Benedick PoOV
Gianne's calling...
"Hello pinsan pasundo ako mamaya sa airport, mga after 1 and a half hour, makakalabas na ako. Andito na ako Manila. Kalalapag lang ng eroplano." tuloy-tuloy niyang sabi.
"Hindi ka nagpasabi ng maaga. Paano pala kung may lakad ako ngayon." sabi ko naman. Tinignan ko ang oras. So mga five makakalabas na siya ng airport. Agahan ko nalang. Ayaw pa naman ng babaeng iyon ang pinaghihintay.
"What??? ibig sabihin mas mahalaga ang lakad mo kesa sa akin? Nakakatampo ka pinsan ah..." eto na naman kasi eh.
" Sige na, sige na... susunduin na kita." Pinatay ko na ang tawag. Hindi na naman kasi ito matatapos. Kakababa ko palang ang tawag nong nag-appear sa screen ang landline ng bahay sa Tagaytay. Nakaramdam ako ng kaba...
" Hello manang...?
"Hello Benedick... hello iho..." sabi nito.
"Manang bakit parang natataranta ka...?" tanong ko.
"Kasi iho si Anna..."hindi niya itinuloy.
"Bakit si Anna manang. Anong nangyari sa kanya?" kinakabahan ding tanong ko.
"Iho kasi, kanina pa nagpaalam na bibili lang sa labasan hanggang ngayon di pa bumabalik. Nagtanong na din ako sa labas kung may napansin silang babae ang sabi wala daw." mangiyak-ngiyak na paliwanag nito.
"Anong oras siya umalis manang?"
"Kanina pang bago mag-alas dose Iho." sabi niya. Napatayo ako. Mabilis nagbilang ang isip ko. Halos mag-aapat na oras na itong wala.
"Ano ang huling sinabi niya manang?" nag-aalalang tanong ko.
"Sabi niya iho bibili lang daw siya at babalik agad. Hinayaan ko naman kasi wala naman sa itsura niya ang lalabas ng subdivision. Nakashort lang din naman siya at t-shirt lang. Pero sabi niya kanina gusto daw niyang gumala. Kanina pa ako nagtanong-tanong sa mga tao wala daw silang napapansin." sabi nito.
" Sige manang uuwi ako ngayon diyan. Huwag ka nang mag-alala ako na maghahanap sa kanya. Pahanda nalang iyong kwarto ni Gianne. Uuwi siya ngayon." Inilipat na kasi sa guest room ang mga gamit ni Anna. Hindi daw siya kampante sa kwarto na pagmamay-ari ng iba.
"Sige iho. Patawad kung di ko nabantayan si Anna." sabi niya.
"It's not your fault manang. Huwag mo na sisihin ang sarili mo. Uuwi din iyon. Wala naman siyang ibang mapuntahan kaya huwag ka na mag-alala." pinatay na din naman nito ang tawag.
"That bratt... hindi talaga napagbibilinan. Hindi niya alam ang pasikot-sikot dito at mas lalong hindi niya kilala ang mga tao paano kung kinidnap siya?" Nag-aalala man ay wala na siyang magawa kundi umuwi at hanapin ang babaeng ni minsan ayaw niyang makasama sa isang bubong.
"Gianne I can't pick you up."
"What??? at sinong susundo sa akin? Pinsan naman eh..." nagtatampong sabi nito.
"Yanna is missing...kakatawag lang ni manang. Kanina pa daw before 12 nagpaalam na bumili lang sa labasan."
"Annnnoooo???? No, insan you go now baka kung napano na siya. Please Benedick find her now.... i will try to call her. No, No, Oh Yanna where did you go..." nagtaka ako sa reaksyon niya.
"Gianne??? She is okey... don't panic." sabi ko
"No Benedick... You don't understand... Oh God, Yanna where the hell are you?" Gianne
"Hey I told you don't panic. Okey lang siya. At huwag ka nga OA jan. Hindi mo naman kaano-ano yun. She's no longer a kid okey." Benedick.
"I will call mom. I will close now, I will call mom.. please find her. By...." putol ko bago pa man niya patayin
" We-wait Gianna, bakit kailangan pang tawagan mo sila tita... Si Yanna lang iyong nawawala bakit..."
"No Benedick... She is my real cousin... Yanna is my cousin... She is tita Jane's daughter..." parang nagslow mo pa ang pandinig ko sa sinabi niya...
"Whaaaattt?" hindi ako makapaniwala... ang nag-iisang heiress na tumakas sa ama ay anak ng pinsan nila Papa??? How???
"Insan I don't have time to explain... Go now please... magtataxi nalang ako mamaya." paalam nito.
"No I will call Hammer...siya nalang susundo saiyo. Andito din naman siya sa Manila, isabay ka niya pauwi." pinatay ko na ang tawag saka mabilis akong lumabas ng opisina.
"Bro, where are you?" tanong ko sa kaibigan ko.
"I am still here in office bro. Alis na din ako maya-maya." si Hammer.
"Can you pick my cousin in airport, nagka-emergency kasi.?"
"Bro kailangan ko din kasing bumalik agad ng Tagaytay. Anong oras ba susunduin?" tanong nito
"Half an hour bro." sabi ko
"Bro may hindi ka sinasabi sa amin ah." Hammer
"Bro I have no time to hangout with you... punta nalang kayo sa bahay. Gianne is waiting..." saad ko pa.
"Woooohhh exciting... Sige bro ako na bahala kay Gianne. May dapat ka din kasing ipaliwanag sa amin...I will call those bastard to come also." nagtataka man ako sa mga sinasabi niya ngunit di ko nalang pinansin.
Nakailang dial na ako sa number ni Yanna pero hindi ito makontak. Tumawag na din ako sa bahay ngunit sabi ni manang wala pa daw... It's almost 5... Damn this woman. You always wants to get all our attention...
---------------
Gianne's pov
Tinawagan ko si Hammer kung masusundo ba niya ako.
"Hammer ma....." ngunit di ko na ito naituloy dahil mabilis na siyang nagsalita.
"I'm already here!" sabay patay...
kahit kelan napakasungit mo talaga sa akin. Nakasimangot kong hinila ang luggage ko. Wala ba talagang puso ito? Hindi man lang ako kayang pagbuksan ng pinto?
"Ungentleman!" parinig ko ngunit nginisihan lang ako.
"Fasten your seatbelt." sabi nito... Tahimik lng siyang nagdrive. Ako naman ay walang tigil sa kakadial sa number ni Yanna.
"Is there a problem?" biglang sabi nito.
"Si Yanna kasi nawawala..."sabi ko nong napansin kong papasok kami sa ayala mall.
"Hey wait, wala ako sa mood magmall ngayon. Kailangan ko munang umuwi." sigaw ko sa kanya. Walang lingon likod siyang bumaba ng sasakyan niya. Ngumisi lang ito.
"Who told you na magmo-mall tayo? In your dreams" sabi niya. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Tumahimik nalang ako.
"Wait here, I will just pick someone inside." wala na akong nagawa kundi sundan lang siya ng tingin.
Hammer is my childhood dreamboy simula pa noong mga bata kami gustong-gusto ko na talaga siya. Pero hindi man lang niya ako napapansin. Wala din naman akong nababalitaang girlfriend niya kaya kampante ako. Sabi kasi ng mga kaibigan niya, Siya daw ang pinakapihikan sa lahat.
"Hammer, I love you." pagtatapat ko sa kanya para bago man lang ako kunin ng magulang ko ay alam na niya na mahal ko siya.
"Gianne ilang beses ko bang sasabihin saiyo na ayaw kita? Hindi ikaw ang tipo ng babaeng magugustuhan ko." tahasang sabi nito.
"Hindi mo ako mapipigilang mahalin ka Hammer. Sinasabi ko sa iyo ito para alam mo na. Akin ka na noon pa kaya maghanda ka. Kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral hindi mo na ako matatakbuhan pa." sabi ko sa kanya na ikinatawa lang niya.
"Mahiya ka nga sa sarili mo... Babae ka pa ba? Sana pag-alis mo wag ka ng bumalik." sabi niya. Pero parang wala lang sa akin na nginitian ko siya saka hinalikan sa lips.
"Ingat ka dito mahal ko... papakasalan mo pa ako." nagpapacute na sabi ko. Pulang-pula ang mukha niya kaya tinawanan ko siya... Patakbo niya akong iniwan...
"Nakatulala ka diyan?" sabi ng lalaki sa nakabukas na salamin ng sasakyan.
"Ha eh, may naalala lang. Alis na ba tayo?" tanong ko.
"Yeah." maikling sagot niya ng may biglang babaeng lumabas sa likuran niya. Busy ito sa Cp kaya hindi niya ako napansin.
"Lowbat na pala ako. Pacharge ako ha..." walang pakialam niyang sabi. Mabilis akong lumabas at nilapitan ang babaeng nagsalita. At walang sabi-sabing niyakap ko ito.