Chapter 13

1352 Words
Benedick's pov "Bakit mo naman siya pinagalitan?" Tanong ni Gianne. "She needs to learn her lesson. Kung walang susuway sa kanya, mapapahamak siya. Hindi na siya ang prinsesang may tagabantay saan man magpunta Gianne." galit paring sabi ko. "Wait, sino ba siya Gianne? Bro?" tanong ni Jigz "She is my cousin." Gianne "She is the trending runaway heiress." Walang kagatol-gatol na sagot ko naman. "Cousin? Runaway heiress?" wala kaming alam na pinsan niyong Gianna and what runaway heiress? nagpapatawa ba kayo?" tanong naman ni Leo. "She is not Gianna. She is Yanna." pagtatama ko. "She is really my cousin, so please respect her Benedick. And atleast be good to her." naiinis na turan ni Gianne. "Akala ko may love triangle na." natatawa namang sabi ni Dexter... "Pero bro below the belt ka na kanina." Sabat ni Hammer. "Are you enjoying her company Hammer?" nabigla man ako sa tanong ko ay binalewala ko nalang. s**t it looks like I am jealous... what the fuck... "Weeeewww... I smell something fishy..." makahulugang sabi ni Dexter... " Why? Are you jealous?" tapik ni Hammer sa akin. "Anyway Gianne, anong masamang hangin ang nalanghap mo at naisipan mong umuwi?" Jigz "Anna needs me." sagot nito. "Hindi mo pa sinasabi kung paanong nagkahiwalay si Tita Jane at Anna." tanong ko. Kwinento niya lahat at mas lalo akong nakonsensya dahil pinagalitan ko siya. "Wow, it's really true na ang trending na runaway heiress ay ang babaeng kasama natin ngayon?" hindi makapaniwalang sambit ni Dexter. "Pero kailangan parin niyang magtago sa pangalan ng kakambal ko. Maimpluwensya ang ama niya. Anytime matutunton siya nito." sagot naman ni Gianne. "Siya nga pala mga bro. Malapit na birthday ni mama pinapapunta niya kayo. Lalo na si Anna." sabi ni Hammer. "Nakafirst base ka na ata ah bro..." biro ni Jigz kay Hammer na lalo kong inikainis. "Iyong cold at seryosong lalaki mukhang tinamaan na." sabi naman ni Leo "Hindi ka niya gusto." apila agad ni Gianne... Nagtawanan sila pero hindi man lang kami natawang dalawa sa sinabi nila. "Manang pahanda naman ako nong mesa. At pakitawag na din si Anna." biglang aya ni Gianne. May gusto kasi ito kay Hammer noon pang mga bata kami. Hinila nito si Hammer patungong dining. Iwinaksi naman ng isa ang braso nito. Wala man lang nagbago sa dalawa. Still immature tsk tsk tsk. "Gianne iha, tulog na ata si Anna. Wala kasing sumasagot kahit anong katok ko sa pinto. Nakalock din kasi ito." sabi nito. "Sige manang aakyatin ko nalang siya." inagapan ko naman ito nung akmang tatayo na. "Ako nalang." presinta ko. "Insan itago nalang sana muna natin ang lahat sa kanya." sabi naman nito. "Bakit ikaw lang ang aakyat... nahihiya yon kasi pinagalitan mo sa harap namin. Ano kaya kung tayong lahat ang kakalampag sa pinto niya? Baka kapag naingayan pagbuksan niya tayo." suggestion ni Dexter na agad namang sinang-ayunan ni Jigz, Leo, at Gianne... "Hayaan niyo na muna siya." sabi ni Hammer pero wala na siyang magawa kundi sumunod dahil nagsipagtakbuhan na ang iba sa taas. " Manang pakikuha naman ako nong duplicate na susi ng kwarto niya." agad naman nitong kinuha. Saka sumunod. "Princess, open the door..." Dexter "Don't you want to see your dad Yanna he is coming..." Jigz "Oh heiress kung di mo bubuksan to isusuplong kita sa Daddy mo. Magkakaroon agad ako ng milyones..." Leo "Hey stop threatening Anna." Hammer "Yanna come out now. Kain na tayo." Gianne "Huhuhu I can't take it anymore, please my Princess pakinggan mo ako. Mahal kita kaya buksan mo ang pinto. Lalamigin ako dito. Gagawa pa tayong baby." sabi ni Dexter. Sabay-sabay naman siya nitong binatukan ng apat. "Gago! Anong pinagsasabi mo tinatakot mo lalo eh." sabi ni Gianne. "Tama na iyan, oh." bato ko ng susi pero ibinalik lang din sa akin. "Buksan mo bro, ikaw ang may kasalanan sa kanya. Para pag may dalang samurai yan ikaw unang mamamatay." tumatawa silang lahat sa sinabi ni Leo. "Tsk tsk tsk..." saka ko pinihit ang door knob. Pagkabukas ko palang ng pinto ay may tumama agad sa mukha ko, hindi man tulad ng sinabi nila ay okay na dahil unan lang naman ito. "Who told you to enter my room?" ang sungit talaga "Tinatawag ka kasi namin ayaw mong bumaba kaya umakyat na kaming lahat." sabi ni Gianne. "You---!" inis na turo ko sa kanya. "Kumain ka muna Anna bago ka magpahinga." Mahinahong sabi naman ni Hammer. "Susunod na ako." sabi ng isa. Ngunit pagkapasok namin sa silid niya ay umupo agad si Dexter sa harap nito na parang bata. "Yanna anong feeling maging Heiress? Iyong lahat ng gusto mo iaabot saiyo." parang tangang tanong niya. "Who are you?" humagalpak sila pagkarinig ng sagot nito. "Grabe ka bro kanina pa tayo magkakasama hindi mo pa pala kami ipinakilala." nagtatampong sabi ni Dexter. "Pahiya ka bro?" sabi naman ni Leo. "Yanna this i..." hindi ko na naituloy ang sinasabi ko. "I am not talking to you." putol agad nito. "Hi, I am Leo." "Jigz your highness, tama ba introduction ko bro?" bulong nito sa akin. "Eheeemmm. Ang pinakagwapo sa lahat Dexter at your service my princess." tinawanan ulit siya ng mga mokong. "Pinakagwapo? saan banda?" Yanna "Ouch, nakakasakit ka na talaga my princess." kunwari nagtatampong sabi niya. "who cares." pagsusuplada niya. "I'm Hammer..." sabi naman ng isa saka inabot ang kamay kay Yanna. Ngumiti ang dalaga saka tinanggap ang kamay nito. "Ohhh ang daya mo,nagpakilala naman kami lahat ah... Ako din pahipo ng kamay mo my princess... " sabi pa ni Dexter. Wala na talagang ginawa itong bwisit na to. "And the crown will be passed to Dexter, ten ten teren, ten ten teren, ten ten teren, ten teren, ten teren.." tawa ng tawang sabi ni Jigz.. "Best in playboy award goes to you bro... Benedick out, Dexter in..." dagdag naman ni Leo. "Sttttoooopp... you are all childish!" sigaw ni Yanna.. "Ya Allah! mababaliw ako sa inyo" Mahaba-haba munang asaran ang nangyari bago kami nakababa. Sabay-sabay kaming dumulog sa upuan. Nag-unahan pa si Hammer at Benedick sa paghila ng mauupuan nito. Ang ending siya lang din ang humila ng gagamitin nito. "Yanna chicken adobo?" Gianne. Tinanggap naman ito ni Hammer at siya na ang sumandok para sa kanya. "Yanna water..." Dexter. "Yanna here try this..."alok ko sa ulam. "What is this???" "It's sinigang na ba....boy...." huli na nung narealize kong bawal pala sa kanya iyon... Katakot-takot ba irap ang natanggap ko sa kanilang lahat. Bakit ba kasi may baboy ngayon? Binilinan ko na si manang noon na huwag magluluto ng bawal sa babaeng to ah? "Sorry I forgot..." sumenyas nalang ako ng peace sign. "Stupid!" bulong niya pero narinig ko parin. "Baka hindi niyo napapansin nandito din ako." nagtatampo nang wika ni Gianne. "Sorry bunso... ang liit mo kasi." sabi ni Dexter na agad ding lumayo dahil siguradong babatukan na naman niya ito. "Nakakatampo na talaga kayo ah, parang hindi niyo na ako nakikita." sabi niya. "Manang may talbos ka ba ng kamote diyan?"tanong ni Leo. "Sinong kakain ng talbos ng kamote?" takang tanong naman ni Jigz "Itatali ko sana sa nguso ni Gianne kanina pa kasi mahaba eh." sabi niyang tumatawa. "Are you going to eat? or you will just talk?" tanong ni Yanna na nagpatahimik sa aming lahat. "Kakain na po your highness." kunwaring napahiya pang saad ni Dexter. "Ikaw kasi..." Bulong naman ni Jigz. "Respect the food." muling nagsalita si Yanna. "Hmpt..." Yanna "Kain ka na din Yanna... "sabi ni Hammer habang hinihiwa ang steak sa plato nito. Kinuha niya ang plato ni Yanna at ipinalit sa platong nasa harap niya. "Hammer baby, gusto ko din ng ganun..." parang batang sabi ni Dexter. "Ako din honey, subuan mo ako." gatong din ni Leo. "Baby, I want chicken." dagdag pa ni Jigz... napailing-iling nalang ako. "If you're not going to eat. I will go upstairs now. Good night." Yanna "Nawalan na ako ng ganang kumain." Gianne... Halos sabay pa silang tumayo... "Ahehehe, upo na ulit kayo. Kakain na talaga kami." pang-aamo ni Dexter. Umupo naman ulit ang dalawa. Wala nang kumibo ni isa. Tanging tunog nalang ng mga plato at kutsara ang naririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD