Yanna's Pov...
1 month ago...
"Manang I want to go out. Nababagot na ako dito." pagsusumamo ko sa katulong.
"Eh Anna iha kabilin-bilinan ni Benedick na hindi ka daw pwedeng pagala-gala sa labas." sinabi ko na din kasi sa kanya kung sino talaga ako at kung ano talaga ang itsura ko. Kaya malaya ko nang naalis ang maskarang ginagamit ko sa loob ng bahay.
Malala pa ang sitwasyon ko dito kesa sa poder ni Daddy, haaaaayyy....
"Manang pwede mo bang tawagab iyong amo mo? Sabihin mo lalabas tayo." baling ko sa katulong.
"A, e ikaw nalang kaya iha. Busy kasi ang batang iyon kapag ganitong araw." nag-aalangang sabi.
"Whatever..." padabog akong lumabas ng bahay. I need air... Naalala kong tawagan si Gianne, ngunit di ito sumasagot. Wala din akong friends dito kaya no choice kundi magpakaburo dito sa bahay na ito.
Ano kaya kung lumabas ako, wala naman siguro makakakilala sa akin kasi ibang-iba ang itsura ko sa mga ibinabalita sa tv na mukha ko. Iyon kasi mata lang ang nakikita. Tinignan ko ang sarili ko kung okey lang ang suot ko. Magshort lang ako para hindi mahalata ng matandang iyon na aalis ako. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. Kumuha ako ng sapat na pera baka may magustuhan akong bilhin mamaya. Bahala na kung saan ako mapadpad...
"O iha saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni manang.
"Hindi po ako pwedeng gumala sa kung saan kaya maglalakad-lakad lang po ako. Naubusan na din po kasi ako ng pads." palusot ko.
"Ako nalang mamaya iha. May bibilhin din naman ako sa labas. Tapusin ko lang itong ginagawa ko." sabi niya.
"Ay hindi na manang. Diyan lang naman sa labasan ako bibili." sabi ko pa. Payagan mo na ako tanda...
"O'sya sige... basta bumalik ka din agad ha." nag-aatubili man ay pumayag din.
"Pangako balik din po ako agad..." gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Sa wakas makakalabas din ako.
Sinimulan ko nang maglakad. Limang minuto pa siguro ang lalakarin bago makalabas gate. Sana may dumaan na taxi bulong ko na naman sa sarili ko. Masyado kasing malayo sa kabihasnan itong ancestral house nila Gianne kaya swertehan nalang kung may madaang mga sasakyan. Ngunit ilang minuto na akong nag-aabang sa gate ay wala pang maski kahit anong klaseng transportasyon ang dumaraan kaya nagpasya akong maglakad-lakad pa. May mga iilang bahay din naman kaya hindi nakakatakot.
"Ineng saan ang punta mo." sabi ng isang babaeng nadaanan ko.
"Pupunta po sana akong bayan kaso wala man lang masakyan." sagot ko dito. Tinignan niya ako ng matagal kaya napayuko ako baka kasi makilala niya ako.
"Parang ngayon lang kita nakita, bago ka ba dito ineng.?" tanong niya.
"Opo nagbabakasyon lang po ako." deny ko
"Bakit wala kang kasama ineng baka kung mapano ka sa daan. Nag-iisa ka pa naman. Napakaganda mo pa." humahangang sabi nito.
"Salamat po." sagot ko.
"Sandali lang ha ipahatid na kita sa anak ko kahit hanggang sa sakayan lang..." nakangiting sabi niya.
"Salamat po manang. Hulog kayo ng langit." nakangiti naring sabi ko. Umalis ito saglit at pagbalik may kasama na itong binata na sa tantiya ko ay nasa kaedad ko lang.
"Siya ang anak ko ineng." sabi nito. Tinitigan din ako ng huli.
"Mama kunin ko lang po iyong motor." sabi niya pero sumulyap pang muli sa akin. Nginitihan ko lang siya.
Pero napaatras ako nong isang single motorbike ang dala nito...
"A-ayan po ba ang sa-sakyan namin?" nanginginig na sabi ko.
"Ngayon ka lang ba sasakay ng single motor ineng?" nakangiting tanong ng babae. Tinanguhan ko ito. Mas lalong lumapad ang ngiti. Pagtingin ko sa anak nito ay pilit ding nagpipigil na ngiti ang bumalatay ss mukha nito.
"Saang lugar ka ba galing ineng na hindi ka pa nakakasakay ng motor. Halos lahat na kasi ng mga tao meron nito. Galing ka sigurong ibang bansa" sabi pa.
"Tara na po Ms." Aya ng binata.
"Paano a-ako sasakay d-diyan? Hindi kaya a-ako mahulog? Nahihintakutang tanong ko.
"Hindi miss basta kumapit ka lang." sabi niya. Sumakay na ito at pinaandar. Nanatili lang akong nakatayo.
"Sige na ineng para makapasyal ka din." utos sa akin ng ginang.
"Ah, eh... paano ba ito?" tanong ko.
"Sumasakay ka ba miss ng kabayo?" tanong ulit niya. Nagtaka naman akong napalingon sa kanya.
"You have a horse? oo marunong akong sumakay ng kabayo. Iyon nalang gamitin ko. Pahiram ha..." naexcite ako. Napatunganga lang ako nong parehas silang humagalpak ng tawa ng mama niya.
"Wala kaming kabayo dito ineng,... pero sasakay ka sa motorbike na yan na parang kabayo ang inuupuan mo. Kumapit ka sa balikat ng anak ko para di ka malaglag. " paliwanag ng ginang. Lalo lamang akong napahiya.
"Okey, ganun pala yon? I will pay you. Basta dalhin mo ako sa isang mall." sabi ko nalang. Gosh nakakahiya. Parang ang ignorante ko tuloy.
" Sakay na..." nag-aalangan man ay sumakay na din ako. Nahihiya akong kumapit sa balikat niya.
"Is it okey if I will hold your shoulder? Ngayon lang kasi ako nakasakay ng ganito..."tanong ko.
"Nasa saiyo miss, kung gusto mo namang sa bewang ko kumapit mas-safe pa." pilyo namang sagot niya.
"Naughty..." sagot ko na ikinangiti niya.
"Manang alis na po ako. Salamat ng marami." paalam ko sa huli.
"Ingat ka ineng ha.. kapag wala kang mapuntahan sa susunod. Pasyal ka lang dito sa amin." pahabol pa niyang sabi.
Wala pang sampong minuto ay nakarating kami sa kabayanan. Sa sakayan lang sana niya ako ihahatid pero nong sinabi kong sa mall ako pupunta ay hinatid nalang niya ako.
"Dito nalang tayo miss." Ibinaba niya ako sa ayala mall.
"Salamat... here" inabutan ko siya ng isanlibo.
"Hindi po ako nagpapabayad miss. Simpleng thank you lang okey na." sabi niyang nakangiti. Pero ayaw kong magkaroon ng utang na loob kaya inaya ko siyang kumain nalang.
"Sasamahan nalang kita. Tatawagan ko lang ang aking ina baka kasi maligaw ka konsensya ko pa." agad naman nitong kinuha ang cellphone niya.
"Sige." okey na din to para may kasama ako. Wait hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
"ehemmm..." agaw pansin niya dahil kanina pa ako nakatingin sa kanya. Tapos na pala niyang kinausap ang mama nito.
"Ahh, lead the way..."
"I'm Hammer..." binata
"I'm Gianna..." magkasabay pa naming bigkas. Kaya napatawa kami sa isa't-isa.
Palingon-lingon ako habang naglalakad... Napapansin kong panay din tingin niya sa akin.
"You know, you are the first person na nakilala ko dito sa loob ng isang buwan. Except manang and the bastard." sabi ko.
" Sinong pamilya mo dito? Coz as far as I know halos lahat ng tao sa atin kilala ko." tanong niya.
" del Castillo." tipid na sagot ko.
"Del Castillo? How are you related to Benedick Del Castillo?" Hammer
" He... He is... my c-cousin..." hirap ko pang bigkasin.
"Cousin??? since when? Ang pagkakaalam maliban kay Gianne wala na siyang pinsan na babae. Wait, Gianna??? Are you Gianne's siblings?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yes I am..."
"But how??? " naguguluhang tanong nito.
"How?" balik tanong ko.
"No I mean.... mmmnn, Never mind." sabi sabay hila niya sa akin sa isang restaurant.
"Anyway, I am one of Benedick's friend." sabi pa. Tumango ako saka siya humila ng mauupuan ko...
"Thank you."
"Hindi sinabi ni Benedick na may pinsan pala siya sa bahay nila. Kung alam ko lang baka aaraw-arawin kong dumalaw dun." biro niya.
"Nababagot ako kaya tumakas lang ako." tinignan ko ang oras sa bisig ko... Sigurado hinahanap na ako ni manang.
"Naku sigurado nag-aalala na si manang." parang nabasa niya iyong nasa utak ko.
"Nagpaalam naman ako sa kanya. Kaso hindi ko sinabing gagala ako." palusot ko pa.
"Hindi kita nakikita dito, saan ka lumaki?" pag-uusisa niya. Lagi nalang siyang tumititig.
"Sa Saudi ako lumaki. Ngayon lang ako napadpad dito." sagot ko.
"Buti marunong kang magtagalog."aniya Hammer
"Puro mga pinoy kasi iyong mga kasambahay namin simula pa noong bata ako kaya natuto na din." Tumitig siya. Itinaas niya iyong menu saka itinakip sa kalahati ng mukha ko. Kinuha ko iyon.
"Parang nakita na kita. Pero di ako sigurado." sabi niya. Kinabahan ako dahil wala akong suot na mask. Baka makilala niya ako.
"Baka kahawig ko lang.Madami naman kasing magkakamukha." sabi ko nalang. Nag-order na kami ng pagkain. Tahimik na din naman ito na parang may iniisip.
Mahigit 4 hours siguro akong nagstay doon. Pagkatapos kasi naming kumain nagpaalam na si Hammer na aalis muna. Iniwan nalang niya iyong number niya para kapag natapos na ako ay matawagan ko siya para masundo daw niya ako or makapagbilin siya sa kakilala niya para kunin ako...
Maiintindihan naman siguro ako ni manang pag-uwi ko...