Chapter 10

2569 Words
Bumaba si Larah para hanapin si Stacy. Nagdilim ang paningin niya kanina nang makita ang namumulang mukha ni Sarah dahil sa ginawa nito. Subra na ang ginawa nito kay Sarah. Nang makababa siya sa groundfloor agad siyang naghanap. Mahigit 30 minutes na siyang naghahanap pero hindi niya ito makita. Napatigil siya sa paglalakad nang may naisip siya para makaganti rito. Nagtungo siya sa likod ng building. Agad siyang lumapit sa lupa para magbungkal. Nang makakita siya ng bulati agad siyang naghanap ng plastic sa paligid para ipasok iyon. Napapangiti siya sa kanyang naisip na gagawin. Gaganti siya sa aliwan hindi sa sakitan. Kumuha siya ng maraming bulati bago nagtungo sa locker room nilang mga babae. Hinanap niya ang locker name ni Stacy. Tiningnan niya muna ang paligid kung may cctv camera. Bigla niyang itinago ang sarili nang may cctv camera pa lang malapit sa kanya. Buti na lang gumalaw itong hindi pa sa kanya nakatingin. Nang makakita siya ng tiyempo nilagay niya ang mga bulati sa locker room ni Stacy. Kinalat niya ito sa mga gamit ng dalaga. Agad siyang lumabas ng locker room pagkatapos niyang gawin iyon. Nang malapit na siya sa elevator napansin niya sina Matteo at Paul kasama si Mrs. Sanchez. Imbes na papasok siya sa elevator nilampasan niya ito para masundan niya ang tatlo. Nagdududa na kasi siya kung bakit malapit ang mga binata sa Principal nila. Akala niya papasok ang tatlo sa opisina ni Mrs. Sanchez pero nilampasan nila iyon hanggang tumapat ang tatlo sa instruments room. Itinago niya ang kanyang sarili para hindi siya makita ng mga ito. Nakita niyang pumasok ang tatlo sa instruments room. Tumingin muna si Larah sa paligid. Buti na lang walang cctv camera na palapit sa kinaroroonan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Nakikiramdam siya kung may nag-uusap ba malapit sa pintuan kaso wala siyang naririnig kahit konti. Inikot niya ang siradura ng pinto upang makapasok sa loob. Nang mabuksan niya ay sumilip muna siya. Pero kunot-noong tumingin siya sa loob, wala siyang nakitang tao. Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto para tuluyang makapasok. Kung sakaling makita siya ng tatlo may idadahilan naman siya dahil instrument room naman ang pinasukan niya. Hinanap ng kanyang mga mata ang mga ito pero bigo siyang makita. Medyo malaki ang loob kaya isa-isa niyang nilapitan ang tatlong kuwartong nakikita niya. Dinidikit pa niya ang kaniyang tainga sa pinto baka sakaling nasa loob lang sila. Hanggang sa may nakita siyang kuwarto na nasa pinakadulo. Dahan-dahan siyang lumapit doon. Habang papalapit siya’y rinig niyang may nag-uusap sa loob. Nang makalapit kita niyang nakaawang lang ang pinto. “Bantayan n’yong mabuti si Zander, pag may mangyaring masama sa kanya o kung makuha siya ng mga Chua katapusan na rin natin.” “Masusunod po, ma’am.” “Hindi puwedeng makuha ng mga Chua ang pinaghirapan ng mga Fernandez at Smith. Si Zander na lang ang natitira kaya dapat natin siyang protektahan.” Hindi maintindihan ni Larah kung ano ang iisipin niya matapos marinig ang pinag-uusap sa loob. Nalilito tulo’y siya sa nangyayari. Bakit kailangan protektahan si Zander? Tsaka ano ang sinasabi ni Mrs. Sanchez na si Zander na lang ang natitira? Bigla siyang napaatras nang maramdaman niyang may naglalakad papalapit sa pinto. Mabilis siyang pumasok sa katabing kuwarto. Halos hindi na siya humihinga dahil sa kaba, muntik na siyang mahuli. Nakahinga siya ng maluwag nang marinig niyang may naglalakad na papalayo. Nanatili muna siya ng ilang minuto sa loob bago lumabas. Kailangan niyang makausap si Mrs. Sanchez. Sigurado siyang may alam ito tungkol sa pamilya niya dahil sa narinig niya mula rito. Nang makalabas mula sa instrument room dumaritso siya sa opisina ni Mrs. Sanchez. Kumatok muna siya bago pumasok. Wala siyang naabutang tao sa loob kaya naghintay muna siya. Napatingin siya sa isang litrato na nasa gilid ng flowerbase. Pinakatitigan niya iyon ng maigi, dalawang lalaki. Ang isang lalaki ay hawig ng Lolo niya. Minsan na siyang nakakita ng litrato sa Lolo niya noong nasa 40’s pa lang ang idad nito. Kung hindi siya nagkakamali ang nasa litrato ay ang Lolo Fernan niya. “Ms. Kim? What are you doing here?” Bigla siyang napatingin sa nakakunot-noong si Mrs. Sanchez. Marahil nagtataka ito kung bakit nandito siya sa opisina. Lumapit muna siya sa mesa nito at kinuha ang frame. “Gusto kong malaman kung namatay ba talaga sa sakit si Mr. Fernandez,” panimula niya rito habang ang tingin ay nasa litrato ng Lolo niya. “Bakit interesado kang malaman? Tama ang hinala ko sa ’yo. Isa ka rin sa mga spy ng mga Chua,” natatawa nitong saad sabay upo. “Pasensiyahan tayo dahil hindi ka na makakalabas dito ng buhay,” dagdag nito at biglang tutok sa kanya ng baril. Bago pa man makalabit nito ang gatilyo ay sumagot na siya. “I am the grandaughter of Mr. Fernando Fernandez,” wika niya rito. Nakita niyang nagulat ito sa sinabi niya. Ayaw na niyang abutin pa sila ng madaling araw sa pag-uusap. Tumaas ang kilay niyang biglang tumawa ang babaeng kaharap. “Namatay ang anak ng mga Fernandez kaya paano ka magiging apo ni Mr. Fer--” “Paano kung buhay naman pala at hindi mo alam,” putol niya rito. Pero bakit sinasabi nitong namatay siya? “A--Anong pruweba mo na isa ka ngang Fernandez?” tanong nito sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa hinanap niya ang litrato ng mga magulang niya kasama ang Lolo niya. Ayaw niya mang ipakilala kung sino siya rito pero sapat na ang narinig niya kanina at makita ang litrato ng Lolo niya sa mesa nito na magtiwala siya rito. Nang mahanap sa private files niya ang litrato nila ay agad niyang pinakita kay Mrs. Sanchez iyon. Tumayo si Mrs. Sanchez para abutin ang cellphone niya. Napaupo bigla si Mrs. Sanchez matapos makita ang litrato nila. Nang mahimasmasan ito pumasok sila sa isang secret room nito para makapag-usap ng maayos na walang makakarinig nino man. May kinuha itong brown envelope sa drawer sabay abot sa kanya. Nalilito man ay inabot niya iyon at binuksan. Isang litrato ng matanda ang nakita niya mula sa loob. Kinuha niya iyon at tiningnan. “Siya si Mr. Ryan Chua. Kaibigan siya ng Lolo mo at Lolo ni Zander. Mag bestfriends silang tatlong noon, nagtayo sila ng kompanya at isang organization ang Black Organization. Pero nagnakaw ng pera si Mr.chua milyon milyon. Nalaman iyon ng Lolo mo at ng mga Smith kaya tinakwil nila si Mr. Chua. Binigay nila ang share na nararapat dito pero nagalit ito, ayaw niyang umalis sa ano mang binuo nila kaya nagkagulo. Dumating pa sa punto na nagkakasakitan na sila at may mga buhay na nawala. Bago paman ma-aksidente ang mga magulang ninyo ni Zander. Napag-desisyunan nilang ipamana kay Zander ang lahat ng pag-aari nila pati na rin ang pag-aari ng Lolo mo,” mahabang salaysay nito sa kanya. “Ano’ng nangyari sa mga magulang ni Zander?” interesado niyang tanong dito. “Na-aksidente rin sila katulad ng mga magulang mo.” “Sinadya rin?” muli niyang tanong. “Iyon ang hinala namin. Dahil si Mr, Chua lang ang matinding kaaway nila. “What about Lolo Fernan? Sinadya rin ba ang pagkamatay niya?” tanong niya uli. Nahahalata niyang nagdadalawang-isip itong sumagot sa tanong niya. “Inataki siya ng highblood noong ma-aksidente ang mga magulang mo. Sa ilang araw niya sa hospital nagtataka kaming unti-unting lumalala ang kalagayan niya. Gusto sana naming dalhin siya sa ibang bansa para roon magpagamot pero ayaw ng Lolo mo. Matapos ang isang buwan gamutan sa kanya bumigay na rin ang katawan niya. Nalaman naming sinadya siyang patayin sa gamot. Ang Doctor na pinagkakatiwalaan namin sa kanya ang may gawa dahil sa utos ni Mr. Chua. Kinuha rin namin ang buhay ng doctor na iyon bilang kabayaran sa buhay ng Lolo mo.” Naikuyom ni Larah ang kanyang kamao dahil sa galit na naramdaman. Hindi niya matanggap na ang mahal niyang Lolo ay unti-unting pinapatay. Pumikit muna siya para pakalmahin ang sarili. “Hindi ko alam kung paano ka nabuhay. Matapos ka kasing ipinanganak noon, nasunog ang hospital na iyon kung saan ka niluwal ng Mommy mo. Pero ngayon naintindihan ko na, pinalabas ng mga magulang mo na patay ka na para sa kaligtasan mo,” dagdag ni Mrs. Sanchez. Ngayon lang din niya naintindihan ang Mommy at Daddy niya kung bakit nasa Italy siya ng mahabang panahon. Para pala ilayo siya sa kapahamakan. Minsan na siyang nagtatanong noon kung puwede ba siyang sumama pauwi ng Pilipinas kasama ang mga ito. Pero ayaw ng mga magulang niya. At kaya din pala pumayag ang mga magulang niya na palihim na lang siyang dumadalaw dahil nanganganib ang buhay niya. Iningatan siya pero buhay naman ng mga mahal niya ang kapalit. “Bakit wala kayong ginawa kung alam n’yo na pala kung sino’ng dapat singilin?” tanong niya kay Mrs. Sanchez na ngayo’y ’di makatingin sa kanya. “Hindi kami makagalaw sa ngayon laban sa kanya. Dahil bawat kilos namin pinababantayan niya dito sa loob at labas. Isa pa wala kaming ebedensiya laban sa kanya. Malaki na rin ang impluwensiya ng taong iyon marami na siyang koneksiyon. Hinintay na lang naming makatapos ngayong taon si Zander bago kami gagalaw,” sagot nito sa kanya. At tingin din naming may tumulong kay Ryan Chua kaya naging malakas siya ngayon. “Kay Zander din ba pinamana ni Lolo itong paaralan?” tanong niya. Gusto niyang makasigurado sa mga naririnig niya. “Nakapangalan ito sa ’yo noon. Pero simula noong nawala ka. Pinaiba ni Don Fernan ang laswell niya at kay Zander na ito napunta ngayon. Isa rin ito sa gustong makuha ni Mr. Chua. Kung ano man ang meron kay Zander ngayon ay gusto niyang makuha lahat-lahat. Kaya hindi dapat makuha si Zander ng matandang gahaman na iyon.” Napabuga siya ng hangin sa mga nalaman. Plano pa naman niyang singilin si Zander. Buti na lang nalaman niya agad ngayon. Tumingin siya uli kay Mrs. Sanchez may nasabi itong binabantay ang bawat galaw nila rito sa loob. Ibig sabihin may mga tauhan ang matandang Chua na iyon dito. “Kilala n’yo ba kung sino’ng nakapasok dito sa loob para mag man-man?” tanong niya. “Oo sa katunayan nga dalawang apo ni Mr. Chua ang nandito rito sa loob, nasa kabilang building sila pumapasok gamit ang ibang pangalan. Akala nila hindi namin malalaman. Walang alam si Zander tungkol sa dalawa, ang alam lang niya tauhan ni Mr. Chua si Arnold Garcia.” “Bakit ang dalawang apo niya ang gumagalaw, nasaan ang mga magulang nila?” kunot-noong niyang tanong. “Patay na rin ang anak ni Mr. Chua na lalaki, nauna silang nasawi noong marami pang gulong nangyayari. Kaya mas lalo nagalit si Ryan sa pamilya ninyo ni Zander dahil nawala ang nag iisang niyang anak. Mula sa pagkaka-upo tumayo siya. Siguro tama na ang mga nalaman niya, nabigyan na ng kasagutan ang mga tanong niya. Ang iisipin niya sa ngayon kung paano siya makakalapit sa pamilyang Chua. “Ano pala ang pangalan ng isa niyang apo rito?” tanong niya habang nakatayo sa pinto. “Erica Garcia. Walang alam si Zander tungkol sa kanya. Pero tuwing sabado lumalapit siya kay Zander.” “Bakit hindi n’yo pinaalam kay Zander?” kunot-noo niyang tanong rito. “Ayaw naming magpadalos-dalos si Zander sa gagawin niyang hakbang. Kilala namin siya gagawin niya lahat makalapit lang sa mga Chua agad-agad sagot muli ni Mrs. Sanchez. Sa bagay kahit naman siya gagawin niya rin iyon para lang makalapit sa kaaway. “Ibigay mo sa ’kin ang address ng mga Chua, pati detalye ng mga buhay nila,” wika niya rito. May kinuha itong isang red envelope sa katabing drawer at inabot muli sa kanya. “Mag-iingat ka, hija, madaming patibong sa pagmamay-ari ni Ryan Chua,” bilin nito sa kanya. Tumango lang siya rito bilang sagot. Hahawakan na sana niya ang siradura nang may nakalimutan siyang sabihin. “Kung ano man ang nalaman mo tungkol sa ’kin sana hindi na ito makakarating nino man,” seryoso niyang saad. “Makaka-asa ka, hija.” Matapos nilang mag-usap ni Mrs, Sanchez ay lumabas na siya sa opisina nito. Naging lutang ang utak niya habang naglalakad dahil sa mga nalaman. Ang dami pa lang nangyari simula noong nasa sina-pupunan pa lang siya ng kanyang ina. Kung masisiguro niyang si Mr. Chua rin ang dahilan sa nangyari sa mga magulang niya. “Magbabayad siya ng mahal,” isip ni Larah. Habang naglalakad si Zander may naramdaman siyang nakasunod sa kanya. “Hi babe.” Bigla siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Kumunot ang noo niyang makilala ang ang babae. “What are you doing here?” tanong niya rito. “I want to see you,” palambing nitong sagot. Tinitigan niya ang kabuuan nito. Pang modelo ang katawan, may maganda mukha, mahabang buhok na kulay itim at matangos na ilong. Dalawang buwan na rin niyang napapansin ito kung saan sila naglalaro kasama ang mga kaibigan niya. Minsan na rin nilang nakakasama ito sa canteen. Pero hindi niya maintindihan kung ano’ng ginagawa nito ngayon sa building nila. Dahil sa pagkakaalam niya nasa kabilang building ito nag-aaral. “Go back to your building, you are not allowed to enter here,” malamig niyang wika rito. Nahalata niyang nadismaya ito sa naging sagot niya pero bigla itong ngumiti. “See you around, babe,” sagot nito sa kanya. Pero nagulat siya nang bigla siyang hinalikan sa pisnge nito bago tumakbo palayo. Naiiling na lang siya habang nakatingin sa babaeng papalayo. Hindi naman siya manhid, alam niyang may pagtingin ang dalaga sa kanya pero wala siyang naramdamang kakaiba para rito. Habang naglalakad siya patungo sa opisina ng Principal nila namataan niya si Sam. Kumunot ang noo niyang tumingin dito. Madalim ang mukha nito habang naglalakad, nakakuyom pa ang dalawang nitong kamay. Parang galing sa away ang hitsura ng dalaga. Embes na patungo siya sa Principal office itinago niya ang sarili sa gilid ng pasilyo para hindi makita ng dalaga. Sinundan niya ito hanggang sa tumapat ito sa pintuan ng elevator. Nang makapasok ito sa elevator bago siya lumapit sa isang pang elevator para sumakay. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam na naman siya ng pag-alala sa dalaga. Sinundan niya ito sa ika-anim na palapag pero hindi na niya ito nakita. Marahil nakapasok na ito sa unit niya. Napabuntonghininga siya bago muli sumakay sa elevator patungo sa ika-walong palapag kung saan ang unit nila. Hindi niya dapat iniisip ang dalaga. Kailangan niya itong layuan, ayaw niyang madamay ito o kung sino man sa mga kaibigan niya sa gulong meron siya. Makakagalaw sana siya kung wala ang mga kaibigan. Alam niyang pina-manmanan na rin ang mga ito ngayon. Ang mga nakapaligid sa kanya ang kahinaan niya. “Bro nandito ka na pala. Let’s eat,” yaya sa kanya ni Alex. “Saan ka ba galing, boss?” tanong ni Joshua sa kanya. Hindi niya sinagot ang mga kaibigan dumaritso siya sa kanyang kuwarto. Gusto niya muna pagpahinga saglit, mamaya na lang siya kakain. Nang makapasok si Larah sa kanya silid kumuha siya agad ng gamot para sa sakit ng ulo niya. Umaataki na naman ang migration niya dahil sa mga nalaman ngayon araw. Pagkatapos niyang uminom tumayo siya at humakbang patungo sa balcone ng kuwarto niya para isara ang kurtina. Pero napatigil siya sa paghakbang nang may napansin siyang anino sa labas ng glassdoor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD