Chapter 5

2517 Words
Chapter 5 Isasara na sana ni Larah ang pinto nang may napansin pa siyang isang taong nakatayo sa gilid. Wala man lang itong makikitang ekspresiyon sa mukha. “Ano tatayo ka lang ba d'yan? gusto mong maging guardiya?” tanong niya rito. “This is your fault,” madiing wika nito sabay lagpas sa kanya sa pintuan. Nakaawang ang labi niyang napatitig sa likuran nito habang papunta sa living area. Sa subrang inis niya pabagsak niyang sinara ang pinto. Bakit siya ang sinisisi ng impakto na ’yon hindi naman niya alam na hinahanap pala siya ng mga ito. Dumaritso siya sa kanyang kuwarto para mag palit ng damit. Ngayon lang niya napansin wala pala siyang suot na bra habang nakikipag-usap sa labas. Buti na lang makapal ang tela na suot niyang t-shirt. Nagsuot muna siya ng bra bago nagpalit ng maluwag na damit hanggang tuhod. Itinali rin niya ang kanyang mahabang buhok bago lumabas ng silid. Pagdating niya sa living area parang mga sisiw ang nakaupo sa sofa. Nagsisik-sikan kasi ang mga ito, nakapikit pa iyung iba, halatang wala ngang tulog ang mga luko. “Bagay pala sa ‛yo magdamit ng ganyan ang cute mong tingnan para kang dalagang ina,” natatawang sabi ni Sarah. “Para siyang si Barney,” sabat ni Joshua sabay tawa nito. Tumaas ang kilay niya pati ang iba napapangiti rin. Mali ata talaga na pinapasok niya ang mga ito pati kasuotan niya napapansin. “Gusto n’yong palabasin ko kayo?” “Ay hindi joke lang naman, eh, ang ganda mo kaya,” pigil agad ni Sarah. Napapangiti naman si Alex habang napatitig sa magandang dilag na nasa harapan nila. Kanina pa niya napapansin na gusto na silang itapon nito sa labas. Nagiging interesado tuloy siyang mas makilala pa ito ng lubos. Unang kita niya pa lang rito ay may kakaiba na siyang nararamdaman. Kakaiba ito sa lahat ng estudyanteng nakikilala o nakikita nila. Wala kasing itong pakialam sa paligid para bang may sariling mundo.. Sinundan ito ng kapatid niya papuntang kusina. Marahil siguro magluluto na sila. Sinabi rin ng kapatid niya kung paano sila nagkakilala nito. “Ang ganda pala unit ng babae,” pansin ni Sammy. “Baka gusto mong kumuha sabihin mo lang bibigyan ka namin,” natatawang sagot ni Alvin. Kinuha ni Sammy ang isang unan sa gilid ng sofa at itinapon iyon sa mukha ni Alvin. Napatawa na lang si Alex sa inasta ng dalawang kaibigan niya. Bigla siyang napatingin kay Zander, nakapikit ang dalawang mata nito habang naka upo. Wala kasi itong tulog simula kagabi kakahanap kay Sam. Subrang laki kasi ng universidad. Kahit alam nila ang pasikot-sikot pero hindi madaling hanapin kung may nawawala. Pumikit din siya para makatulog saglit. Pero matapos lang ang ilang minuto narinig niya ang boses ni Sarah. “Kain na tayo!” sigaw ni Sarah mula sa kusina. “Salamat naman gutom na gutom na ako,” sambit ni Sammy. “Tumahimik ka nga nakakahiya ka,” sabat ni Alvin. “Ang nakakahiya kung magnanakaw tayo, nakakahiya bang makikikain lang tayo?” pabara nitong sagot. “Lets go,” pigil ni zander sa dalawa. Napapailing na lang si Alex habang nakatingin sa kaibigan papuntang kusina. Nakikinig lang pala ito sa bangayan ng dalawa. Tumayo na rin siya at sumunod sa mga ito. Nang malapit na siya sa kusina agad niyang naaamoy ang bango ng pagkain. Itlog, hotdog, tinapay at pride rice ang bumungad sa kanya. Simpleng almusal lang pero masarap. “Kain na tayo,” sabi ni Sarah. “Baby, Sam, ikaw ba nagluto?” tanong ni Sammy na may paghanga. Tumango lang si Sam habang humihigop ng kape sa gilid. “Iyan lang ang madaling lutuin, nasa sa inyo na kung kakain kayo o hindi,” wika ni Sam. “Syempre si Sam nagluto ’di ako marunong,” sabat ni Sarah. “Kailangan mo ng matutong magluto, my Love para pag mag-asaw--,” Biglang niyang binatukan si Joshua. Pati ba naman sa harap ng pagkain babanatan ang kapatid niya. Dalawang taon na rin na may pagtatangi ang kaibigan sa kapatid niyang si Sarah. Pero hanggat hindi pa sila nakatapos hindi niya pa ito pinapayagan na magtapat sa kapatid. “Sam hindi ka ba kakain,” tanong ni Sarah. “Nope mamaya na ako, bilisan n’yo na at maghugas kayo pagkatapos kumain,” sagot ni Sam sabay talikod sa kanila. “Saan ka pupunta, baby?” tanong ni Sammy kahit puno ang bibig ng pagkain. “Maliligo gusto mo sumama?” Bigla lang nabilaukan si Sammy, dali-dali itong uminom ng tubig. Natawa na lang sila sa hitsura ng kaibigan. Pulang-pula kasi ang mukha nito dahil sa sinabi ni Sam. Matapos nga nilang kumain hinugasan muna nila ang pinagkainan bago sila lumabas sa unit ng dalaga. LUMIPAS ang mga araw pero wala pang nararamdamang kakaiba si Larah. Maliban na lang kina Sarah na ginawang tambayan ang unit niya. Pati pagtulog sa unit niya ay ginawa na nila lalo na si Sarah. Halos gabi-gabi nasa unit niya na ito. Hindi naman niya kayang itaboy dahil baka makahalata sa kanya. Hindi tuloy siya masyadong nakakaalis paggabi dahil kina Sarah. “Sam ok ka lang?” tanong ni Sarah na nasa tabi niya lang. Simula rin no’ng nalaman nitong magkasama sila sa isang classroom tumabi na ito sa kanya ng upuan. Napansin niyang may gusto itong sabihin sa kanya pero mukhang pinipigilan nito ang sarili. “Bakit?” darito niyang tanong dito. “Pu-puwede mo ba akong samahan mamaya?” nakayukong pakiusap nito. “May gagawin ako mamaya ikaw na lang,” sagot niya rito habang ang mga mata nasa libro ng binabasa niya. Bigla itong umayos ng upo. Pagtingin niya sa unahan dumating na pala ang guro nila. Pero may sumunod na pumusok si Zander, Matteo, at Alex. Nagtataka siyang tumingin sa tatlo ang seryuso ng mga hitsura. Bumababa ang tingin niya sa kamay ng mga ito. Parang may napansin siyang dugo pero hindi siya sigurado dahil nakakuyom iyon. Biglang sumagi sa isip niya ang taong nakita niya. “Hindi kaya nakaharap nila iyong taong nakita niya na kausap ni Zander noong nakaraan?” isip ni Larah. Kailangan niya ng kumilos hindi siya papasok mamayang hapon para mag ikot-ikot . Tumunog ang bell ibig sabihin may 30 minutes sila para mag relax or kumain. “Sam, pupunta lang ako saglit sa Library, hintayin mo ko dito, saglit lang ako,” saad ni Sarah tsaka nagmamadaling lumabas. Panay ang tingin niya sa orasan na nasa dingding ng classroom nila. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa si Sarah. Nagsibalikan na rin ang ibang kaklase nila sa kani- kanilang mga upuan. Hindi nga siya lumabas nang tumunog ang bell dahil hinintay niya ito. Bigla siyang nakaramdam na ng kaba. Tumayo siya sa kanyang upuan at lumabas. May tumawag sa kanya pero hindi na niya nilingon pa. Sampung minuto bago niya nakita ang Library. Habang papalapit siya nagtataka siyang naka close ito at mukang wala namang tao sa loob. Paglapit niya’y wala ngang tao sa loob at naka locked ang pinto. “Bakit hindi agad bumalik si Sarah kung naka locked naman pala ang library,” isip ni Larah. Aalis na sana siya nang may narinig siyang sumigaw. Nilapit niya ang tainga sa pinto ng Library. Parang may tao sa loob. “Tulong!” Bigla siyang naalarma kilala niya ang boses na ’yon. Buong lakas niyang sinipa ang pinto ng Library kaya gumawa ito ng ingay. Dali-dali niyang hinanap si Sarah sa loob pero wala ito. “Tulong!” Mabilis niyang sinundan ang sigaw kung saan ito nanggaling. Natagpuan niya si Sarah sa loob ng banyo. Yakap-yakap nito ang sarili habang humihikbi. “Sam!” Bigla nitong tawag sa pangalan niya habang umiiyak. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kahit ilang araw pa lang sila magkakilala pero naging malapit na rin ito sa kanya. Paniguradong iyung apat na babae na naman ang gumawa nito sa kanya. Dinala niya si Sarah sa kanyang unit. Gusto niya sana sa clinic ito dalhin pero ayaw nito. Pinaligo niya muna ito bago ginamot ang sugat. Matapos niyang gamutin, iniwan niya muna ito para makapagpahinga. Siya naman nagluto siya ng tinulang manok para rito. Matapos niyang magluto dinalhan niya ito sa kuwarto. Pero pagpasok niya nakatulog na pala ito. Lumapit siya rito para ayusin ang kumot. Pinagmasdan niya ang hitsura nito. Wala siyang kapatid na babae pero ngayon pakiramdam niya meron na at kailangan niya itong protektahan laban sa mga taong mananakit dito. Napamahal na rin ito sa kanya kahit minsan naririndi siya sa bunganga nito. Hinalikan niya muna ito sa noo bago lumabas dala ang pagkain na niluto niya. Iinitin na lang niya mamaya paggising na ito. Habang busy siya sa laptop may nag doorbell sa labas. Sinara niya muna ang kanyang laptop bago naglakad papunta sa pinto. Pagbukas niya’y ang mga kapre ang nabungaran niya. “Kumusta siya?” nag-alalang tanong ni Alex sa kanya. “She’s fine now,” tipid niyang sagot, nilakihan rin niya ang pagbukas ng pinto para makapasok ang mga ito. Pumasok sina Alex sa kanyang silid para tingnan si Sarah. Maliban lang kay Zander, Matteo at Paul na nasa sofa lang kaharap siya. Parang may gusto itong sabihin sa kanya pero hindi agad masabi. “What it is?” tanong niya sa tatlo. Alam niyang alam na nila kung ano’ng nangyari. May namataan siyang cctv camera kanina malapit sa Library kaya hindi na siya magtataka kung magtatanong ang mga ito sa kanya tungkol doon. “What happened to Sarah?” Tanong ni Matteo sa kanya. Bigla nitong iniiwas ang tingin nang tumingin siya pabalik dito. Para bang hindi ito ang gustong itanong sa kanya. “May nanbubully sa kanya, natagpuan ko siya sa banyo ng Library kanina,” sagot niya. “What! Who!” biglang sigaw ni Alex na may galit habang papalapit sa kanila. Ibang Alex ang nakikita niya ngayon. “Hindi ko sila naabutan,” tipid niyang sagot. “Huwag! Palabasin n’yo ko!” Bigla siyang napatayo at tumakbo papuntang kuwarto. Nakikita niyang nataranta si Joshua sa pagwawala ni Sarah. Nagwawala ito habang nakapikit ang mga mata. Nilapitan niya ito para gisingin binangungot ito sa nangyari kanina. Sinampal niya ng mahina ang mukha nito para magising, bigla naman itong napamulat. “Sa--sam!” Bigkas nito sa pangalan niya sabay yakap nang mahigpit, humahagulhol rin ito ng iyak. Para bang takot na takot ito sa panaginip niya. “Tahan na panaginip lang ’yon,” pakalma niyang turan rito. Sininyasan niya si Sammy para kumuha ng tubig. Nakita niyang sinuntok ni Alex ang pader sa galit. Alam niyang masakit para rito ang makita ang kapatid sa ganitong sitwasyon. Kahit sino naman siguro maramdaman iyon. Tinabihan niya muna si Sarah para makatulog ito muli. Nang masiguro niyang tulog na nga ito bago siya nagpasyang bumangon. Paglabas niya nasa living area pa rin sina Zander. Wala atang balak pumasok ang mga ito sa last sudject nila. “Hindi ba kayo papasok,” tanong niya sa mga ito. “Hindi na, natawagan na namin ang principal office tungkol sa nangyari,” sagot ni Paul. Napaisip tuloy siya sa narinig, si Sarah lang naman ang hindi muna puwedeng pumasok, bakit pati sila hindi rin? Nagiging intiresado tuloy siyang mas makilala pa ang mga ito. Dahil hindi basta-basta pumapayag ang isang principal kung walang malalim na dahilan lalo na’t sampu ang wala sa klase. Ayaw pa sana niyang bumangon kinabukasan pero kailangan para makapasok. Madaling araw na kasi siyang nakatulog kagabi dahil sa rami ng mga email na pinadala sa kanya tungkol sa trabaho. Habang nagtuturo ang guro nila siya nama’y hindi mapigilan ang antok napapapikit talaga siya. “Ms. kim!” sigaw ng guro nila. Bigla naman siyang napatingin rito na halos bubuga na ito ng apoy sa galit. “Yes, Ma’am?” mahinahon niyang sagot rito. “Why you sleeping my class!” “Because i am sleepy. Ma’am,” sagot niyang muli. Narinig niyang tumatawa ang mga classmate niya sa tuno ng sagot niya. Gusto na rin siyang katayin ng guro nila sa galit. “Answer this!” Turo nito sa board. Isang problem solving iyon tungkol sa negosyo kung paano ito mapalago ng maayos. Wala siyang nagawa kundi tumayo at pumunta sa harapan. Sinagutan niya ang nasa board, gumawa pa siya ng sentence para ito ay maintindihan ng maigi. Ang kanina’y maingay dahil sa kanya ngayon ay parang may dumaang anghel sa subrang tahimik. Napatingin rin siya sa kanilang guro na ngayo’y nakatitig sa board kung saan niya sinagutan ang pinagawa nito. Bumalik siya sa kanyang upuan, uupo na sana nang biglang tumunog ang bell para sa breaktime nila. Kinuha niya ang kanyang bag at naunang lumabas. Napatingin na lang si Zander sa papalayong si Larah. Aaminin niyang sa ilang araw na nila itong nakakasama unti-unti siyang humahanga rito. Katulad ngayon napapahanga siya sa galing nitong sumagot. “Akalain n’yo ’yon tama lahat ng sagot niya,” paghangan sambit ni Jay. Dumaritso si Larah sa banyo, kanina pa kasi siya ihing-ihi na. Matapos magbanyo dumaritso na siya sa canteen para mag almusal. Hindi na kasi siya nakapagluto kanina dahil ala-siyete na siya nagising. Pagpasok niya sa loob marami ng mga estudyante. “Sam dito!” Napatingin siya sa sumigaw. Naningkit ang mga mata niyang makita si Sarah na may kasamang tatlong babaeng estudyante. Akala niya nagpapahina ito kaya hindi ito pumasok kanina. Lumapit siya sa mesa kung saan ito, tinaasan niya pa ito ng kilay. “Sam, sila Lina, Mona, at Jenny nga pala bagong kaibigan natin,” nakangiti nitong pakilala sa kanya. “Hello ang ganda mo naman!” bigkas ng babaeng malapit sa kanya si Mona. “Ang ganda ng buhok niya totoo na iyan? puwede pahawak?” sambit ng maikli ang buhok na si Lina. Hindi niya pinansin ang dalawa bagkos na kay Sarah lang ang tingin niya. Tiningnan niya ang sugat nito sa gilid ng bibig pero katulad noong nakaraan nilagyan niya muli ito ng conseler para hindi halata. “Sige treat ko na para sa new friendship natin!” tili ni Mona. “Samahan na kita Mon,” pahabol ni Lina. Pinaghila siya ng upuan ni Sarah kaya wala siyang nagawa kundi tumabi rito. Makalipas lang ang ilang minuto nakabalik na rin sina Mona dala ang dalawang tray na puno ng mga pagkain. Habang nagsimula na silang kumain, nagsisimula na namang nagtitilian ang ibang estudyante sa paligid nila. “Omg! Guy’s! nand’yan ang Black Gang!” kinikilig na sambit ni Lina. “Tumahimik ka nga,” pigil ni Jenny rito. Hindi na lang niya pinansin ang ingay sa paligid. Napapansin rin niyang nakatingin ang tatlo sa kanya. “What?” tanong niya sa mga ito. “Wa--wala si--sige kain ka lang,” kinakabahan na sambit ni Lina. “Huwag n’yo na lang siyang pansinin, ayaw niya ng disturbo sa pagkain,” sabat ni Sarah. Bigla siyang napatigil sa pagsubo nang may napansin siyang kakaibang pakiramdam sa paligid. Sinuri niya ang paligid wala naman siyang napapansing taong kakaiba. Parami ng parami lang ang mga estudyanteng pumapasok sa loob ng cantena nila. Binalik na lang niya muli ang atensiyon sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD