CHAPTER 3

1247 Words
CHAPTER 3 Nanatili lang siyang tahimik sa upuan habang tinitingnan ni Mrs. Loida Sanchez ang kanyang dalang papel. Hula niya ay nasa apatnapu’t lima ang edad ng kaharap. “Ms. Kim, okay naman ang mga grades mo at may experience ka na about business management. Pero bakit gusto mo rito mag-aral? Kung tutuusin mas maganda sa labas kaysa rito,” saad nito sa kanya. “I want to learn more. Traditional learning. Something different and challenging. A place where I can focus more, exactly just like this school,” sagot niya rito. “Alright, this is your schedule at ito na rin ang susi ng magiging dorm mo,” paliwanag sa kanya sabay abot sa papel at susi. Matapos niyang makuha ang kailangan ay lumabas na siya. Naramdaman niyang hindi ordinaryong dean lang si Mrs. Sanchez. Pilit kasi nitong binabasa kanina ang nasa isip niya. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat galaw at sasabihin niya rito sa loob. Bawat dinaraanan niya’y kanyang tinatandaan. Kanina pa niya napapansin na walang masyadong mga estudyanteng pagala-gala. Tiningnan niya muna ang dorm number sa papel na hawak niya. Nasa anim na palapag iyon. May nakita siyang hagdan paakyat sa dulo kaya naglakad siya papalapit doon. Pero nakailang hakbang pa lang siya nang may biglang bumunggo sa kanya. Buti na lang madali niyang naagapan ang sariling ’di bumagsak sa semento. Tiningnan niya ang gumawa noon. Isang lalaking estudyante, mabilis itong naglakad papalayo. Mukhang hindi nito pinansin ang nagawa sa kanya. Hindi man lang din ito humingi ng tawad bago umalis. Mukhang kailangan niyang habaan ang pasensiya sa lugar na ito. Inayos muna niya ang sarili bago naglakad ulit. Napatingin siya sa gilid nang may tatlong elevetor siyang nakikita. Ngayon lang niya napansin na may elevator pala. At sa elevator galing iyung estudyanteng nakabunggo sa kanya. Naglakad siya papalapit sa isang elevator na malapit sa kanya. Nang makapasok pipindutin na sana niya ang button sa ika-anim na palapag nang may biglang pumasok kaya napapaatras siya. Nasa likod siya ng walong lalaking pumasok. Pinindot ng isa ang button sa ika-walong palapag habang kausap ang dalawa nitong kasama. Ang lima nama'y tahimik lang. Huminga muna siya nang malalim bago kinalabit ang isa sa kanila. “Kuya, puwede po bang pakipindot sa number 6,” pasuyo n’yang wika sa taong malapit sa button number. Nagtataka siyang natahimik ang tatlo sa pagsasalita nang tumingin bigla sa kanya. Napatingin din sa kanya ang lima nitong kasama. “Bago ka rito?” tanong sa kanya ng isa. “Yes!” sagot niya. Buti na lang nakasuot siya ng shade kaya hindi masyado halata ang hitsura niya. Napansin niyang pinindot ng isa ang anim na palapag. “What is your name?” tanong ng isa na kanina pa nakatitig sa kanya. “Umandar na naman iyang pagkababaero mo, Sampablo!” singhal ng isa sabay batok sa taong nagtanong sa pangalan niya. “Nagtatanong lang naman!” maktol nito. Bigla bumukas ang pinto kaya sa gilid siya dumaan. Nasa gitna kasi ang mga ito. ’Di sinasadyang nasagi niya ang isa. “Sorry,” hinging paumanhin niya rito. Hindi na siya nag-atubiling hintayin pa itong sumagot. Dali-dali na siyang lumabas. Naamoy niya pa ang pabango nito na halatang mamahalin. Habang naghahanap siya sa dorm niya ay may narinig siyang boses ng babae. Hindi na lang niya pinansin ito at patuloy sa paghahanap sa unit. Pero habang naghahanap siya mas lalo niyang naririnig ang boses ng babae na parang may kaaway. Lumiko siya at nakita niya ang apat na babae na may ginugulping isang babae sa unahan. Naningkit ang mga mata niyang kinuha nang isang babae ang isang bungkos ng bulaklak sa gilid. Mukhang may balak na ipukpok sa ulo ng babae iyon. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at inagaw sa babae ang hawak na bungkos mula sa likuran. “Enough! Marami na siyang sugat at pasa,” malamig niyang sambit. “At sino ka naman para makialam!” singhal sa kanya na mukhang leader nila. Tiningnan pa siya nito ulo hanggang paa. “Gusto ko lang kayong iligtas dahil mukhang kayo ang sikat dito. Paano na lang kaya kung malaman ng mga tagahanga ninyo na binugbug n’yo ang babaeng iyan. Ayaw n’yo naman sigurong mapahiya ’di ba?” panloloko niyang sabi. “At sino ang magsusumbong ikaw! Baka gusto mong maging katulad niya!” bulyaw ng isa na parang kulang sa tela ang suot na damit. “Mapapagod lang kayo kung pati ako pagdidiskitahan n’yo. Maha-hagard lang ang beauty ninyong magaganda. At baka may ibang makakita sa inyo, kayo rin,” pananakot niyang sambit. Nagkatinginan ang apat na babae sa sinabi niya at matalim na muling tumingin sa kanya. “Sige, palalampasin namin ito ngayon. Pero sabihin mo riyan sa babaeng iyan na huwag na huwag niyang lalapitan sina Alex!” singhal ng maikli ang buhok bago sila iniwan. Huminga muna siya nang malalim bago binalingan ang babaeng dahan-dahang tumatayo. “Pasensiya ka na, ha, nadamay ka pa tuloy dahil sa ’kin,” saad nito sa kanya sa mahinang boses. “It’s okay. Halika na. Punta tayo sa clinic,” wika niya rito habang inaalalayan. “Huwag na. Salamat na lang. Sanay na ako sa mga iyon.” Kumunot ang noo niya dahil sa narinig mula rito. Ibig sabihin lagi itong ginagawa sa kanya ng mga iyon. “Sigurado ka?” panigurado niya rito. “Oo. Siyangapala, bago ka lang ba rito?” tanong nito sa kanya. “Oo. Hinahanap ko nga iyong room ko,” sagot niya. “Patingin nga ng papel mo.” Ibinigay naman niya ang hawak na papel dito. “Malapit lang ito sa dorm ko. Tara samahan na kita. Teka! Ano nga pala ang pangalan mo?” “Sam,” sagot niya. “Sarah Brilliantes,” pakilala nito sa kanya. Nagsimula na silang maglakad pero napatingin siya kay Sarah. Nahihirapan kasi itong humakbang. Nilapitan niya ito at inakay papunta sa unit nito. Ginamot niya muna ang sugat nito bago siya lumabas. Agad naman niyang nakita ang unit niya. Humanga siya sa pag-organize ng mga gamit dahil maaliwalas sa paningin niya. KINABUKASAN maaga siyang nagising dahil may nagdo-doorbell sa labas. Agad siyang bumangon para puntahan ito. Isang babae ang nabungaran niya. May ibinigay na plastic sa kanya na ang laman ay damit. Naligo muna siya bago niya ito tiningnan. Naningkit ang mata niyang makita ang hitsura nito matapos maligo. Isang maiksing palda na pag tutuwad siya makikita na ang itinatagong bulaklak niya. Naalala niya ang suot ni Sarah at iyong apat na babae kahapon. Parehas sa paldang nasa harapan niya ngayon. “Seriously? Ito ang uniform nila rito?” tanong ni Larah sa sarili sabay angat sa palda paitaas. Napapikit siya sa inis hindi siya sanay magsuot ng maiksi sa labas. Pero ngayon mukhang mararanasan niya na iyon. Matapos niyang isuot iyon agad siyang pumunta sa kusina. Tiningnan niya ang loob ng ref kung may laman nga bang pagkain. Kasama na kasi iyon sa binabayaran ng mga estudyanteng papasok rito dahil hindi nga nakakalabas. Matapos niyang masigurong meron ngang laman, tiningnan niya ang relong suot. Maaga pa naman, sa canteen na lang siya kakain maya-maya. May oras pa siya para maglibot-libot sa labas. Napadpad siya sa likod ng eskwelahan. Puro malalaking puno ang nakita niya. At bawat puno may nakapalibot na mga bulaklak. May mga upuan rin sa gilid nito. Wala siyang napansin na cctv pero habang naglalakad siya papunta rito ay may namataan siyang cctv sa dinaanan niya. Bigla siyang naalarma nang may naramdaman siyang ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD