Chapter 6

2324 Words
“Look who’s here!” boses ng babaeng nasa harap ng mesa nila. “May mga alalay pa siya or bagong friend’s right Sarah?” tanong ng isang babae kay Sarah. “Baka naman naghahanap lang siya ng kakampi,” natatawang sabat ng isang babae. “Ano’ng pakiramdam nang nasa loob ng Library?” mahinang bulong ng isang babae kay Sarah. Rinig iyon ni Larah kaya napaangat ang tingin niya sa apat na babaeng nasa harapan nila. Hindi niya makakalimutan ang hitsura ng apat. Sila ang nanakit kay Sarah noong unang pasok niya pa lang dito sa Universidad. At ngayon sigurado na siyang sila rin ang naglocked kay Sarah sa Library na halos ikawala na nito sa sarili. “Puwede ba ’wag kayong manggulo dito,” pakiusap ni Sarah sa apat. “Sumasagot ka na ngayon!” singhal ng isa na mukhang pukpok sa kapal ng make up. “Hindi ka kase nakikinig ’di ba sabi namin sa ’yo layuan mo sila Alex. Pero bakit lagi ka pa ring dikit ng dikit?” sabat ng isa. “Puwede ba, Stacy, umalis na muna kayo ayaw ko ng gulo,” pakiusap muli ni Sarah. “Oo nga umalis na kayo pinagtitinginan na kayo dito!” sabat ni Lina na mukhan naiinis na. “I dont care kung pinagtitinginan kami alam n’yo naman mahilig kami sa spot-light ’di ba girls?” tanong ni Stacy sa mga kasamahan niya. “Yes!” sagot naman ng tatlong pusit. Kinuha ni Stacy ang juice na nasa mesa nila at walang babalang ibinuhus ito kay Sarah. Dahil sa gulat napatayo bigla sila Jenny habang siya ay nanatiling nakaupo lang. Napansin niyang kinuha rin ni Jenny ang juice nito at itinapon ang laman sa damit ni Stacy. “What the f*ck!” gulat na sigaw ni stacy. “Iyan ang bagay sa ’yo,” taas noong saad ni Jenny. Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Jenny mula kay Stacy. Gaganti sana si Jenny pero nahawakan agad siya sa dalawang kaibigan ni Stacy. Kinuha ni Stacy ang pinagkainan nito at tinapunan rin ang damit ni Jenny. “Kung hindi ka lang pakialamira hindi ka madadamay!” singhal muli ni Stacy sabay sampal muli sa mukha ni Jenny. “May kulang pa pala,” dagdag ni Stacy sabay baling nito kay Sarah. Bago paman lumapat ang kamay ni Stacy sa mukha ni Sarah ay napigilan na ito ni Larah. Kanina pa siya nagpipigil sa babaeng wala man lang kapaguran ang kamay sa pag sampal. Walang problema sa kanya kung mag sagutan ang mga ito magdamag pero ang hindi na puwede sa kanya ang subrang mapanakit lalo pa’t nasa harapan sila ng pagkain. Ayaw na ayaw rin niyang may nagtatapon ng pagkain sa harapan niya. Pinikit ni Sarah ang kanyang dalawang mata. Hinintay niya ang kamay ni Stacy patungo sa mukha niya. Sanay na siyang laging sinasaktan ng mga ito. Galit kasi ang mga ito sa kanya sa tuwing lalapit siya kina kuya Alex niya. Hindi kasi nito alam na magkapatid sila. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na siyang binubully ng mga ito. Napamulat siya ng wala siyang maramdamang sakit. Ganoon na lang ang gulat niyang makitang hawak ni Sam ang pulsuhan ni Stacy. “What do you think your doing, Miss?” tanong ni Sam. Napalunok si Sarah sa nakikitang hitsura nito. Pakiramdam niya’y ibang Sam ang nasa harapan nila ngayon. Wala man lang siyang nakikitang natatakot ito habang kaharap si Stacy. Sinubukan kunin ni Stacy ang kamay nito pero mas hinigpitan pa ni Sam ang pag hawak doon. “Sino ka ba! Bitawan mo nga ang kamay ko!” bulyaw ni Stacy habang namimilipit sa sakit. “Why should i tell you if who i am?” walang emosyong sagot ni Sam. “Hindi mo ba ako kilala!” singhal muli ni Stacy. “I dont care who you are,” sagot ni Sam muli. Kinuha ni Sam ang isang juice gamit ang isang kamay nito at dahan-dahan nitong ibinuhos kay Stacy ang isang basong juice sa ulo. “What the hell!” sigaw ni Stacy. Nilibot ni Sarah ang paningin sa paligid nag babakasakali na makikita niya ang kapatid para humingi ng tulong. Pero sawi siyang hindi ito makita tanging sina Matteo, Alvin, Jay, at Paul lang ang nakikita niya sa kabilang mesa. Napatayo na rin ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Nasa kanila na rin ang buong atensiyon ng mga estudyante. . Napaatras siya nang makita si Stacy na nasa sahig na, namimilipit pa ito sa sakit. Mas lalo siyang kinabahan ng sumugod kay Sam ang tatlong kaibigan ni Stacy. Pero laking gulat niya ang ginawa ni Sam sa mga ito. Nilagay niya ang mga kamay nito sa likod at tinulak ng malakas kaya sumadsad ang mga ito sa semento. Lumapit pa si Sam sa mga ito. “Nextime ’wag kayong mag simulang magsayang ng pagkain, nakakahiya naman sa nagbayad. Rinig ni Sarah na wika ni Sam sa mga ito sabay balik sa mesa nila. Kinuha nito ang isang platong spaghetti at nag simulang kumain ulit. Napanganga na lang si Sarah habang nakatingin sa kaibigan. Napatingin siya kina Stacy, paika-ika na itong naglakad kasama ang mga kaibigan. Tumingin pa ito ng masama sa kanila bago tuluyang lumabas ng canteen. Para bang sinasabi nitong hindi pa sila tapos. “Bakit kayo nakatayo lang d’yan? hindi ba kayo kakain? panunuorin n’yo lang ba ako? mabubusog ba kayo sa katitig sa ’kin?” pabalang tanong ni Sam sa kanila. Bigla naman silang nag-uunahan sa pag upo. Muntik pang mahulog si Lina sa upuan nito. “Magbihis na muna kayo,” wika ni Lina. “Kumain na muna kayo,” sabat ni Larah na nasa pagkain lang ang tingin. Wala silang nagawa kundi tapusin ang pagkain. Matapos nilang kumain sinamahan sila ni Sam papunta sa locker room pero umalis rin ito matapos silang ihatid. “Sar, paano kayo nagkakilala ni Sam?” tanong ni Jenny. “Nagkakilala kami noong tinulungan rin niya ako kina Stacy,” sagot niya. “Katakot pala siya maging kaibigan, eh, nakita n’yo naman ’yung ginawa niya kanina ’di ba?” nakangusong saad ni Lina. “Naninibago lang kayo sa kanya ngayon pero kung mas makilala ninyo siya subrang bait niya,” sagot ni Sarah sa mga bagong kaibigan. Unang kita niya pa lang kay Sam, aaminin niyang natatakot siya rito pero napatunayan rin niyang mabait ito dahil sa pangalawang pagkakataong niligtas siya nito at inaalagaan. At ngayon niligtas na naman siya nito. Pakiramdam niya‛y may Ate siyang ipagtatanggol siya sa tuwing may gustong mananakit sa kanya. Mahal niya si Sam hindi bilang isang kaibigan kundi bilang kapatid na. Hindi man sila magkadugo pero sa puso at isip niya iisang dugo lang sila. Matapos ang klase nila sa umaga dumaritso si Larah sa likod ng building. Dito na siya naglalagi sa tuwing gusto niyang mapag-isa. Hindi na muna siya sumama sa mga kaibigan naalibadbaran na kasi siya sa mga ito. Habang nasa ilalim siya ng malaking puno may naramdaman siyang presensiya ng tao. Mula sa pagkakahiga bumangon siya para suriin ang paligid. May nahagip siyang isang lalaking estudyante na papasok sa gubat. Nagtataka siyang sinundan ito ng tingin hanggang sa mawala ang pigura nito sa mga halaman. Dahil hindi siya mapakali bumaba siya sa puno at sinundan ang lalaking estudyante papasok sa gubat. Sinundan niya ito ng ilang minuto hanggang sa makita itong pumasok sa lumang malaking gate. Kunot-noong pinagmasdan niya ang paligid ng makapasok rin siya. Ayon sa desenyo ng gusali para itong Universidad noon at ilang siklo na dahil puro luma na ring tingnan. Marahil ito ang unang paaralan noon at ilang taon pa lang nakatayo iyung pinapasukan nila ngayon. Bigla siyang naalarma nang may maramdaman siyang presensiya muli ng tao. Nawala ang estudyanteng sinundan niya kanina. May nakita siyang hagdan pa-akyat. Dahan-dahan siyang umakyat pero napatigil siya sa pag hakbang nang mapansin niyang may parang patak ng dugo ang hagdan. Yumuko siya para tingnan ng mabuti, inilapit niya pa ang kanyang mukha para makasiguro. Nang masiguro niyang dugo nga kumunot ang noo niya. “Bakit may dugo sa lugar nato?” isip ni Larah. Mukhang ilang araw pa lang ang dugo. Ibig sabihin may dinala ritong tao, pinahirapan o pinatay. Hindi na siya magtataka kung mangyayari ang hinala niya. May kalayuan kasi ito sa Universidad na pinapasukan nila ngayon. Walang makakaalam sa lugar nato kung walang maglakas loob na pumunta rito. At kung may hihingi man nang tulong mula rito hindi iyon maririnig kahit magsisigaw pa dahil sa distansiya. Nagpatuloy siya sa pag-akyat. Habang papalapit siya ay may naririnig siyang boses sa itaas. Dahan-dahan siyang lumapit kung saan nagmumula iyon. Tatlong lalaki ang nakikita niya kasama na roon ang estudyanteng sinundan niya kani-kanina lang. Itinago niya ang kanyang preseniya sa mga ito bago lumapit ng konti. “Ano! Hanggang ngayon ba wala kayong magandang ibabalita!” sigaw ng isang lalaki. “Pasensiya na, Boss, masyado silang maingat.” “Siguraduhin ninyo na lagi kayong nakabantay sa kanya. “Ano’ng plano sa mga kasama niya?” tanong ng isa. “Bantayan n’yo rin sila dahil puwede silang gamitin kung magmamatigas ang Zander na ’yon. Hindi na makapaghintay si LoLo na makuha ang university mula sa kanya. Naningkit ang mga mata niya matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Kilala rin niya ang hitsura nito. Siya ang nakita niya noong kausap ni Zander sa likod ng paaralan. Pero ang pinagtataka niya bakit gustong kunin ng Lolo nito ang pagmamay-ari ni Zander. Umalis siya sa lugar na malalim ang iniisip. Saang universidad naman ang gustong makuha ng Lolo ng lalaking iyon mula kay Zander. Mababaliw ata siya sa lugar nato kung magtatagal siya. Kanina pa nakatunganga si Zander sa monitor ng cctv camera. Kanina niya pa hinihintay si Sam na bumalik mula sa likod ng paaralan pero hanggang ngayon hindi pa niya nakitang dumaan ito pabalik. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba. Hindi man sila malapit sa isa't isa pero aaminin niyang masaya siya sa tuwing nakikita niya ito kahit may pagkamasungit ang ugali ng dalaga. Nalaman rin niyang nakikipag- away ito sa cateferia dahil sa pagtatanggol kina Sarah. Nakita rin niya sa cctv kung paano ito gumalaw para ipagtanggol ang sarili. Mula sa pagkaka upo tumayo siya para lumabas. Muntik na niyang makalimutan may pag-uusapan pala sila ni Mrs. Sanchez sa office nito. Nang makabalik si Larah sa kanyang unit agad siyang dumaritso sa banyo para maligo. Halos