“Wealther, pakikuha nga ng kanin doon para makapagsimula na tayo.”
So Wealther is his name? That's interesting.
“Andrea, iha, mabuti naman at napadayo ka ulit dito sa bukid? Kumusta ka na?”
Nabaling ang aking atensyon sa mama ni Wealther nang kausapin ako nito. I was hoping na kahit yung itsura nalang niya ang maging pamilyar sa akin as a way of unlocking those series of dreams with that boy I met years ago, pero wala. I don't remember meeting any of them at all.
“Ayos naman po ako, tita,” I said then smiled.
“Tita?” She halted from reaching for the plates and looked at me. Medyo natatawa pa ang mukha nito as if I said something funny kaya nagtaka ako.
“Bakit po?” I curiously asked.
“Ano ka ba naman, iha. Nanay Belen nalang, 'yan naman ang tawag mo sa akin dati pa. Mas sanay ako roon.”
“Hayaan mo na 'yang si Andrea ma, siguro hindi na niya maalala sa tagal ng panahon na hindi niya tayo nakita,” biglang singit naman ni Wealther na kababalik lang at may dala-dalang kanin at mga kubyertos.
He smiled and winked at me, as if telling me na magtiwala ako sakanya at siya na ang bahala. Maybe he sensed that I'm a bit uncomfortable pa and I'm glad that he's aware.
I still can't fully process everything inside my head, natameme na ako noong bigla niya akong niyakap kanina ni hindi ko nga naitanong agad ang pangalan niya. He just hugged me tightly earlier like he was waiting for that moment to happen. Kahit ngayon ko lang siya nakilala, I can feel that his gestures were sincere, but I'm still not sure kung siya ba talaga yung bata sa panaginip ko.
“Kain ka lang, iha. Maya-maya ay ililibot ka ni Wealther doon sa may palayan, mas maganda ang mga tanawin doon,” ani ni Nanay Belen na tinugunan ko naman ng pagtango.
Maybe I was really close with Nanay Belen before, she seem so fond with me. Parang welcome na welcome talaga ako dito sa bahay nila.
Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako na uuwi dahil baka nag-aalala na sila mama sa akin lalo na't bigla na lamang ako nawala. Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si mama na nagwawalis sa may sala, napalingon ito sa gawi ko at nagulat pa nang makita ako.
“Oh, gising ka na pala akala ko tulog ka pa. Saan ka galing? Ang aga pa ah.”
“Sakanila Nanay Belen po, ma,” ani ko at tinulungan siya sa pag-usog ng coffee table. We have a lot of things to unpack today dahil medyo matatagalan din muna kami dito. I guess we'll spend the rest of our summer here sa probinsya which is favorable kay mama kasi mababawasan na raw ang pagtutok ko sa cellphone ko lalo na't walang masyadong signal dito.
“Ah, si Belen. Matagal-tagal ko na ring hindi nakakausap iyon, mabisita nga mamaya. Yung anak niya, kumusta? Kasing edad mo lang yun, pogi na siguro yun ngayon.”
Si Wealther? Well, he's kind of attractive. He's tan pero bumagay iyon sakanya lalo na't medyo may kalakihan din ang katawan niya.
“Are we close, mom?”
Ibinaling ko ang tingin ko kay mama nang may mapagtanto. I could just ask her about my childhood, panigurado naman na may alam siya lalo na't madalas din naman kami dati dito.
“Sino? Yung anak ni Belen? Ay oo, halos doon ka na nga sa bahay nila tumira. Naalala ko umiyak ka pa noong pinapauwi na kita.” She chuckled upon remembering that scenario.
“Napagdesisyunan nga namin ni Belen na doon ka nalang muna matulog sakanila tapos sa susunod na gabi ay dito naman kayo kasi pati yung anak niya ay umiiyak na rin dahil ayaw mapalayo sa'yo. Ang liliit niyo pa noon pero yung anak ni Belen parang matanda na kung kumilos, pa minsan pa ay tinanong ako noong batang yun kung pwede ka na raw pakasalan.”
Halos maluha-luha na si mama katatawa habang inaalala yung mga ganoong pangyayari, but I can't seem to enjoy her stories kasi wala talaga akong maalala. Kahit anong pilit ko ay wala. Now I'm really bothered, I feel like a piece of me was constantly missing dahil lang sa meron akong memorya na hindi ko maalala.
Noong mag hapon na ay dinaanan ako ni Wealther dito sa bahay para ipasyal sa kabukiran. Hindi na niya ako napaalam kina mama dahil umalis din yung dalawa kanina matapos naming mag-ayos ng mga gamit para mamalengke. Sabi kasi ni mama ay mas mura raw dito ang mga gulay at fresh compared sa city dahil malapit ang taniman, ang kaso nga lang ay karne naman ang madalang na nabebenta rito dahil masyadong malayo ito sa kabihasnan at matagal ang pagtransport.
“Mabuti naman at maaraw ngayon kaya malilibot natin ang bukid kesa noong mga nakaraang araw na laging maulan,” ani ni Wealther. Napatingin ako sakanya at nginitian naman ako nito.
Naniningkit ang mga mata nito kapag ngingiti kaya pati ako ay parang nadadala na rin sa liwanag ng mukha niya. He looks so happy.
“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?”
“What? No," I chuckled when he started wiping his face. Mukhang hindi pa naniniwala at inilabas pa ang cellphone niya para tignan ang repleksyon nito sa screen.
“I told you there was nothing,” natatawa ko pang ani.
“Kung makatingin ka kasi parang may kulangot na nakausli sa ilong ko.”
Lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi nito, almost out of breath na napapahawak na ako sa tiyan ko pero agad din akong napaayos nang mapansin na nakatingin lang ito sa akin. Na conscious ako bigla sa galaw ko. I can't certainly remember when was the last time I laughed this hard matapos mawala nila lolo at lola. Hindi maipagkakaila na may sense of humor din itong si Wealther.
“You're glowing when you're happy,” he softly said. His eyes were dreamy and his skin is glowing kapag natatapatan ng araw, ni wala man lang akong makita na bakas ng acne. His face is close to perfection.
“Really?” I jokingly said at nauna nang maglakad sakanya.
Nilibot lang muna namin yung area na malapit sa bahay namin dahil masyadong masakit na sa balat yung sikat ng araw. He even offered to take pictures of me sa bawat lugar na may magandang scenery. Para akong bata na mangha na mangha sa mga nakikita ko.
Sa tagal ko ba namang hindi na nakakabalik dito ay halos bago na ulit lahat sa paningin ko. May mababang falls din kaming napuntahan kanina, doon kami medyo tumagal dahil na-enjoy ko masyado ang lamig ng tubig. Gusto ko pa nga sana maligo kaso wala akong dalang pamalit, but Wealther promised that he'll take me there again next time.
“Relax ka lang kasi, 'wag ka masyadong magalaw at natataranta rin yung kalabaw,” panenermon sa akin ni Wealther nang muntik na akong mahulog.
Ngayon ay tinuturuan niya naman ako how to ride a kalabaw since I mentioned earlier that I haven't tried riding one before and I wanted to experience it. Pero ngayon ay parang pinagsisihan ko na.
“How can I relax kung binibitawan mo ako? Kita mo naman na walang hawakan eh!” I shrieked.
“Kaya nga sinasabihan kita na magrelax para maka-balance ka.”
I almost cried dahil ilang beses niya akong tinutukso na bitawan, maputik pa naman yung nilalakaran ng kalabaw dahil nandito kami sa palayan nila ngayon. His father, Tatay Hulyo, and his friends are just watching from a far. Mukhang sila pa yung nag-i-enjoy sa panonood sa amin.
“Ayan, medyo marunong ka na.”
Malaki ang ngiti sa labi na tumingin ako kay Wealther noong nakakaya ko na na ako lang mag-isa. I clicked my tongue repeatedly para lumakad yung kalabaw, inikot lang namin yung bawat edge ng palayan bago ko naisipang bumaba na.
My hair's already damped with sweats at ganoon din ang shirt na suot ko. Medyo namumula na rin ang mga braso at hita ko dahil sa init. Balot na rin sa putik ang mga paa ko, but I didn't mind. I really enjoyed the kalabaw ride and was happy to do it again some other time.
“Oh.”
Wealther offered me his bimpo pagkalapit ko sakanya. He still look fresh kahit ang dami na naming nagawa ngayong araw samantalang ako ay nagmumukhang basahan na siguro.
“Uwi na muna tayo siguro para makapagpalit ka, basang-basa na ng pawis yung damit mo,” dugtong pa niya na sinang-ayunan ko naman.
It was already 5 pm when I checked my phone na hawak niya kanina. Ang bilis ng oras pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Pagkarating namin sa bahay ay wala parin sina mama doon kaya pinaupo ko muna si Wealther sa sala at pinainom ng tubig bago dumiretso sa kwarto.
I took a quick shower first and nagbihis na. I changed in my comfortable loose white t-shirt and grey sweat shorts. Ang napag-usapan namin ay panonoorin namin ang paglubog ng araw doon sa may duyan sa ilalim ng malaking puno sa tabi ng palayan nila dahil maganda raw yung view ng sunset doon dahil kitang-kita ang dagat at nagkikislapan na ilaw ng mga kabahayan sa paanan ng bundok. Hindi ko mapigilan ma excite kasi rarami na naman ang mga pictures na maipopost ko nito sa i********:.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Wealther sa sofa na nanonood ng tv, nakahilig pa ang ulo nito sa sandalan, halatang napagod sa mga ginawa namin kanina.
Lumingon ito sa gawi ko nang marinig ang pagsara ng pinto at agad na sinalubong ako ng matamis na ngiti. Ang kaninang pagod na itsura nito ay lumiwanag like he's regained his energy back already.
“Sakto, palubog na ang araw. Tara.”
Dali-dali naming tinahak ang daan pabalik sa palayan nila para pagmasdan ang papalubog na araw. Pagkarating namin doon ay wala na sina Tatay Hulyo, siguro ay umuwi na kaya kaming dalawa nalang ang tao doon.
Umupo ako sa duyan at ganoon din siya and swinged myself a little, medyo lumalakas na ang hangin dahil gumagabi na at tinatangay nito ang basa ko pang buhok. My lungs are filled with fresh air again after so many years.
Halos mapunit na ang labi ko sa lapad ng aking ngiti habang nakatingin sa repleksyon ng araw sa dagat habang papalubog ito. The molten hues in the sky radiates its overflowing beauty, almost taking my breath away. Parang nakakapaso titigan, but I couldn't help myself but to fell in awe on its beauty.
I really spent my time here so well, I get to try things na wala sa Manila. Who would've thought that I will enjoy this much and laugh this much, akala ko pa noong una ay magiging awkward kami ni Wealther sa isa't isa since wala akong maalala na memory ko of him noong bata ako, but I was wrong. He made me feel comfortable, he made me feel secured.
Ibinaling ko ang tingin ko sakanya pero nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa papalubog na araw. At that time I get to appreciate his beauty, his thick and long lashes that complimented his brown eyes, his pointed nose, his plump and pinkish lips. I wanted to imprint that image of him in my mind, whether he's the boy in my dreams or not, I wanted to remember this face of his that once again ignited those burned hopes for a new beginning.