang taong nakapansin ng sitwasyon ko kanina maliban sa lalaking iyon. Nang maalala ang lalaki ay biglang naging mabagal ang aking pagkilos. Kaya niya ba ako sinusundan at pilit hinaharang ang sarili niya kanina sa tuwing may mga maapapalingon sa akin? Napangiti ako sa kawalan.
“Di manlang ako nakapag pasalamat sa kaniya,” bulong ko sa sarili bago tuluyang tinapos ang pagligo.
Paglabas ko sa banyo ay si mama agad ang sumalubong sa akin.
“Oh Mc, napaaga yata ang uwi mo ngayon anak,” sabi niya bago ihulog ang kang-kong sa nilulto nitong sinigang na Bangus.
“Ah, napagod kasi ako ma, tinamad na akong gumala kasama si Hope.” pagdadahilan ko sa kaniya bago magpaalam upang makabalik na ako sa aking silid.
Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay agad kong nakita ang itim na jacket na nakapatong sa kama ko. Mabagal kong inihakbang ang aking mga paa palapit sa jacket na ipinahiram ng lalaki kanina. Muli ko na namang naalala lahat ng nangyari sa Plaza. Napahiga ako habang ginugulo ang buhok ko nang biglang pumasok ang kapatid ko.
“Hoy ano ba kumain ka muna bago ka mag imagine. Nakakagutom yan siz.” sabi nito sa akin bago tuluyang isara ang pintuan ng aking silid.
Mabilis kong inayos ang aking sarili bago lumabas. Sa hapag ay naratnan ko si mama at ang kapatid ko. Inirapan ko pa muna ng palihim ang kapatid ko nang mapalingon ito sa akin bago tuluyang umupo. Maya-maya pa ay nagsimula na kaming kumain.
“Ate, kailangan ko ng editor sa bagong story ko,” pambabasag ng kapatid ko sa katahimikan sa hapag.
“Kailangan ko rin,” diretso at seryosong tugon ko sa kaniya. Kita ko ang pagkagulat sa kanila ni mama dahil sabay pa silang lumingon sa akin na may nagtatanong na mga mata.
“Bakit nagsusulat ka na rin?” tanong sa akin ni mama. Napahinto pa sa pagsubo ang kapatid habang hinihintay ang magiging sagot ko sa tanong ni mama.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA,” malakas na tawa ko. Ibinato naman sa akin ng kapatid ko ang basong walang laman na nasa tabi niya nang mapagtantong nagbibiro lang ako.
“Kinakausap ka ng maayos eh, parantimang.” sabi ng kapatid ko bago ako simangutan.
Hindi pa rin ako mahinto sa pagtawa. Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkainis. Napailing na lang si mama at nagpatuloy sa pagkain. Gano’n na rin ang ginawa naming magkapatid.
Mabilis naming tinapos ang tanghalian at gano’n rin kabilis lumipas ang buong araw. Gabi na naman at ngayon nga ay katatapos namin maghapunan. Nasa kalagitnaan kami ng panonood sa sala nang biglang mag ring ang cellphone ko at nakita kong si Hope ang tumatawag. Alas-otso na ng gabi kaya’t nakakapag-takang nagawa pa ako nitong tawagan gayong duty niya ngayon sa Hospital. Kahit pa nagtataka ay mabilis ko itong sinagot.
“Mag trabah— ” hindi ko na naituloy ang pagpapangaral ko sana sa kaniyang unahin ang trabaho bago makipag kuwentuhan ng bigla itong garalgal na nag salita.
“Ash, please go to our house. My little brother is sick. Hindi na nila alam ang gagawin. Wala si papa sa bahay walang mag dadrive ng sasakyan namin. Please hurry hindi ako makaalis dito sa hospital maraming pasyente,” nanginginig na sabi ng kaibigan ko sa kabilang linya. Gulat naman akong napatayo ngunit mabilis ring nakabawi.
“Okay, I’m on my way there. Focus on your work. Ako ng bahala kay Jay-p,” paniniguro ko sa kaniya bago ibaba ang tawag. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko kabilang ang mga gamit na dinadala ko sa Hospital bago tuluyang mag paalam sa pamilya ko.
“Ma, Pa, Kailangan kong pumunta kila Hope, may emergency. Kailangan ni Jay-p ng tulong. Uuwi rin po ako agad after,” paalam ko sa mga magulang ko.
“Ihahatid ka na ng papa mo para mas mabilis,” suhesyon ng aking ina subalit tumanggi ako. Alam kong pagod rin si papa kaya mag-aarkela na lamang ako ng tricycle sa may labasan. Maaga-aga pa naman kaya’t alam kong mayroon pa sa kanila ang nag papasada.
“Mag-iingat ka. Mag text ka sa kapatid mo kapag uuwi ka na at susunduin na lang kita.” tugon ng aking ama. Ngumiti naman ako sa kaniya bago tuluyang lumabas ng bahay.
Dalawa lamang ang malalapit na kaibigan ko at isa na ro’n si Hope. Kumpara sa amin ay mas maganda ang buhay na mayroon sila subalit hindi namin naramdaman ang kaibahan sa kanila dahil ni minsan ay hindi nila kami tintrato sa gano’ng paraan.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang bahay nila Hope. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at nagbayad bago tuluyang patakbong lumapit sa kanilang gate at kumatok. Nakakailang katok pa lamang ako ay pinagbuksan na ako agad ni tita Tracey, ang mama ni Hope.
“Where is he tita?” agad na tanong ko sa kaniya. Mabilis naman siyang tumugon kaya’t wala na akong sinayang na panahon at halos liparin ko na ang distansya ng sinabi ni tita na kinalalagyan ni Jay-p.
Pagpasok ko sa kwarto ni Jay-p ay nakita ko ang kaniyang nakababatang kapatid na hawak ang isang puting bimpo. Mukhang sinusubukan nilang pababain ang lagnat nito gamit ang bimpo.
“Ate Ash, kuya is shaking. And his eyes are scary,” sabi ng kapatid nito sa akin ng tuluyan na akong makaupo sa kama ng kaniyang kuya. Nilingon ko ang kaniyang kuya at nakitang nakatirik ang mga mata nito. Nasa limang taon pa lang si Denver kaya’t alam kong hindi pa nito lubos na naiintindihan ang kondisyon ng kaniyang kuya.
“Ate will now take care of your kuya. You can go back to your room.” hinaplos ko ang pisngi ng bata bago senyasan ang kaniyang ina na ilabas muna siya. Alam kong naintindihan na iyon ni tita kaya naman maluha-luha na lamang itong tumango at lumabas.
“Ate Ash is here Jay-p, you’ll be okay now I promise,” bulong ko sa batang may sakit bago ko simulan ang pag check sa kaniya. 11 years old na si Jay-p, pangalawa sa tatlong mga anak nila tita Tracey at tito Mark. Gaya ko ay panganay rin ang kaibigan kong si Hope, magkababata kami at parehong Nursing ang Course namin.
Alam kong kumuha siya ng ganitong kurso para sa pangangailangan ng nakababata nitong kapatid na si Jay-p. Nakakalungkot subalit mayroon itong Epilepsy. Epilepsy is a central nervous system disorder in which brain activity becomes abnormal, causing seizures or periods of unusual behavior, sensations, and sometimes loss of awareness. Dahil sa kondisyon ni Jay-p ay nakakaranas ito ngayon ng epileptic seizure na sinabayan pa ng mataas na lagnat.
Sa nakikita ko ngayon ay nakakaranas ito ng Generalized tonic-conic seizure dahil na rin sa pangingisay nito. Matagal ng may ganitong kondisyon si Jp kaya’t kompleto ang gamit dito kung sa kaling atakihin siya. Kaya naman naging madali sa akin ang pag aasikaso sa kaniya. Makalipas nga ang hindi mabilang na minuto ay matagumpay na umayos ang pakiramdam ni Jp.
“Thank you so much ate Ash, I owe you a lot,” nanghihina man ay nakangiting sabi ni Jay-p matapos niyang mag seizure. Nginitian ko ito pabalik habang inaayos ko ang mga gamot na kailangan niyang inumin.
“Don’t forget to take your meds on time Jay-p ha? If you feel something strange and your ate Hope is not around, beep me up okay?” muling sabi ko sa kaniya. Mabilis naman itong tumugon kaya’t inutusan ko na itong mag pahinga. Alam kong naging mahirap ang pinag daanan niya.
Pinatay ko ang ilaw sa loob ng kaniyang silid bago tuluyang lumabas at magpaalam kay tita Tracey. Abot-abot ang pasasalamat niya at sinubukan pang magbigay ng halaga subalit tumanggi ako. Pamilya na kami, hindi ko kailangan ng halaga sa pagtulong. Matapos kong magpaalam kay tita ay agad kong tinawagan si Hope upang ibalita sa kaniyang maayos na ang kalagayan ng kapatid niya. Matapos ng mahabang pasalamatan ay nag pasundo na ako kay papa. Pagka uwi ko ng bahay ay naligo na ako at nag pahinga.
Sa buhay maraming bagay ang hindi sigurado. Sa bawat hakbang ng mga paa ay may maaring magbago. Sa bawat paglipas ng oras ay maaring makaramdam ng takot ang kahit sino ngunit isang bagay lang ang sigurado, lahat tayo ay may pagkakataong matuto at manalo.