naligo kasi siya sa kanyang sariling pawis habang pauwi siya kanina. Kasalukuyan siyang nagluluto ng hapunan nang may nag doorbell sa labas. Dala ang sandok naglakad siya papuntang pinto. Pagbukas niya seryusong mukha ang nabungaran niya. Nakahinga nang maluwag si Zander ng makita niyang nasa harapan niya na ang babaeng hinanap niya. Dumaritso siya kanina sa likod ng building matapos nilang mag-usap ni Mrs, Sanchez para hanapin ito pero wala na ito roon. Napatingin siya sa kabuuan nito. Napapansin niyang mahilig ito sa maluwang na t-s**t. Kahit halos tabunan na ang buong katawan nito ay bumagay naman sa suot nitong maikling short. “Boss!” Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Kumunot ang noo niyang makita sina Sammy at Jay. “Nandito ka lang pala,” humihingal na sambit ni Jay. “Hi baby, Sam,” nakangiting bati ni Sammy. “Let’s go,” yaya niya sa dalawa para makaalis agad, nauna rin siyang naglakad. Baka kasi papasok na naman sa unit ng dalaga ang dalawa niyang kaibigan at makikikain na naman. Nitong huling mga araw nalaman niyang sa unit ng dalaga ang mga kaibigan niya naglalagi at kumakain. “Tika! Boss, nagluto si baby Sa--,” biglang binatukan ni Jay si Sammy. “Napaka patay gutom mo talaga kakatapos mo lang kumain, eh,” pigil ni Jay rito. Lumingon si Zander sa unit ni Sam, nakasirado na ang pinto nito. Marahil nagtataka ito kung bakit nandoon siya at wala man lang siyang sinabi. Seryusong mga hitsura ang napapansin niya kina Alex pagpasok nila sa loob ng unit nila. Para bang may malaking problema ang mga ito. “What happened?” daritsa niyang tanong sabay upo katabi ni Alvin. “Namatayan tayo ng isang tauhan at mukhang dalawang araw na siyang patay bago nilagay ang katawan niya sa likod ng building isang oras pa lang ang nakakaraan nang makita ito sa isang tauhan natin” sagot ni Paul. “Disperado na talaga silang makuha mula sa ’yo ang university nato,” dagdag ni Matteo sabay tingin sa kanya ng seryoso. Naikuyom na lang ni Zander ang kanyang kamao sa galit. Simula nang mamatay ang mga magulang niya at ang pamilyang Fernandez marami ng gustong ipapatay siya lalo na noong sa kanya pinamana ang ari-arian ng mga Fernandez. Isa na roon ang kaibigan ng Lolo niya si Mr. Chua. Ito rin ang hinalaan niyang pumatay sa mga magulang niya at sa mga Fernandez. Matagal niya ng pinababantayan ito pero sadyang maingat ang matanda. Alam rin niyang nagsisimula na ang mga ito matapos nakipag-usap si Arnold sa kanya noong nakaraan. “Bantayan n’yo sina Sarah at simula ngayon ’wag na kayong masyadong lalapit pa sa kanila,” utos niya sa mga ito. “Pero--!” alma ni Joshua. “Puwede silang gamitin laban sa ’tin, sana maisip mo iyon,” pigil ni Matteo kay Joshua. Napayuko na lang si Joshua ayaw niya man layuan ang babaeng mahal niya pero kailangan para sa kaligtasan nito. Bigla siyang tinapik ni Sammy sa balikat. “Huwag kang mag-alala pag maayos na ang lahat puwede mo nang itanan si Sarah,” seryosong wika nito sa kanya. Bago paman siya makasagot sa turan nito nakirinig na sila nang kasa ng baril. Bigla tinaas ni Sammy ang dalawa niyang kamay sa harapan ni Alex na ngayo'y nakakatotok na ang baril sa uli nito. “Ano ulit ang sinabi mo?” walang emosyong tanong ni Alex. “Jo--joke lang naman ’yon,” nauutal na sagot ni Sammy sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD