Chapter Four

1858 Words
Naging tampulan ako ng tukso dito sa bahay dahil doon sa mga ginawa namin ni Wealther noong isang araw. Ang sabi pa ni tita Mandy ay baka raw hindi ko na gugustuhing bumalik ng Bacolod dahil kay Wealther na ginatungan naman ni mama. Napapailing nalang ako dahil hindi ko naman binibigyan ng ibang kahulugan ang pagsasama namin ni Wealther. Hindi kami nakapagkita kahapon dahil naging busy ako sa pag-aasikaso kay lola samantalang siya naman ay tumulong doon sa pagharvest ng mga palay nila, but he promised me na dadaanan niya ako ngayong araw dahil babalik ulit kami doon sa mababang falls na hindi rin naman kalayuan dito sa amin. “Aalis ka ba?” Napatingin ako kay tita Mandy na ngayon ay nakasilip sa aking kwarto at pinapanood ang pag-aayos ko ng iilang damit para pamalit mamaya at iilang chichirya na pwede naming kainin habang naliligo. “Ah, opo maaga naman po akong uuwi. Pasabi nalang po kay mama kapag nakabalik siya na kasama ko si Wealther,” ani ko. My brows furrowed when tita Mandy gave me a teasing look. Naku, iba na naman ang nasa isip nito. Napailing nalang ako at nagpaalam nang aalis bago pa ako paulanan ng mga nakakairitang tanong tungkol sa amin ni Wealther. Pagkalabas ko ng gate ay nandoon na siya suot ang simpleng t-shirt at jersey shorts nito, kahit ganoon lang yung porma niya ay hindi man lang ito naging sagabal sa makisig nitong tindig. If he only lives in the city, he would easily become popular especially with girls, konting ayos lang ay pwede na. We are now on our way to what he called Banilad Falls, hindi pa ito open sa public dahil recently lang din na-discover ng ibang tao ang tungkol sa falls na iyon. Hindi rin daw nachecheck pa ng mga taga-tourism office ng municipality dahil masyadong malayo ang biyahe papunta rito lalo na't tanging habal-habal lang ang option for transportation dito, unless kung may sarili kang sasakyan. “Ibigay mo sa'kin ang bag mo para mas madali kitang mahugot pataas.” Pagkarating namin ay kitang-kita ko na kaagad ang malaking bato na tumatakip sa falls. Sa likod niyan ay tubig na kaagad. Last time ay dito rin nahirapan si Wealther sa akin dahil masyadong mataas ang bato na kailangan mong gapangin pataas, but knowing Wealther, sanay na siya rito kaya madali nalang para sakanya ang umakyat. “Wait kasi, I can't pull myself upward,” reklamo ko “Bumitaw ka kasi diyan sa bato at itong kamay ko ang hawakan mo para mas madali kitang maiakyat.” I rolled my eyes out of frustration at padabog na iniabot ang kamay ko sakanya. He immediately pulled me upward nang walang kahirap-hirap at agad na binato sa akin ang aking bag na lalong ikinainis ko, but he just laughed. “Ang sungit mo naman,” natatawang sabi nito pero hindi ko na lamang pinansin. Ang kaninang inis na nararamdaman ko dahil sa hirap sa pag-akyat kanina ay biglang napawi nang makita ko ulit ang ganda ng talon. Dahil sa medyong masukal na parte ito ng kakahuyan makikita, puro naglalakihang bato ang nakapaligid dito. Isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nila kayang buksan ito sa publiko dahil masyadong delikado. Nabaling ang tingin ko kay Wealther nang magsimula na itong maghubad ng pang-itaas na damit sa harapan ko. Halos madulas pa ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat kung hindi ko lang kaagad nabalanse ang sarili. Lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Ano pang hinihintay mo? Tara na.” Inilagay nito ang damit sa katabing bato kung saan ay hindi maabot ng tubig bago sunod na hubarin ang jersey shorts nito. Agad na napaiwas ako ng tingin at napalunok ng matindi. What is he doing? Does he need to take all of his clothes off? Ibinalik ko lamang ang tingin ko sakanya nang marinig ang pagaspas ng tubig pagkatapos nitong tumalon. I glared at him. Pakiramdam ko tuloy ang init-init kahit na ang lamig naman ng hampas ng hangin. “What a show off,” I scoffed at hinubad na rin ang bestidang suot ko. Leaving me with my spaghetti top and cycling shorts. I slowly dipped myself into the water, letting my body adjust to its temperature. Sobrang lamig ng tubig at magaan lang sa pakiramdam pero may kalaliman din itong parteng napagpwestuhan namin dahil halos hindi ko na makita kung anong meron sa ilalim. “Andrea!” Lumingon ako kay Wealther na ngayon ay nakatayo sa kabilang side, malapit sa falls. He gestured na lumapit ako sakanya na sinunod ko naman pero noong malapit na ako sakanya ay napasigaw ako sa ginawa nito. “Ahh!” Inis na hinampas ko ito sa braso habang nauubo pa dahil nakainom ako ng kaunting tubig matapos akong talunan nito papuntang ilalim nang hindi ko inaasahan. Lumangoy ako papuntang gilid para makabwelo ng hangin, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit sobrang kinabahan ako gayong marunong naman ako lumangoy. “Uy, ayos ka lang ba?” Natatarantang hinawakan ako nito sa balikat at marahang hinagod ang aking likod. Napahawak naman ako sa aking dibdib para pakalmahin ang puso ko. “You're asking me that? Really?” Matalim ang titig na ibinigay ko sakanya matapos kong maka-recover sa ginawa nito. He just gave me a sly smile at nag peace sign pa. Kung hindi lang mabato dito sa falls ay kanina ko pa 'to sinubsob hanggang sa malunod. But come to think of it, kahit ilang araw palang kami na nagkikita nitong si Wealther, pakiramdam ko ay ilang taon na kaming magkakilala. We became instantly close at wala man lang konting bahid ng awkwardness. He really knows how to socialize, kahit noong papunta kami sa palayan nila ay maraming tao ang bumabati sakanya. Parang kilala talaga siya dito sa lugar nila. Well, who wouldn't? May itsura rin naman kasi itong si Wealther. Pagkalipas ng mahigit isang oras na pagbababad dito sa talon ay doon lang ako nakaramdam ng gutom kaya tumakas muna ako at inilabas sa bag ang mga dala kong pagkain. Inaya ko na rin si Wealther na mag meryenda muna. “Gawa namin 'to ni mama kagabi, try it.” Nakangiting inabot ko sakanya ang isang tupperware na may lamang leche flan. Kahapon pa akong excited na ipatikim ito sakanya since ito ang unang beses na nagluto ako para sa iba. He took a spoonful of it at kabadong tinititigan siyang isinubo ito. He has no reaction at all kaya hindi ko masabi kung nasarapan ba siya o ano. “So, how was it?” I was a bit hopeful na sana ay masarap, though alam ko naman na masarap talaga pero hindi ko alam kung masasarapan ba siya. Kung hindi man ay ipapalunok ko sakanya ang buong piraso hanggang sa masabi niya na masarap. “Gawa mo 'to? Ang sarap ha.” Tuwang-tuwa itong kumuha ulit sa tupperware kaya sinabi kong ubusin niya na lahat ng iyon. May mga natira pa naman sa bahay, siguro dadaan nalang ako mamaya sakanila para bigyan sina nanay Belen. Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nakaupo lang dito sa may batuhan habang nagtatawanan. Nagkukwento rin si Wealther about sa mga kalokohan niya noong bata pa siya at kung gaano ako kadalas sa bahay nila dati, but he never mentioned anything about the kiss I had with that boy in my dreams. Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya naman ako, I wasn't even sure kung talagang nangyari yun. “At ito pa, you were crying so hard that time kasi inubusan kita ng pakbet. Paborito mo kasing luto iyon ni mama kaya madalas ka niyang paglutuan nun dati.” “Really? How come I don't remember that?” Natatawang sabi ko. “Sobrang bata mo pa nun kaya impossible talaga na maalala mo, parang ganito kaliit ka lang dati tapos iyakin pa.” Puro tawanin at tuksuhan lang kami magdamag until we have decided na magbihis na dahil lalong lumalamig na ang tubig, hapon na rin kasi at mukhang maya-maya ay papalubog na ang araw. We fixed everything and made sure na wala kaming naiwan na kalat, it would be a shame kung dudumihan namin itong treasure ng lugar nila. Sa tingin ko kasi ay itong Banilad Falls ang magiging asset ng lugar nila pati na rin ang ganda ng sunrise at sunset dito. “Dahan-dahan lang baka gumulong ka pababa niyan,” panunukso na naman nito sa akin. “Ikaw ang magdahan-dahan baka hindi kita matantya at matulak kita pababa.” Malakas na tawa naman ang naging tugon nito, pero imbis na mainis ay natawa nalang din ako. Nakakahawa kasi yung tawa niya, parang bibe na sinasakal. Noong malapit na kami sa bahay ay bigla naman itong tumigil sa paglalakad na ikinatigil ko rin at nagtatakang nilingon siya. “May nakalimutan ako,” bulalas nito. “Huh? Ni-check naman natin yung paligid bago umalis, wala naman akong nakitang naiwan doon.” “Hindi iyon, I mean, nakalimutan kong hingin number mo.” Marahang napakagat ako ng labi para pigilan ang sarili kong mapangiti. “Akin na cellphone mo.” Mabilis niyang hinablot ang cellphone ko sa kamay ko at sandaling kinalikot ito at ibinalik na ulit sa akin. “Ayan, naka-save na diyan yung number ko at ni-text ko na rin sarili ko para alam ko number mo. Tara na at dumidilim na.” Nauna na itong maglakad sakin habang ako naman ay natameme parin. Bakit niya naman hihingin number ko eh wala ngang masyadong signal dito, parang timang lang. Pagkarating namin sa tapat ng gate ay pinapasok ko muna siya dahil ipapadala ko sakanya yung itinabi kong isa pang leche flan para kina nanay Belen at sinamahan na siya palabas. “Uhm, salamat mga pala Wealther ah. Sa pagdala sa'kin doon sa falls, I really enjoyed this day.” Simula pa noong unang araw ko rito sa bukid ay ang dami na niyang ginawa para sa akin at dahil din doon ay nabigyan ako ng pagkakataon para makilala pa siya ng lubusan. I get to know the different sides of him and I'm really glad na nagkakilala kami. “Ano ka ba naman, wala yun. Marami pa tayong gagawin at pupuntahan sa mga susunod na mga araw kaya saka ka na magpasalamat dahil papagurin pa kita kalilibot dito sa kabukiran.” Natawa naman ako sa sinabi nito kaya pati siya ay natawa na rin. Hindi talaga tumatagal kahit isang minuto yung seryosong usapan dahil masyado itong maloko, which I really like about him. 'Wag lang talaga maging manloloko. Pumasok na ako sa loob matapos siyang ihatid sa labas and as expected, si tita Mandy kasama si lola ay nag-aabang sa may pinto. Nakangiting aso pa ang dalawa sa akin kaya bago pa nila ako tuksuhin ay kumaripas na ako ng takbo papuntang kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa higaan habang nakasubsob ang mukha. The scene which Wealther was undressing his stop suddenly appeared in my mind kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga at napasabunot sa buhok. What the hell is that? Bakit sumagi sa isip ko yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD