Chapter 6: Lason

4270 Words
MALAYA akong gumagala dito sa loob ng LU. Naka suot ako ng pang disguise ng chasseur ng Elite. Naka black leather jeans at leather jacket ako habang may suot na purple mask na kalahating mukha lang ang matatakpan. Alas dose na nang gabi. Tapos na din ang curfew ni Prime. As usual, nakasabit pa din ang katana ko at nasa loob ng magkabilang boots ko ang blade card at red card. Malalim na ang gabi pero may nakikita pa din akong nag palaboy-laboy. Lahat sila naka purong itim at naka maskara na kulay itim. Naalala ko tuloy ang babaeng naka encounter ko kanina. Magkatulad ang mga suot nila pero dilaw lang ang maskara nung babae kanina sa dorm namin. May nakita akong isang lalaki malapit sa rest room, at gaya nung iba ay naka purong itim din ito. May kausap itong babae na parang takot na takot sa kanya. Pinagmasdan ko lang sila mula dito sa kinatatayuan ko. Hinablot nung lalaki ang buhok ng babae at tinutukan nito ng kutsilyo ang leeg ng babae. Mula dito ay dinig na dinig ko ang pigil iyak ng babae. Parang takot siyang may makakita sa kanila. Isang bagay lang ang nahahalata ko, tinakot ng lalaking 'yon ang babae. Kaya hindi magawang sumigaw ng babae dahil parang pinagbantaan niya ito. Kinuha ko ang blade card ko sa boots ko at pwersahang hinagis ko ito sa direction ng lalaki. "Boom" saad ko ng biglang tumama ang blade card ko sa leeg ng nito. Kahit nangingisay habang takip ang leeg niyang may sumirit na dugo ay nagawa pa din niyang lumingon sa gawi ko. Nasa malapit na nila ako kaya kita ko ang buong expression niya. "C-Chasseur n-ng Elite" tanging nasambit niya bago siya binawian ng buhay. Isang hakbang patungo sa kanya ang ginagawa ko at idinikit ko ang red card sa noo niya. "My first victim" nakangiting saad ko. Pinagpag ko ang kamay ko pagkatapos kong pulutin ang blade card na nahulog sa lupa. Binalingan ko ang babae. Ang takot na nakita ko sa mukha niya kanina ay mas dumoble pa ngayon. Nanginginig ang buong katawan niya at parang hindi siya makakilos. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Don't worry, i won't kill you" Iniwan ko ang babae na hindi pa din nakabawi sa takot. Nilibot ko ang buong university. Nag babaka-sakaling akong makita ko uli ang babaeng naka bangga ko kanina sa dorm namin. Ngunit kanina pa ako nag palakad-lakad dito sa buong university, pero wala akong nakita na naka mask ng kulay dilaw. Malakas ang kutob ko na ang babaeng naka bangga ko kanina ay ang chasseur ng Ukkanawa. Malalaman ko din 'yon. Bigla akong napahinto ng madaanan ko ang building kung saan kami dinala ni Hussien noong una. Naisipan kong pasukin ito upang tuklasin kung ano ang nasa loob. Alam kong sobrang laki ng building na 'to pero mag babaka-sakali pa din ako na sana mahanap ko kung saan parte ang cage dito. Yes, alam kong ang buong building na 'to ang kulungan, but i have to make sure kung saan nakalagay ang mga bagay na tinatago nila. Malakas ang kutob ko na maraming nakatagong sekreto dito sa loob ng paaralang ito. Palaging may mali sa bawat kilos ng mga taong nakapaligid sa amin. I need to find out the truth. Inalam ko ang buong paligid dito sa loob ng building. Tahimik na at wala na akong nakikitang taong nag liliwaliw dito sa loob. Binilisan ko ang bawat hakbang ko upang libutin ang ground floor. Hindi na ako nag abalang sumakay pa ng elevator dahil wala naman sa ibang palapag ang pakay ko. Gusto ko munang dahan-dahanin ang bawat bagay na gusto kong matuklasan, at uunahin ko ang ground floor. Sa haba ng aking nilakbay dito sa malaking ground floor ng PCB ay may nakita akong naka lagay na 'RESTRICTED AREA' Humakbang ako paroroon sa nakasulat. Sa likod nito ay may malapad na pinto na nilagyan ng mga malalaking lumber na ginawa nilang pang harang sa pinto. Umiiral na naman ang kuryusidad ko kaya tinalon ko ang kahoy na nakaharang sa daanan. Nang malapit na ako sa malapad na pinto ay inusog ko ang lumber ng kaunti, tama lang na mabuksan ko ng kaunti ang pinto. Pero na dismaya ako ng makita kong naka lock ito. Humakbang na sana ako pabalik ngunit may nakita akong malaking butas sa gilid ng malapad na pintuan. Dali-dali kong sinilip ito and i saw a glass door inside. Sa ibabaw ng glass door ay may nakasulat na MED LAB. Isang laboratory? Ano namang gagawin nila sa laboratory na 'to? Sa pagkakaalam ko, dalawang nurse lang ang meron sila sa paaralang ito at 'yon ay ang dalawang babae na shifting ang duty araw-araw sa clinic ng LU. Sa nakita ko ay mas lalo lang umiiral ang kagustuhan kong malaman ang lahat. Kung ano ang tungkol sa laboratory na 'to, kung sino ang nasa likod ng paaralang ito. Napag-isipan kong bumalik na muna sa dorm namin. Tama na muna ang nakikita ko ngayon. Nakakasiguro akong marami pa akong malalaman sa susunod. Umalis na ako sa harap ng 'RESTRICTED AREA' at nag mamadaling lumabas ng PCB. Mabilis akong naglakad patungo sa dorm namin. Hindi ako dumaan sa pinto dahil gumawa ako ng sarili kong madadaanan, at nasa parte ito ng kitchen namin. Hindi nila alam ang bagay na 'to dahil bumalik na sila sa death class kanina nang napag-isipan kong gumawa ng sariling madadaanan. Para ito sa pagiging chasseur ko. Mahigpit ang rule ng isang chasseur, bawal na bawal ang may makakaalam kung sino at ano ako. Maayos naman ang pag kakagawa ko dahil hindi talaga mahahalata na may isa pa palang pintuan dito sa kitchen. Nahihirapan pa akong hanapin si Mabuz kanina para lang mang hiram ng gamit. Nakikipag p*****n pa kasi ito sa di ko kilalang estudyante. Sa dami ba namang estudyante dito mahihirapan kang kilalanin kahit mukha man lang ng bawat estudyante. Pagpasok ko sa loob ay kitchen agad bumungad sa akin. Tahimik na sa sala kaya alam ko na agad na natutulog na ang tatlo. Kumuha muna ako ng tubig sa ref at uminom. Nag tungo ako sa cr upang mag bihis. Kahit nasa loob ng cr ay hindi pa din mawawala sa isipan ko ang nakikita ko kanina. Medicine Laboratory. Ibig bang sabihin nun ay dun sila nag experiment ng mga gamot? At para saan ang mga gamot na 'yon? Imposible namang ginagamot nila ang mga estudyanteng nasusugatan. Malabong mangyari 'yon. Masyado na akong naguguluhan sa mga natutuklasan ko. Hindi na dapat ako magulat dahil alam ko na may mga nakatagong sekreto sa bawat sulok ng unibersidad na 'to. Pero iba pala talaga kapag makakatuklas ka ng hindi maipapaliwanag na bagay. Maraming kulang sa kwento at maraming mali sa bawat galaw. Marahan kong hinihilamusan ng malamig na tubig ang mukha ko pagkatapos kong mag bihis. Bitbit ko ang pang disguise ko pagpasok ko sa kwarto namin ni Ellice. Mahimbing na natutulog si Ellice habang may benda ang kaliwang paa. Palagay ko nasugatan siya kanina pag balik nila sa death class. Ilang sigundo ko din siyang pinagmasdan hanggang sa napag pasyahan kong matulog na din. Kinuha ko muna ang malaking kahon na nakatago sa ilalim ng kama. Inilagay ko dito ang pang disguise ko at ibinalik na din sa ilalim ng kama. Nag pakawala muna ako ng hangin bago humiga sa tabi ni Ellice. Inaantok na din ako dahil madaling araw na. Hinahayaan ko nalang na lamunin ako ng dilim dahil may klase pa kami mamaya. ***** KINABUKASAN, nag lalakad kami patungong cafeteria dahil tapos na ang second class namin. Marami akong nakitang estudyante na naka benda sa iba't ibang parte ng katawan. Ganito pala talaga kapag death class? Para kang baldado tingnan dahil sa dami ng benda sa katawan mo. At 'yon ang nakikita ko sa ibang estudyante dito. Napailing nalang ako sa isiping baka matulad din ako sa kanila kung hindi ako naging chasseur. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o hindi. "France, Amanda, dalawang Pementel" Sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag sa amin. Si Ren Deltura, kaklase namin. "O, ano't para kang hinahabol ng multo?" mataray na tanong ni Ella kay Ren. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakikisabay din si Ren sa amin. Natatawa pa nga ako dahil hingal na hingal siyang lumapit sa amin. "Nabalitaan niyo na ba?" paninimula niya nang makapasok kami sa entrance ng Cafeteria. "Hindi pa, bakit?" tanong ko. "Hali kayo, dito tayo" hinila ako ni Ren sa isang bakanteng lamesa. Sumunod naman ang tatlo sa amin. "Ano bang ibabalita mo, Ren Deltura?" naiinip na tanong ni Ella kay Ren. Sinabayan pa niya ng irap. Napaka maldita talaga ng babaeng 'to. Kaya hindi sila magkasundo ni Ellice eh. "Kalat na kalat na sa buong school ang paglitaw ng bagong chasseur ng Elite" Kinakabahan pa ako sa ibinalita ni Ren dahil parang hindi naman nag tataka ang tatlo sa ibinalita ni Ren. Hindi ko tuloy maiwasang wag isipin na baka may alam na sila tungkol dito. Umismid lang si Ella sa binalita ni Ren. "Bakit? Bago pa ba 'yon dito sa paaralan niyo? Diba dati pa namang may chasseur ang Elite? Ba't ka nag tataka?" mataray na saad ni Ella habang nasa celphone na ang atensyon niya. Kahit pala naka celphone, nakiki-tsismis pa din. "Ganito kasi 'yon. Bago nung araw na inilantad kayo bilang newbie. Pinatay ang chasseur ng Elite sa hindi kilalang tao. Walang nakakaalam kung sino ang pumatay. At nung gabing pinatay ang chasseur ng Elite, nilason din sa gabing 'yon ang chasseur ng Ukkanawa" Na curious naman ako sa ibinalita ni Ren. Ibig sabihin, sabay na may nangyaring masama sa dalawang chasseur? Ibig ding sabihin, walang kinalaman ang dalawang grupo sa nangyari sa dalawang chasseur? Napukaw naman ang curiosity ko sa bagong nalaman ko. Malakas talaga ang kutob ko na may tao sa likod ng pangyayari. "Ibig sabibin, sabay na namatay ang dalawang chasseur? Pero bakit narinig ko sa kaklase natin kahapon na palaging gumagala ang chasseur ng Ukkanawa? So hindi totoong namatay ang chasseur ng Ukkanawa. Baka palabas lang nila 'yon" curious din na tanong ni Amanda. Lumapit pa ito kay Ren. Excited na masagot ang mga tanong niya. Nag palinga-linga muna si Ren bago tinuloy ang kwento niya. "Noong gabing namatay ang dalawang chasseur, ay agad nakakuha ng kapalit ang Ukkanawa. Balita ko, hindi ito galing dito sa loob. Bagohan ang chasseur na nakuha nila" Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib ko. May hint na ako kung sino ang tinutukoy ni Ren pero mahirap paniwalaan. Sana hindi totoo ang mga hinala ko. Sana lang talaga. "Pero anong tungkol sa- pag litaw ng bagong chasseur ng Elite? Bakit issue 'yon sa kanila?" kinakabahan man ay gusto ko pa din malaman kung bakit mabilis na lumabas ang balita ng paglitaw ng bagong chasseur ng Elite. Or should i say, ang pag litaw ko bilang chasseur ng Elite. "Dahil iyon ang inaabangan ng mga Ukkanawa. Ang sabi-sabi, kakaiba daw ang kilos nito kompara sa unang chasseur ng Elite. Nakakatakot daw. Yung unang chasseur ay katana lang ang gamit sa mga target niya. Pero ang bagong chasseur ay gumagamit ng blade card at red card. Bago 'yon sa pandinig namin" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kabahan sa mga narinig ko. Anong balak ng mga taga Elite? Bakit nila iniba ang estilo ng chasseur nila? "Saan mo naman nakuha ang balitang lumilitaw na ang bagong chasseur, aber?" nakataas pa din ang isang kilay na tanong ni Ella kay Ren. Napailing nalang ako sa inasta niya. Parang hindi niya gusto si Ren. "May isang estudyante ang nakakita sa bangkay ng unang victim ng chasseur ng Elite. Naligo ito sa sariling dugo, at laslas ang leeg habang may red card na nakadikit sa noo nito. At nang sinuri ng mga Ukkanawa ang red card, kumpirmadong galing ito sa chasseur ng Elite" mahabang salaysay ni Ren. Sa mga sinasabi niya ay parang matagal na siya dito. Marami na siyang sinasabi sa amin. Posible kayang marami din siya alam tungkol sa LU? Baka pwede ko siyang tanungin tungkol sa bagay na 'yan. Pero wag muna ngayon, marami pa akong aasikasuhin. "Ano pala ang obligasyon ng isang chasseur?" si Ellice naman ang nagtatanong. Parang gusto din nilang may malalaman sila kahit kaunti. Napangiti ako sa isiping 'yon. Buti naman at may balak din pala sila. "Taga patay ng mga estudyanteng lumalabag sa batas ng LU" Lihim lang akong nakikinig. Pero hindi ko pinahalatang curious ako sa mga sinasabi ni Ren. "At ano naman ang batas ng LU?" hirit naman ni Amanda. Napakamot ng batok si Ren bago ulit nagsalita. "Wala pa din kayong alam?" hindi makapaniwalang tanong niya pabalik. "Sa tingin mo, mag tatanong kami kung may alam kami?" pabalang na tugon ni Ella. Pa siring namang tumingin si Ren kay Ella, pero sandali lang 'yon. Dahil itinuon niya uli ang atensyon niya sa aming tatlo ni Ellice at Amanda. "Ang batas ng LU ay ang bawal pumatay ng hindi killers day at bawal manakit ng labas sa death class" "At iba din ba ang batas ni Primo?" hindi ako nakatiis na wag itanong 'yon. Sa mga narinig ko mula kay Ren ay gusto ko ding malaman ang batas ni Ehros. "Oo, dahil ang batas ni Primo ay siya lang ang nakakaalam" "What?" naguguluhang tanong ko. Ano ba ang pinagsasabi ng Deltura na 'to. Pwede ba 'yon? Gagawa ka ng batas na ikaw lang ang nakakaalam? "Pwede ba 'yon?" tanong naman ni Ellice. Pareho pala kami ng iniisip. "Pwede. Wag ka nalang mag taka kung mabigyan ka ng warning, dahil paniguradong nilabag mo ang batas niya" Napantango naman si Amanda at Ellice pero si Ella ay parang wala lang. Parang hindi naman siya interesadong malaman ang mga 'yon. Ibinaling ko ang paningin ko sa paligid at may nahagip ang mga mata ko na isang estudyante na parang kakaiba ang ikinilos. Iba ang pamamaraan ng pag titig niya sa dalawang lalaking nakaupo sa kabilang mesa. Panay pa ang tingin niya sa grapang dala niya. Tumayo siya at nag tungo sa counter. Nakita kong kumuha siya ng dalawang tissue sa counter at humakbang paalis, sa tingin ko sa rest room ang tungo niya. Malakas ang kutob kong may binabalak siya. Kailangan ko siyang sundan. Tumayo ako at nag paalam sa kanila. "Cr lang muna ako guys. Order na din kayo ng makakain" Unang tumango si Ren. Nginitian naman ako ni Ellice at Amanda. Minadali ko ang sarili ko upang maabutan ko pa siya sa rest room. Nilakihan ko din ang bawat hakbang ko para makarating agad ako sa rest room. Medyo malayo-layo ang rest room mula sa dining area, kaya sana maabutan ko pa siya, nang sa ganun ay mapigilan ko ang masamang balak niya. Ilang hakbang nalang ay makarating na ako sa rest room ngunit palabas na din ang lalaking sinundan ko. Hindi niya napansin ang presensya ko dahil nakatingin lang siya sa hawak niya kaya nag kabanggaan kami. Saglit niya akong tinapunan ng malamig na tingin at umalis na din pagkatapos. Hahakbang na din sana ako pabalik upang sundan siya pero may napansin akong bagay na nasa sahig. Pinulot ko ito at tiningnan. Kinakabahan ako nang mabasa ko ang nakasulat. 'Potassium cyanide' Damn! Lason. Tinakbo ko ang pagitan ng kinaroroonan ko at ng dining. Hingal akong nakarating sa dining at mabilis hinanap ng mga mata ko ang lalaki, pero hindi ko na nakita ito. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa kabilang mesa pero huli na. Hawak na nila ang tissue at pinahid sa bibig nila. Bigla akong nawalan ng balanse kaya muntikan akong matumba, buti nalang nakahawak agad ako sa mesa na nasa likuran ko. Tulala akong nakatingin sa dalawang lalaking bigla nalang nangisay sa kinauupoan nila habang bumubula ang bibig. Bigla naman nag ingay ang mga estudyante dito sa loob ng cafeteria dahil sa nasaksihan. "Anong nangyari?" sigaw nung babae na nasa late 40's na. Sa tingin ko isa ito sa staff dito. Lumapit ito sa dalawang lalaking nag-aagaw buhay. Mabilis din akong nilapitan nila Ellice, Amanda, Ren at Ella. "France, are you okay?" nag alalang tanong ni Ellice sa akin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Nanatili lang ang tingin ko sa dalawang lalaking patuloy pa din sa pangingisay. "Sino na naman ang walang pusong gumawa niyan?" mahinang sambit ni Ren. Nanginginig pa din ang mga kamay ko pero pilit hinanap ng mga mata ko ang lalaking may gawa nito. Hindi ko siya nakita dito sa loob kaya nag pasya akong lumabas para hanapin siya. Baka sakaling makita ko siya. Paglabas ko ng cafeteria tuloy-tuloy pa din ang mga hakbang ko pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Huminto ako sa tabi ng physics class room dahil nahihilo na ako kakalingon, marami kasing estudyante na nadadaanan ko. Ang iba galing ng cafeteria, nag hahatid lang ng balita sa mga kaklase niya. May mga pumasok naman sa cafeteria upang maki osyoso. "Alam kong nakita mo 'yon" Mabilis akong napalingon sa lalaking nag sasalita sa likuran ko. Wala nang masyadong estudyante dito sa kinaroroonan namin dahil nasa cafeteria na ang iba. Binundol pa din ng kaba ang dibdib ko pero hindi na kagaya kanina. Mas nangibabaw ang galit ko sa lalaking kaharap ko ngayon. "Bakit mo ginawa 'yon? Alam mo naman ang rule dito, diba?" lakas loob na paalala ko sa kanya kahit kanina ko lang din nalaman. Parang pinag tripan lang din ako ni Hussien nung sinabi niyang 'it's for me to find out' gago lang! "Wala akong pakialam sa rule dito. Ito lang masasabi ko sa'yo. Wag kang mag kakamaling sabihin ang nalalaman mo sa kahit na sino kundi-" "Kundi ano? Papatayin mo ako?" pag putol ko sa sasabihin niya. Ngumisi naman siya na para bang tinakot niya ako sa pamamagitan ng ngisi niya. But he was wrong, i'm not afraid anybody else, even him. "Hindi naman ikaw. Pero maganda din ang mga kaibigan mo, sayang nga lang, dahil sila ang kakatayin ko kapag nag sumbong ka" Biglang nangingibabaw ang galit sa dibdib ko pagkatapos kong marinig 'yon. Gustong-gusto ko siyang patayin ngayon pero hindi ko magawa. Ayaw kong mapahamak ang mga kaibigan ko, hindi ko kakayanin. Hindi na ako nakapagsalita pa nang iwan niya ako. Ilang sigundo din akong nanatili sa kinatatayuan ko bago ko napag pasyahang bumalik sa loob ng cafeteria. Pagdating ko sa loob ay marami nang estudyante ang nakapalibot sa mesa kung saan ang dalawang lalaking nilason nang hayop na 'yon. "France, saan ka galing?" tanong agad ni Amanda sa akin pagbalik ko sa pwesto namin kanina. "A-Ah, w-wala. May tinapon lang ako" naalala ko naman nag grapa na pinulot ko kanina. Nasa bulsa ito ng palda ko. Hindi ko ito tinapon dahil gusto kong malaman kung saan ito nang galing. Wag lang sana tumugma sa naisip ko na baka sa Med Lab nang galing ang lasong 'yon. "Sabi kasi ni Ms. Bora, wala munang lalabas" sabi ni Ren. Nandito pa pala 'tong lalaking 'to. "B-Bakit daw?" mahinang tanong ko. "Hihintayin pa ang taga Elite group. Sila kasi ang taga imbestiga sa mga ganitong pangyayari" Marami ngang nalaman si Ren. Lahat ng tanong namin nasagot niya. Mas lalo lang tuloy nangibabaw ang kagustuhan kong makausap siya ng sarilinan. Maya-maya lang ay dumating si Primo kasama sina Pyry, Hussien, Mabuz at sa likuran nila ay ang sa tingin ko nasa sampung kalalakihan. Sila siguro ang ibang member ng Elite. Hindi ko pa kasi nakaharap ang ibang member ng Elite dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari. Si Pyry palang ang nakilala ko. Unang lumapit si Primo sa dalawang lalaking wala nang buhay. Kinuha niya ang tissue ay tiningnan ito. Kumunot naman ang noo niya habang ibinaling ang paningin sa buong cafeteria. "Potassium cyanide. Sino ang lapastangan na gumawa nito?" his voice rumbled into the whole cafeteria. Paano niya nalaman na Potassium cyanide ang lason na 'yan? Ang galing naman, tiningnan lang niya ang tissue, nalaman na niya agad? Lufit! Ang mga estudyante ay nakayuko lahat maliban sa aming apat na magkakaibigan. Nakakatakot ang aura niya. Minsan ko nang nakita ang seryoso niyang mukha pero hindi gaya nito na nakakatakot. "His evil part. His deadly side is come out. Nakakatakot kapag ganyan na ang aura niya" mahinang bulong ni Ren habang nakayuko pero panay ang sulyap niya sa Prime master na parang demonyong nakatitig sa tissue na may lason. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya ng todo. Bakit naman siya magalit ng ganun kung pwede naman parusahan ang may gawa niyan. Parang may kakaiba sa ipinakita niya. "Pyry. Sabihin mo sa chasseur mo na hanapin ang taong gumawa nito. Sabihin mo din na wag niyang gagalawin ang taong 'yon, kundi iharap niya sa akin ng buhay" ramdam ko sa pananalita niya ang galit na nararamdaman niya. May mali! May mali sa galit niya. "Copy that, Prime" after saying those words, Pyry was bow down his head in front of him. Pagkatapos sang-ayunan ni Pyry ang sinasabi niya humakbang na siya palabas ng cafeteria pero huminto muna siya malapit sa gawi namin at tiningnan ako. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil parang may iparating siya na mensahi sa akin sa pamamagitan ng tingin niya. Hindi nag tagal ay tuluyan na siyang lumabas ng cafeteria. Sumunod din sina Hussien at Mabuz sa kanya. Lumapit naman si Pyry sa gawi namin, kasunod niya ang mga taohan niya. Huminto si Pyry sa harap ko. "Follow me, we have a meeting" iyon lang at tuluyan na itong umalis sa harapan namin. Nagi-guilty ako. May alam ako sa nangyari pero hindi ko masabi-sabi. Lumingon ako sa tatlong kaibigan ko at kay Ren. "Sige na France, sumunod kana" sabi ni Ellice. "Oo nga France, baka importante ang meeting na 'yan" sabi naman ni Amanda at pinisil ng bahagya ang pisngi ko. "Go na France. Tandaan mong Elite kana" sang-ayun naman ni Ella. Tinulak pa ako ng bahagya. Tiningnan ko naman si Ren na parang gulat na gulat. "W-Wait. Isa kang Elite, France? Paano nangyari?" hindi makapaniwalang saad ni Ren. "Wag munang itanong, gago" suway naman ni Ella kay Ren. Napailing nalang ako habang nilisan ang buong cafeteria. Paglabas ko ay nakita ko si Mabuz sa entrance ng cafeteria. Parang may hinihintay. "Ang tagal mo naman" reklamo niya. Wala ako sa mood na makikipag-usap sa kanya kaya inirapan ko nalang siya. Nauna akong naglakad habang nasa likuran ko siya. Hindi ko alam kung saan ang opisina ng buong Elite. Saka ko nalang itatanong sa hambog na nasa likuran ko. "Ayan na naman 'yang ugali mong nag mamagaling. Dito tayo" parang naulit lang 'yung nangyari noong una. Hinila niya ulit ako at lumiko kami. Mga sampung hakbang lang ay nakarating kami sa harapan ng opisina ng Elite. May nakasulat sa ibabaw ng pinto na 'ELITE GP OFFICE' Tss! Napairap nalang ako dahil sa kayabangan ng mga tao dito. Kailangan ba talagang may opisina ang group nila? Pa special ang datingan, papatayin lang din naman. Binuksan ni Mabuz ang pintuan at bumungad sa amin ang buong Elite. Lahat sila nakatingin sa akin maliban kay Pyry na nakatayo at parang may hinahanap sa drawer ng desk niya. "Pyry, dude. Your beautiful chasseur is her. Atupagin niya na dahil mainitin ang ulo nito, at akoy aalis na" Tumawa naman ang isang mamber ng Elite. Puro lalaki at ako lang ang babae. Ano ba 'yan. Ang awkward naman nito. Tumigil si Pyry sa pag hahanap sa bagay na tingin ko kanina pa niya hinanap. Lumingon siya sa gawi namin at tinanguan si Mabuz. Iyon lang ata ang hinihintay ni Mabuz dahil tuluyan na itong lumabas sa opisina. Humakbang naman ako at nag punta sa bakanteng upoan sa tabi nung lalaking maputi. Hirap naman nito, hindi ko alam ang mga pangalan nila. "France. I just wanna tell you that your position being chasseur is to punish to all students here who break the rule. But i'm asking you to bring that person in front of Prime master na walang labis, at walang kulang" seryosong saad ni Pyry sa akin. Umupo uli siya at pinagsalikop ang dalawang niyang kamay "You need to bring that person to Ehros before 4 in the morning. Dahil bukas, magkakaroon ng general assembly ang buong school" "Paano kung hindi ko magawa? Ang ganoong tao ay dapat pinaparusahan ng kamatayan" sabi ko habang seryosong nakatin ng deritso sa mga mata niya . Hindi kasi ako sigurado sa gagawin ko. Baka balikan niya ang mga kaibigan ko kung bubuhayin ko pa siya. Kinikilabutan at sumisikip din ang dibdib ko sa galit kapag maalala ko ang sinasabi nung lalaking 'yon sa akin kanina. Nakakapanginig laman! "Kailangan mo siyang iharap ni Primo ng buhay France. At kung nag alala ka sa pwedeng mangyari, don't worry, Primo will handle him" Bumuntong hininga nalang ako at marahang tumango. "Wala kana bang ipag uutos?" tanong ko. Umiling maman siya. "Kung ganun, aalis na ako" tumayo ako para umalis na, pero hindi paman ako nakahakbang ay tinawag niya uli ako. "France, congrats sa una mong target. Hindi talaga kami nag kakamali na ikaw ang kinuha namin. Sige na, makakaalis kana" Tumango lang ulit ako bago ko nilisan ang opisina. Ang bigat ng obligasyon ko. Ang hirap magiging chasseur, at ang hirap mapasok sa impyernong ito. Wala kang pwedeng pag pipilian kundi ang um-oo sa mga pinapagawa sa'yo. Hindi mo gusto pero kusa mong gawin para sa kaligtasan mo. Sana matapos din ito. Sana dumating ang araw na magiging normal ulit ang mga buhay namin. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD