Chapter 11

1907 Words
“KISS” KINABUKASAN hindi pumasok si Larah dahil madaling araw pa lang umalis na siya sa universidad. Nasa harapan siya sa isa sa mga tirahan ni Mr. Renato Chua o mas kilalang Ryan Chua. Isa ito sa laging tinitirhan ng matanda ang pinuntahan niya base na rin sa ibinigay na detalye ni Mrs. Sanchez sa kanya. Hindi siya makalapit sa malaking kulay black gold na gate dahil maraming cctv camerang nakalagay sa harapan. Wala ngang halos bantay sa labas pero tadtad naman ng cctv camera ang paligid. Tumingala siya para makita niya kung gaano kataas ang pader sa harapan, halos ata 5 feet ang haba ng pader. Hindi madaling maakyatan o mababaan. Mula sa harapan inikot niya ang paligid. Walang pagbabago, mataas pa rin ang pader. Nang magsawa siya kakatingin. Bumalik siya sa kanyang sasakyan na binigay ni Mrs. Sanchez kaninang madaling araw. Pumasok siya rito at pinaandar paalis pabalik sa universidad. Hindi na muna siya papasok sa lungga ng mga Chua. Pakikipag laro na muna siya sa matanda. Anim na oras ang biyahe niya, malayo kasi ang lungga ng matanda. Med’yo nangangalay na rin ang mga kamay niya sa pagod at wala pa siyang kain. Nang malapit na siya sa universidad iniba niya ang daan patungo sa kagubatan. Pumasok siya sa tagong daan patungo sa underground ng eskuwelahan kung saan siya nakalabas kanina. Pagdating niya sa ilalim agad siyang bumaba ng sasakyan para umakyat na sa taas. Pero napatigil siya sa paglalakad nang may napansin siyang ilaw sa unahan. Imbes na patungo sa daan paakyat nilapitan niya ang isang pasilyo na may kulay dilaw na ilaw. Nang makalapit isang clinic ang bumungad sa kanya. Kaso nga lang puro may kalawang na ang mga kagamitan. Tingin niya nasa dalawang dikada na ang clinic na ’di ginagamit. Binuksan niya ang lahat ng ilaw sa buong underground. Bumungad sa kanya ang iba’t ibang kagamitan sa pakikipaglaban. Pumasok din siya sa tatlong kuwarto kung saan may nakita siyang buto ng tao. Bigla siyang napatigil sa paghalughog nang tumunog ang kanyang tiyan. Nagugutom na nga talaga ang mga alaga niya sa tiyan. Tinahak niya ang daan patungo sa elevator paakyat sa taas ng universidad. Babalik na lang siya kung may oras. Hindi niya aakalaing ganoon ka hytect ang pinatayong universidad ng Lolo niya. Lumabas siya sa secret room ni Mrs. Sanchez kung saan siya dumaan kaninang madaling araw para makaalis sa lugar. Sinabi rin ng Principal sa kanya na walang ibang nakakaalam tungkol sa underground ng universidad. Kahit kina Zander hindi niya ito sinasabi. Nang tuluyan siyang makalabas sa opisina ni Mrs. Sanchez dali-dali siyang naglakad sa hallway patungo sa elevator. Nang malapit na siya sa pintuan ng elevator maraming naghihintay na mga estudyante ang nakikita niya. Ala-sais na kasi tapos lunes pa kaya maraming estudyante na ang gustong magpahinga. Wala siyang nagawa kundi maghagdan na lang paakyat. Baka aabutin siya ng ilang minuto sa paghihintay kung sasakay pa siya. Hingal na hingal siyang nakarating sa ika-anim na palapag. Halos takbuhin na lang kasi niya ang hagdan para makarating agad sa taas. Nagrelax muna siya saglit bago naglakad patungo sa unit niya. Nang makarating siya sa pinto agad niyang kinuha ang susi sa bulsa ng pantalon niya. “Where have you been?” Tanong ng isang mautoridad na boses sa kanyang likuran. Huminga muna siya nang malalim bago hinarap ito. Alam naman niya kung sino’ng impakto ang nasa likuran niya. Isang nakakunot-noong hitsura ang nakikita niya sa mukha ng binata. Halos magpantay na ang makapal na dalawang kilay nito sa pagkakakunot habang nakatitig sa kanya. “Answer me woman!” Tiim bagang na tanong nito sa kanya. Nagtataka siyang