Chapter 2: Continuation

1844 Words
Nakangiti akong napaupo sa sahig habang nasa dibdib ko ang kamay ko. Pakiramdam ko nakaligtas kami sa pangalawang kapahamakan. I know there's more pero ang kaunting saya na nararamdaman ko ang nag bigay ng pag-asa sa akin. Kung nakaya naming pumasok dito, kakayanin din naming makalabas dito, nang buhay, walang labis at walang kulang. Mitch, wait for me. I'll save you. Don't lose hope. Hahanapin kita hangga't nabubuhay pa ako. "France, it's 7:30 pm na. 30 minutes nalang kukunin na tayo ni Hussien dito" Tumango ako kay Ellice at tumayo. Hinanda ko ang sarili ko pati ang katana ko. "Kailangan na nating mag handa" "I'm scared, France" "Sshh, you don't have to. I'm here for you Ella" Napangiti ako nang makita ko sa unang pagkakataon na niyakap ni Ellice si Ella. Simula noon ako na ang palaging tinatakbuhan nilang apat. It's new to me na makita sina Ella at Ellice na magkasundo, at ito ang unang pagkakataon. "Get ready girls. Hussien will be here in a few minutes" sabi ko sa kanila habang panay ang tingin ko sa hawak kong celphone. 20 minutes nalang. I was about to peek the whole para sana makita ang pagdating ni Hussien, at saktong may kumatok sa pinto. I saw Hussien standing while knocking the door kaya mabilis ko itong binuksan. "Ready na kayo?" bungad niya sa amin. Nakasilip lang siya sa pintuan. Binalingan ko ang tatlo at muling tiningnan si Hussien. "Kailangan naman talaga diba? Ready na kami" "Follow me" sabi niya at sumenyas sa amin. Sumunod naman kami sa kanya. Hindi namin alam kung saan niya kami dadalhin pero umaasa pa din ako na ligtas kami sa pupuntahan namin. I trusted Hussien, dahil kung masama siyang tao, simula palang patay na kami. Pinauna ko sina Ellice, Ella at Amanda. Ako ang nasa huli pero panay din ang tingin ko sa bawat gilid ng daan. Gaya ng mga nakita ko kanina, maraming estudyante na naka disguised at ginagawang laruan ang pag patay ng tao. Hindi nila kami mapapansin dahil dito kami dumaan sa pinakasulok, sobrang dilim dito. Pangangapa lang ang ginagawa namin habang si Hussien naman ay may dalang kulay pula na ilaw na kapareha sa ilaw na dala ng mga estudyante dito. Narinig ko pa ang hikbi ni Ella kaya sinenyasan ko si Ellice. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya tinakpan niya ang mata ni Ella habang naka-alalay siya sa pag lalakad nito. Si Ella ang matapang sa amin, but in this case, i know na hindi niya kakayanin kahit sa paningin lang. Pumasok si Hussien sa isang mataas na building. Panay pa ang tingin niya na gaya ko ay parang nag mamasid din. Wala kaming ibang ginawa kundi ang sumunod sa kaniya. Pagdating namin sa loob ay may isang elevator na nakikita namin agad. Nagmamadaling pumasok doon si Hussien at sinenyasan kami. "Hurry" Nagmamadaling pumasok ang tatlo sa loob ng elevator at nahuli ako. Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa loob ng elevator ay nakikita ko na ang tatlong matandang lalaki na nag lilinis ng mga nag kalat na dugo. I think janitor sila dito. "France bilisan mo" Nagawa kong takbuhin ang elevator nang marinig ko ang sigaw ni Ellice. Malapit ng mag sara ang elevator kaya dinoble ko ang takbo ko upang makaabot. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay pagkagitla ang nararamdaman ko. Ako ang huling pumasok kaya ako ang nasa unahan, sobra ang pagka sindak ko nang makita ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng elevator. *** Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. May bitbit itong kutsilyo at naka-hood din ito, but i can clearly see him glaring at me. "Your curiosity will kill you" Sandaling nahinto ang paghinga ko dahil sa sinasabi ni Hussien. Nakatayo siya sa tabi ko at nakatingin lang ng deritso sa pintuan ng elevator, pero alam kong ako ang pinagsasabihan niya. Naramdaman ko din ang paghagud ni Ellice sa likod ko. Halos mag sasampung minuto kaming nakatayo sa loob ng elevator. Tahimik lang kami pareho. Naisip kong baka may sira ang elevator na 'to, bakit hindi pa kami nakarating, nangangawit na nga ang mga paa ko kakatayo. Ang mga katanungan sa isip ko ay nabigyan na nang kasagutan ng bumukas na sa wakas ang pinto. Naunang lumabas si Hussien, as usual, sumunod din kami. Pumunta siya sa isang malapad na pader kaya nagkatinginan kaming apat na parehong may pagtataka na naka rehistro sa mga mukha namin. Pinagmasdan lang namin si Hussien sa mga galaw niya. Bahagya niyang tinulak ang pader at napalitan ng pagkamangha ang nagugulat na mga mukha nilang tatlo kanina. Biglang bumukas ang pader na tinulak ni Hussien at bumungad sa amin ang isang napakalawak na battle ground. May mga lalaking nag kanya-kanya ang upo habang nakatingin sa amin. Ang iba ay nanlilisik ang mga mata at ang iba naman ay nakikita ko ang awa sa pamamaraan ng pagtitig nila sa amin. May kanya-kanya din silang hawak na weapon and i think galing sila sa labanan. "Who are they, Hussien?" Ume-echo ang boses ng isang lalaking nakatayo habang humihithit ng sigarilyo. "They are a newbies. Alam na ni Prime ang tungkol sa kanila" tugon naman ni Hussien sa lalaking sobrang nakakatakot ang dating. "But Prime master's didn't see them, am i right?" nakangising tanong nito kay Hussien bago humakbang papunta sa kinaroroonan namin. "You guys will die. You can't survive every death class" Death class? "D-Death class?" nauutal na tanong ni Ella. Umatras pa ito ng bahagya upang mapalayo sa lalaking nakakatakot sa harapan namin. Natatawang lumingon ang lalaki kay Hussien. "Hindi mo sinabi sa kanila?" "Hindi pa, but if you want, you have my permission to tell everything they need to know" sabi ni Hussien. Umupo siya sa harap namin na katabi nung lalaking maangas. "Okay" ngumisi naman ang lalaki at tiningnan kami ng nakakatakot. "So hindi niyo pa alam kung anong pamamaraan ng klase dito?" "Pwede ba naming malaman?" deritsong tanong ko. Nayayabangan ako sa kanya kaya nawala ang takot na nararamdaman ko kanina. "Alternate" "W-What do you mean by the alternate?" si Amanda ang nag tanong. Napaismid naman ang lalaki. "Monday, regular class. Tuesday, death class. Wednesday, regular class. Thursday, death class. Friday, regular class" "A-And what about saturday and sunday?" curious din na tanong ni Ella kahit nanginginig ang boses. Nakaramdam ako ng pag-asa dahil kahit natatakot sila, hindi ko nakikita sa mga mukha nila na nawalan sila ng pag-asa. "Killer's freedom. Killers day" si Hussien ang sumagot sa tanong ni Amanda. "Ano 'yon?" gaya nila, curious din akong malaman ang mga pamamaraan nila dito. "Kapag araw ng sabado at linggo, every students has a permission to kill. Ito ang mga araw na paramihan ng mapatay, kaya kung gusto mong mabuhay hanggang sa ikaw nalang ang matira, death class palang, papatay kana" nakangisi na parang baliw na saad nung maangas na lalaki. Killer's freedom? Killers day? Parang mapugto ang hininga ko nang maalala ko kung anong araw ngayon. Sunday ngayon. Ibig sabihin, pagpasok namin kagabi dito sa loob ng university ay killer's freedom 'yon? Kaya ba may humila kay Mitch? At ngayon, sunday. Kaya pala maraming estudyante ang nagkalat kanina. Kaya pala nag lilinis ang tatlong janitor na nakita ko kanina dahil Killer's freedom pala ngayon. Kaya pala maraming naka maskara na estudyante na nag palaboy-laboy habang may mga dalang samurai, ang iba ay knife. This day is a killer's freedom, and we are still thankful dahil nakaligtas kami sa una at pangalawang kapahamakan. Pero may death class. "Sino-sino ang killers?" tanong ni Ellice. "Sila, ako, at kayo. Lahat ng taong gustong mabuhay, killer. At lahat tayo gustong mabuhay, so we are a killers" Damn it, s**t! This isn't funny. "A-At ano ang ibig sabihin ng death class?" tanong ko ulit. Mukhang hindi naman siya napipikon sa dami ng tanong ko, instead ginaganahan pa siyang sumagot. "When death class will start, you have to defeat every students na makakabangga mo. It is base the number of your tag. Every death class ay paiba-iba ang tag na matatanggap ng bawat estudyante, at kung ano ang number ng tag mo, iyon din ang bilang ng estudyanteng, lulumpuhin mo, puputulan ng braso, paa, tirhan ng kunting hininga, pero mas madali kung papatayin mo" "W-What?" nanlumong tanong ni Ellice. Dahan-dahan pa itong napaupo sa sahig. "Remember, always follow the rule to remain your precious breath" Rule? Wala akong natatandaang rule na sinasabi ni Hussien. "Anong rule?" "It's for you to find out" humalakhak pa siya bago siya tumalikod sa amin. Nanlumo ang mga tuhod ko pero nanatili pa din akong nakatayo. Tumingin ako kay Hussien na blangko ang expression habang pinagmasdan kami. "Ilang araw ang pagsasanay?" tanong ko kay Hussien. Tumayo naman siya at itinapat ang samurai niya sa akin. "10 minutes" Kunot ang noo kong tiningnan siya. "Are you kidding me?" "I don't think so" Sa sinasabing 'yon ni Hussien ay nawalan na ako ng tiwala sa kanya. Tama nga ang kutob ko, na sa pagkakataong 'to dapat sarili lang ang tanging pag-asa. Kung ganung 10 minutes lang ang ibibigay niyang pag sasanay sa amin ay hindi na namin kailangan 'yon. Mapapagod lang kami pero hindi naman matututo. "Kung ganun, hindi na namin kailangan ang sampung minutong ituturo mo. Matuto kami ng kami-kami lang" inis na sabi ko kay Hussien. Akala ko ba maasahan namin siya? Hindi pala. Damn it! "Good" pumalakpak siya sabay tayo at lapit sa akin. "Ganyan nga, France. You must learn by yourself. Dahil dito, kanya-kanyang diskarte, mabuhay lang" "But France-" Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa si Ella dahil hinarang ko ang bibig niya gamit ang kamay ko kahit nakapako ang tingin ko kay Hussien. "Tell us about the rule" muling sabi ko. "Rule number 1: You have to find out What is rule number two" Damn it! "Hindi ako nakikipag biro sa'yo Hussien" sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang sigawan siya kahit maraming estudyante ang nakatingin sa amin. "Rule number 2: caps lock. Find out by yourself. By the way, here's your uniform" inabot niya sa amin ang mga paper bag. Tig dalawang paper bag kami. Kahit naiinis ako ay nagawa ko pang tanggapin ang mga paper bag na inilahad niya sa akin. Kanya-kanya naming inilabas ang laman nito. Ang laman ng isang paper bag ay school uniform at ang laman ng isa ay limang leather jeans at limang leather jacket at may dalawang black mask? Maliban sa uniform, para saan ang mga 'to? "That's uniform for death class, and one more thing, wag kayong lalabas ng kwarto kapag sabado at linggo, remember, it's killers day" Nag laglagan ang mga panga namin habang nakatitig sa laman ng isang paper bag. Akala ko ba isa lang ang uniform? May uniform din pala ang death class. Damn it, nakakakilabot. Kahit naman hindi killers day, kailangan pa din naman mag ingat. Kasi may death class. *** AN: stay tuned. Marami pa kayong matutuklasan tungkol sa THU.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD