HANGGANG ngayon hindi pa din malinaw sa akin ang mga pangyayari. Sobra sobra ang expectation ko na kaming magkakaibigan ang napabilang sa Elite, pero hindi pala. Bakit sa aming apat ako lang? At diba sabi ni Surah na makakasali lang ang isang estudyante sa both group kapag may napatay na ito.
Pero bakit ako, wala pa akong napatay, pero bakit nagiging Elite ako? Anong nangyari? Ano na namang trip ng mga tao dito sa paaralang ito?
Ang gulo!
"France, tara na. Let's go to our dorm. 5:30 na ng hapon, malapit na ding gumabi" untag ni Ellice sa akin.
Kaming dalawa nalang kasi ang natira sa class room namin dahil nauna na sina Ella at Amanda. Sumakit kasi ang tiyan ni Ella kaya sinamahan siya ni Amanda pauwi ng dorm.
"Ah, mauna kana, Ellice. Susunod ako"
Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya. "What? Alam mo naman na mapanganib diba? Anong gagawin mo?"
"Ellice, don't worry. Regular class today. Hindi killers day ngayon kaya wala tayong dapat ipag-alala" nginitian ko siya.
Bumuga muna siya ng hangin bago kinuha ang mga gamit ko. "Sige, ako na mag dadala nito"
Tumango ako.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.
Tumayo ako at lumabas na din ng class room namin. Palubog na ang araw at wala na din masyadong estudyante. Kaunti nalang ang naglalakad sa hallway at sa tingin ko kanya-kanya na silang pumunta sa dorm nila.
Ang aga naman ata nilang umuwi sa kanya-kanyang dorm nila. Hindi naman killers day ngayon, bakit parang natatakot pa din ang iba?
Psh!
Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko at tiningnan ang oras.
5:50 pm na. 10 minutes nalang mag 6 pm na.
Not bad. May oras pa ako upang libutin ang buong paaralan. Baka may mahanap akong paraan kung paano makalabas sa paaralang ito. Nag lakad lang ako ng naglakad. Paunti-unti na din ang mga estudyanteng nakikita ko.
May nadadaanan pa ako na parang nagtataka kung bakit pa ako nagliliwaliw sa buong paaralan samantalang sila ay nagkanya-kanya ng pumasok sa mga dorm nila. May mga tumatakbo pa nga na parang takot na takot makita sa mga kinatatakutan nila.
Napailing nalang ako habang pinagpatuloy ko ang paglalakad. Padilim na din ng padilim. Binuksan na nga ang mga ilaw sa poste at ang sinag ng araw kanina ay napapalitan na ng sinag ng ilaw sa bawat poste at bawat class room na madadaanan ko.
Tiningnan ko uli ang celphone ko at nakita kong one minute nalang mag 6 pm na. Ibinulsa ko ang celphone ko ay tumingin sa dinadaanan ko. Malapit na ako sa building na pinapasukan namin kagabi nang bigla nalang tumunog ang bell.
Nagtataka naman ako dahil kanina pa tapos ang huling klase namin, bakit tumunog na naman ang bell? Napailing nalang ako habang pinagpatuloy ko ang balak kong pagpasok sa PCB.
Ang meaning ng PCB ay Posaidon cage building. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng Posaidon, basta ang alam ko lang ay ang cage.
Pero bakit parang wala naman akong nakitang nakakulong dito? Sabagay malaki nga pala ang building. Natagalan nga kami nung sumakay kami sa elevator papunta sa pakay namin, eh sa last floor pa 'yon, ibig sabihin sobrang laki ng building na 'to. Kaya kung may ikinulong man sila rito, iyon ay hindi ko pa nakita.
Isang hakbang nalang makapasok na ako sa building ng biglang may humawak sa braso ko. Isang lalaking naka hood and he looks familiar to me. Siya din 'yung lalaking nakausap ko gabi.
Ang mesteryosong lalaki.
Gusto ko siyang makilala pero bakit ang bigat ng presensya niya? May hawak siyang knife sa kaliwang kamay habang hawak-hawak ng kanang kamay niya ang braso ko.
"Roaming in the whole university without knowing the rule? Accept my first warning" pagkasabi niya nun ay bigla nalang niyang sinugatan ang kanang braso ko.
"Aray" gusto ko mang isigaw 'yon pero hindi ko nagawa. Sa halip ay tanging bulong lang ang nagawa ko na hindi sapat upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa braso ko. "Why you do this to me?"
"It's because you are breaking the one and only rule" sabi niya habang binaba ng dahan-dahan ang kanyang hood.
Bigla nalang nawala ang sakit na nararamdaman ko dulot ng sugat sa braso ko dahil sa nakita ko. Siya nga 'yung lalaking nakausap ko kagabi. Green eyes at sobrang gwapo niya.
Siya kaya si Prime master?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Pagkatapos kong makita ang mukha niya ay bigla nalang nawala ang takot na nararamdaman ko. "P-Prime?"
Kumunot naman ang noo niya. "Ako nga, nice to meet you, Emerald France Meller"
Hindi ako kumibo, ngunit nang maramdaman ko na kumirot ang braso ko, ay mabilis ko itong tinakpan dahil marami na ding dugo ang dumaloy mula dito.
I saw him moving at bahagya niyang itinaas ang knife na hawak niya at pinunit niya ang laylayan ng black hooded robe niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang sugatan kong braso at tinalian ito.
"Next time, hindi lang ito ang aabutin mo. Kapag ganitong oras at tumunog na ang bell, bawal na kayong lumabas, naiintindihan mo?" pangaral niya sa akin habang hindi pa natapos ang p*******i niya sa braso ko.
Tahimik lang ako habang pinagmasdan siya. Ang gwapo niya, bagay talaga sa kanya ang pagiging Primo. Ngayon ko lang nakita ang buong mukha niya, sa malapitan pa talaga.
"Tara" sabi niya matapos niyang talian ang braso ko.
"H-Ha?" utal na saad ko. Hindi lang ako makapaniwala na kahit nakatanggap ako ng first warning sa kanya ay nagawa pa niyang talian ang braso kong may sugat.
Hinila din niya ako, ni hindi man lang niya ako tinanong kung gusto ko bang sumama sa pupuntahan niya. Hindi ko din maiintindihan kung bakit niya ako sinugatan? At ano ang tungkol sa rule na pinagsasabi niyang nilabag ko?
Ito ba ang dahilan kaya't parang natatakot ang mga estudyante kanina? Na kaya sila nag mamadaling pumasok sa kanya-kanya nilang dormitories dahil alam nilang mangyayari 'to?
Ano pa bang hindi namin alam tungkol sa paaralan na 'to?
"Where's your dorm?" tanong niya habang patuloy pa din siya sa paghila sa akin.
"H-Ha?" ewan ko ba, pero tanging 'yon lang ang kayang lumabas sa bibig ko.
"Don't answer me, 'HA', you look stupid. Tell me where's your dorm. I will take you there"
Sakto namang nasa malapit kami sa dorm namin kaya tinuro ko ito. "Iyan ang dorm namin"
Tiningnan naman niya ang itinuro ko at hinila niya uli ako. Pagdating namin sa tapat ng dorm namin ay binitawan niya agad ang braso ko.
"Lock the door. Don't forget what i've said to you awhile ago, don't break the rule if you don't want to die" pagkatapos niyang sabibin 'yon ay umambang aalis na siya ngunit pinigilan ko ang braso niya
"Wait, i want to know your name" deritsong saad ko.
Medyo umasim naman ang mukha niya ng ilang sigundo pero agad din siyang nakabawi. "Ehros Evan. Again, nice to meet you, Ms. Emerald France Meller. Welcome in hell" nag smirked muna siya sa akin bago siya tuluyang lumisan.
Kumunot lang ng bahagya ang noo ko, pero hindi na ako natatakot sa huling sinabi niya. Alam ko naman na impyerno talaga ang lugar na 'to, e may magagawa pa ba kami?
Psh!
Tamad kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa harap ng pintuan ng dorm namin. Kumatok ako ng tatlong beses at agad namang binuksan ito ni Ella.
As usual, may pag-alala pa din na nakikita ko sa buong mukha niya. "Saan ka ba galing France? Ano ba 'yan, palagi mo nalang kaming pinag-alala"
Matamlay na tingnan ko siya sa mata. "You don't have to worry about me, i can manage myself. Isipin niyo ang sarili niyo, dahil sa lugar na 'to, walang ibang makakatulong sa atin kundi ang ating mga sarili"
Nabasa ko naman sa mukha niya na naguguluhan siya. Pero hindi na din niya ako sinagot pa.
"Si France ba 'yan?" tanong ni Ellice kay Ella. Dinig ko din ang mga hakbang niya patungo sa pinto kung saan nakatayo pa din kami.
"Oo" sagot ni Ella sa tanong ni Ellice.
Humakbang naman ako para tuluyang makapasok sa loob. Kinagat ko pa ng bahagya ang pang ibabang labi ko ng biglang kumirot ang braso ko.
"Oh France, saan ka nanggaling? Teka, anong nangyari sa braso mo?" tanong agad ni Ellice pagkalapit niya.
Mabilis namang lumapit si Ella sa akin nang marinig niya ang sinasabi ni Ellice. Sinilip pa niya ang braso ko. "Anong nangyari sa braso mo?" pag uulit ni Ella sa tanong ni Ellice.
Tumagilid naman ako para itago sa kanila ang braso ko. "Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta nakaharap ko lang ang Prime master at siya ang may gawa nito"
"What?"
"Ano?"
Gulat na saad ni Ella at Ellice. Bahagya pang lumaki ang mga mata nila.
"Bakit niya ginawa iyon?"
"I don't know Ella. Basta may sinabi siya sa akin na nilabag ko daw ang rule dito sa TLU, kaya niya ako sinugatan" nagtungo ako sa sofa at pabagsak na umupo. "Siya din 'yung nakita ko kagabi. Yung sinasabi kong lalaking may hawak na Samurai"
Sabay na napasinghap silang dalawa sa mga sinalaysay ko. Dahil sa kuryusidad ni Ella ay umupo pa ito sa tabi ko. "Anong sabi niya, France?"
"Siya si Ehros Evan. Siya ang Prime master ng TLU"
"Dapak! Buti 'yan lang ang napala mo?"
Nagtataka naman ako sa sinasabi ni Ella. Parang may alam siya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Mabuz told us that the Prime master is a ruthless. Kapag nahuli ka sa oras ng curfew, hanggang tatlong warning kalang, patay kana pagkatapos" si Ellice ang sumasagot sa tanong ko. Nakaupo siya sa tapat namin ni Ella.
Hindi ko nakita si Amanda. Baka natutulog ng maaga.
"Sino si Mabuz?" tanong ko ulit nang maalala ko ang pangalan na binanggit ni Ellice.
"Yung lalaking maangas. Sinabi niya sa amin na may curfew dito. Pag tungtong ng alasais ay dapat daw nasa dorm na tayo. Bawal ng gumala dahil oras 'yon ng Prime master at ng mga head boss"
Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo dahil sa mga pinagsasabi ni Ella. Parang alam na alam nila the way siya mag salita.
Siguro nga maraming sinabi si Mabuz sa kanila.
"At sino-sino naman ang head boss?" curiosity is exist in my mind. I realy want to know every person who involved in this school.
Baka sa pamamaraang iyon ay may malalaman ako.
"Si Agares Manson, ang head boss ng Ukkanawa"
"Kung siya ang head boss ng Ukkanawa, ibig sabihin, si Prime master din ang may pinakamataas na ranggo ng Elite?"
"Hindi" sabat ni Ellice. "Si Prime master ang may pinakamataas na ranggo sa buong PSC, pero hindi siya ang leader ng Elite"
"Kung ganun, sino?"
"Si Pyry Morana. Siya ang head boss ng Elite"
Sa mga nalalaman ko ay lalo lang akong nahihirapan sa mga binabalak ko. Kung ganun pala, marami akong pwedeng banggain saka ko lang mapag-tagumpayan ang mga plano ko?
Bukod kay Prime master, head boss ng Elite at head boss ng Ukkanawa, sino-sino pa ang pwede kong kilalanin?
"So ibig sabihin, may dalawang tao pa pala tayong hindi nakikita?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Sabay silang nagkatinginan. Tumayo muna si Ellice at nag punta sa kwarto namin. Si Ella nalang ang natira kasama ko.
Hinila niya ang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya. "France, sabi ni Mabuz, hindi lang isa, dalawa, tatlo, ang hindi pa natin nakikita, marami pa. Katulad nalang nung secretary, nung dalawang chasseur ng dalawang grupo, at ang mga admins ng TLU"
Muling kumunot ang noo ko sa mga isinalaysay ni Ella. Hind mag sink-in sa utak ang mga pinagsasabi niya. Para bang ayaw tanggapin ng isip ko dahil sa sobrang gulo nito. Bagay na hindi ko talaga maiintindihan.
Chasseur ng dalawang grupo? Mga admins? Sino-sino sila?
Dahan-dahan akong sumandal sa sofa pero hindi ko pinutol ang titig ko kay Ella. "Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo, lahat ng sinabi sa inyo ni Mabuz"
"Si Pyry Morana ang president ng Prime Student Council at head boss ng Elite. Si Agares Manson naman ang vice president at head boss ng Ukkanawa, at si Daeva Obel ang secretary. Hindi pa natin nakikita ang tatlong 'yan, at yung dalawang chasseur sa magkabilang grupo"
"Anong ibig sabihin ng chasseur?" masuyo akong nakikinig sa bawat sinalaysay niya. Gusto kong wala akong ma missed sa mga sinasabi niya.
"Hunter. Iyan ang ibig sabihin ng chasseur. Binuo ito sa salitang french dahil french ang tunay na nag mamay-ari ng paaralang ito"
"Ibig sabihin may Hunter ang magkabilang grupo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, at walang nakakaalam kung sino ang mga ito, at kailanman ay hindi pwedeng ipaalam at walang pwedeng mangahas na alamin at kilalanin ang dalawang chasseur"
"Bakit?"
"Dahil kapag may nakakita sa kanila ay pinapatay nila, at iyon ang kaisa-isang rule ng chasseur"
"Isang tanong nalang? Bakit sobrang issue ng dalawang group na 'yan?" last nalang talaga 'to. Sana sinabi din ni Mabuz ang tungkol sa dalawang group para naman masagot ni Ella ang tanong ko.
Bigla naman siyang natahimik. Tuluyan na sana akong mawalan ng pag-asa pero nag salita siya uli.
"Ang Elite at ang Ukkanawa ang dalawang nag babanggaan na grupo. Once na mapabilang ka sa dalawang grupo na 'yon, walang mag tatangkang manakit sa'yo, at ikaw pa itong katakutan nila. Sampu lang ang member ng bawat grupo. Kaya hindi dapat tayo makampanti, dahil lahat ng estudyante dito ay naghahangad na mapabilang sa sa kahit saan man sa dalawang grupo"
"Ang dami mo palang nalalaman kay Mabuz noh?" sarcastic na pagkasabi ko nun.
Umirap naman siya. "Oo, dahil sobrang dal-dal ni Mabuz" inikot niya ulit ang eyeballs niya.
Natawa nalang ako. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang tinatarayan ako. Nakakagaan ng loob. Mas mabuti pang mag taray siya sa harapan ko kesa makita ko siyang natatakot at may inaalala.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.
Mula pa kanina ay hindi nagbabago ang pagkunot ng noo ko. Sa kaunting nalalaman ko mula kay Ella ay parang nahihiwagaan na ako sa paaralang ito, ano pa kaya kung malalaman ko ang buong history ng paaralang ito. Kailangan kong malaman 'yon, kung sino-sino ang involved, sino ang may-ari, kung bakit nagiging ganito ka lala ang patakaran ng paaralang ito, at kung ano ang sekreto ng paaralang ito.
Iyon ang dapat kong matuklasan.
"At France. Kailangan mong itago ang sugat na 'yan. Dahil kapag nakita ng mga estudyante ang first warning mo mula kay Prime, magkaroon sila ng dahilan upang patayin ka. Tandaan mo, death class na bukas"
Sa sinasabing 'yon ni Ella ay lihim akong napangisi. Sa mga nalalaman ko, matatakot pa ba ako? Sa mga nasaksihan ko, kailangan ko pa bang magiging mahina?
Laro ang gusto nila? Kaya ko ding ibigay 'yon. Ngayong Elite na ako, may dahilan na din ako kung bakit dapat silang matakot sa akin. Kahit hindi pa opisyal na nakaharap ko ang buong member ng Elite, simula ngayon dapat na silang matakot, dahil oras na malaman ko kung anong papel ko sa Elite, humanda silang lasapin ang kalupitan ng bagohan.
"Let's sleep" tumayo ako upang magtungo sa silid namin.
Pero ilang hakbang palang ay pinigilan pinigilan na ako ni Ella. "France, hindi kapa nag dinner"
Umiling ako. "Wala akong gana. Sige na, matulog kana"
Binitawan naman niya ang kamay ko at tumango. Pero nahahalata ko sa mga mata niya na bothered siya, i don't know kung tungkol saan.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko patungo sa kwarto namin ni Ellice. Dalawa kasi ang kwarto sa loob ng dorm namin. Parang hindi nga ito dorm, parang condo ito sa laki. Kaming dalawa ni Ellice sa isang kwarto at si Ella at Amanda naman sa isa.
Pagpasok ko sa loob ay nakahiga na si Ellice. I think natutulog na siya. Humiga na din ako sa tabi niya. Hindi na ako nag abalang mag bihis pa dahil pagod ako. Nakakapagod isipin ang mga sinasabi ni Ella kanina. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Bukas, bago pa magsimula ang death class ay kailangan kong makausap si Hussien o kahit si Mabuz. Tatanungin ko sila kung kailan ako humarap sa mga member ng Elite. I can't wait to know what's my position.
MAAGA akong nagising kinabukasan. Tulog pa ang tatlo kaya ako na ang nagluluto ng aming makakain. After kong magluto ay maliligo na sana ako kaso may maagang kumatok sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Mabuz sa harapan ng dorm namin. Bagong ligo ito. Gwapo pala ang gagong 'to kapag sa umaga?
"The TLU vice president wants to talk to you" bungad niya sa akin.
Taas noo ko siyang tingnan. "Maligo muna ako"
"He wants to talk to you, now"
Inirapan ko nalang siya pagkatapos ay lumabas ako ng dorm nang padabog na sinara ang pinto. Nakita ko siyang ngumisi na parang natutuwa sa ginagawa ko.
Hindi ko na siya kinakausap dahil nauna na akong maglakad sa kanya. Tinahak ko ang daan patungo sa headmaster's office pero bigla nalang niyang pinigilan ang braso ko.
"Hindi ko sinabing diyan tayo pupunta"
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Kaya nga, hindi ko sinabi"
"Siraulo ka!" halos lumuwa na ang mga mata ko dahil tudong pandidilat ng mata ang ginagawa ko. Kung hindi ba naman siya gago, umagang-umag nang gagago!
Ngumisi lang siya ng makita niya kung anong ginagawa ko. Hinila niya ako at dinala niya ako sa isang malaking room. May nakasulat pa sa labas na 'TLU VP OFFICE'
Nakakaramdam naman ako ng pagkapahiya. Dito pala ang pakay namin, ba't ako napunta sa opisina ng headmaster? Buti nalang hindi ko tuluyang nabuksan.
"Napahiya ka no?" pang-aasar niya sa akin.
Akma ko sana siyang susuntukin ngunit biglang bumukas ang pintuan. Lumabas mula doon ang babaeng nakikita ko kahapon sa opisina ng headmaster. At ganun pa din ang pamamaraan ng titig niya, nakakairita. Kung kahapon ay natakot ako, ngayon hindi na. Sa halip, pagkairita ang nararamdaman ko.
Unang pumasok si Mabuz, pero dahil hila-hila niya ako ay napasunod ako sa mga hakbang niya.
Pagpasok namin sa loob ay nakita namin ang VP na nakaupo sa swivel chair habang nakatalikud sa pwesto namin.
Umupo naman si Mabuz sa upoang nasa harap ng desk sabay pukpok nito. "She's here"
Dahan-dahan namang umikot ang VP paharap sa amin. And i was surprised when i saw Hussien smirked at me.
"Bakit ang haggard mo?" King inang bungad niya sa akin.
Kagaya ni Mabuz ay bagong ligo din siya, at kagaya din ni Mabuz ay gwapo din siya sa umaga.
Pero wala doon ang atensyon ko. Kaya ako nagulat dahil hindi ko akalain na siya pala ang VP ng TLU. Paano niya na achieved ang position na 'yon eh ang bata-bata pa niya.
"Speechless, Ms. Meller?"
Nabalik ako sa tamang pag-iisip when Mabuz flip his finger in front of me. Sinamaan ko uli siya ng tingin at itinuon kay Hussien ang atensyon ko.
"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
Binaba naman niya ang hawak niyang pen at pinagsalikop ang magkabilang kamay. "The head boss of Elite wants to see the new chasseur in their group"
Bumuga ako ng hangin. "So bakit ako naparito? Chasseur pala ang gustong makita" walang ganang tanong ko.
"Because you are the new chasseur in our group, Ms. Emerald France Meller"
Dahan-dahan akong napalingon sa pintuan kung saan nanggaling ang tinig. Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa pintuan. Mas matangkad ito kina Mabuz at Hussien at ang angas din ng dating. I think magkasing height sila ni Prime at kasing gwapo kina Hussien at Mabuz.
Sino ba ang mag-aakalang killer pala ang mga lalaking 'to, eh parang anghel ang mga mukha. Lalo na si Prime, kapag tingnan mo ang maamo niyang mukha ay mahirap paniwalaan na killer pala ang isang 'yon.