Hindi ko lubos maisip na sa ganitong pagkakataon kami malagay sa panganib. Panganib, panganib itong lugar na napuntahan namin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang buhay namin gayung walang kasiguruhan ang mga buhay namin dito. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana hindi na ako nakikipag away sa mga magulang ko para lang sumama sa mga kaibigan ko.
Muli na namang tumulo ang mga luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Takot na hindi lang para sa sarili ko, kundi pati sa mga buhay ng mga kaibigan ko.
Jusko, ikaw na ang bahala sa amin.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kahit nakasubsob ang mukha ko sa tuhod ko. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan ang oras. Alas kwatro na nang madaling araw. Mag u-umaga na pala pero pakiramdam ko hindi tumatakbo ang oras. Hindi ko alam kung ano na ang mangyari sa amin. Bakit kami napasok sa lugar na 'to? Yung mga taong 'yon lang ang nakita namin kagabi pero bakit sobrang nakakatakot?
Mabilis akong napa-ayos ng upo nang marinig kong tumunog ang pintuan, parang may taong pumapasok dito sa loob. Dahan-dahan akong umusog at nag tago sa upoan. Nag hanap din ako na pwedeng magamit panlaban sa kung sino mang tao ang pumasok dito.
"It's me, you don't have to scared"
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaking kausap ko kagabi. Dahan-dahan akong tumayo at hinanap ng paningin ko ang lalaki.
Nakatayo siya malapit sa pintuan. Iba na ang suot niya ngayon, at nakikita ko na din ng malinaw ang mukha niya. Ang gwapo niya, matangkad at batang-bata pa. Nakakapag taka lang na sa ganitong edad niya, namuhay siya sa impyernong lugar na 'to.
"S-Salamat at bumalik ka" masayang sabi ko, kahit sobrang takot ang nararamdaman ko kahit papano naibsan ito ng kunti dahil nandito siya.
"Kasama ko ang mga kaibigan mo" umusog siya ng kunti para makita ko ang pintuan.
Nakatayo si Amanda, Ella, at Ellice sa labas nito kasama ang tatlong lalaki na sa tingin ko ang mga ito ang humila sa kanila kagabi. Sobrang saya ng nararamdaman ko dahil kahit papano nakikita ko pa ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay silang tumakbo papunta dito sa pwesto ko at nag uunahan sila sa pag-yakap sa akin.
"France, natatakot ako. Nakakatakot dito" umiiyak si Ella habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Hindi ko din napigilan ang mga luha ko dahil ganito talaga ako, emosyonal pagdating sa mga kaibigan ko.
"France, umuwi na tayo. Sobrang nakakatakot dito, nakita namin kung paano mag papatayan ang mga tao dito, France, hindi ako mabubuhay dito"
Napabuntong hininga ako at hinagod naman ang likod ni Amanda. "I want too, but we can't. Hindi na tayo makalabas dito Amanda. Dito na tayo ma-mamatay"
"What? France we have to find ways. Hindi tayo pwedeng mag tagal dito" hindi umiiyak si Ellice pero nahahalata kong namumugto ang mga mata niya. Halata din sa boses niya ang takot.
"Wala nang labasan. Hindi na kayo makakalabas dito"
Sabay silang tatlong lumingon sa lalaking kasama namin ngayon. "What do you mean?" tanong ni Ellice sa lalaki.
"There's no other way to escape. Once we entered in this fvcking university, we will never be free. Iyan ang mga katagang hindi maalis-alis sa isipan ko simula kagabi, Ellice" ako na mismo ang sumagot sa tanong ni Ellice. Baka mapikon pa ang lalaking ito, mapatay pa kami ng wala sa oras.
"N-No way" napailingK
ngan mong tatagan ang loob mo, Ella. This is not just a dream, this is a fvcking reality. We have to survive or else, dito tayo mabubulok" paalala ko sa kanila, kailangan kong lakasan hindi lang ang loob ko, pati din sila. Kailangan nilang mag pakatatag para sa mga sarili nila.
"So ano na ang gagawin natin?" tila nawawalan na ng pag-asa si Ella. The way she talked, nawawala ang pagiging matapang niya.
Binalingan ko ang lalaki na kaharap namin. "Anong gagawin namin?" tanong ko dito.
"Ipinaalam ko na kayo kay Prime Master, and he offered you guys a room. I will bring you all there to make sure you're safe" seryosong sabi nito. "So let's go, baka magising pa ang mga Ukkanawa at makita kayo. Dun tayo sa likod dadaan"
Sumunod kami sa kanya paglabas niya ng pinto. Tuloy-tuloy lang ang lakad namin hanggang sa makapunta kami sa likuran. Ingat na ingat kami sa bawat hakbang namin dahil baka may nagising na at makaagaw pa kami ng atensyon. Yung tatlong lalaki na kasama nina Ella kanina ay hindi sumunod sa amin, baka sa ibang daan sila dumaan.
Hindi naman ganun ka layo ang sinasabi niyang room kaya nakaabot din kami agad. Pinapasok niya kami sa isang malaking silid. Sobrang laki nito na parang condo. Kompleto na lahat, may kitchen, may cr, may sofa at may maliit na kwarto.
"Ito ang room niyo. Bawal muna kayong lumabas hanggang sa hindi pa ipinapaalam ng mga nakakataas na merong bagong myembro. Dalawa ang grupo dito, mag papasalamat kayo kung sa Elite na grupo kayo mapunta"
Labag man sa loob pero sabay-sabay kaming tumango. Saka ko lang din naalalang itanong ang pangalan niya. "What is your name by the way?"
"Hussien" simpleng sagot niya.
Hindi ko alam kung totoong pangalan ba 'yon o hindi. Ang wird kasi ng dating, hindi bagay sa mukha niya. Hussien is like an evil. Sa hitsura niya, malayong-malayo ang pangalan niya.
"Ako nga pala si Emerald France Meller. Hindi ko masasabing nice to meet you dahil hindi naman namin ikinasasaya ang pag punta namin dito, but we are still thankful na ikaw ang nakilala namin" mahabang pag pakilala ko sa aking sarili bago ko nilingon ang mga kaibigan ko. "Ito naman si Ella Joy Pementel" tinuro ko si Ella at binalingan din si Ellice "Ito naman si Ellice Jan Pementel, ang kambal ni Ella" pagkatapos kong ituro si Ellice ay si Amanda naman ang nilapitan ko. "At ito naman si Amannia Dahlia Suarez, pero pwede mo siyang tawaging Amanda"
Tumango lang ng marahan si Hussien. "Mag iingat kayo dito. Kung maari, wag kayo basta-basta mag bukas ng pinto. Hindi kayo pwedeng lumabas hangga't hindi pa opisyal ang pagpakilala sa inyo, at ito" humakbang siya papunta sa sofa at may mga bagay na kinuha dun. Nakabalot ang mga ito kaya hindi namin nakita ang hitsura, pero mahahaba ang mga ito. "Always bring these wherever you are. Simula ngayon, ituring niyo na itong karugtong ng buhay niyo" kinuha niya ang mga tela na nakabalot sa tinutukoy niyang bagay at tuluyang lumantad sa aming paningin ang mga nag hahabaang katana. Isa-isa niyang inabot ang mga ito sa amin.
Nakikita kong nanginginig ang mga kamay nina Ella at Amanda habang tinanggap ang mga katana. Hindi pa din makapaniwala sa mga kapalaran namin.
"W-What is this?" nanginginig ang boses na tanong ni Amanda.
"This is your protection. Mamayang gabi, we will teach you how to use it. ihanda niyo ang mga sarili niyo dahil sasabak kayo sa pag sasanay. Prime master told me that you have to know how to use weapon first bago namin kayo ipapakilala"
"Is there anyone else's know about us except your prime master?" hindi ko napigilang itanong 'yon. Kung alam ng prime master nila na nakapasok kami, hindi malabong marami din ang nakakaalam. I think, prime master ang may pinakamataas na posisyon.
"Yes, si Prime master at ang squad ko lang ang nakakaalam, and by the way, you have to fill up this form" may inilabas siyang form at ibinigay ito sa amin.
Enrollment form ito.
Hindi na kami nag aksaya pa ng panahon. Pagkatapos namin fill-up-an ang mga form ay ibinalik namin ito agad sa kanya.
"You have more time to rest. Don't go outside to avoid danger"
Dahil sa sinasabi niya, nakahinga ako ng maluwag. Hindi man kami sigurado sa kapalaran namin dito, at least may mga tao pa palang pinapahalagahan ang mga buhay at kaligtasan namin, at isa na doon ang hindi pa namin kilalang si Prime master.
Kung sino ka man, sana pwede kong ipagkatiwala ang buhay ko sa'yo, Prime master.
***
AN: Sabihin niyo kung nagustohan niyo?