Mc Ashley’s point of view: Mabilis na lumipas ang panahon, hindi namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw, buwan at mga taon. Hindi maipagkakailang hindi ito naging madali para sa aming lahat dahil napuno ito ng maraming pagsubok. Pagsubok na siyang humubog sa bawat isa, pagsubok na sumukat sa tatag ng isa’t-isa. At sa kabila ng masasakit na ala-ala ng nakaraan, hindi ko maipagkakaila na ito rin ang rason kung bakit kami malakas at matapang sa panahon ngayon. Maaga akong nagising upang magluto ng umagahan para sa mag ama ko. Ngunit bago tuluyang lumabas sa kwarto naming mag asawa ay tinitigan ko muna ang natutulog na si Hastrup. Napangiti ako nang makitang mahimbing itong natutulog. Payapang-payapa ang kaniyang pagkakahimbing. Labis kong ipinagpapasalamat na sa tagal naming nags

