Chrixtopher Archem’s point of view: Maaga akong nagising kahit pa wala akong duty sa araw na ito. Binabalak ko kasing dalhin ang pamilya ko kasama na rin sina mom and dad sa SB Hotel and Resort dahil may ilang araw naman akong day offs. Halos dalawang linggo rin kasi akong nasa Hospital kaya naman nais kong bumawi sa pamilya ko ngayon. Maging ang asawa ko ay tulog pa nang bumaba ako upang ihanda ang mga gagamitin at dadalhin namin sa pag-alis. Pinili ko munang mag luto ng umagahan para sa aming lahat. Masyado pang maaga kaya alam kong kahit sina mom and dad ay hindi pa gising. Makalipas nga ang mahigit isang oras nang pagluluto ay lumabas na ako upang iayos sa likod ng sasakyan ang mga dadalhin namin. Siguradong matutuwa ang mga bata sa pupuntahan namin bagaman hindi ito ang unang b

