Chapter 7

2257 Words
Kasalukuyang naglalakad si Larah sa wholeway kasama sina Mona papuntang classroom. Pero napatigil siya nang mahagip niya sina Matteo at Zander. Lumiko ang dalawa sa kabilang wholeway. Kunot-noong tiningnan niya ang dalawang papalayo. “Saan pupunta ang dalawa na magsisimula na ang klase?” tanong niya sa isip. “Sam, sino‛ng tinitingnan mo d’yan?” tanong ni Jenny. “Nothing, mauna na kayo magbabanyo lang ako saglit,” paalam niya sa mga ito. “Bilisan mo lang magsisimula na ang klase!" pahabol na sigaw ni Sarah sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot dito. Imbes na papuntang banyo ibang daan ang tinahak niya. Hindi talaga siya pupuntang banyo kundi sinundan niya ang dalawa. Tanaw niya sina Matteo na lumabas patungo sa kabilang building. Mas lalo siyang nagtataka sa kinikilos ng dalawa. Sa pagkakaalam niya, separate ang dalawang gusali dahil sa dami ng estudyante. Tanging mga officer’s lang at guro ang pinapayagang makapasok sa kabila at ganoon din dito sa building nila. Patuloy niyang sinundan ang dalawa hanggang tumapat ang mga ito sa pinakadulong classroom na mukhang katatapos lang sa pag gawa. Nakatalikod ang taong sadya nila ni Zander. Kasama nito ang dalawang tauhan. Nakalagay pa ang dalawang kamay nito sa bulsa na para bang walang ginawang masama. Gusto na niya itong sugurin at bugbugin pero kailangan niya munang maging mahinahon sa ngayon. “Buti naman tumupad ka sa usapan natin,” nakangising turan ni Arnold sa kanya. “What do you want?” diretsa niyang tanong dito. “Alam mo naman kung ano’ng kailangan namin sa ’yo,” kalmadong nitong sagot. “Hindi sa inyo ang gustong n’yong kunin,” sabat ni Matteo na ngayo‘y madilim ang anyo habang nakatingin kay Arnold. “At hindi rin sa inyo. Baka nga itong kaibigan mo ang dahilan kung bakit namatay si Mr. Fernandez para makuha niya lahat ng pagmamay-ari ng matandang iyon isa na itong university. Pati nga siguro kina Mr. at Mrs. Fernandez siya rin ang may gawa kung bakit na aksi--” Hindi pinatapos ni Zander si Arnold sa pag sasalita. Mabalis siyang sumugod rito at sinuntok ng malakas dahilan para ito ay humandusay sa semento. Wala itong karapatan na pagbintangan siya sa hindi niya ginawa. Bago niya pa mapuruhan inawat na siya ni Matteo. Kita niyang tinulungan ding makatayo si Arnold sa dalawa nitong tauhan at nakangising pang humarap sa kanya. “Masyado naman yatang mainit ang ulo mo, hindi kaya totoo ang sinabi ko,” nakangising turan nito sabay pahid sa dugo mula sa gilid ng bibig. “Huwag mo akong itulad sa inyo!” singhal niya rito. “Kung magmamatigas ka pa rin, mapipilitan kaming gumawa ng ’di maganda sa mga taong nakapaligid sa ’yo.” panakot nito sa kanya. Hindi na tinapos ni Larah ang pakikinig mula sa labas ng bintana. Lumayo siya bago paman makaramdam ang mga taong nasa loob na may nakikinig sa kanilang usapan. Malalim ang iniisip niya habang papalayo sa lugar. Malinaw na malinaw ang kanyang narinig isang Fernandez ang nagmamay-ari nito noon at nakay Zander na ito ngayon. Pero sa dami ng apelyidong Fernandez hindi siya sigurado kung ang Lolo Fernan nga ba niya iyon pati na rin ang narinig niyang mag-asawang Fernandez. Para makasiguro kailangan niyang mapalapit sa mga lalaki lalong-lalo na kay Zander. Hindi naman kasi puwede iyong lalaking kausap nila ang kakausapin niya ng diretsahan dahil baka makahalata pa iyon. Lalo pa’t narinig niyang idadamay nito ang mga taong nakapaligid kay Zander ibig sabihin silang lahat nasa panganib. Maghapon lang siya sa kanyang silid hindi na rin siya pumasok sa klase. Napatingin siya sa kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa may dumating na minsahe rito. Inabot niya ito at binasa kung kanino galing. Kay Sarah galing ang minsahe, pinapunta siya nito sa labas. Hindi na siya nag-atubiling mag-ayos pa ng sarili bago lumabas. Tanaw niya sina Jenny, nakaupo ang mga ito sa ilalim ng Gumamela habang kumakain ng cornetto. Napatigil siya sa paglapit sa mga ito nang may napansin siyang lalaking estudyante. Nakatayo ito malapit sa santang halaman, nakatingin ito kina Sarah. Patay malisya siyang lumapit sa mga kaibigan. “Sam!” tawag ni Sarah sa kanya. “Bakit hindi ka pumasok kanina? Sabi mo mag babanyo ka lang,” tanong nito. “Sumakit kasi ang tiyan ko kaya hindi na ako bumalik,” pagsisinungaling niya sabay tingin sa estudyante nakita niya. Naglalakad na ito palayo na may kausap sa cellphone. Hindi maganda ang kutob niya sa estudyanteng iyon. Binaling niyang muli ang paningin sa mga kaibigan. Napansin niyang tumahimik ang mga ito habang may tinitingnan. Napatingin na rin niya kung saan nakatingin ang mga ito. Sina Alex ang nakita niyang naglalakad sa wholeway. “What’s wrong?” tanong niya. “Napapansin kasi naming iniiwasan tayo nila Joshua,” sagot ni Jenny. “Lumalapit naman sila sa ’tin lastweek pero nitong nakaraang dalawang araw hindi na,” dagdag nito. “Pati si kuya Alex, hindi na rin siya tumatawag sa ’kin. Kung ako naman ang tatawag hindi rin niya sinasagot ang tawag ko,” sabat ni Sarah na parang ma-iiyak na. Muling tiningnan ni Larah sina Alex na papunta ng elevator. Marahil aakyat na ang mga ito sa kanilang unit. Hinanap ng kanyang mata si Zander pero hindi niya ito nakitang kasama nina Alex. Napansin rin niya ang pagbabago ng mga ito. Pati nga pagpunta sa unit niya hindi na nila ginawa magtatatlong araw na. Alam niyang may dahilan kung bakit sila iniiwasan at iyon ang aalamin niya. KINABUKASAN maagang nagtext si Sarah sa kanya, sa baba na lang daw sila magkita dahil may pupuntahan pa ito. Habang naglalakad siya papuntang elevator tanaw niya si Joshua sa labas ng unit ni Sarah. Kaharap nito ang doorbell button pero mukhang nagdadalawang-isip itong mag doorbell ba o hindi. Taas baba ang ginawa sa kamay nito hanggang sa may tumunog sa bulsa ng pantalon nito. Kinuha nito ang cellphone at sinagot ang tawag. Nagmamadali itong umalis habang may kausap pa sa kabilang linya. Kunot-noong tiningnan niya itong palayo. Naglakad na lang siya papuntang elevator. Nang nasa tapat na siya ng pinto sakto namang bumukas ito. May lumabas na dalawang lalaki mula sa loob. Papasok na sana siya pero bigla siyang napaatras dahil nabangga siya ng isang babaeng nagmamadaling sumakay sa loob, may kasama pa itong apat na babae. Embes na sasakay pa siya sumara bigla ang pinto kaya’t naiwan siya. Napabuga siya ng hangin bago napatingin sa ibang babaeng estudyante na nagmamadaling nagtungo sa hagdan para makababa. ”Mukhang may nangyayari,” isip ni Larah. Naisipan na lang niyang mag hagdan na lang pababa. Marami na rin kasing nakapila sa elevator. Pagdating niya sa baba nagtataka siyang tumingin sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa ’di kalayuan. “Kawawa naman ’yung babae,” rinig niya sa usapan ng dalawang babaeng lumagpas sa kanya. Lumapit siya sa nagkukumpulan, sumiksik pa siya para makita ang nasa gitna. Isang walang buhay na babae ang nakita niya. Nakatihaya ito sa lupa. Naliligo na rin ito sa sarili nitong dugo mula sa kanyang sugat sa ulo. Rinig niyang usap-usapan sa paligid galing daw ito sa taas ng building at tumalon dahil sa problema. Tumingala siya sa taas kung saan ito galing, tumingin siya uli sa babae. Ayon sa ayos nito hindi ito tumalon. Umalis siya sa pinangyarihan. Pumasok siya sa kanilang classroom na wala pa ring katao-tao. Ilang sandali pa’y pumapasok na rin ang mga kaklase niya kasama na roon sina Sarah at ang groupo nila ni Zander. Nagtama ang mga paningin nila ni Zander, nauna siyang nag-iwas ng tingin rito. Pakiramdam niya kasi ’di niya kayang tagalan ang titig nito. Hindi naman iba sa kanya ang kakaibang tingin pero mula kay Zander nagiging kakaiba ito para sa kanya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ganon ang dating nito sa kanya. “Sam, are you okay?” nag-alalang tanong ni Sarah sa kanyang tabi. Tumango siya rito sabay ngiti na hindi umabot sa mata. Binaling niya ulit ang paningin sa guro nila na nagsisimula ng magturo sa kanilang harapan. Matapos ang klase dumaritso na siya sa kanyang dorm. Hindi na rin siya sumama kay Sarah para makipagkita kina Jenny sa labas. Ala-seyete ng gabi naisipan niyang lumabas muna. Malaki kasi ang buwan kaya gusto niya itong makita, tulad ng dati niyang ginagawa noon. Mula sa ika-anim na palapag sumakay siya sakay sa elevator patungo sa ika-dalawang pu't dalawang palapag kung saan naroon ang rooftop. Pagdating niya sa taas agad siyang umupo sa gilid at hinayaang nakabitay ang dalawa niyang mga paa. Tumingala siya sa kalangitan. Mula sa itaas nagbaba siya ng tingin. Dahil sa liwanag ng buwan ay na nakikita niya ang tanawin sa ibaba. Magandang tanawin na isa sa gusto niya at tahimik na paligid. Pero ang lugar na kinalalagyan niya ngayon ay kakaiba. Binabalot nga ng katahimikan at magandang tanawin pero pakiramdam niya’y isang panganib ang kapalit. Tulad ng nangyari kaninang umaga sa babaeng wala ng buhay. Pakiramdam niya hindi ito tumalon para magpakamatay kundi sinadyang patayin ang babaeng iyon. Isang oras rin ang inilagi niya sa rooftop bago tumayo para bumaba. Naghagdan na lang siya pababa para makita rin niya ang bawat palapag. May nakakasulubong pa siya sa hagdan na iilang mga estudyante hanggang sa umabot siya sa ika- sampung palapag. Magpapatuloy na sana siya paibaba ng mahagip niya ang kanilang Principal kasama si Zander. Ikinubli niya muna ang sarili bago muli tumingin sa dalawa. Napapansin niyang mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Bigla siyang napatago ng biglang tumingin si Zander sa gawi niya. Tila naramdaman nito na may nakatingin sa kanila. Hindi na siya muling tumingin pa sa dalawa. Nagpatuloy siya sa pagbaba hanggang umabot siya sa ika-anim na palapag kung saan ang unit niya. Nang makapasok agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Dinamdam niya ang nagraragasang tubig sa kanyang katawan. Pero ang isip niya’y nasa dalawang taong nakita niya kanina. Nagtataka siya kung bakit nag-uusap ang dalawa at nasa ika-sampung palapag pa ang mga ito. Sa pagkakaalam niya nasa ikawalong palapag lang ang unit nila ni Zander. Marami ng nakapilang katanungan sa isip niya pero wala pang kasagutan. Samantalang kanina pa nagpaikot-ikot si Erica sa harap ng salamin. Gusto niyang makasiguro kung maganda na ba siyang tingnan ng lahat lalo na ang mahal niyang si Zander. Nagsuot siya ng maikling short na lantad ang maputi niyang leg’s. Nilugay lang din niya ang mahaba at maitim niyang buhok. Nang makontinto siya sa kanyang ayos ay agad siyang lumabas sa kanyang unit. Araw ng sabado kaya wala silang pasok. Papunta siya sa gym kung saan makikita niya si Zander tuwing sabado, nagbabasketball ang groupo nito roon. Dalawang beses na siyang nakakalapit rito kaya ngayon susubukan niya uli. Kahit mailap sa kanya ang lalaki hindi siya sususko. Nasa labas pa lang siya ng pintuan ng gym pero rinig na niya ang mga hiyawan galing sa loob. Napapatingin ang ibang estudyante sa kanya. May ibang humanga sa taglay niyang ganda at meron ring nakataas ang mga kilay habang papasok siya ng tuluyan sa loob. Wala naman siyang pakialam kung merong ayaw sa kanya. Hinanap agad ng kanyang mga mata si Zander. Sa ’di kalayuan ay tanaw niya ito habang nakaupo kasama ang mga kaibigan. Dali-dali siyang nagtungo sa kinaroroonan nito. Habang papalit siya’y mas lalong itong gumagwapo sa paningin niya. Simula ng makita niya ito sa litrato mula sa kanyang Lolo ay hindi na ito nawala sa isip niya. Kaya noong sinabi ng Lolo niya na mag-aaral siya kung saan ito ay hindi siya nagdadalawang-isip na pumayag. Mag dadalawang buwan na rin niya itong pinapasubaybayan sa naging kaibigan niyang si Stacey. Gusto sana nga niyang magtransfer sa building kung saan ito pero hindi na raw puwede. Kaya nakisuyo siya kina Stacy na bantayan ito at pinapapabully rin niya kung sino’ng lumalapit sa groupo nito. Masamang isipin ang pinaggagawa niya pero hindi siya papayag na may ibang magmamay-ari sa taong mahal niya. Nang makalapit siya ng tuluyan ay tumabi siya agad rito. Nagulat ang mga kaibigan nito sa kanyang ginawa pero ngumiti lang siya sa mga ito. “Hi, Erica,” bati sa kanya ni Alvin. “Hello, how are you, guys?” tanong niya sa mga ito. “We are fine,” sagot ni Matteo. Ramdam niyang ayaw sa kanya ni Matteo, katulad ni Zander malamig rin ang pakikitungo nito sa kanya. Pero ok lang kaya naman niyang magtiis hanggang matanggap siya. Habang naglalaro sila siya nama’y hawak ang tambler ni Zander. Tuwing time out binibigyan niya ito ng tubig. Napapangiti siya sa tuwing kinukuha naman nito ang tambler mula sa kamay niya para uminom. MATAPOS nilang maglaro dumaritso si Alex sa locker niya para magpalit. Matapos niyang magpalit ng damit sumunod na rin siya sa mga kaibigan papuntang canteen. Pagdating niya sa canteen. Agad niyang nakita ang mga kasamahan nasa private dining ang mga ito. Pero napatigil siya sa paghakbang nang makita ang kapatid niyang si Sarah kasama ang mga kaibigan nito habang kumakain. Gusto niya itong yakapin na mimiss niya na ang paglalambing nito sa kanya kung silang dalawa lang. Muntik niya na itong madalaw noong nakaraang araw buti na lang tumawag si Jay para pigilan siya. Na-guilty na rin siya sa tuwing tumatawag ito pero hindi niya sinasagot. Ayaw niyang dumistansiya sa kapatid pero kung tungkol sa kapakanan nito ay gagawin niya, nasa maayos lang ito. Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang makita siya nito. Masakit man sa kanya ang hindi pansinin ang kapatid pero wala siyang pagpipilian. Nagbuga muna siya ng isang malalim na hininga bago tuluyang lumapit sa mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD