PANAY ang tingin ko sa reflection ko sa salamin. Ito ang araw na official kaming ipapakilala sa mga nakakataas at sa mga estudyante. Lunes ngayon, ibig sabihin regular class ngayon. Suot namin ang regular class uniform namin dahil pagkatapos ng pagpakilala ay magsisimula na kami sa unang klase namin.
Napakaikli ng palda dito pero long-sleeved naman ang pang itaas. Tingin ko tuloy sa sarili ko ay parang nasa korea ako.
"Nakz, ang ganda natin France ah. Bagay na bagay sa'yo ang uniform" pag-uuto ni Amanda sa akin. Katulad ko, suot na din nila ang uniform.
Napairap ako at ibinalik ang tingin sa salamin.
"You too" pang uuto ko pabalik sa kanya. Akala niya siya lang ang marunong mang uto.
"Lantad na lantad ang maputi mong legs, nakakaakit ka, Emerald France Meller" napahighik pa siya habang sinasabi ang hindi katiwa-tiwalang mga katagang 'yon.
"Why you acting like that?" inayos ko ang mga gamit ko at humarap sa kanya. "Hindi kana ba natatakot?"
"For what? Kahit naman anong gawin natin, wala naman na tayong magagawa diba? Why don't we use our beauty para patumbahin ang mga killers?"
Napailing nalang ako sa kagagahang idea niya. "Crazy. Remember, hindi mag tatagal, we will belong to them"
"Tama si Amanda, France. Bakit hindi natin subukan?" sabat naman ni Ella. Nag pose pa siya na parang isang model.
Nakakapag taka lang ang mga pinag gagawa nila. Ibig sabihin tanggap na din nila ang kapalaran namin? Nagawa na nilang mag biro eh.
"Stop it girls, kailangan na nating pumunta sa headmaster na sinasabi ni Hussien"
Sabay kaming napatango at sumang-ayon sa sinasabi ni Ellice. Lumabas kami ng kwarto namin na nakataas ang noo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nilang tatlo pero alam kong kagaya ko, umaasa din sila na baka mag karoon ng himala at makalabas kami dito ng walang kulang sa katawan.
Hindi kagaya kagabi na sa bawat hakbang namin ay para kaming hayop sa gubat na natatakot sa mga mangagaso. Marami pa din namang mga estudyante na nakakatakot tumingin pero at least umaga na. Makikita namin kung may panganib man na malapit sa amin.
Bawat estudyanteng madadaanan namin ay sa amin nakapako ang tingin. May nanlilisik ang mga mata kung tumingin, may mga nagulat din at may nagtataka. Nagsimula na naman akong kabahan, dahil hindi ko nakakalimutan na nasa TLU pala kami. Ang paaralan ng mga demonyo.
Nakarating kami sa labas ng isang kwarto kung saan nakatayo si Hussien sa labas at nag hintay sa amin. Kasama niya ang lalaking sobrang angas kahapon.
"Tsk tsk tsk, alam niyo ba na hindi nag papagandahan dito? Ang mga babae dito, walang pakialam sa hitsura nila. Talim ng samurai ang inaatupag nila" bungad agad sa amin nung lalaking mayabang.
Naiinis namn ako sa inasta niya kaya lumapit ako sa kanya. "Walang may pake"
Bigla naman siyang humalakhak sinabayan pa ng pag hawak niya sa tiyan niya. "I like you, France. Palaban ka"
Nag smirked naman ako. Sinadya ko pang iangat ang gilid ng labi ko. "Well, i don't like you"
"That's enough! Pumasok na tayo" suway ni Hussien sa amin. Hinila pa niya ang braso ko at ipinasok sa loob ng kwarto.
Pagpasok namin ay nakita namin ang isang matandang lalaki na nakaupo sa swivel chair niya. May kausap itong babae at kung makatingin ang babae sa amin ay parang kakainin kami ng buhay.
"Mr. Kek, these girls is the newbies i told you last night" pagsisimula ni Hussien.
Nakangiti na parang asong baliw naman na tumingin sa amin ang tinatawag ni Hussien na Mr. Kek. Isa-isa niya kaming tiningnan.
"The uniform suits you girls" sabi ni Mr. Kek na hindi mawala-wala ang nakakatakot niyang ngiti. "Well then, you girls are now officially belong in this university. I think alam niyo na ang kaisa-isang rule dito, tama ba ako?"
Nagkatinginan kaming apat bago namin sabay-sabay na tinapunan ng tingin si Hussien. Blangko lang ang expression niyang tumingin sa amin pabalik.
"Hindi namin alam" walang ganang sagot ko. Paano namin malaman kung hindi nila sinasabi sa amin?
Damn!
"Hmp" tumango-tango naman siya sabay tayo. May binuklat siyang folder at binasa ito. "Emerald France Meller, stay here for awhile. Amannia Dahlia Suarez, Ella joy Pementel and Ellice Jan Pementel, you can proceed to your class"
Nagtataka naman ako kung bakit ako ipinaiwan samantalang silang tatlo ay pinapapunta na sa klase nila.
Ano na namang plano nila?
Dinig na dinig ko ang pagsinghap ni Ella pagkatapos niyang marinig ang sinasabi ni Mr. Kek. "N-No, hindi kami pwedeng magkahiwalay ng klase"
"Uulitin ko, you can proceed to your class, now"
Laylay ang mga balikat nila habang nilisan nila ang room na ito. Ramdam ko ang pag-alala nila sa akin dahil panay ang lingun nila kahit naglalakad na sila. Sinamahan sila nung lalaking mayabang papunta sa klase nila.
Hindi ako umimik dahil hinintay kong unang magsalita si Mr. Kek. Si Hussien naman ay nanatili lang na nakatayo sa tabi ko.
"Ms Meller, you are now belong to Elite group. Pwede kanang pumasok sa klase mo"
Iyon naman pala eh. Magkaklase pa din kami nina Ella dahil i'm sure Elite din sila. Nakakaramdam ako ng kaunting ginhawa sa isiping iyon.
Napatungo ako at hindi na kumibo pa. Wala akong masabi. Hindi naman pwede tumutol dahil hindi pa namin alam ang kaisa-isang rule dito. Baka kapag tumutol ako at 'yon pala ang bawal gawin e di napatay pa ako.
Hinatid ako ni Hussien sa magiging room ko. Pareho lang kaming tahimik at walang gustong magsalita. Alangan namang tanungin ko siya tungkol sa Elite e malinaw na malinaw sa akin na magkahiwalay kami ng mga kaibigan ko. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ako lang ang napunta sa Elite samantalang magkasama silang tatlo.
"We are here" huminto si Hussien sa tapat ng isang class room. Nakasarado ito kaya hindi ko nakikita ang mga estudyante sa loob. Wala ding bintana.
Binuksan ni Hussien ang pinto at sinenyasan ako na pumasok na sa loob. Sinunod ko naman siya. Pumasok ako sa loob at nang tuluyan akong makapasok ay parang gusto ko nang bumalik sa labas.
Kagaya ng mga estudyante na nadadaanan namin kanina ay sobrang talim din ng tingin sa akin ng mga magiging kaklase ko. Halos lalaki ito, tatlong babae lang ang nakikita ko sa unahan na magiging kaklase ko, at ang angas din ng dating.
Nakakatakot.
"France" bulong ng babae sa likuran ko.
Mabilis akong lumingon at napalitan ng saya ang nararamdaman kong kaba kanina nang makita ko ang tatlo kong kaibigan na nakatayo malapit sa pinto.
"Magkaklase tayo?" masayang tanong ko sa kanilang tatlo.
"Siguro" hindi maipagkailang masaya si Ellice ng makita niya ako. "Akala ko tuluyan kanang mahiwalay sa amin"
"Iyon din ang akala ko" nakangiting saad ko sa kanila bago humarap sa teacher na nakatayo sa unahan. Hindi niya kami napapansin dahil parang may binasa siya.
"Grabe, nakakatakot sila" mahinang bulong ni Ella, ang mga kaklase namin ang tinutukoy niya.
"Act normal, girls. Hindi natin pwedeng ipapahalata sa kanila na natatakot tayo sa kanila" bulong ko sa kanila pabalik.
Humawak naman si Amanda sa braso ko at nararamdaman kong kinakabahan siya dahil sa sobrang lamig ng kamay niya.
Gaya nila ay kinakabahan din ako, pero natatandaan ko ang sinasabi nang lalaking nakausap ko kagabi.
'You have to avoid fear, for the sake of your safety'
And i need to do it. No matter what happen, i will make imposible things posible, kahit alam kong malabong mangyari 'yon.
"Ms. Bora, this is your new students" pag i-introduced sa amin ni Hussien sa teacher namin.
Binaba naman ni Ms. Bora ang eyeglasses niya at sinuyod kami isa-isa ng tingin. "Thank you for bringing them to me, Hussien. You can leave now" malumanay ang boses na saad ni Ms. Bora.
Tumango naman si Hussien. Lumapit muna siya sa akin at may ibinulong. "Kung kaya niyong mag-ingat, gawin niyo" iyon lang ang sinabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng class room.
"Ms Meller, Ms Pementel and Ms Suarez? May bakanting upoan sa likuran, pwede na kayong umupo dun"
Nakakapagtaka lang na alam nila agad ang mga apilyedo namin. Sinunod nalang namin ang sinasabi niya. Nag tungo kami sa bakanteng upoan na tinuro ni Ms Bora at umupo.
Hindi ako nakikinig sa dini-discuss ni Ms Bora dahil gumagala ang aking paningin. Tama ang sinasabi nung mesteryong lalaking nakausap ko kagabi. Hindi dapat ang pangalan ng tao ang alamin ko, kundi ang galaw. Sina Amanda at Ellice ay masuyong nakikinig kay Ms Bora, pero ako hindi.
Tahimik kong pinagmasdan ang bawat galaw ng mga kaklase ko. Mabilang lang ng daliri sa isa kong kamay ang nakikinig kay Ms Bora, dahil ang iba ay panay asaran lang ang ginagawa. May mga tumingin din sa gawi namin pagkatapos ngumisi na parang baliw.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong class room. Wala akong nakikitang bintana at ang tanging malaking air-conditioned lang ang nakikita ko. May nakita pa ako na isang estudyanteng babae na nilalaro ang knife.
"Okay class, wait for your next teacher. That's all, i will go now" paalam ni Ms Bora. Pagkalabas nito ng class room namin ay saka pa nag iingay ang mga kaklase namin.
May malakas na nag uusap at may nag tatawanan.
Nagkatinginan lang kaming tatlo habang nanatiling hindi kumibo. Inalam ko pa ang bawat galaw ng mga kaklase ko and i think this group is Elite.
Ilang minuto din kaming nag hihintay sa susunod na teacher namin pero hanggang ngayon hindi pa din ito dumating. Kanina pa ako naiihi pinipigilan ko lang.
***
Nag hintay pa din ako ng dalawang minuto hanggang sa napagpasyahan kong pumunta ng rest room.
Tumayo ako ngunit pinigilan ako ni Ellice. "Saan ka pupunta?"
"Rest room" kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil parang puputok na ang pantog ko.
"Ingat" bilin ni Amanda sa akin.
Tumango ako at lumapit ako sa babaeng nasa unahan namin. "Excuse me, can i ask?"
"Ano 'yon?"
"Where's the rest room?"
"Outside"
Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil sa walang kwentang sagot niya. "Ms, i'm asking you orderly, sana naman sagotin mo din ako, orderly"
Nakikita ko namang umirap siya. "Nasa labas nga ang rest room. Makikita mo dun sa dulo, may malaking nakasulat dun"
Aba! Tinarayan ako? Pinakaayaw ko pa naman 'yung tinatarayan ako. Pasalamat siya hindi ko na mapigil ang pantog ko kaya minabuti ko na lang na umalis at hanapin ang sinasabi niyang dulo.
Pagkalabas ko ng pinto ay agad ko namang nakita ang rest room. Nasa dulo nga ito. Nag mamadali akong nag punta dun at nang makarating ako ay agad akong pumasok sa bakanteng rest room.
After kong umihi ay nag hugas muna ako ng kamay pagkatapos ay pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin.
Kahit alam ko na ang kapalaran namin dito sa loob ng paaralang ito ay hindi ko pa din maiwasang tangungin ang sarili ko.
Kapag ba hindi nagpumilit si Mandy na puntahan namin 'yung sinasabi niyang lugar, posible kayang wala kami dito? Posible nga. Hindi sana namin mararanasan ang ganito kalupit na pamamalakad ng paaralang ito. Hindi makatao, kundi makademonyo.
Hinugot ko ang pinakalalim na hininga at nagpasya akong umalis na ngunit hindi paman ako nakahakbang ay nakarinig ako na parang umiigik na tinig. Yung parang k*****y na baboy. Dahan-dahan akong humakbang at lumapit sa maliit na butas dito sa rest room. Pakiramdam ko kasi nag mula sa tabi nitong rest room ang tinig.
Sumilip ako at ganun nalang ang pagkasindak ko sa nakita ko. May tatlong babae ang nakatayo habang pinagtutulungan nilang katayin ang isang lalaki.
Pakiramdam ko ay saglit akong nawala sa sarili habang mahigpit ang takip ko sa bibig ko upang hindi nila marinig ang pag singhap ko. Ilang beses pa ba akong makakita ng ganitong eksena bago masanay? Sobrang bigat sa dibdib na makakita ka ng taong pinatay na parang hayop lang.
Pakiramdam ko nakalimutan ko na kung paano ang tamang pag hinga dahil sa sobrang sindak na nararamdaman ko, at pakiramdam ko ay tuluyan na akong nawalan ng balanse kaya bumagsak ako sa floor. Dumoble pa ang kaba ko dahil sa lakas ng ingay ng pagkabagsak ko. Sa kadahilanang 'yon ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa papunta dito sa kinaroroonan ko.
"May tao ba diyan?"
Sandaling nahinto ang paghinga ko nang marinig kong nagsasalita ang isang babae. Hindi ko alam kung sino sa kanila, ang alam ko lang ay nakakatakot ang sitwasyon ko ngayon. Ano mang oras ay matulad din ako nung lalaking pinatay nila na parang hayop lang.
"Kung sino ka man, lumabas kang mapangahas ka!"
Kahit nakatakip ang dalawang bibig ko sa kamay ko ay nagawa ko pa ding kagatin ang pang ibabang labi ko para lang hindi ako makagawa ng ingay. Kung makita nila ako dito, anong laban ko sa kanilang tatlo?
Hindi ko pa dala ang katanang bigay ni Hussien sa akin. Hindi ko magawang protektahan ang sarili ko dahil wala akong dalang pwedeng ipanglaban sa kanila.
Tahimik ko lang na pinapakinggan ang bawat pintig ng puso ko, sa sobrang lakas nito ay parang mabibingi ako. Nanatili lang ang tingin ko sa pintuan kung saan nakikita ko ang tatlong paris ng paa na sa tingin ko ang tatlong babae ang nag mamay-ari.
Ang kabang naramdaman ko ay palakas ng palakas ng makita kong gumalaw ang doorknob at humakbang ang isang babae para pumasok dito sa loob. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi niya tinuloy ang balak niya, sa halip ay nakita ko pang nag uunahan sila sa pag hakbang paatras na tila may kinatatakutan, at dun ko nakita ang isang paris ng paa na sa tingin ko kakarating palang.
"P-Prime?" nanginginig na usal nung isang babae. Ramdam ko ang takot niya sa kaharap niya.
"Hindi pa tapos ang klase diba? Hindi pa tumunog ang bell. Anong ginagawa niyong tatlo dito?" boses ng lalaki ang narinig ko.
"P-Patawad P-Prime"
"Bumalik na kayo sa mga klase niyo. Wag ninyong hintayin na isa-isa ko kayong bitayin patiwarik" malamig ang boses na saad nung lalaki.
***
Ang bigat ng presence niya. Hindi ko man siya nakita, malayo din ako sa kanya pero ramdam na ramdam ko ang mabigat niyang presensya. Sino siya? Bakit ganun nalang ang takot nung tatlong babae sa kanya. Hindi ko man nakita ang mga mukha nila pero alam kung halos mahimatay na sila sa takot dahil sa pamamaraan ng paghakbang nila paatras, tila nag uunahan sila.
Wala na akong narinig na kahit anong ingay. Isang paris nalang din ng paa ang nakita kong nakatayo sa harap ng pintuan and i think it's prime's foot.
Mabilis akong tumayo at tinakbo ang pagitan ng kinaroroonan ko at ng pinto. Pagbukas ko ng pintuan ay umaasa akong makikita ko pa ang tinatawag nilang prime, but i was dissapointed when i saw no one outside. Kahit anino niya ay wala akong nakita.
Nakakapagtaka lang na ang bilis niyang mawala samantalang nakikita ko pa siya kanina habang tumatakbo ako palabas. Wala na din akong nakitang mga estudyante dito, samantalang kanina ay may nakikita pa akong mga gumagala dito.
Ang weird. Bakit bigla silang nawala?
Unti-unti ng bumalik sa normal ang kabog ng dibdib ko pati ang paghinga ko. Dahan-dahan akong humakbang pabalik sa class room namin. Umakto ako na parang walang nangyari. Ayaw kong mag-alala sila sa akin.
Pumasok ako sa loob ng class room na may sumilay na ngiti sa aking mga labi. Nakita ko pa sina Ellice at Amanda na parang hindi mapakali sa inuupoan nila. Saktong paglingon ni Ellice ay nag tagpo ang aming mga mata. Nakikita ko kung paano siya nakahinga ng maluwag.
"What took you so long? Sobrang nag-alala kami sa'yo" salubong ni Ellice sa akin. Kahit nandito na ako sa harapan nila ay may nakikita pa din akong pag-alala sa mga mata niya.
Ngumiti ako. "Na bored ako dito eh, napag-isipan kong tumambay muna sa cr" hindi ko alam kung pasado ba 'yung palusot ko sa kanila.
Mahinang hinampas ni Amanda ang braso ko. "Sira, sino namang gaga ang gumagawa nun? Alam mong sobrang mapanganib dito"
Hindi nalang ako umimik pa. Itinuon ko sa bagong dating na teacher ang buong atensyon ko. Babae din ito at bata pa. Kahit nasa kanya ang atensyon ko ay pinipilit parin alalahanin ng utak ko ang nasaksihan ko kanina.
kung ganung wala na kaming matutunguhan kapag nasa harapan na namin ang panganib, isa lang ang pwede naming gawin, ang lumaban. Siguro oras na para isantabi ang takot. Ayaw kong sa takot palang, ma-mamatay na ako. Gusto kong mamatay ng lumalaban.
Impyerno ang lugar na 'to. Kahit saang sulok wala kang makikitang matino pag mag-isip. Pinaglalaruan nila ang bawat estudyante dito. Kung 'yon ang gusto nila, kahit nakakakilabot ay kaya kong tapatan ang kahibangan nila.
Isang tao lang ang nag pa gulo ng aking isipan.
Posible ba na 'yung taong nakaharap ko kagabi ay siya ring taong nakaharap nung tatlong babae kanina? Kung ganun, posible din na nakaharap ko na ang Primo nila.
"France. Ano bang nangyari sa'yo? Tulala ka diyan?" untag ni Ella sa akin.
Ginala ko ang paningin ko sa buong class room namin. Wala na ang teacher namin at nakatayo na din sina Ellice at Amanda sa pintuan, mukhang nag hihintay sa amin.
"Tara na. Cafeteria tayo. I'm hungry na"
Tumango ako at sumunod kay Ella. Pagdating namin sa pintuan ay tinignan muna ako nina Ellice at Amanda. Nauna na akong lumabas sa kanila dahil parang pinapauna nila ako. Pakiramdam ko, binasa nila ang galaw ko.
Huminto ako sa gitna ng hallway ng maalala kong hindi ko pala alam kung saan ang Cafeteria dito. Bumaling ako sa tatlong nakasunod sa akin.
"Saan natin hahanapin ang cafeteria?" kunot noong tanong ko sa kanilang tatlo.
"Sumunod nalang tayo sa kanila" tinuro ni Ellice ang mga estudyanteng nag lalakad papunta sa nag-iisang building.
Dalawang palapag ito at tanging ito lang ang nahiwalay sa magkasunod-sunod na room.
Sinundan namin ang mga estudyanteng pumasok sa building na 'yon. Pagpasok namin sa loob ay namangha kami. Sobrang laki nito at may mga lamesa din na nakahilera at puno ito ng mga pagkain. Parang sa isang party lang? Catering ang dating.
Ibig bang sabihin ay ito ang Cafeteria nila?
"France, diba kaklase natin 'yan?" tinuro ni Amanda ang babaeng nag-iisa sa mesa habang kumakain.
Oo nga, si Surah Nukpana ba 'yon? Parang ganun ang tunog ng pangalan niya nung tinawag siya ng teacher namin kanina.
"Tara lapitan natin" nauna akong maglakad patungo sa mesa ni Surah. "Surah right?" hindi ako sigurado sa pangalan niya kaya tinanong ko siya ulit.
Tumango naman siya.
"Can we join you?" tanong naman ni Ella. Hindi pa nga um-oo si Surah ay umupo na siya.
Umupo na din ako sa tabi ni Surah. Si Ellice at Amanda naman ay nag tungo sa mga nakahilera na mesa na puno ng pagkain.
"Buti at nakatagal ka dito, Surah?" pag uumpisa ng usapan ni Ella. Tahimik lang kasi si Surah, hindi nga niya magawang tingnan kami.
Pero sa tanong na 'yon ni Ella ay parang napukaw ang atensyon niya. Ngumisi siya at tiningnan si Ella. "Dahil 'yon ang kailangan. Dito, paunahan lang. Ngayon nag uusap pa tayo, baka sa susunod na pagkikita natin, mag papatayan na pala tayo"
Naalarma naman si Ella. Tiningnan niya ako ng makahulugan. Kumunot ang noo ko at binalingan si Surah. "Ah, Surah, hindi ka ba natatakot nung una na baka sa Ukkanawa ka mapabilang at hindi sa Elite?"
Dahan-dahan namang nag angat ng tingin si Surah at sa pagkakataong ito ay nasa akin na ang mga tingin niya. "A-Anong pinagsasabi mo?"
Nagtaka naman akong napatingin kay Ella pero sandali lang 'yon dahil ibinalik ko agad ang atensyon ko kay Surah.
"Elite, tayo, diba Elite tayo? Ikaw, tayo na magkaklase, diba?"
"Anong pinagsasabi mo France?" humina ang boses ni Surah at napatingin pa ito sa paligid, parang inalam niya kung may nakikinig ba. "Piniling estudyante lang ang mapapabilang sa Elite at Ukkanawa"
Kumunot uli ang noo ko at tiningnan ko uli si Ella na parang naguguluhan din sa pinagsasabi ko. "Nagugutom kana France"
Napailing ako at humarap na ako ng tuluyan kay Surah. Naguguluhan ako.
"Wait, i'm confused. Pwede bang ipaliwanag mo sa akin?"
Iginala ulit ni Surah ang kanyang paningin sa buong Cafeteria bago tumingin sa akin. "This school has a two groups, it was Elite and Ukkanawa. Hindi ka basta-basta makapasok sa dalawang grupo na 'yon, unless may sampung napatay kana"
Hindi ko pa din na gets ang pinupunto niya kaya nainis lang ako sa mga pinagsasabi niya. "Are you kidding? Ito, lahat tayo na magka-kaklase, we are Elite diba? How come na hindi kayo napabilang sa Elite?"
"France" pigil ni Ella sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.
Nanatili lang ang tingin ko kay Surah na parang naguguluhan na sa akin.
"France, are you crazy? Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Kumbaga sa ulam, sahog lang tayo"
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Surah na hindi ko namalayang hinahawakan ko na pala. "Pero bakit sabi ni Mr. Kek sa akin na napabilang ako sa Elite. Hindi na ako nagtatanong pa dahil akala ko yung buong klase natin ay Elite"
Kumurap-kurap naman si Surah at biglang tumayo. Humakbang siya paatras. Gulat at takot ang nakikita ko sa mga mata niya. Bigla nalang siyang kumaripas ng takbo kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Ella.
"Ibig sabihin, napabilang kana sa Elite, France?"
Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko sina Ellice at Amanda na nakatayo sa gilid ko habang bitbit ang tray na puno ng pagkain. Dahan-dahan nilang nilapag ang mga pagkain pero nanatili pa din ang tingin ni Amanda sa akin, nag hihintay na sagotin ko ang tanong niya.
"H-Hindi ko alam, pero 'yon ang sinasabi ni Mr. Kek sa akin" pati ako hindi din ako makapaniwala.
Sa inasta ni Surah kanina nang malaman niya na Elite ako. Bakit sobrang takot ang nakikita ko sa mga mata niya? Bakit bigla nalang siyang nag back-out.
"Totoo ang sinasabi ni France. Isa na siyang Elite"
Sabay kaming napatingin sa lalaking kararating lang at nagsasalita sa likuran ko.
Si Hussien.
***