Chapter 9

1498 Words
Yanna Pov "Manyak talaga..." pumasok na ako sa kwarto. Nagugutom ako pero nawalan na ako ng gana. Naabutan kong nagriring ang cellphone na binili ni Gianna. Tinignan ko ito. "Sino naman kayang tatawag sa akin." "Hello Yanna? Kumusta ka na diyan?" "Gianna?" hindi siguradong tanong ko. "Ako nga. Ano kumusta ka na diyan?" "Okey lang naman, nag-aadjust pa sa bagong surroundings." sagot ko "Tinatrato ka ba ng maayos ni Benedick?" "Your pervert cousin.!" tinawanan niya lang ako. "Mabait naman iyan, huwag kang mag-alala hindi naman magtatagal diyan yan. Kung may kailangan ka pala huwag ka mahiyang magsabi kay Manang ha." paalala niya. "Kumusta na kayo diyan,hindi kaya madamay kayo. Pag-initan pa kayo ni Daddy? Napanood ko iyong news." sabi ko na may pag-aalala. "Huwag kang mag-alala okey lang kami. Basta ikaw ang mag-ingat diyan. Grabeng paghahanap ang ginagawa nila saiyo." "Balitaan mo ako. Salamat ulit Gianne."sabi ko pa. "Siya nga pala, ano palang plano mo na ngayon?" tanong niya. "I still don't know where to start." buntong hininga ko. "Take your time Yanna. Wala nang mangmamaniobra ng buhay mo." sabi nito. "Mag-ingat kayo diyan Gianne. I know my dad." paalala ko sa kanya. "Don't worry malinis kaming magtrabaho. Sige na pahinga ka na. Wala ka pa atang tulog. Pumapangit ka na oh... "biro pa nito. Ngumiti naman ako saka nagpaalam. . . . . Gianne's pov Sabi ni Dad hayaan ko daw ang tadhana na magdala kay Yanna sa kanyang ina. Kaya kahit gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya kung nasaan ang kaniyang mommy ay pinigilan ko ang sarili ko. Sino bang mag-aakala na ang mommy niya pala ang isa sa may pinakamalaki at pinakasikat na fashion designer sa buong Pilipinas... Benedict calling.... Bakit gising pa ito? "Gianne I hate you! ang sama ng ugali ng kaibigan mo!" pagmamaktol nito. "Minanyak mo siguro." sagot ko. "Ewan ko sa babaeng iyon. Akala niya siguro siya parin iyong prinsesa na pwede siyang magtaray kung gusto niya." sumbong pa neto... "Ano ba kasing ginawa mo?" nakangiti kong tanong. "Wala" saka ito pilyong ngumiti. "Gago ka insan huwag mong pinagloloko si Yanna dahil alam mo ang mangyayari saiyo kapag yan bumalik dito." pananakot ko sa kanya. "Hahaha, insan sinabihan ko lang naman siya na ikakama ko. Binatukan ako ng pagkalakas-lakas. Ang sexy kasi niya..." nagsusumbong pang sabi. Napahagalpak ako ng tawa kasi hindi ko lubos maisip na ang fuckboy at playboy kong pinsan ay titiklop sa isang babae. "Pinsan babalik na akong Manila mamaya okey lang bang maiwan siya dito mag-isa?" tanong naman nito. "Kaya na niya iyan. Kung gusto mo isama mo siya sa bahay mo." nakangiti kong sabi, sabay kindat ko sa kanya. "Hell no!!!" mabilis niyang sagot. Tumawa ako ng tumawa. "Wala namang masama kung doon siya sa bahay mo tumita ah. Bakit natatakot ka ba na baka mawalan ka ng control?" tumatawa ko paring sabi. "No, gusto mo bang magkaworld war 3 agad sa bahay ko?" pailing-iling niyang sagot. "Hahaha, Benedick.... Benedick..." sabi ko nalang sa kanya. "This is all your fault!" sabi pa niya. Walang paalam na pinatayan ako. Naabutan naman ako ni mommy na tawa parin ng tawa. "What's funny anak?" tanong niya. Nagkwento naman ako sa kanya. Napailing lang siya sa akin. "How's Yanna? sabi nito. "She's not used to it mom. Kahit sabihin niyang okey siya I can see it in her eyes." malungkot kong sabi. "Of course hindi pa siya sanay. She was a princess afterall..." simpatya ni mommy. "Mom hindi ba talaga natin pwedeng sabihin sa kanya ang totoo?" tanong ko naman. "Someday anak. Let their destiny leads them." tipid na sagot niya. "Mom paano pala kayo nagkakilala ng mommy ni Yanna?" takang tanong ko naman. "She is my cousin..." nagulat ako sa sagot ni mommy... "Mom you mean Yanna is my real cousin? How?" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy. "Jane's mother and your lolo are siblings..." sabi nito. "Why didn't you told me before mom?" tanong ko ulit. "Kasi ayaw ng tita Jane mo na malaman ng iba dito sa Saudi lalo na ang asawa niya na may relatives siya dito. Ayaw niyang madamay tayo. Kaya lihim namin siyang tinulungan noon pauwi ng Pilipinas." paliwanag nito... "OMG, kaya pala ganun nalang ang concern ko kay Yanna kahit napakamaldita niya dahil magkadugo pala talaga kami." wala sa sariling sagot ko. "But wait mom... may kaya naman ang pamilya natin how come na pumasok bilang katulong ni Don Ahmad si tita Jane?" naguguluhang tanong ko. "It's because your tita Jane is a rebel. Magkatulad sila ni Yanna. Noong nalaman niyang gusto siyang ipakasal ng ama niya sa anak ng kabusiness nila. Lumipad siya dito sa Saudi. Inalok namin siya ng Daddy mo noon ng trabaho sa company pero inayawan niya. Papart time part time lang siya noon pero nagustuhan ng ina ni Don Ahmad ang ugali niya kaya inayos ang papel niya. Hanggang sa nagkainlaban silang dalawa at dumating sa buhay nila si Yanna. Binayaran nila ang tita mo para lumayo pero hindi niya ginawa. Pumayag siyang magpaalila sa kanila basta makasama niya ito. Pero di na niya makayanan ang ugali ng mga tao sa mansyon, idagdag mo pa ang pambabalewala ng Don sa kanya. Kapag nagkakamali ang tita mo, ay sinasaktan siya ng asawa niya kaya mas pinili nalang niyang bumalik sa pamilya niya sa pilipinas. " Paliwanag niya. "So ganun pala ang nangyari... Nakakaawa pala ang buhay niya dito." malungkot kong sabi. "Unti-unti siyang bumangon. Kahit masakit sa kanya na iwan ang anak niya. Tinanggap ulit siya ng pamilya niya pero hindi niya sinabi ang pagkakaroon niya ng anak. Nagsumikap siyang makaahon sa sarili niyang sikap dahil gusto niyang kunin si Yanna sa poder ng asawa niya. Hindi na din naman siya naghanap pa ng iba sa takot na makahanap pa siya ng masmalala pa sa Don." dugtong pa nito. "Matulog ka na, malalim na ang gabi." sabi niya sabay tapik ng balikat ko. "Goodnight mom. I love you " sabi ko saka ako humalik sa pisngi niya. "Good night anak, I love you too." sagot nito saka naglakad na papasok sa kwarto nila ni dad. Pumasok na din ako sa kwarto ko pero nakailang minuto na akong nakahiga ay ayaw parin akong dalawin ng antok. Iniisip ko parin si Yanna. Bumangon ulit ako nong may maalala ako. Naglakad ako palabas ng kwarto. Kinatok ko ang kwarto nila mommy. "Mom???" tawag ko habang dahan-dahan kong binubuksan ang pinto. "Bakit di ka pa natulog iha," sabi ni Daddy na nakaharap pa rin sa laptop niya. Haist nagtatrabaho pa rin. May naalala lang po ako Dad. "What is it honey?" malambing na tanong niya. "Mom can I go home?" sabi ko. Tinignan lang nila akong pareho na nagtatanong. "You are already in "home" iha." si Daddy "No, I mean Dad... Can I go to Philippines?" kinagat ko pa ang daliri ko. Baka hindi ako payagan. "Ayaw mo na bang magstay dito? o may nobyo ka doon hmmmn?" tanong ni mommy na ikinagulat ko. "Mommy..." padyak ko sa sahig "Eh bakit mo biglang gustong umuwi?" tanong naman ni Dad "I'm bored here." nakayukong sagot ko. "You're bored? Pwede kitang bigyan ng trabaho sa company iha." sabi pa ni dad "Dad sa pinas nalang ako please... promised magpapakabait ako doon." pagsusumamo ko pa. "Wala kang kasama doon iha." si mommy "Mom malaki na ako. Hindi ko na kailangan ng kasama. And isa pa andun naman si Benedick at si Yanna..." bulong ko nalang sa huli. " Okey in one condition..." lumiwanag ang mukha ko. "Okey Dad kahit ano pa iyan basta payagan niyo akong umuwi." excited kong sabi "You will handle our furniture shop there." lumaki ang mata ko sa sinabi. "What? no Dad... hindi ko pa kaya iyon..." mabilis kong sagot. "So hindi ka uuwi." sabi naman agad nito. "Mommmmm help me please." pagsusumamo ko "Kailangan mo na matuto anak. Hindi ka na bumabata." sang-ayon din si mommy kay daddy. Paano ko hahawalan ang negosyong wala naman akong kaalam-alam. Oo tumapos ako ng business management pero furniture??? At hindi lang isang branch kundi lahat ng branch na nakalagay sa mga naglalakihang mall ng metro Manila, Davao at Ilo-ilo. "Daddddd..."sabi ko pa. Pero isang matigas na NO lang ang natanggap ko. Biglang naalala ko may taong pwede palang makasama ko. " Okey I will handle..." nagulat namang napatingin ang magulang ko. "Are you that desperate?" nagdududang tanong ni dad. Tumango ako saka ngumiti. "Goodnight dad, goodnight again mom. " "Wag kang excited hindi pa ako pumapayag." napatigil naman ako. Masama ang tingin kong napalingon... pero tumawa lang silang dalawa. Saka ako yumakap. "Okey, Okey, pumapayag na kami. Alam naman namin ang dahilan kung bakit mo gustong umuwi. Paalala ko lang iha. Huwag ka muna mag-aasawa ha. Ikumusta mo kami kay Yanna. At mag-iingat ka doon." sabi ni mommy. "Opo mom. Thank you dad, thank you mom." "Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin dito okey." mommy "Opo." sagot ko. Bumalik na din ako sa kwarto ko. Isusurprise ko si Yanna at Benedick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD