Chapter 5: Red Card

4057 Words
BUMALIK ako sa room namin ng lutang. Bitbit ang paper bag na bigay ni Pyry sa akin na sabi niya ay pang disguise ko daw. Tamad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Wala pa masyadong estudyante dahil maaga pa. 8 am pa sisimulan ang death class. Hindi ko alam kung anong gagawin nila? Baka porke't death class ay p*****n na agad? Noong una ay natakot ako pero ngayon ay bigla nalang akong nagkaroon ng interest. Kahit pa sinabi ni Pyry na hindi ko na kailangang sumali ng death class. I want to learn something. Kailangan kong makita kung ano ang gagawin nila. Nag alala din ako sa tatlo kong kaibigan. Paano nalang kung hindi nila kakayanin? Dapat ko bang gamitin ang position ko upang mailigtas sila sa bawat death class? Umabot ako sa tapat ng dorm namin ng may makita akong anino ng tao habang nagkukubli sa likuran ng isa pang dorm. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likuran kung saan hindi ako mapapansin ng taong 'yon. Umikot pa ako para sa likud niya ako susulpot. Nang makalapit ako sa pwesto niya ay bigla ko siyang hinawakan sa balikat. "May kailangan ka?" tanong ko dito. Nung una ay hindi pa siya lumingon, pero kalaunan ay dahan-dahan na niyang binaling ang tingin niya sa akin. Bigla ko siyang binitawan ng maalala ko kung saan ko siya nakita. "I-Ikaw ang lalaking nakatayo sa harapan ng elevator nung nakaraang gabi, tama?" Pumalakpak naman siya pero nanatiling seryoso ang mukha niya. "Nahulaan mo. Hindi ko akalain na magaling ka pala mag memorize ng mukha, Ms Meller" Humakbang ako paatras nang humakkbang din siya papalapit sa akin. "I know you're numb and innocent, and i wanna tell you this, lahat ng taong nakapaligid sa'yo ay kalaban mo. Wag kang masyadong magtitiwala dahil hindi mo alam kung sino ang kakampi mo" "Tulad mo? Dude, i shouldn't trust you too, because as what you have said, i shouldn't trust anyone, even you" matapang na saad ko. Nakita ko namang umangat ng bahagya ang gilid ng labi niya. Kagaya nung gabing nakita ko siya sa Elevator, ay nakakatakot siya. "Hindi pala talaga sila nagkamali sa pagkuha sa'yo. Sayang at naunahan nila ako. Ang tapang mo, Ms. Meller. Pero tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, kung makaharap mo na ang chasseur ko" Hindi ako nakaimik dahil sa pinagsasabi niya. Hindi ko na din napansin ang pag-alis niya sa harapan ko. Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'CHASSEUR KO' ay nagkaroon ako ng hinala na siya si Agares Manson, ang head boss ng Ukkanawa. Pero sino ang chasseur niya? Bakit ganun siya mag salita? Para bang may alam siya tungkol sa pagkatao ko. Para bang alam niya na may kasama akong mga importanting tao sa buhay ko. Napaigtad ako mula sa pag-iisip ng malalim ng biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin nun, nagsimula na ang death class? Ibig sabihin alas otso na. Patakbo akong nag tungo sa dorm namin. Hindi naman ganun kalayo dahil malapit na ako sa dorm namin kanina ng makita ko ang taong kausap ko kanina. Ilang takbo lang ay nasa harap na ako ng dorm. Nang buksan ko ang pinto ay tahimik na sa loob. Wala na akong nakikita na mga kaibigan ko. Nanlumo akong napaupo sa sahig. Paano kung hindi nila kakayanin? May magagawa pa ba ako para hindi sila makasali sa death class? Gusto kong maiyak pero walang luhang lumabas sa mga mata ko. Siguro alam ng mga mata ko na kahit anong iyak ko, wala pa ding mababago. Ipagdadasal ko nalang na sana walang mangyayari sa kanila. Hindi ko kakayanin, mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko. Tumulo na naman ang luha ko ng biglang may narinig akong parang nabasag na bagay. Mabilis kong inangat ang ulo ko at hinanap ng mga mata ko kung saan nanggaling ang ingay. Tumayo ako at nag tungo sa room namin ni Ellice, pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakitang nabasag na bagay. Mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko at tinungo ang kwarto nina Ella at Amanda, ngunit wala din akong nakitang kahina-hinala. Binalewala ko nalang 'yon dahil baka sa kabilang dorm lang 'yon nanggaling pero lumakas lang ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko uli ang ingay. Pakiramdam ko sa kitchen ito nanggaling. Nagmamadali akong nagtungo sa kitchen at halos mapugto ang hininga ko nang makita ko ang isang taong naka purong itim at naka maskara ng dilaw. Nakatayo sa malapit sa cabinet at tila may hinahanap. Pinilit kong tatagan ang loob ko at mabilis na kinuha ang kutsilyong nahagilap ng mga mata ko. "Sino ka?" kahit kinakabahan ay hindi ko pinapahalata sa kanya 'yon. Iniharang ko pa ang kutsilyong hawak ko sa pagitan naming dalawa. Ayaw kong bigyan siya ng rason para isipin niyang madali lang akong itumba. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Mga mata lang ang nakikita ko sa kanya at familiar ito sa akin. Parang matagal ko nang nakikita ang mga matang 'yan. Humakbang siya ng dahan-dahan patungo sa kinaroroonan ko. Umatras sana ako pero na corner ako sa lababo. Malapit lang kasi ang lababo sa pintuan at medyo malayo mula dito ang cabinet na hinahalungkat niya kanina. Patuloy lang siya sa paghakbang hanggang sa tatlong dangkal nalang ang pagitan naming dalawa. Huminto siya at ang mata niya ay sobrang lalim kung makatitig. Hindi ko pa din binaba ang knife na hawak ko dahil baka maunahan niya ako. Hindi din ako nakikipag titigan sa kanya dahil awkward iyon idagdag mo pa ang kabang nararamdaman ko ngayon. Ngunit ang hindi ko alam, ay nilinlang lang niya ako sa pamamaraan ng pag titig niya. Mabilis niyang nakuha ang knife na hawak ko at inikot ang kamay ko kaya napaigik ako sa sakit. Pumikit pa ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nasa likuran ko siya habang hawak niya ang kamay ko na inikot niya. "Ang hina mo parin, until now" Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa boses niya. Familiar sa akin ang mga mata at boses niya. Pero wala akong pruweba sa mga hinala ko. Mabilis kong inapakan ang paa niya at nakahanap din ako ng pagkakataong baliin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Napaluhod naman siya dahil sa ginagawa ko. Bahagya niya pang tinukod ang isang kamay niya habang ang isa ay hawak ko. "Wag mong maliitin ang gaya ko dahil marami akong kayang gawin. Now tell me, who the fvck are you?" hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya para hindi siya makakilos. Hindi siya umimik. Sa halip ay mahinang daing lang ang narinig ko sa kanya. Akma ko sanang abutin ang maskara niya upang makita ko ang hitsura niya ngunit mabilis niya akong tinulak gamit ang isang kamay at nang makahanap siya ng pagkakataon ay bigla nalang siyang tumakbo palabas ng dorm namin. Pawis na pawis akong napasandal sa lababo. Mabilis pa din ang kabog ng dibdib ko pero hindi na gaya kanina. Parang kilala ko siya, ang boses niya, ang tinig niya. Pero kung siya man 'yon, bakit niya gagawin ang bagay na 'to? Anong balak niya? Nagpalipas ako ng ilang minuto upang pakalmahin ang sarili ko. Swerte siya dahil nakahanap siya ng pagkakataong makatakas, dahil kapag nagkataon, baka siya ang taong kauna-unahan kong mapatay. Nang mahimasmasan ako ay dahan-dahan akong tumayo at nag punta sa pintuan upang isara ito ngunit naudlot ang paghakbang ko ng makita ko si Prime. Nakasandal siya sa pintuan habang nakapamulsa. Iba na naman ang OOTD niya. Hindi na siya naka hooded robe na tulad ng suot niya kagabi at nung nakaraang gabi. O baka iyon talaga ang outfit niya kapag gabi. Naka school uniform lang kasi siya. Hindi din pang death class ang suot niya. Porke't Prime master siya e gusto na niyang mag suot ng kahit anong gusto niya? Sabagay school uniform naman ang suot niya. Ang sexy lang niya tingnan sa school uniform niya. Fit sa kanya ang pants at sakto lang sa katawan ang pang itaas. Nakalantad din ang noo niya na lalong nagpapalitaw ng kagwapohan niya. Kitang-kita ko din ngayon ang berde niyang mata. Para siyang galing sa ibang mundo. Kakaiba ang aura niya. "Done checking on me?" nakataas ang isang kilay na saad niya. His both hands is on the pocket at ang cool niya sa lagay na 'yan. Hindi ako nakapagsalita dahil naguguluhan ako kung bakit siya nandito. Akala ko ba tuwing gabi lang siya lalabas, nagmukha na nga siyang vampire eh because of his pale skin. "Alam kong gwapo ako, pero hindi mo na kailangang mag laway sa harap ko" Laglag ang panga ko dahil sa sobrang kayabangan niya. Akala ko ba suplado at tahimik lang siya, mayabang din pala. "A-Ang yabang mo ah!" kahit nauutal ay pinilit ko pa ding mag mukhang mataray sa harap niya. Inaamin ko naman na nag lalaway ay este, na amused ako sa mukha niya, pero hindi naman siguro tama na ipagsigawan diba? Hindi pwedeng ibulong niya lang? Kailangan pa talagang isigaw? Kingina! "Tara" Nagsalubong naman ang mga kilay ko. "H-Ha?" "I said tara, ano bang hina-ha-ha mo diyan?" Bigla nalang napalitan ng inis ang pagkamangha ko sa mukha niya. Bakit ba ang yabang niya. Parang taohan niya ako kapag sinisigawan niya. "Don't tell me kasali sa rule mo ang sigaw-sigawan ako? Dude, i'm not your slave, so stop yelling at me!" Bigla namang nag salubong mga mga kilay niya. Ilang sigundo din niya akong tinitigan na para hinuhukay ako sa pamamaraan ng mga titig niya. "Tama ka, hindi kita slave, but you are my victim. So if you don't want to die, take my command. Tara" Natakot naman ako sa inasta niya. Ang bilis lang niyang magpalit ng mood. Ang gaan-gaan ng mood niya kanina, bigla nalang naging halimaw. Tsk tsk! Well hindi naman ako 'yung tipong nag papasindak nalang. Nag crossed arms ako at dahan-dahang humakbang patungo sa kanya. "Then, kill me now" pang hahamon ko sa kanya. Bigla namang nag laho ang pangungunot ng noo niya at nagiging seryoso na ang mukha niya. Yung matalim niyang tingin sa akin kagabi ay nakikita ko na naman. At sa sandaling ito ay naalala ko ang sugat ko sa braso na siya ang may gawa. Patay! Bakit ko nga pala hinamon ang lalaking 'to. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko sa isiping 'yon. Baka totohanin niya ang hamon ko, edi patay akong hindi paman nakapatay ng kahit isa. "Well, i must say, i'm just wait the right time Ms. Meller. This is not the right time to kill a numb and innocent girl, but i considered you as one of my victim. So you have to take my command whether you like it, or not. Let's go" ang lakas lang talaga ng loob niyang hilahin ako pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon. Halos madapa pa ako dahil sa laki ng bawat hakbang niya. Kahit anong pilit kong kunin ang kamay ko na hawak niya ay mas malakas siya. Muntikan pa ngang bumaon ang kuko niya sa balat ko at alam kong sinadya niya iyon. Inipon ko nalang ang inis ko sa kanya. Tiis muna France. Alalahanin mong Prime master ang kaharap mo at nang babadtrip sa'yo. Sobrang talim ang tingin na binato ko sa kanya kahit hindi niya ako nakikita. Nakatalikud kasi siya sa akin habang pinagpatuloy niya ang paghila sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Mahaba-haba din ang nilakad namin hanggang sa nakarating kami sa isang malaking silid. Patulak niya akong pinapapasok sa loob ag mabilis din niyang sinara ang pinto. "Nakita mo na siya?" mahinahong tanong niya sa akin. Naguguluhan naman ako dahil hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya. Itinaas ko ang isang kilay ko habang tinitigan siya sa mata. "Hindi ko alam kung sinong tinutukoy mo" inilibot ko sa buong kwarto ang paningin ko. Malaki ito pero mukhang hindi naman tinutulugan. "I don't think na isa kang manhid, Ms. Meller. Here take a look at this" padabog niyang nilapag ang envelope na hawak niya. kunot noo ko naman itong pinagmasdan. "Ano na naman ito?" "Gawain ng Prime master. Pero may pupuntahan muna ako kaya ikaw muna ang gagawa niyan" taas noo niyang sinabi iyon habang nasa pocket ng pantalon niya ang dalawang kamay niya. "By the way, congrats. Hindi ko alam kung bakit mo tinanggap ang position na 'yan, pero hanga ako sa katapangan mo. Isa lang ang gusto kong ipaalam sayo, don't trust people around you, even your friends" Bakit parang narinig ko na yata ang mga katagang 'yan. Tama, kay Agares Manson na nakausap ko kanina. I'm not one hundred percent sure na si Agares 'yon pero ang lakas ng kutob ko na si Agares 'yon. Magsasalita pa sana ako ngunit wala na akong kasama dito sa loob ng kwarto. Napaka yabang talaga. Iniwan lang ako dito tapos iniwan niya pa sa akin ang trabaho niya. Ano ako dito? Sekretarya ng isang hambog na Prime master? Tsk tsk! Napailing nalang ako habang binuksan ko ang envelope na binigay niya sa akin. May laman itong lumang notebook? Ano naman ang gagawin ko sa notebook na 'to? Gawing pampunas? I shrugged first before reading the first page of the old notebook. Nang mabasa ko na ang laman ng unang pahina ay naguguluhan lang ako. Puro pangalan ng tao ang nakasulat. May nakalagay pang petsa at taon. Ano 'to? Hindi ko na tinuloy ang pag babasa dahil ibinalik ko sa envelope ang old notebook. Inilagay ko ito sa mesa para iwanan. Tumayo ako at humakbang palabas ng kwarto pero huminto muna ako. Binalingan ko ang notebook, gusto kong iwan dito ang notebook pero bakit parang may nagtutulak sa akin na dalhin ko ito. Bumuga ako ng hangin bago binalikan ang notebook at kinuha ito. Dala ko ito pag labas ko ng kwarto hanggang sa makarating ako sa dorm namin. Binuksan ko ang pinto pero kaba na naman ang bumungad sa akin nang may makita akong mga patak ng dugo sa sahig. Dahil sa hindi maipaliwanag na kaba ay halos liparin ko na ang nilalakaran ko upang mabilis na makapasok sa loob. Para akong nabunutan ng pako mula sa lalamunan ng makitang ligtas silang tatlo. May sugat si Ell pero daplis lang ito. "A-Ah s**t! Ganun pala kalupit ang death class?" reklamo ni Ella habang ginagamot ni Amanda ang sugat niya sa braso. Si Ellice naman ay parang pagod na pagod habang nakasandal sa sofa. Lumapit ako sa kanila. "Thank God at walang nangyaring masama sa inyo" sabi ko sabay upo sa tabi ni Ellice. Nagtaka naman ako nang biglsa silang napalingon sa akin, sabay pa talaga. Para bang may halong gulat at pagtataka sa mga mukha nila. Si Ellice ang unang nakabawi. "N-Nandito ka France?" "Bakit parang gulat na gulat yata kayo? Sa hitsura niyo, parang ayaw niyo akong makita!" tinaasan ko pa sila pareho ng kilay. Ano na naman ba ang drama nila? Parang nakakita sila ng multo. Matagal kong pinagmasdan ang bawat galaw nilang tatlo. Sabay pa silang nagkatinginan na para bang imposibleng nakita nila ako sa harap nila. Naiinis ako sa pamamaraan ng galaw nila kaya tumayo ako at bigwasan sana silang tatlo ngunit mabilis na hinarang ni Ellice ang dalawang kamay niya. "France wait" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis lang lalo sa inasta ni Ellice. Naka pormang krus kasi ang mga kamay niya. Gaga 'tong babaeng 'to ah! Anong akala niya sa akin, masamang espiritu? "Para kang tanga. Umayos ka nga" ibinaba ko ang kamay kong ipanghampas ko sana sa kanila kanina. Umupo uli ako sumersyoso. Nakalimutan kong hawak ko pala ang notebook na inabot ni Ehros sa akin kanina. Wala naman siyang sinasabing dalhin ko 'to pero ewan ko ba, parang hinahatak ako ng notebook pabalik kanina. Inis akong lumingon sa tatlo nang maalala ko kung paano sila magulat nang makita nila ako kanina pag pasok ko dito sa loob. Ganun pa din ang reaction nila ngayon, nakatulala sa akin mukha. "Ano bang tinira niyo? Para kayong naka shabu!" seryosong tanong ko sa kanilang tatlo. Hindi din matapos tapos ang pag gamot ni Amanda sa braso ni Ella dahil nasa akin din ang atensyon nila. Unang nag baba ng tingin si Ellice. "France. Akala kasi namin kanina na nakuha kana. Kaya hindi namin akalain na makikita ka namin dito. Hindi ka kasi namin nakita kanina nung magsimula ang death class. Kaya sobrang nag alala kami sa'yo" Sabay naman na tumango sina Ella at Amanda. Sumang-ayon sa sinasabi ni Ellice. Na guilty naman ako dahil nag-alala pala sila sa akin habang gumagala ako. Anong idadahilan ko? Hindi ko din maaring sabihin sa kanila na ako na ang bagong chasseur ng Elite dahil nasa rule iyon. Damn! Ang hirap. "Kaya sorry kung ganun nalang ang inasta namin kanina. We are just worried about you lang naman" malambing ang tuno ni Amanda habang sinasabi iyon. Lumipat pa siya ng upo sa tabi ko para lang hagurin ang likuran ko. Kinikilabutan naman ako sa ginagawa niya kaya tinulak ko siya ng mahina. "Kanikilabutan ako sa'yo, kilabutan ka din" Natawa naman silang dalawa ni Ellice maliban kay Ella. Namimilipit kasi ito sa sakit. "Ay sorry. Tapusin nating gamutin 'yan" mabilis na lumapit sa Amanda sa tabi ni Ella at itinuloy ang naudlot niyang pag gamot sa sugat nito. Napailing nalang ako. Tinamad na naman akong kumain ng agahan at parang gusto ko nalang mag pahinga. Tumayo ako upang mag tungo sa room namin nang makarinig kaming kalampag mula sa pintuan ng dorm namin. Mabilis akong napaatras at dinampot katana ni Ellice na nasa tabi lang niya. "Gosh, baka 'yan na 'yung boyfriend ng babaeng nakabangga mo kanina, Ellice" Mabilis namang naagaw ang atensyon ko dahil sa sinasabi ni Amanda. "Bakit, anong nangyari?" "France, nakalimutan mo bang death class ngayon? Kaya nga nasugatan si Ella kasi hindi madali ang death class. Mapanganib, pero hindi kami napuruhan, kundi 'yung mga kalaban namin. Nag-aagaw buhay ang babaeng nakalaban ni Ellice kanina" mahabang salaysay ni Amanda sa akin. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin pero gusto kong makasiguro. "And what about the boyfriend thingy?" curious pa ding tanong ko. Pero mahigpit ang hawak ko sa katana ni Ellice dahil patuloy pa din sa pag iingay ang nasa labas. Sa tingin ko marami sila. "May nadadaanan kaming lalaking nag huhuramentado kanina, at narinig namin sa isang estudyante na kasintahan ang lalaking 'yon ni Jela, ang babaeng nakabangga ni Ellice" dagdag naman ni Ella. Tiningnan ko si Ellice. Parang hindi ito mapakali sa kinauupoan niya. Panay ang haplos niya sa mukha niya at ginalaw-galaw na din niya ang mga paa niya. Alam ko kung kinakabahan na siya, dahil ganyan na ganyan talaga ang gagawin niya. Lumunok ako ng laway bago nag salita. "Get your damn self down on the floor. Hurry" Mabilis naman silang dumapa sa floor. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko papunta sa pinto. Minabuti ko talagang wala silang maririnig na yapak. Kahit doble ang kaba na nararamdaman ko ay kailangan kong tapangan ang sarili ko. Ito ang simula ko. Tanggap ko na ang pagiging chasseur ko, tanggap ko na din na kailangan kong pumatay para sa mga buhay namin. Malapit na ako sa pinto. Limang dangkal lang ang pagitan namin ng pinto bago ko ginalaw ang doorknob. Nang mabuksan ko ang lock ay pabigla kong hinila ang pintuan sabay atras. Napangisi ako nang mag tugma ang galaw ko at ang laman ng isip ko. Ngunit ganun paman ay kinakabahan pa din ako, dahil dulo ng samurai ang bumungad sa akin, buti nalang ay nakailag agad ako. Dalawang lalaki ang nakatayo sa pintuan habang nanlilisik ang mga mata. Nilalaro ng mga kamay nila ang dala nilang samurai. "Baguhan palang kayo pero ang lakas ng loob niyong mag pasikat! Saan ang kasama mo dito?" nang gagalaiting saad nang isang lalaking maitim. Malaki ang katawan nito at nakakakot ang mukha. Para bang ilang beses nang nagpabalik-balik sa kulungan dahil sa pagmumukha niya. Dalawang hakbang paatras ang ginawa ko. Nakataas noo ako habang hinarap sila. "Hindi niyo ba alam kung sinong binangga niyo?" angas na tanong ko sa kanila. Tumawa naman ang kasama niyang lalaki. "Wala kaming oras alamin. Ilabas mo na ang mga kasama mo! Malaki ang atraso nila sa amin" "Why would i? Do i know you? Before you see them, make sure na makakalusot kayo sa akin" pagkasabi ko nun ay bigla kong ginalaw ang espadang dala ko at pinatamaan ko ang lalaking maitim. Napaatras naman siya ngunit huli na. Nasugatan na siya sa mukha, nang malaki. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa labi ko nang makita ko silang bahagyang nagulat sa ginagawa ko. Aatake na sana ang kasama niya ngunit mabilis kong inikot ang espada at bahagya akong yumuko sabay tarak ng dulo ng espada ko sa paa nung kasama niya. Bumagsak naman ito sa floor at namimilipit sa sakit. "A-Ah Nero, t-tulong, aaargghh" pagmamakaawa nito sa lalaking maitim na Nero pala ang pangalan. "Better to leave this place before i lose control" malamig ngunit nakangising saad ko sa kanilang dalawa. Mabilis namang hinila nung Nero ang kasama niyang puro yabang, wala naman palang maibubuga. Muli kong inikot ang katana bago ko ito inilagay sa lagayan. Bumalik ako sa sofa. Nakita ko pa ang tatlo kong kaibigan na parang gulat na gulat na parang hindi makapaniwala sa nakita nila. "Y-You realy did those thing? F-France, hindi mo kailangang gawin 'yon" hindi makapaniwalang saad ni Amanda habang dahan-dahang tumayo. Ganun din sina Ella at Ellice. Hindi sila makatingin sa akin ng deritso na parang natatakot sila sa akin. Nasasaktan ako sa isiping 'yon. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko sa mga mata nila. Nasasaktan ako sa mga galaw nila na para bang nakaktakot ako. "Ano bang mali sa ginawa ko?" puno ng sakit na tanong ko sa kanila. Hindi ko akalaing ganito pala ang ipapakita nila sa akin even i'm not questioning for what they did. "France, hindi mo dapat ginawa 'yon. Baka sa paghahangad mo nang kaligtasan ay makalimutan mong tao ka. France you don't need to kill every person you've encountered. That's not right" medyo malakas na ang boses ni Amanda habang sinasabi ang mga 'yon. Hindi ko maiintindihan kung bakit sila nagkakaganito. Nakakagulo ng isip. Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala sa inasta nila. "And what is right? Yung hahayaan lang natin ang mga taong 'yon na patayin tayo? Amanda, wala na tayong pwedeng pag pipilian pa! We have to do this. We have to kill for the sake of our lives! Kahit hindi natin gusto, kailangan na kailangan nating gawin 'yon dahil wala tayo sa mundo ng mga tao para mag pakatao, we are in hell, Amanda. Kaya gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo mailigtas niyo lang ang mga sarili niyo, dahil gawin ko din 'yon. Iligtas ko pa din kayo, hangga't buhay pa ako" Parang sasabog ako sa galit kaya minabuti ko nalang na umalis sa harap nila pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon sa harap nila. Pumasok ako sa kwarto namin na parang gusto kong pumatay. Pagkatapos kong gagawin ang mga delikadong bagay para lang mailigtas sila? Mali parin pala sa paningin nila ang mga ginagawa ko?. Nag ngingitngit ang kalooban ko habang binuksan ang paper bag na bigay ni Pyry kanina. Hindi na ako nagtataka ng makita ko ang isang leather jeans na black at leather jacket na black na naman na may kasamang purple mask na tanging kalahati lang ng mukha ang matatakpan. Ngunit ang dalawang box ang nakaagaw ng aking pansin. Isa itong katamtaman sa laki na box. Kinuha ko ito at binasa ang note na nakapaskil sa box. 'Always use your red card to your target' Red card? Mabilis kong tiningnan ang bagay na nakalagay sa isang box, at sobrang pag kunot ng noo ko nang makita ko ang pulang card. May nakasulat na Elite sa ibabaw ng card at malaking letter C naman sa gitna, at may logo pa ito na pormang bungo. Ang isang box naman ay baraha na blade ang laman. Ang cool. Tiningnan ko ang mga red card. Talagang napaka mautak ang mga tao dito. Akalain mong ginawang social ang pag patay ng tao. The Elite chasseur's card. How is cool this red card. I like it. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD