Chrixtopher Archem’s point of view: Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng College of Medicine dahil katatapos ng huling klase ko para sa araw na ito nang makatanggap ng tawag mula sa girlfriend kong si Krystal. Oo, makalipas nga ang tatlong taon ay ibinigay na niya sa akin ang matamis niyang sagot. Isa na siya ngayong Guro habang ako naman ay nasa huling taon ko sa kursong medisina. Nursing ang tinapos kong pre-med degree. Nuong mga panahong nag aaral ako ng Nursing ay kumukuha nman ng kursong Education si Krystal sa paaralan kung saan din ako nag-aaral. Kaya naman magmula nuong maging kami ay mas dumalas ang pagsasama namin. Paminsan-minsan ay pumupumnta rin siya sa bahay at masaya ako dahil magkasundong-magkasundo sila ng mga magulang ko. “I can’t go home yet, we have a meeting u

