Chapter 75. Mc Ashley’s point of view: Maaga akong nagising dahil sa gulat nang maramdaman ang paggalaw ng anak ko mula sa loob ng tiyan ko. Kabuwanan ko na ngayon kaya naman dumalas na ang mga ganitong kaganapan, bilang isang ina ay kakaiba ang dinidulot na saya nito kahit pa madalas ay nagugulat talaga ako. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 5:38 pa lamang ng umaga kaya naman mahimbing pa ring natutulog ang asawa ko habang nakayakap sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya mula sa pagkakayakap sa akin upang makabangon. Medyo nahirapan pa ako dahil may kabigatan na rin ang dinadala ko kaya naman nahihirapan na rin akong kumilos. Minsan ko pang nilingon ang asawa ko habang mahimbing na natutulog bago tuluyang lumabas ng bahay. May mga bukas ng ilaw sa sala at sa dining

