Chrixtopher Archem’s point of view: Hindi ko alam kung ilang beses akong nagpabalik-balik ngayon sa Emergency Room dahil sa magkakasunod na pagpasok ng mga pasyenteng naging biktima nang pag guho ng lupa sa isang minahan malapit dito sa Hospital na maswerteng nakaligtas. Abala ang lahat at nananatiling alerto sa tyansa ng pagkakaroon ng mas marami pang mga pasyente kaya naman itinaas sa code blue ang buong Hospital. Kasalukuyan akong nasa Nurse Station habang pinag-aaralan ang X-ray result ng isang pasyente habang kasama ang isang Orthopedic Surgeon na si Doc Nerry. Kailangan naming mag sama sa isasagawang operasyon sa pasyenteng ito na gagawin mamayang ala-siete ng gabi. Pareho kaming tutok habang nagbibigayan ng aming mga opinion nang makatanggap ako ng tawag mula sa Nurse Station.

