ILANG beses nang nag pabalik-balik ng lakad si Ella dito sa loob ng kwarto namin. Pareho kaming hindi mapakali dahil kanina pa may paulit-ulit na kumakatok sa pintuan. Panay na ang iyak ni Ellice habang nakaupo sa corner.
"FRANCE, kailangan nating makahanap ng paraan para makatakas dito"
Nag pakawala ako ng hangin. Tiningnan ko si Ella na at parang mahihilo na ako sa ginagawa niya. Hawak niya ang katanang bigay ni Hussien kanina.
"Hindi na tayo makakatakas dito, Ella. Narinig mo naman ang sinasabi ni Hussien kanina diba?" paalala ni Amanda kay Ella.
Hindi naman sa hindi na gets ni Ella ang sinasabi ni Hussien kanina, sadyang hindi lang niya matanggap ang kalagayan namin ngayon, at naiintindihan ko 'yon.
Napahilamos ako sa mukha ko nang maalala ko si Mitch. I need to find her. Malakas ang kutob kong buhay pa siya. Hindi pwedeng hindi kami mag kasama dito, kailangang sama-sama kaming lumaban.
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tiningnan ito, six pm palang, sobrang bored ang naramdaman namin kanina dahil buong araw lang kaming nakakulong dito sa kwarto. Mamayang eight pm palang simulan ang pag sasanay kaya may oras pa akong hanapin si Mitch. Tumayo ako at sinabit ko ang katana ko sa likuran ko.
"Where do you think you're going, France?" salubong ang kilay na tanong ni Amanda sa akin. Pinigilan pa niya ako sa braso at may pag babanta sa mga mata niya.
Hindi ko alam na nakita niya pala ang mga galaw ko.
"I need to find Mitch, Amanda. Hindi ako pwedeng manahimik lang dito at walang ginagawa. Hahanapin ko siya at dadalhin ko siya dito"
"Are you crazy? Sa gagawin mong 'yan, lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon! Hindi mo pwedeng isubo ang sarili mo sa kapahamakan dahil lang sa kanya"
Hinila ko ang braso ko na hawak niya. "I need to go, nag hahabol ako ng oras. Please Amanda. I need to save Mitch"
Dahan-dahan naman niyang itinaas ang dalawang kamay niya. "Fine, but you have to make sure na babalik ka ditong ligtas. I need you, France"
Tumango ako at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap sa akin. Sinulyapan ko pa sina Ella at Ellice na magkaharap na ngayon. Wala silang idea sa plano ko at wala din akong balak ipaalam sa kanila, dahil alam kong gaya ni Amanda, tutol din sila. Medyo malayo kasi sila sa amin kaya hindi nila naririnig ang bulungan namin ni Amanda.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi nila ako mapansin. Sumenyas din si Amanda sa akin na bilisan ko daw. Nang makahanap ako ng pagkakataon ay mabilis kong ihakbang ang mga paa ko upang makalabas ng tuluyan. Paglabas ko ay bumungad sa akin ang dilim, tanging ilaw lang ng bawat poste ang nag bibigay liwanag.
Marami din akong nakikita na mga estudyante na may mga dalang samurai. May nakita din ako na alam kong hindi ito nag iinsayo lang, kundi nag papatayan. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng taong pinapatay, at sa ganitong paraan pa, napaka brutal nilang pumatay.
Nagulat pa ako ng makita ko ang isang babaeng biglang sinaksak ng isang lalaki sa leeg. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko napigilang wag sumigaw. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at humakbang paatras. Nag simula na akong matakot ng may tatlong estudyante ang nakatingin sa pwesto ko, kahit madilim dito sa part ng kinatatayuan ko ay hindi ko pa din maiwasang wag kabahan. Alam kong naririnig nila ang sigaw ko kanina.
Paatras ako ng paatras nang makita kong humakbang ang tatlong estudyante patungo dito sa kinaroroonan ko. Parang inalam nila kung may tao ba dito sa kinaroroonan ko. Sobrang higpit din ng pag takip ko sa bibig ko dahil natatakot akong baka makagawa na naman ako ng ingay. Nanginginig na ang katawan ko dahil pakiramdam ko nakita nila ako.
Jusko, wag naman sana.
Pinigilan ko ang sarili ko na wag ilabas ang mga hikbi ko. Nag uunahan na ding bumagsak ang mga luha ko dahil sa takot. Nanatili pa din ang kaliwang kamay ko sa bibig ko habang ang kanan naman ay mahigpit ang hawak sa katana na nakasabit sa likod ko. Nanginginig na din ang mga labi ko at nag simula nang gumalaw ang mga balikat ko dahil sa mahinang hikbi ko.
Patuloy pa din ako sa pag hakbang paatras hanggang sa maramdaman kong may nabunggo ako sa likuran ko. Biglang nanigas ang katawan ko, pero pinilit ko pa din ang sarili kong umikot para makita ko kung ano o kung sino ang na bunggo ko.
A man in a black hooded robe came to my view. My eyes travelled to his whole body. Sa kabila ng sobrang kaba ko ay nagawa ko pa ding silipin ang mukha niya, ngunit hindi ko nakita ng maayos ang mukha niya dahil madilim at naka hood din siya. Isang bagay lang ang hindi ko makakalimutan sa kanya, ang kanyang tangkad at ang berde niyang mga mata na nakikita ko sa pamamagitan ng reflection ng salamin sa likuran ko, nailawan kasi ng kunti ang salamin at natapat ito sa mga mata niya.
"Go back to your room" malamig na utos niya sa akin. Mahina lang ang boses niya at sa tingin ko ay sinasadya niya iyon, pero napaka-manly ng boses niya. Hindi nakakatakot.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay na nakatakip sa bibig ko. "W-Who are you" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya.
"Hindi na kayo dapat pumasok pa dito. Hindi niyo alam na nilagay niyo sa panganib ang mga buhay niyo" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Besides, pinapangaralan pa niya ako, at ramdam ko ang concern niya para sa amin.
"N-Nawawala kami" tanging nasagot ko.
"What's your name?"
"France"
"France. Kay gandang pangalan, pero hindi mo na mapapakinabangan ng matagal"
Nagbaba ako ng tingin at ganun nalang ang takot ko ng makita ko ang hawak niyang samurai. Puro dugo ito at tumutulo pa sa sahig ang iba. Nanginginig ang buong kalamnan ko at humakbang palayo sa kanya.
"After seeing this" itinaas niya ang samurai na hawak niya. "You have to avoid fear, for the sake of your safety"
"S-Sino ka ba? " nagpatuloy pa din ako sa pag hakbang paatras dahil sa sobrang takot na nararamdaman.
"Hindi dapat ang tao ang inalam mo, kundi ang galaw. Pumasok kana sa room niyo, siguradohin niyong naka lock ito hanggang mamayang alas otso ng gabi" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Hindi ko na siya sinundan ng tingin dahil nag mamadali na akong bumalik sa room namin.
Kinatok ko ng malakas ang room namin at binuksan naman agad ito ni Amanda. Alam na alam niya na ako ang kumatok kaya hindi ko nakikita ang takot sa mga mata niya ng tuluyan na akong makapasok sa loob.
"What happened? France, are you okay?" hinawakan ni Amanda ang magkabilang pisngi ko. Hindi maitatanggi ang pag alalang nakikita ko sa mga mata niya.
Sapo ko ang aking dibdib habang patuloy pa din sa panginginig ang buo kong katawan. "Si Mitch, wala nang pag-asang makita pa natin si Mitch. Nakakatakot sa labas"
"Sshh, it's okay. Makakaya natin 'to"
Dumausdos ako ng upo habang nakasandal sa pinto. Sinapo ng dalawang kamay ko ang mukha ko. I want to be brave, not only for myself. Natatakot akong hindi ko kakayanin at tuluyan ng hindi ko makikita ang mga magulang ko. Sa mga nakikita ko kanina, ewan ko lang kung kaya pa nang sikmura ko ang mga ganung gawain.
Those thing is not for human, it's for evil who aren't afraid to kill.
"France, where have you been? What's wrong?" ramdam ko ang pag-alala sa boses ni Ellice.
Umupo siya ng pantay sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "What happened? Tell me what happened?"
Ilang beses akong umiling habang nanatili ang mga kamay ko sa mukha ko. "N-Nothing. I saw a man holding a samurai. I didn't recognized his face but i clearly see his eyes"
"Who is he?"
"I don't know. Hindi niya sinabi sa akin ang pangalan niya. Nakakatakot sa labas lalo na pag gabi, but we don't have any choices. We have to be brave so that we can survive" pahina ng pahina ang boses ko dahil natatakot akong may makarinig sa amin sa labas.
After seeing what happened outside, mas lalo lang nangibabaw ang takot ko. Hindi makatao ang mga nangyari dito. Kumitil ng buhay na para bang normal na sa kanila. That's not unfair. Bakit walang nakakadiskubre sa lugar na 'to?
Walang katakot-takot na pugutan ng ulo ang bawat taong mapag tripan nila. How i wish, this is just a dream, panaginip na ano mang oras ay pwede akong magising.
Bigla kaming na alarma ng may kumatok ulit sa pintuan. Katok na hindi padabog gaya kanina. It was a smooth knock coming from anonymous.
Tumayo si Ella at humakbang patungo sa pinto. "Baka si Hussien"
"Don't open the door, Ella" tumayo ako at mabilis na hinabol si Ella. "Kailangan nating makasiguro. Move"
Umatras naman si Ella at ako ang pumwesto malapit sa pinto. Nag hanap ako ng maliit na butas para masilip ang tao sa labas pero wala akong mahanap.
Humakbang ako patungo sa bintana na katabi ng pintuan at sinilip ang labas sa maliit na butas nito. I saw a man standing in front of the door, wearing a black mask and holding a knife.
Dahan-dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko para senyasan silang umupo sa sahig. Na gets naman nila ang ibig kong ipahiwatig kaya sabay-sabay silang umupo sa sahig. Ibinalik ko ang paningin ko sa butas kung saan makita ang labas. Hindi pa din umalis ang taong naka mask at paulit-ulit pa din niyang kinatok ang pinto.
Kahit kinakabahan ay pinilit kong manatili malapit sa pinto. May naisip na akong paaran kapag nag pupumilit na pumasok ang lalaking paulit-ulit na kumatok.
Maya-maya lang ay hindi na kami nakarinig ng katok kaya sumulip uli ako sa butas. Nakahinga lang ako ng makita kong wala na ang taong nakatayo dun kanina.
***