“You’re shaking, Andrew.” Nanginginig na boses ni Daisy, diretso, parang kutsilyo na biglang sumaksak sa dilim ng hallway. Natigilan ako sa paghakbang, likod ko pa rin sa kanya, daliri ko nakakapit nang mahigpit sa handrail na parang gusto ko sanang durugin ‘yun para hindi ko maramdaman ang pagyanig ng kamay ko. Hindi agad ako sumagot. Hindi ko kaya. Hindi pa nawawala ‘yung adrenaline—nanginginig pa rin sa ilalim ng balat ko parang may kuryente. May dugo pa sa knuckles ko—hindi akin ‘yun—natuyo na, malagkit, amoy bakal na halo sa mahinang amoy jasmine na laging sumasama sa kanya kapag lumalapit siya nang ganito. “Lumingon ka.” Humugot ako ng hininga sa ilong. Dahan-dahan. Kontrolado. ‘Yung paraan na tinuruan ko sa sarili ko pagkatapos ng bawat p*****n para hindi halata ang panginginig.