tumitig din sa mga mata nito. Bakit ito nagtatanong sa kanya ng ganito. Ano bang makailam ng mokong na ’to. Napapansin niyang may pag-alala sa mga mata nito pero hindi siya sigurado. Kailangan na niyang gawin ang plano niya rito. “Nag--nag papahangin lang,” sagot niyang nauutal pa. “Nang ganitong oras? Mainit ba sa kuwarto mo kahit may aircon?” madilim nitong tanong. “Ano’ng pakialam mo kong gusto kong lumabas!” singhal niya bigla rito. Naiinis na siya bakit ba nakikialam na ito ngayon sa kanya. “Alam mo ba kung ano’ng oras na babae?” tanong nito sa kanya na ngayo’y parang nagpipigil sa galit. “Bakit ako ang tinatanong mo sa oras, eh may suot ka namang relo. Ano’ng silbe ng relo mo?” wika niya. Napansin niyang mas lalong dumilim ang tingin nito sa kanya dahil sa pinagsasabi niya. Alam naman niya ang ibig nitong sabihin. Bigla na lang itong tumalikod sa kanya at naglakad paalis. “Ano’ng problema ng lalaking ’yon?” isip niya. Mababaliw na ata siya sa mga nangyayari. Dumagdag pa sa plano niya ang kaligtasan ng impakto ’yon. Kung may mangyaring masama sa binatang iyon at mapunta sa mga Chua ang pinaghirapan ng lolo niya, iyon ang hindi puwedeng mangyari. “Kung minamalas nga naman kung sinu pa iyung iniiwasan, mas ilalapit pa ng tadhana,” isip ni Larah. KINABUKSAN maagang pinuntahan ni Sarah si Sam sa dorm nito. Kaso pagdating niya walang bumubukas ng pinto kahit nakailang doorbell na siya. Nag-alala na siya kung ano’ng nangyari kay Sam dahil hindi pumasok ang dalaga kahapon sa klase nila. Tumatawag din siya rito pero hindi ito sumasagot. “Baka nandoon na siya sa ibaba,” isip niya. Naglakad sila patungo sa elevator para bumaba. Pagdating nila sa classroom naroon na ang hinahanap niya. Nagbabasa ito ng libro sa upuan. Naglakad siya patungo kay Sam napansin niyang nakatingin si Joshua at kuya Alex niya. Nang tumingin din siya sa mga ito bigla na lang nag-iwas ng tingin ang dalawa sa kanya. Pilit niyang pinatatag ang sarili. Hindi na siya muling tumingin pa lalo na kay Joshoa. Bumabalik lang kasi ang sakit dahil sa ginawang nitong pangbabaliwala sa kanya kahit wala naman siyang nagawang masama. Nang sumapit ang breaktime nila ay niyaya niya si Sam sa garden para makipagkita kina Jenny. Pagdating nila naghihintay na pala ang tatlo sa kanila. “Bakit ang tagal n’yo?” nakasimangot na tanong Lina. “Kain na tayo gumawa ako ng burger kanina,” nakangiting saad ni Mona sabay bukas sa bag niya. Nang makita ni Sarah ang pagkain na gawa ni Mona. Kumagat siya agad nang inabot sa kanya ang isa. Napapapikit siya sa sarap nang malasahan niya, subrang sarap. “Mon, turuan moko gumawa nito ang sarap,” bigkas ni Lina na ngayo’y takam na takam sa pagkain. “Puwede ka na pa lang mag-asawa, Mon,”biglang saad ni Jenny. “Gagi, tsaka na ’yang asawa kapag nakatapos na tayo,” sabat ni Lina. “Sar, magkuwento ka naman about sa pamilya n’yo, nasaan ang parents ninyo ni Alex,” tanong ni Lina sa kanya. Napalunok siya sa tanong ni Mona. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin sa mga ito ang tungkol sa pamilya niya. Ang tanging nasabi niya lang kasi sa mga kaibigan ay magkapatid sila ni Alex. “Nasa ibang bansa busy sa trabaho, eh,” tanging sagot niya. Hindi niya puwedeng sabihin sa mga ito ang lahat tungkol sa pamilya nila. Iyon kasi ang bilin sa kanya ng kuya Alex niya. “Kayo ba nasaan ang mga parent ninyo rin,” tanong niya sa mga kaibigang kaharap. “Wala na akong mommy patay na siya si daddy naman ayon busy sa rin lagi business,” sagot ni Mona. “Ako naman Lola ko na lang nagpapalaki sa ’kin sagot naman ni Jenny. “Ako naman completo pa naman ang parents ko kaso nga ayon busy rin sa trabaho nila walang time sa akin,” nakayukong turam ni Lina. Ramdam ni Sarah ang lungkot sa mga Lina. Hindi lang pala siya ang nakakaramdam ng ganoon sa mga magulang. Akala niya siya lang nakakaramdam ng pangunguli sa isang pamilya. Lumalaki kasi siyang ang kuya Alex lang ang kasama niya. Pero naintindihan naman niya ang magulang kung bakit busy lagi ang mga ito sa business nila. Hindi lang talaga maiiwasan na gusto ring niyang makasama ang mga ito kahit minsan lang. “Ikaw, Sam. Nasaan ang mga parents mo,” tanong ni Jenny kay Sam. “They are also busy work,” tipid na sagot ni Sam. Napapansin ni Sarah nitong huling mga araw naging tahimik si Sam na para bang may laging iniisip ang kaibigan. Nang sumapit ang tanghalian nagsama rin silang lima papunta sa canteen para mananghalian. Pagpasok nila sa canteen agad na nagtungo sina Jenny at Lina sa food display para bumili ng pagkain. Habang nagsisimula silang nilantakan ang pagkain may naririnig silang hiwayan ng mga estudyante. Ang akala ni Sarah ay ang groupo ng kuya Alex niya. Pero nagtataka siyang ibang groupo ang nakita niyang papasok sa canteen. “Hindi ba bawal pumasok ang kabilang estudyante dito sa building natin,” biglang saad ni Mona. “President officer si Arnold sa kabilang building kaya puwede siyang pumunta rito kung gugustohin niya,” sabat ni Jenny. “Bakit mo alam?” tanong ni Lina kay Jenny. “Nasa rules kaya ’yon. Hindi mo ba binasa iyung papel noong bagong pasok natin dito?” tanong ni Jenny kay Lina. “Hindi,” sagot ni Lina. Nagtitilian ang mga estudyante nang tuluyang ng nakapasok sina Arnold. Napalinga-linga ito na para bang may hinahanap hanggang sa tumingin ito sa gawi nila. Kinakabahan si Sarah nang maglakad si Arnold papalapit sa mesa nila. “Hi, honey.” pansin niya bigla kay Sam. Pero si Sam parang hindi niya napapansin na may tao sa gilid niya, subo ng subo lang kasi ito sa isang platong pasta. Kumuha si Arnold ng isang upuan sa gilid at tabi kay Sam. Titig na titig ito kay Sam habang kumakain. “Your so cute while you eating, honey,” sabi uli ni Arnold. Dahan-dahan namang dumikit sa upuan ni Sarah ang tatlong niyang kaibigan habang nakatingin sa taong lumapit na lang bigla sa kanila. “Who are you?” tanong ni Sam habang hindi tumitingin sa taong katabi. Kumakain na naman siya ng spaghetti pagkatapos sa pasta. Wala atang kabusogan ang kaibigan niya. Napatingin si Sarah sa intrance ng canteen nang mapansin niyang pumasok ang groupo ng kuya Alex niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba nang madilim ang pagkakatingin ng kuya Alex niya kina Alex pati na rin sina Zander na parang susugurin na nila ang taong katabi ni Sam. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. gusto kita. Can i court you?” Napatingin sina Sarah at Jenny sa isa’t isa nang marinig ang sinabi ni Arnold. Seryoso ba siya na naligawan ang kaibigan nila. “Don’t waste your time to do that Mr--” “Arnold Garcia,” pakilala ni Arnold sa sarili niya sabay angat sa kamay nito. Pero hindi inabot ni Sam ang kamay nito bagkus tumayo si Sam at nagsimulang humakbang sana pero napigilan ni Arnold ang isa nitong kamay. “I am married Mr. Garcia,” wika ni Sam sabay bawi sa kamay niya mula rito. Napasinghap silang lahat dahil sa sinabi ni Sam. “Who’s your husband? Me i know him?” madiing tanong ni Arnold kay Sam naging madilim din ang hitsura nito habang tumitig sa kaibigan niya. “Yeah sure,” sagot ni Sam sabay hakbang papunta sa intrance ng canteen. “Hubby!” Napasinghat silang lahat nang makitang lumapit kay Zander si Sam at hinalikan pa nito ang dalawang pisnge ng binata. Nagkatinginan silang magkakaibigan sa trip ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD