CHAPTER 106 MAMITA's POV: PAGKA-UWI ni Zach ng mansion ay dumiretso siya sa isang room na kung saan ay nandoon ang mga wine. Kapag alak ang kanyang hanap ay halata ko agad na may dinadala itong problema. O kaya naman ay meron siyang mabigat na pinapasan na hindi nito masabi sa akin. Pinagmamasdan ko lang ang kilos ng anak ko dahil ang gusto ko ay siya na mismo ang umamin sa akin at mag-open up ng sama nang loob niya. Pero mukhang mapipilitan ako na lapitan siya dahil sa mabilis nitong kinuha ang nakakalasing na wine. Ito yung alak na isang tagay mo pa lang ay mahihilo ka agad. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Zach? Kay aga-aga at pinili mong uminom dito?" ani ko nang agad kong kunin ang baso sa kanyang kamay. "Mama, pwede bang kahit ngayon lang ay hayaan niyo muna ako? Pagbigyan

