Danger Beneath Gold (Daisy POV)

1181 Words

“Relax lang, Daisy… huwag kang kakabahan.” Mahina kong bulong sa sarili habang tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin ng locker room. Maayos ang pagkakapusod ng buhok ko, eksakto ang lipstick, sakto ang kapal ng pulbos...lahat ayon sa training manual. Pero kahit anong ayos ko sa panlabas, ramdam kong may kakaibang bigat sa dibdib ko. Unang gabi ko ito bilang casino dealer. Unang gabi ko sa mundong hindi ko kailanman inisip na papasukan ko. “First night jitters?” tanong ni Maribel, ang isa sa mga senior dealers, habang inaayos ang cufflinks ng uniporme ko. “Obvious ba?” napangiti akong pilit. Tumawa siya. “Relax. Sa umpisa lang ‘yan. After a week, parang normal office na lang.” Normal. Napangiti ako sa salitang iyon. Kung alam lang niya kung gaano ka-hindi normal ang mundong pap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD