NHEJOY's P O V Naiiling na natatawa na lamang ako habang nag lilinis ng katawan. Sumagi kasi sa aking balintataw ang napag- usapan namin ni Mang RC kanina sa sasakyan. Alam ko naman na kasi ang rason ng paralisado naming amo kung bakit nag tanong pa ako. Hahanga na sana ako sa kanya dahil sa pagiging generous niya subalit naisip ko ngang ang lahat ng iyon ay may kapalit — ang pagpapa ligaya ko sa kanya. Pagkarating namin kanina ay hindi naman nag- usisa ang mga magulang niya kung saan kami nag punta. Hindi na rin kami kumain ng hapunan dahil pawang mga busog pa sa rami nang nakain namin kanina sa bahay namin. Pinalagay na lamang sa ref ni Sir Rave ang binalot naming kakanin kanina ni Nanay. Umusal pa nga ako ng kaunting panalangin na sana ay hindi malaman ni Aling Magda na bumisita a

