Krystal Brielle’s point of view: Ngayon ay araw ng sabado kaya naman wala akong pasok. Tinanghali na ako ng gising kaninang umaga dahil kinailangan ko pang tapusin ang lahat ng mga ichecheck kong outputs ng mga estudyante ko kagabi bago matulog upang makagawa ako ng Lesson plan ngayon. Katatapos ko lamang maligo nang pumasok sa kwarto ko ang kapatid kong si Pam. “Ate, mom is calling you multiple times already. Are you trying to avoid her?” matamlay akong napatingin sa kapatid ko dahil sa tanong niyang iyon. Katatapos ko lamang maligo at hindi ko dala ang cellphone ko sa loob ng Cr kaya hindi ko rin alam na tumatawag si mommy. “Okay, I’ll call her back.” Walang ganang tugon ko na lamang sa kaniya, wala akong ganang makipag talo ngayon kaya naman hinayaan ko na lang siyang isipin ang

