Chapter 9

2490 Words
Sumapit ang araw ng sabado pumunta si Larah sa gym para manuod ng laro. Nakita rin niya ang babaeng sinasabi ni Lina na lumalapit kina Zander. Halos tumalon nga ang babae sa tuwa tuwing nakaka-score sina Zander sa ring. Nakita rin niya sina Sarah na malapit sa court. Hindi na siya lumapit sa mga ito dahil iba naman talaga ang sadya niya kung bakit siya pumunta. Gusto niyang malaman ang mga galaw si Zander o kung saan ito nagpupunta. Para pag may pagkakataon na siyang harapin ito alam na niya kung saan ito pupuntahan. Matapos ang laro sinundan niya sina Zander papunta sa locker room ng mga ito. Tumaas ang kilay niya nang mapansing sumunod din pala kina Zander ang babaeng halos halikan na ang binata kung makalapit kanina. Naghintay muna siya nang ilang minuto. Ilang sandali pa’y nakita niyang lumabas ang pitong lalaki maliban kay Zander na hindi niya nakita. Nakita niyang kinausap ng mga ito ang babaeng nagngangalang Erika. Nang makaalis sina Matteo kasama ang babae nagsimula siyang humakbang papalapit sa locker room kung saan hindi pa lumalabas si Zander. Pero bigla siyang napahinto nang may bumangga sa kanya. Tanaw niya ang isang lalaking papalayo sa kanya. Kunot-noong tiningnan niya ito papasok sa locker room. Napansin niyang halos nakaitim ang lalaki at naka sombrero ito na kulay dark red. Nagsimula siyang humakbang muli hanggang tumapat siya sa pintuan ng locker room. Nilagpasan niya ito pero nakailang hakbang pa lang siya nang may marinig ingay kung saan. Bigla siyang kinutuban kaya humakbang siya pabalik. Napalinga-linga siya pero wala naman siyang nakitang kakaiba. Hanggang tumapat siya muli sa pintuan ng locker room. May naririnig siyang may kung ano’ng kumakalabog sa loob. Bigla siyang kinabahan si Zander lang ang nasa loob at ang lalaking pumasok na nakabangga sa kanya. Lumapit siya sa pinto at hinawakan ang siradura. Inikot niya para buksan pero nagtataka siyang naka-locked ang pinto. Mas lalo siyang kinutoban. Kahit ano’ng pilit niya ayaw talagang mabuksan ang pinto. Kinuha niya ang maliit na hairpen mula sa kanyang buhok na lagi niyang nilalagay. Ginamit niya iyon para buksan ang pinto. Habang abala siya sa pagbubukas palakas ng palakas ang naririnig niyang ingay mula sa loob. Nang mabuksan niya ang pinto dahan-dahan siyang pumasok at naging alerto rin siya. Pero nagtataka siyang nawala ang ingay na naririnig niya. Tiningnan niya ang kabuuan ng locker room. Malaki ang locker room ng mga lalaki, nakahilera ang bawat locker. Dahan-dahan siyang humakbang para sumilip sa mga pasilyo. Inayos niya muna ang tali sa kanyang buhok kung saan nakatago rin ang maliit niyang punyal. Bigla siyang napatingin sa kanyang likuran nang may marinig siyang kalabog muli. Umatras siya para sumilip sa isang lockerline kung saan nagmumula ang ingay. Nagulat siya nang makita si Zander na nakahandusay sa sahig. Bigla siyang napatingin sa isang lalaking nakaharap kay Zander na may hawak na baril. Ang lalaking nakabangga sa kanya kanina. Nakatutok ang baril nito sa ulo ni Zander. Dahan-dahang namang tumayo si Zander at pinahid ang dugo na dumadaloy sa gilid ng labi nito. Wala siyang nakikitang takot sa mga mata ng binata. Bigla itong napatingin sa gawi niya. Madilim itong pa-simpleng tumingin sa kanya na para bang galit na galit ito kung bakit nandoon siya. Dahil nasa likod siya ng lalaking nakaitim at hindi siya nito napapansin. Dahan-dahan niyang nilapitan ang aluminum na basurahan sa gilid. Hindi niya puwede gamitin ang punyal na nasa kanyang buhok dahil magtataka si Zander kung bakit meron siya ng ganoong bagay. Hindi rin niya puwede na lang pabayaan si Zander dahil may gusto pa siyang malaman dito. “Sino’ng nag-utos sa’yo para patayin ako?” tanong ni Zander sa lalaki. “At bakit ko naman sasabihin sa ’yo?” balik na tanong ng lalaki. “Si Arnold ba?” tanong muli ni Zander. Habang kausap ni Zander ang lalaki pa-simple naman itong tumitingin sa kanya. Para bang sinasabi ng mga mata nitong umalis na siya. “At sino namang Arnold ’yang sinasabi mo? wala na akong oras makapag-usap sa’yo. Pasensiya na pero trabaho lang,” bigkas ng lalaki. Bago paman makalabit ng lalaki ang gatilyo ng baril ay malakas na hinampas ni Larah ang basurahan sa ulo nito. Natumba ang lalaki sa sahig. Pero mabilis itong nakabawi na parang wala lang sa paghampas niya. Tumingin ito sa gawi niya sabay tutok ng baril. Pero nakita niyang mabilis ang gumalaw si Zander at inagaw nito ang baril sa lalaki. Napapikit siya nang makita at marinig ang nabaling buto ng lalaki sa liig dahil sa ginawa ni Zander. Muntik na siyang madali ng lalaki. Matapos ang nangyari mabilis siyang hinatak ni Zander palabas ng locker room at dinala siya sa isang silid. Halos ibalibag na siya ng binata nang makapasok sila sa loob. “What are you doing there!” singhal nito sa kanya. Nagtataka siyang tumingin dito. Hindi niya ata maintindihan kung bakit galit ito sa kanya. Namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Answer me!” singhal muli sa kanya ng binata. Napabuntonghininga siya, kailangan niyang umaktong inosente sa harapan nito. “I just want to thank you sa pagdala sa ’kin sa clinic lastime kaya sinundan kita roon,” sagot niya rito. Nahalata niyang kumunot ang noo ng binata. Pakiramdam niya binabasa nito ang isip niya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. “Stay away from me!” singhal nito sa kanya bago tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Nagtataka siyang tumingin sa binata hanggang mawala ito sa paningin niya. “Wala man lang thank you,” isip ni Larah. Lumabas na rin siya sa silid makalipas ang ilang sandali. Habang naglalakad hindi nawala sa isip niya ang nangyari kanina sa locker room. Pero hindi ang nagngangalang Arnold ang nag-utos doon sa lalaki para patayin si Zander. Nalilito na tuloy siya sa mga nangyayari. “Sino ka ba talaga Zander Smith?” tanong ni Larah sa isip. KINABUKASAN dahil linggo naisipan ni Larah na mas lalong maglibot-libot sa buong universidad. Ngayong may alam na siya kailangan niyang malaman ang pasikot-sikot sa lugar. Habang naglalakad siya may nakikita siyang iilang mga estudyante. Pero ang nakakapagtaka parang hindi nabalita ang nangyari kahapon sa locker room ng mga lalaki. Parang alam na niya kung bakit. “Madali silang maglinis sa kalat” isip ni Larah. Napaka misteryuso talaga ng lugar kung nasaan siya ngayon. Ilang oras din siyang naglibot-libot sa paligid. Nakaramdam siya ng gutom kaya mula sa pagkaka-upo sa ibabaw ng punong kahoy tumalon siya para madaling makababa. Habang naglalakad siya sa hallway napansin niya sina Sarah at Mona. Sinundan niya ang tingin ng mga ito kung saan. Nakita niya si Joshua at Sammy sa isang pasilyo habang may kausap na dalawang babaeng estudyante. Tumingn siya muli kina Sarah. Madilim itong nakatingin sa gawa nila Joshua na halos halikan na sa dalawang estudyante. Ramdam niyang may gusto si Sarah kay Joshua. Kahit hindi pa siya nakaranas ng may boyfriend pero alam niya kung ano’ng klasing tinginan ang ganoon dahil sa mga taong nakakasama niya sa Italy. Humakbang siya palapit kina Sarah para iiwas ito sa sakit na naramdaman. Nang makalapit napansin siya ni Mona. “Sam!” sigaw ni Mona. Kahit kailan talaga ang hilig nilang sumigaw. Napatingin si Sarah sa kanya. Biglang nagbago agad ang mukha nito nang makita siya. Bigla itong yumakap sa kanya nang mahigpit para bang hindi sila nagkita ng ilang linggo. “Pinuntahan ka namin kanina sa unit mo kaso wala ka,” wika ni Mona. “Malamang wala ako roon dahil nandito ako sa labas,” pilosopo niyang sagot rito. Minsan naiinis na siya sa mga slow ng mga ito mag-isip. Hinila niya ang dalawa sa canteen para kumain gutom na gutom na kasi talaga siya. Samantalang titig na titig sina Matteo, Paul, Jay at Alex sa monitor ng cctv camera na pinakita ni Zander tungkol sa nangyari sa locker room kahapon. “Sa tingin ninyo maliban sa mga Chua sino’ng may nais pang pagtangkaan ka?” tanong ni Jay habang nakatingin kay Zander. “Iyan ang aalamin natin base sa kilos ng lalaki dito sa monitor hindi siya basta-basta. Magaling siya sa pakikipaglaban. Iba ang galawan sa pakikipaglaban ang tauhan ni Chua kaysa sa lalaking nakaban mo. At kung hindi dumating si Sam hindi mo siya matutudas,” turan ni Paul. Napahilot si Zander sa kanyang noo. Wala pa siyang tulog kakaisip kung sino’ng tao ang gustong mawala siya maliban kay Mr. Chua. Totoo ang sinabi ni Paul. Malakas ang taong nakalabas niya kahapon. Hindi ito madaling matumbahin. At kung hindi nga dumating si Sam paniguradong siya ang natutudas ng lalaking iyon. Pero subra siyang natakot kahapon nang tutukan ng baril ang dalaga. Hindi man lang siya nakapagpasalamat bagkus nasigawan pa niya ito. “Mas lalo tayong mag-ingat sa ngayon. Hindi na nakakapagtaka kung paulanan tayo rito ng bala. Paniguradong may kasunod silang ipapadalang mga tauhan dito,” turan ni Matteo. “Maraming negosyo ang pamilyang Fernandez, baka isa sa mga kalaban sa negosyo nila alam na nasa sa’yo ibinigay ni Don Ferndando ang ari-arian nila,” sabat ni Alex. Napapikit si Zander malaking responsibilidad ang iniwan sa kanya ng matandang Don. Hindi niya alam kung kailan matatapos ang gulo sa buhay nila. Pagdating nila Sarah sa canteen puno ito ng mga estudyanteng kumakain kaya naisipan na lang nilang magluto sa unit niya. Si Mona ang nag presintang magluto ng pasta. Wala naman kasi siyang alam sa pagluluto. Habang sila naman ni Sam nanuod muna ng palabas. Ayaw na ayaw niya talagang manuod ng nakakatakot pero dahil gusto ni Sam napipilitan na rin siya. Tiningnan niya si Sam habang nanunuod. Titig na titig ito sa palabas pero siya palaging napapahiyaw at takip sa mata niya ng unan dahil sa takot. Laking pasalamat niya nang tinawag na sila ni Mona mula sa kitchen. Subrang siyang nakakahinga ng maluwag. “Bakit maputla ka, Sar?” pansin sa kanya ni Mona. “She’s scared while watching horror movie,” sagot ni Sam sabay sandok ng pasta sa plato nito. Humalakhak naman si Mona dahil sa narinig. Sinamaan niya ito ng tingin. Takot na takot na nga siya pagtatawanan pa siya. Umupo na lang siya katabi ni Sam. Nagsandok rin siya ng pasta at nagsimulang kumain. Nakailang subo pa lang siya nang mag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa sa suot niyang kulay green na short. Ibinaba niya muna ang tinidor para tingnan kung sino’ng nagtext sa kanya. Napangiti siya nang galing ang mensahe kay Jenny. Pupuntahan daw sila nito kasama si Lina. Nag-reply siya rito pero hindi na na-send ang mensahe niya para kay Jenny. Expired na pala ang isang buwang load niya. Ipinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Sumubo muna siya nang dalawang beses sa pastang kinain niya bago tumayo. Susunduin na lang niya sina Jenny sa baba. Nasa 5thfloor kasi ang unit nina Jenny at Lina pati kay Mona. “Where you going?” tanong ni Sam sa kanya. “Susunduin ko sila Jenny sa baba nagtext kasi pupuntahan daw tayo rito,” sagot niya rito matapos uminom ng juice. “Sasamahan na kita,”presinta ni Mona sabay tayo agad. “Huwag na ako na lang, samahan mo na lang saglit dito si Sam,” pigil niya kay Mona. “Sigurado ka?” panigurado ni Mona sa kanya. “Oo, saglit lang ako promise,”sagot niya rito sabay lakad palabas sa unit niya. Pagdating ni Sarah sa 5thfloor agad niyang tinungo ang unit ni Jenny. Pero napahinto siya nang makita niya si Joshua. May kahalikan itong babae. Parang natuod si Sarah sa kanyang kinatatayuan. Unti-unting sumikip din ang dibdib niya, nagsisimula na ring umagos ang mga luha niya dahil sa nakita. Hinila si Joshua ng babaeng estudyanteng katulad niya papasok sa unit nito. Napatakip siya sa kanyang bibig para hindi siya makagawa ng ingay sa paghikbi. Ang sakit-sakit para sa kanya ang makitang may ibang kahalikan ang lalaking lihim niyang minamahal. Isang taon na ring niyang itinatago ang pagtingin niya kay Joshua. Ayaw naman niyang sabihin sa binata ang nararamdaman niya. Mas lalong masakit kung sasabihin niya at aayawan lang siya ng binata. “Stacy look who’s here!” Biglang kinabahan si Sarah sa boses na narinig niya mula sa kanyang likuran. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisnge bago siya humarap pero laking gulat niya nang natumba siya bigla sa seminto. Napaigik pa siya nang maramdaman ang sakit sa siko na tumama seminto. Tumingala siya para makita kung sino’ng tumulak sa kanya. Galit na galit na hitsura ni Stacy ang nakikita niya. Sinugod siya nito at pinagsasampal ng malakas. Wala siyang nagawa kundi umiyak, hindi dahil sa ginawa ni Stacy kundi ang sakit na nasa dibdib niya dahil kay Joshua. “Sarah!” Rinig niyang sigaw kung saan. Naramdaman na lang niyang wala na si Stacy sa ibabaw niya. Parang namanhid buong mukha niya. “Sar, ok ka lang ba?” nag-alalang tanong ni Lina sa kanya. Tinulungan siyang makatayo ni Lina. “Kakalbuhin kitang impakta ka!” Napatingin si Sarah sa boses na pamilyar sa kanya. Nanlaki ang mga mata niyang makita si Jenny habang nasa ibabaw ni Stacy. Dinaganan nito si Stacy at pinagsasampal. Sinubukang awatin si Jenny ng isang kasama ni Stacy pero hindi ito nagtagumpay. Nagkatinginan si Sarah at Lina bago nilapitan si Jenny para awatin na. Hinila nila ng malakas si Jenny sa ibabaw ni Stacy. Mabilis namang umalis si Stacy kasama ang isang kaibigan nito palayo sa kanila. Marahil natakot ito kay Jenny na halos kainin na siya ng buhay. “Jusko! Jen, ok ka lang ba?” nag-alalang tanong ni Lina. “Mukha ba akong ok, Lina?” pilosopo nitong sagot. Mukhang ginagaya nito si Sam. “Ok ka lang ba, Sar?” tanong ni Jenny sa kanya. Gusto niyang matawa sa hitsura ni Jenny para itong lilipad dahil buhok nito. “Lin, ayusin mo ang buhok ni Sarah parang lilipad, eh,” pigil tawang sabi ni Jenny sa kanya. Napapangiti na lang din si Sarah sa nangyari imbes na iiyak siya napalitan ng saya dahil sa mga kaibigan niyang palaban. Bago sila humakbang palayo tumingin muna siya kung saan pumasok si Joshua na may kasamang babae. Kahit gusto niya itong sugurin pero wala siyang karapatang para gawin iyon. Iiwasan na lang din niya ito katulad ng ginawa sa kanya ng binata. Pagdating nina Sarah sa unit niya nakataas kilay ang bumungad sa kanila mula kay Mona. Si Sam naman nasa gilid lang nakatingin din sa mga hitsura nila. “Ano ba talaga ang problema ng babaeng iyon sa’yo, Sar?” nanggigil na tanong ni Mona sa kanya sabay lagay ng icecube sa namumula niya pa lang mukha. “Subra atang galit niya sa ginawa ni Sam sa kanila noong nakaraan sa canteen,” sabat ni Lina. “Mag-iingat kayo nextime,” saad ni Sam bago naglakad papuntang pinto. “Saan ka pupunta?” tanong niya kay Sam. “Babalik ako agad.” malamig nitong sagot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD