NHEJOY's P O V " Kailan ka ulit bibisita rito, anak!? " maluha- luhang tanong ni Nanay nang magpa- alam na kami na babalik na sa mansyon. Hapon na rin kasi at siguradong gagabihin kaming makauwi. " Hi- Hindi ko pa ho alam, nay. Si Sir Rave lang po talaga ang namilit na pumunta kami rito ngayon dahil na- nakita ho niya akong u- umiiyak no'ng isang araw. Na- Nabanggit ko hong nami- miss ko lang kayo. " mangiyak- ngiyak na ring tugon ko Nandito kaming dalawa sa kusina at tinu tulungan ko siyang mag balot ng mga pagkain ipapadala sa amin sa mansyon. Nag luto kasi sila ng kapatid kong babae ng binigbit at maruya para sa meryenda namin kanina. Nagustuhan ni Sir Rave kaya papauwian kami ni Nanay. " Basta, mag- iingat ka roon. H'wag mong kakalimutang mag dasal. " wika na lamang ng Ginang

