Chapter 8

2060 Words
Pabalik si Zander sa kanilang unit nang may maramdam siyang dalawang pares na mga matang sumusunod sa kanya. Tatlong linggo na niyang napapansin na may laging nakatingin sa kanya. Hindi lang isang tao kundi marami. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang tumapat siya sa kanilang unit. Nilingon niya muna kung saan niya banda naramdaman iyon pero bigla itong nawala. “Hindi talaga sila makapaghintay,” isip ni Zander. Kailangan niyang maging alesto sa bawat labas niya, tulad na rin ng sinabi sa kanya ni Mrs. Sanchez. Madaling araw pa lang gising na siya para tingnan ang email niya galing kay Mrs. Sanchez, tungkol sa negosyong meron sila. Sinusuri niyang mabuti kung dapat bang tanggapin sa kompanya nila ang bawat proposal galing sa ibang kompanya. Sumapit ang ala-sais ng umaga naligo muna siya bago lumabas sa kanyang silid. Saktong paglabas niya nakaluto na si Matteo sa kanilang agahan. “Bro, maupo ka na,” saad nito sa kanya. Tumango lang siya rito. Sa pito niyang kaibigan si Matteo ang matalinong mag-isip. Magaling itong makiramdam sa taong nakapaligid sa kanya. Seryuso rin itong tingnan katulad niya. Nagsasalita lang din ito pag kinakausap. Lahat ng kaibigan niya may kanya-kanyang abilidad lalo na sa pakikipaglaban. Simula noong first years highschool at hanggang ngayon sila pa rin ang magkakasama, patapos na rin sila sa kursong Business Management. Kilala rin niya ang bawat magulang ng mga ito dahil kung ano sila ngayon ganoon din ang mga magulang nila noon. Matapos nilang kumain, bumaba na sila sakay sa elevator. Habang naglalakad sila patungo sa kanilang klase, nakita niya sina Sarah kasama ang tatlo nitong kaibigan. Napansin niyang hindi kasama ng mga ito si Sam. ”Saan na naman kaya nagsusuot ang babaeng iyon?” isip niya. Napatigil siya sa paglalakad nang mapagtanto kung sino ang nasa kanyang isip. Napabuga siya ng hangin bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiisip niya ang babaeng iyon. Kasalukuyan nag-sisimula ang kanilang klase sa subject sa math. Habang nagsusulat ang guro nila sa harapan biglang may pumasok. Napaangat ang tingin niya kung sino. Ang kanina’y nasa isip niya ngayo’y nasa harapan na nila. Labing limang-minuto na itong late. “Ms. Kim, why are you late?” madiing tanong sa kanya ng guro nila. “I was having headache, ma’am,” malamig nitong sagot. “You can go to clinic, Ms. Kim,” suggestion ng guro nila. “It’s okay, ma’am, i can bear it,” sagot nito. “Alright, answered this,” wika ng guro nila sabay turo sa board. Ginawa naman ng dalaga ang inutos sa kanya ng guro nila sa math. Tulad ng dati tama ang sagot nito sa problem solving nila. Matapos nitong sumagot umupo na ito sa upuan. Sinubukan niyang basahin ang nasa isip nito pero hindi niya pa rin mabasa. Matapos ang klase sinundan niya ito. Kanina niya pa napapansin na parang sumasakit pa rin ang ulo nito dahil hilot ito ng hilot sa kaniyang noo. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nag-alala siya sa dalaga. Napatigil si Larah sa paglalakad nang mapansin niyang may sumusunod sa kanya. Kanina pa siya nahihilo, umaataki na naman ang migration niya. Ilang oras lang kasi ang tulog niya kagabi dahil tambak na ang email niya sa mga kailangan niyang e-checked, ‘di niya namalayang madaling araw na pala. Pumasok muna siya sa Comfort Room para iligaw kung sino mang sumusunod sa kanya. Hindi rin siya makaconcentrate dahil sa ulo niya. Ilang minuto siyang nanatili sa loob hanggang sa napagdesisyonan niyang lumabas na. Paglabas niya wala na siyang naramdamang kakaiba. Pero napatigil siya sa paglalakad nang tumapat siya sa Men’s Room. Parang may naririnig siyang kumakalabog sa loob. Luminga-linga muna siya. Nang masigurong walang ibang estudyante bago niya dinikit ang kanyang isang tainga sa pinto. Sunod-sunod na kalabog ang kanyang naririnig mula uli sa loob. Dahan-dahan niyang inikot ang siradura para makapasok. Nang tuluyan siyang makapasok, ingat na ingat siyang naglakad kung saan nagmumula ang ingay. Nang makalapit siya itinago niya muna ang kanyang sarili sa pader bago sumilip. Nanlaki ang mata niyang makita ang dalawang lalaking nagsusuntukan. At mas lalo pa siyang nagulat nang makilala niya ang dalawa. “Itikom mo ’yang bibig mo! Wala kang alam!” “Ikaw ang nakitang naroon at may hawak na baril kaya hindi maipagkakaila na ikaw ang pumatay sa mag-asawang Fernandez. At siguro nga ikaw rin ang dahilan kung bakit natuluyan ang ama nilang si Don Fernando!” hiyaw sa nagngangalang Arnold. Naikuyom ni Larah ang kanyang kamao dahil sa narinig. Nagsisimula ring sumikip ang kanyang dibdib. Lumabas siya na walang ingay at bumalik muli sa Lady’s Room. Namumula ang mata niya sa galit habang nakatitig sa salamin. Hindi siya maaaring magkamali kapangalan ng kanyang Lolo Fernan ang binigkas. Ibig sabihin tama ang hinala niyang hindi namatay ang Lolo niya sa sakit. At ang mag-asawang Fernandez na anak ng kapangalan ng Lolo niya. Kailangan niyang makasiguro. Kung hindi niya makuha si Zander sa matinong usapan puwes kukunin niya ito sa dahas. Pumikit siya para pakalmahin ang sarili. Hindi niya lubos maisip na ang may posibleng kinalaman sa pagkawala ng kanyang mga magulang ay abot kamay niya na pala. At ang nakakatawa pang isipin na nakakalapit pa ito sa kanya. Huminga muna siya nang malalim bago inayos ang sarili para lumabas. Mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nalaman. Paglabas niya muntik na siyang mapamura dahil sa taong bumungad sa kanya. Napakapit siya bigla sa pader nang maramdamang umiikot ang paligid. Naramdaman niyang hinawakan siya sa balikat sa taong nasa harapan niya. “Are you okay?” nag-aalang tanong nito sa kanya. “O--okay lang ako,” sagot niya. Kung hindi lang masakit ang ulo niya baka mapatay na niya ito. Pero kailangan niya munang huminahon at umaktong walang alam. May ibang pagkakataon pa bago niya ito tudasin. “Ano‘ng nangyari sa bibig mo?” tanong niya kunwari rito. “Don’t mind it, ihahatid na kita sa taas,” turan nito. Napakapit siya rito nang maramdaman niya muli ang hilo. Unti-unting dumilim ang paningin niya sa paligid. May sinasabi pa ito sa kanya pero hindi na niya ito naintindihan. Naramdaman niya na lang na umangat siya sa ere. Labis ang kabang naramdaman ni Zander nang mawalan ng malay ang dalaga. Kinarga niya ito papuntang clinic, subrang init rin nito. Napatitig siya sa maamo nitong mukha habang naglalakad. Hindi niya maintindihan kung bakit subra siyang nag-alala rito. Pagdating niya sa clinic agad niyang tinawag ang doctor na nakilala niya. Agad namang sinuri ang dalaga. Habang naghihintay sa labas, tinawagan niya sina Matteo. Ilang sandali lang dumating na ang mga ito kasama sina Sarah. “Ano‘ng nangyari?” nag-alalang tanong ni Sarah sa kanya. Sasagot na sana siya nang bigla bumukas ang pinto sa clinic. Napansin niyang nagtataka ang doctor kung bakit marami sila sa labas. “How is she?” tanong niya sa doctor. “She‘s fine, binigyan na rin namin siya ng gamot para bumaba ang lagnat niya. Puwede na kayong pumasok,” pahayag nito sa kanila. Nakahinga nang maluwag si Sarah matapos marinig ang sinabi ng doctor. Agad silang pumasok sa loob. Subra siyang nag-alala matapos tumawag ang kuya Alex niya dahil sa nangyari. Lumapit siya kay Sam at hinawakan ang kamay nito. Tama ang hinala niya kanina nang pumasok ito, masakit pa rin ang ulo nito pero pumilit pa rin itong pumasok. Sila na muna ang magbabantay kay Sam hanggang sa magising ito. Napatingin siya sa labas. Tanaw niya ang kuya Alex niyang papalayo kasama sina Zander, samantalang si Paul at Sammy naman ang naiwan sa labas. Napabuntonghininga siya, hindi man lang sila nag-usap ng kuya niya kahit sandali. Tumawag lang ito kanina para ibalita sa kanya ang nangyari. Kahit pangumusta nito sa kanya ay hindi niya narinig mula rito. Parang bang iniiwasan siya ng sarili niyang kapatid. Huminga siya nang malalim bago binaling muli ang tingin sa kaibigang na wala pa ring malay. Para itong si Sleeping Beauty tingnan, napakaganda ng mukha. “Baka matunaw ‘yan,” rinig niyang sambit ni Lina. “Parang siyang Angel tingnan pagtulog pero paggising ewan ‘di ko maexplain,” sabat ni Jenny. Natawa naman si Sarah sa kanyang narinig mula sa dalawang kaibigan. Hanggang ngayon hindi pa rin kasi sanay ang mga ito kay Sam, natatakot pa rin sila rito. Kahit naman siya nakaramdam ng takot pero sa tuwing maiisip niyang iniligtas siya nito nawawala ang kaba niya. Dahil sa isip niya mabuti ang puso nito. Nagising si Larah nang may naririnig siyang ingay. Kumurap-kurap muna siya ng tatlong beses bago hinanap kung saan nanggagaling iyon. Kumunot ang kanyang noo nang makita sina Sarah. Nilibot niya ang paningin sa paligid, parang nasa hospital ata siya. “Where I am?” tanong niya sa mga kaibigan habang busy ang mga ito sa pag-uusap. “Sam!” sigaw ng mga ito sabay takbo patungo sa kanya. “Gising ka na pala,” saad ni Lina. “Ano sa tingin mo?” balik niyang tanong rito. “Sa--sabi ko nga gi--gising ka na,” nauutal nitong sagot. “Nasa clinic ka, dinala ka ni Papa Zander dito kanina,” sagot ni Mona habang kinikilig. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina bago siya nawalan nang ulirat. Ang lalaki pala ang naghatid sa kanya sa clinic. Pero hindi matutumbasan ang pagtulong nito sa kanya kung totoong may kinalaman ito sa pagpatay sa mga magulang niya. Hindi na siya nagtagal sa clinic agad siyang lumabas. Ayaw pa sanang pumayag nina Sammy at Pual pero wala rin silang nagawa dahil sa pagpupumilit niya. Hinatid muna siya ng mga kaibigan sa unit niya bago ang mga ito nagpaalam. Sasamahan sana siya ni Sarah pero hindi na siya pumayag pa. Agad siyang dumaritso sa kuwarto kung saan nakatago ang ibang mahalagang gamit niya. Binuksan niya ang cabinet may kinuha siyang damit at nilapag niya iyon sa kama. Isang overall blacksuite. Ito ang gagamitin niya pag may pagkakaon na siyang lapitan ang lalaki. Hindi siya puwedeng makilala nito. Kinabukasan matapos ang klase. Sumama siya kina Jenny sa likod ng eskuwelahan. Habang nag-uusap ang mga kasama niya, siya nama'y nagbabasa ng libro. “Pupunta ba kayo sa laro nila bukas?” rinig niyang tanong ni Lina. “Hindi ako sigurado, kase naman baka makita ko na naman ’yung malanding Erica!" inis na turan ni Mona. Mula sa libro umangat ang tingin niya sa mga kaibigan. “Who's Erika?” bigla niyang tanong sa mga ito. “Sino pa ba, eh ’yung lumalandi sa Zander mo. sa kabilang building siya nag-aaral. Tumingin kasi kame sa laro nila noong sabado, nandoon pala ang bruha!” gigil nitong sabi. “Allowed ba ang kabila na pumunta sa gym?” tanong niya muli. “Oo, isang gymnasium lang kasi. Tuwing sabado lang din pinapayagan ang mga estudyante makapunta sa sports complex, maliban na lang kung may training. Speaking of training malapit na ang palaro,” excited na wika ni Lina. “Simula nang si Mrs. Sanchez na ang pumalit bilang Principal hindi na masyadong masaya,” sabat ni Sarah. Napatingin si Larah kay Sarah. Napansin niyang naging malungkot ang hitsura nito. Binaling niya muli ang tingin kina Lina. Bakit nga ba hindi niya naisip na magtanong sa mga ito. Baka sakaling may iba pa siyang malaman. “May iba pa bang Principal noon maliban kay Mrs. Sanchez?” tanong niya. “Oo, si Mr. Fernando Fernandez ang Principal dito noong bagong pasok pa lang kami rito. Matapos ang isang taon nabalitaan na lang namin na patay na ito at si Mrs. Sanchez na ang pumalit,” pahiyag ni Lina. “Subrang mabait si Mr. Fernandez. Minsan na kaming nakakapunta sa tahanan nila dahil magkakilala ang mga pamilya namin. Pero simula noong mawala sina Mr. At Mrs. Fernandez hindi na,” nakayukong wika ni Sarah. “Ano’ng kinamatay nila?” tanong ni Jenny. “Car accident,” sagot ni Sarah. Naikuyom ni Larah ang kanyang kamao. Nanginginig ang kalamnan niya. Malinaw na sa kanya ngayon. Mula sa pagkaka-upo tumayo siya bit-bit ang libro. Nawalan na siya ng gana, gusto niyang sumabog sa galit. “Where are you going?” tanong ni Jenny sa kanya. Napatigil siya sa paghakbang, pumikit muna siya para pakalmahin ang sarili bago humarap sa mga kaibigan. Ayaw niyang magdududa ang mga ito sa kinikilos niya. “Banyo,” pagsisinungaling niya sabay hakbang palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD