Chapter 13: Missing

1644 Words

Nanginginig pa rin ang buong katawan ni Sarah dahil sa takot. Yakap-yakap siya ng kuya Alex niya. Nakailang inum na siya ng tubig pero ganoon pa rin ang pakiramdam niya. Hindi kasi mawala sa isip niya ang nangyari lalo na kung paano si Sam nawalan ng malay dahil sa tama ng bala sa bandang likuran nito. “Relax, she will be alright,” pag-aalo sa kanya ng kapatid. Nasa labas silang lahat ng clinic naghihintay sa resulta. Tiningnan niya si Zander puro dugo pa rin ang damit nito. Nakatayo lang ito malapit sa pinto ng clinic. Halos isang oras na silang walang imikan ni wala ngang nagsasalita sa kanilang lahat. Napatingin siya kay Matteo. Humakbang ito papalapit kay Zander at may binulong. Ilang sandali pa’y umalis si Matteo at Paul. Unti-unti na ring bumabalik sa normal ang pakiramdam niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD