Continuation of CHAPTER 106 MAMITA's POV: SA PAGTULOG ni Zach ay siya namang pag-utos ko sa driver na pumunta kami sa school ni Josh. Nang mabanggit ng anak ko na magkaklase si Josh at ang anak ni Jillian ay hindi ako nagsayang ng oras para puntahan ang bata. Yung driver namin ay hindi na si Grex. Ang bilis niyang umalis sa pagiging driver dahil may mahalaga pa raw siyang gagawin. Kaya panibagong driver ang kinuha ni Zach para mapalitan ang lalaki. And good to know na yung napili naming kapalit ay magaling din makisama dahil hindi nagagawa niya kaming makausap na walang alinlangan. "Nandito na ho tayo Ma'am," magalang na saad nito nang ihinto niya ang sasakyan sa private school. Pinagbuksan niya na rin ako ng pinto kaya lumabas na ako ng kotse. Tinanong pa ako ng guard kung ano an

