Mc Ashley’s point of view: Day off ko ngayon kaya naman hindi ko na kailangang maligo ng maaga para pumasok sa trabaho. Paggising nga ay hindi pa ako bumangon agad kahit alas-nuebe na bagkus ay nakangiting binuksan ang cellphone ko. “Life was never meant to live without you. Have a great day ahead Love. I love you always.” napangiti ako lalo ng mabasa ang text na iyon mula sa kaniya. Sandali ko pang hinayaan ang sarili kong basahin ang mga texts na natanggap ko sa kaniya nuong mga nakaraang araw at lingo. Nang makontento nga ay tumayo na ako para mag suklay at lumabas ng kwarto. “Hoy bakit andito ka?” tanong ko sa kapatid ko nang maratnan siya sa kusina habang kumakain ng nilagang mais. Weekdays ngayon kaya dapat ay nasa school siya. “Bakit ka rin nandito?” balik na tanong niya

