Chapter 4

2353 Words
Chapter 4 Isang babae at lalaki ang nakikita niya na mukhang may milagrong gagawin. Naningkit ang mga mata niyang dahan-dahan gumapang ang kamay nang lalaki patungo sa hita ng babae. Tumalikod na lang siya. Hindi niya kayang makita pa ang susunod na mangyayari sa dalawa. Imbes na pag-aaral ang iisipin kahalayan ang nasa utak ng ibang estudyante. Bumalik na lang siya sa harapan para hanapin ang canteen. Kakain muna siya bago pumunta sa klase. Habang naglalakad siya parami ng parami ang mga estudyante. Napapansin rin niyang napapatingin ang iba sa kanya. “0mg guy’s! nandyan ang Black Gang!” tili ng isang estudyante sa kasamahan nito. Tumakbo ang mga ito pati na rin ang ibang estudyante. Nasagi pa siya ng isang babae sa pagmamadali. Habang papalapit siya tanaw niya ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa daan. Nang makalapit tumigil muna siya saglit. Nakatingin ang mga ito sa walong lalaking naglalakad sa wholeway. Kumunot ang noo niyang makilala ang walo, sila iyung nakasabay niya sa elevator kahapon. Kaya pala halos maihi sa kilig ang mga babaeng estudyante dahil sa kanila. May mga hitsura nga naman ang mga ito. Tumingin muna siya sa suot niyang relo. Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase kailangan niya ng bilisan. At mukhang kailangan niyang habaan ang pasensiya niya rito. Huminga muna siya nang malalim bago lumapit sa walo na parang nabibigatan sa mga paa dahil sa hina ng paglalakad. “Excuse me, puwede po bang pakibilisan,” pakiusap niya mula sa likuran. Napahinto ang walo sa paglalakad at tumingin sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya sa paraan nang pagtitig ng mga ito sa kanya. Lalo na ang lalaking nasagi niya kahapon madilim itong nakatingin sa kanya. “Despirada papansin.” “Hindi niya ata kilala ang nasa harapan niya.” “Paniguradong tanggal ’yan dito.” Rinig niyang bulungan ng tatlong babae sa gilid. Tumingin siya sa mga ito at ngumiti. “Kung mag bulong-bulungan man lang kayo ’yung hindi naririnig.” sambit niya sa mga ito. Nahalata niyang nagulat ang mga ito sa sinabi niya, inirapan niya ang mga ito bago muling humarap sa walong lalaki. Dahan- dahan siyang lumapit sa mga ito at naunang naglakad tumagilid pa siya para makadaan. “Ikaw ’yung bago ’di ba?” tanong ng isang kulay gray ang buhok. Tinaas niya lang ang isang kamay bago tuluyang naglakad palayo sa mga ito. Hindi na siya nag-atubiling sagutin pa ang tanong. Alam naman niyang malalaman din nila. “Black Gang?” isip niya. Mga gangsters pala ang mga iyon. Tama ang hinala niya kahapon, hindi sila ordinaryong estudyante lang. Kailangan niyang mag-ingat dahil katulad niya may kakayahan din ang mga ito. Nakita niya agad ang canteen hindi naman pala masyadong malayo. Humanga siya sa desenyo sa loob napaka clasic ang dating at may private dining pa sila na mga officer's lang o teacher's ang allowed. Matapos niyang mag-order humanap siya ng bakanting mesa. Nakailang subo pa siya ng may narinig siyang nagtitiliang mga babaeng studyante. Napatingin siya sa labas. Tanaw niya ang walong lalaking papalapit sa canteen. Kaya naman pala parang sinilihan na naman ang mga taong nasa paligid niya. Hindi na lamang niya pinansin pa ang mga ito, pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. “Sam!” Muntik na niyang mabitawan ang tinidor na hawak. Tiningnan niya ng masama ang taong nasa harapan niya. Naghahabul pa ito sa kanyang hininga parang galing sa pagtakbo. “Kailangan ba talagang sumigaw?” tanong niya rito bago uminom ng juice. “Pasensiya ka na excited lang kasi akong makita ka,” sagot nito sa kanya. Bigla siyang napatitig dito. Ang dali naman ata nitong magtiwala sa kanya. Napansin rin niyang nawala na ang pasa sa gilid ng labi nito. Mukhang itinago niya lang sa pamamagitan ng paggamit ng cream. Ang sugat niya sa balikat natatabunan sa suot niyang jacket. “Okay na ba ang sugat mo?” tanong niya rito. “Oo naman! Ang galing kaya ng nurse ko,” nakangiti nitong sagot sa kanya. “Bagay na bagay pala sa ’yo ang uniform mo,” bigla nitong pansin sa kanya. “May bagay bang halos kulang sa tila?" pabalang sagot niya rito. “Ano ka ba ’yan ang uso ngayon,” sagot nito. Tumaas ang isang kilay niya sa narinig. “Pumunta ka lang ba dito para sabihin ’yan?” tanong niya. “Syempre hindi kakain ako, tika bakit ang dami mong order? mauubos mo ba ’yan?” “Malamang hindi ’wag ka na mag order kainin mo na lang ’yan, bilisan mo magsisimula na ang klase,”saad niya rito. “Hindi ko to maubos, eh, dalawang plato kaya ito,” maktol nito. “Hindi ko na problema ’yan basta ubusin mo, sayang kung itatapon lang,” wika niya. “Ganito na lang tatawagin ko na lang c kuya para maubos ito,” suggestion nito sa kanya. Tumango siya rito bilang pagsang-ayon. May tinawag ito sa kabilang mesa. Pagtingin niya kumunot ang noo niyang nasa malapit lang pala sa kanila ang walong nilalang sa wholeway kanina. Lumapit naman agad ang may katangkarang lalaki pero sumunod ang iba nitong kasama dala ang mga pagkain nila. Tatlong na lang ang naiwan sa mesa nila. “Sinabi ko bang pati kayo kasama?” tanong ni Sarah sa apat. “Pasensiya ka na Sarah, pero puwede bang ipakilala mo naman kami dito sa maganda mong kasama,” sambit ng isang kulay abuhin ang buhok. “Tumigil ka nga, Sampablo! umandar na naman niyang pagka--” “Okay na! Ipapahiya n’yo na naman ako,” pagputol nito sa sasabihin sana ng kaibigan. “Tumigil na nga kayo, tulungan n’yo na lang akong ubusin ’to,” pigil ni Sarah sa kanila. “Sam, kapatid ko pala si kuya Alex. At itong apat si Joshua, Alvin, Jay, Sammy At ’yung tatlo sa mesa nila si Matteo, Paulo at si Zander leader nila,” pakilala ni Sarah sa kanya. “Guy’s this is, Sam, ang bago kong kaibigan,” nakangiting bigkas ni Sarah. “Ikaw ba ’yung nakasama namin sa elevator kahapon?” tanong ni Alvin. Tumango lang siya bilang sagot. Kailangan niyang mag-ingat sa bawal kilos niya ngayong kilala na siya ng mga ito. Alam din niyang araw-araw na silang magkikita. “Bilisan n’yo na, malapit ng magsimula ang klase,” pag-iiba niya sa usapan. Matapos nilang kumain una silang lumabas ni Sarah sa canteen. Pero nagkahiwalay rin sila dahil nagbabanyo siya at patungo naman si Sarah sa locker nito. Nahanap niya agad ang classroom niya. Kakatok pa sana siya nang bigla itong bumukas. “Miss Kim, you are late,” mahinahong sambit ng guro nila na nasa harapan. “Please! Introduce your self,” dagdag nito sa kanya na parang naiirita. Pumunta naman siya sa gitna. Matapos niyang ipakilala ang sarili ay agad siyang umupo sa hulihang upuan. Kung hindi siya nagkakamali nasa 40 silang nasa loob, nasa right side silang mga babae at nasa left side naman ang mga lalaki. Napansin rin niyang pinagtitinginan siya ng ibang estudyante lalo na ang walong nilalang pati si Sarah na kanina pa nakatingin sa kanya at panay pa ang ngiti nito. Sino’ng mag-aakala na sa iisang classroom lang pala sila. MATAPOS ang klase agad na lumabas si Zander patungo sa unit nila. Pansamantala niya munang iniwan ang mga kaibigan, naririndi na kase siya sa mga kakulitan ng mga ito. Napaupo siya sa harap ng computer system sumasakit kasi ang ulo niya. Napatigil siya sa paghilot ng kanyang batok nang may nakita siyang pigura ng tao sa monitor. Lumapit siya sa monitor para tingnan itong mabuti. Kung hindi siya nagkakamali ang bagong estudyante ang nakikita niya, ang bagong kaibigan sa kapatid ni Alex. Sa elevator niya ito unang nakita pangalawa sa wholeway pangatlo sa classroom nila. Sinabukan niyang basahin ang nasa isip nito pero wala siyang makuha. Tatlong araw na nila itong nakikita pero wala namang kakaiba sa mga kinikilos nito. Pero may kakaiba siyang naramdaman dito hindi niya lang matukoy kung ano iyon. Lumayo siya sa monitor wala siyang pakialam sa babaeng iyon. Baka may tatagpuin itong lalaki sa likod ng building katulad sa ibang estudyanteng nakikita niya roon. Kailangan niyang magpukos sa kanilang problema. Dahil sa bawat sigundong lumilipas alam niyang naghahanap lang ng pagkakataon ang mga kalaban nila lalo na ang mga Chua para makuha ang lahat mula sa kanya. Pero hindi niya iyon papayagang mangyari. Kung kinakailangang ibubuwis niya ang sariling buhay ay ibibigay niya hindi lang mapunta sa masamang tao ang pinaghirapan ng pamilya niya at ng mga Fernandez na nasa sa kanya ngayon. Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito pumasok ang mga kaibigan niya. “Nandito ka lang pala,” wika ni Matteo sabay upo sa tabi niya. “May balita na ba?" tanong niya rito. “Wala pa rin pero ’wag tayong pakanpante halang ang mga bituka ng groupong iyon,” seryuso nitong wika sa kanya. Ilang oras din silang nasa loob may kanya-kanyang ginagawa. Pero napatigil sila nang may nag do-doorbell sa labas. Napatingin sila sa monitor. Si Sarah ang nakikita nila sa labas na parang hindi mapakali. Dali-dali namang nagtungo si Alex sa pintuan para pagbuksan ang kapatid. “Ku-kuya tulungan moko!” tarantang wika nito. “Ano’ng nangyari, Sweety?” tanong ni Alex sa kapatid. “Hindi ko makita si Sam, kuya, Please! tulungan mo kong hanapin siya,” nag-alalang pakiusap ni Sarah. “Okay kumalma ka, inumin mo muna ’to,” sabat ni Joshua sabay bigay nito ng isang basong tubig kay Sarah. “Hahanapin lang namin si Sam, sasama ka ba?” tanong ni Paul kay Zander. “Susunod ako,” tipid niyang sagot. Ayaw niya mang sumama sa paghahanap sa babaeng iyon pero kaibigan na ito ni Sarah. Responsibilidad na rin niya, gustohin man niya o hindi. Hindi namalayan ni Larah napapahimbing pala ang tulog niya sa ilalim ng malaking puno. Nagising siyang madilim na ang paligid. Tumayo siya at pinagpag ang suot na damit. Hindi pala niya napansin ang oras mag aalas-otso na ng gabi. Habang naglalakad siya pabalik may naramdaman siyang tao sa paligid. Kinubli niya muna ang sarili sa malabong na halaman. Tanaw niya ang dalawang taong parang nag-uusap sa unahan. Lumapit pa siya ng konti sa mga ito buti na Lang madilim hindi siya madaling mapapansin. Pero napatigil siya ng makilala ang isa sa kanila. “Kumusta Mr. Smith?” tanong ng lalaki kay Zander. “What do you want?” daritsang sagot ni Zander. “Masyado ka naman atang nagmamadali. Alam mo naman kung ano’ng kailangan namin mula sa ’yo.” “At akala mo ba ibibigay ko ang gusto ninyo?” “Alam namin na hindi mo ibibigay sa matinong usapan. Alam mo na rin kung ano’ng mangyayari sa pagmamatigas mo kaya nandito ako para mabalaan ka na mag-ingat,” saad ng Lalaki. Hindi na sumagot si Zander sa huling sinabi nito. Iniwan niya lang ito bigla. Hindi muna si Larah umalis sa dilim hanggang hindi umalis ang kausap ni Zander. Mukhang may hindi magandang mangyayari sa pagitan ng dalawa. ”Ano naman kaya ’yung hinihingi ng lalaki kay Zander?” isip niya. Alas-nuwebe na siya nakarating sa unit niya, dumaan pa siya sa canteen para doon sana maghapunan kaso sirado na ito nang dumating siya. Nagluto na lang muna siya bago naligo. Matapos niyang maligo, kumuha lang siya ng pagkain sa kusina at dinala sa kuwarto niya. Habang kumakain pana’y checked naman siya sa mga email na dumating sa kanya. Hanggang nakatulogan niya ito. Napabalikwas siya sa higaan nang may narinig siyang ingay sa labas. Napatingin siya bigla sa orasan na nasa ding-ding ala-singko pa lang ng umaga. Hindi lang doorbell ang ginawa ng kung sino’ng nasa labas, pati ata pintuan gusto ng sirain. Inis siyang bumangon sa higaan, kulang pa siya sa tulog dahil mukhang hating gabi na siya nakatulog kagabi. Kinuha niya muna ang maliit na baril bago lumabas sa kanyang silid. Kailangang niyang maging handa sa lahat ng pagkakataon. Iritado niyang binuksan ang pinto. Tumaas ang isang kilay niya sa mga taong nasa harapan niya. Hindi ata pinagbabawal ang mga lalaking pumunta sa unit ng mga babae at komplito pa talaga silang lahat. “Sam!” gulat na sambit ni sarah sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Nagtataka man ay yumakap din siya rito. “Ba’t ang aga n’yong nandito?” taka niyang tanong sa mga ito. “Ano’ng bakit ha! alam mo bang kahapon pa kami naghahanap sa ’yo,” sagot ni Sarah sa kanya. “Sinabi ko bang hanapin n’yo ko? Tsaka bakit ninyo ako hinanap?” kunot-noo niyang tanong. “Nawawala ka kahapon, eh,” sagot ni Sarah sa kanya. “Nawawala?” bigkas niyang muli. “Oo,bigla ka na lang nawala kahapon kala namin nasa canteen ka lang pero wala ka tapos pumunta kami dito kagabi wala namang bumubukas,” sambit nito na parang nagtatampo. “Alangan naman may magbubukas kong walang tao ’di ba?” sagot niyang pabara. “Saan ka ba nagpunta kahapon, Baby? Hinanap ka naming lahat wala pa kaming tulog masyado dahil sa ’yo,” nakangusong wika ni Sammy. Tumaas ang dalawang kilay niya rito. Siya pa ata ang sinisisi kung bakit puyat silang lahat. “Hindi ko naman siguro kasalanan kung hinahanap ninyo pala ako. Dahil kung alam ko lang po na hinahanap n’yo ko edi sana nagpakita ako ’di ba?” inis niyang sagot sa mga ito. “Iyon lang ba kailangan n’yo? nandito na ako puwede ba magpatulog kayo ulit? agang-aga nanbubulabog kayo, eh,” dagdag niyang saad sabay sara sana sa pinto. “Tika lang, Sam, gutom na kasi kami, eh, wala pa kaming kain kakahanap sa ’yo,” pigil ni sarah sa pinto. “Puwede bang makikikain diyan ng almusal, baby, Sam?” tanong ni Sammy nakahawak pa ito sa tiyan niya. “Ano! Nababaliw ba kayo? nakakadisturbo na nga kayo ng tulog makikikain pa kayo? may hiya pa ba kayo?” inis niyang turan. “Sa ngayon wala muna kaming hiya,” sagot ni Sarah sabay pasok sa loob. Sasagot pa sana siya pero nag-uunahan na silang pumasok sa loob. Huminga muna siya nang malalim. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD