SIMULA

1352 Words
NHEJOY's P O V " Baka kung ano ang mangyari sa'yo sa syudad, anak!? Wala naman tayong kamag- anak doon at kanino ka hihingi nang tulong kung sakali? " nag- aalalang wika ni Nanay nang magpa- alam akong mamasukan bilang kasambahay Mahirap lamang kasi ang aming pamilya, nakiki saka ang aking Ama sa mayamang pamilya rito sa amin. Nag- aasikaso ang aming Ina sa maliliit ko pang mga kapatid kaya hindi siya maka tulong sa aming Ama sa pagta trabaho sa bukid. " Kasama ko naman po si Aling Magda, Nay. " katwiran ko naman Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Pinag sasaluhan namin ang ginisang sardinas na sinahugan ng alugbati at dahon tsaka bunga ng malunggay. Kapitbahay kasi namin si Aling Magda at tinanong ako kanina kung gusto ko ngang mamasukan sa mga amo niya. Umuwi na raw kasi sa probinsya ang isang kasamahan nila sa bahay kaya nangangailangan nang ipapalit. " Kahit na, ang layo ng syudad, Nhejoy. Hindi bale sana kung dito lang sa atin, kung may masamang mangyari man sa'yo ay agad ka naming mapupuntahan. " pag tutol din ni Tatay Kaya naman na lungkot ako. Umaasa pa naman kasi akong papayagan nila ako dahil ang hangad ko lamang ay maka tulong sa kanila. Lalo na sa susunod na pasukan ay kolehiyo na ang sumunod sa akin. Nangangarap na rin akong makakita ng nag tataasang mga gusali na sa telebisyon ko lamang tinatanaw. " Ba- Bakit po si Aling Magda, ang tagal na po roon pero wala naman pong masamang nangyari sa kanya? Ang dami pa nga po niyang naipundar sa bahay nila. " pangungulit ko pa Byuda na kasi si Aling Magda kaya napilitan siyang mamasukan sa syudad para makapag- aral ang mga anak sa kolehiyo. Naka- graduate naman ang dalawang anak niya at pareho ng Maestra. Pinagre- resign na nga ng mga anak bilang kasambahay subalit humiling daw ang mga amo nito ng dalawang taon pa bago siya mag retiro bilang kasambahay nga. Napagawa pa niya ang kanilang bahay at halos kumpleto sa modernong appliances. Naibili na rin ng tricycle ang mga anak at iyon ang ginagamit nila kapag papasok sa paaralan. " Payagan n'yo na po ako, Tay, Nay, pangako po kapag may masamang nangyari sa akin doon ay uuwi ako agad. " paki usap ko pa para pumayag sila Nag palitan lamang nang tingin ang mga magulang ko tsaka itinuloy ang pag kain. Kaya nanlulumong napa yuko na lamang ako ng ulo at inubos ang pagkain sa pinggan ko. Tahimik lang namang nakikinig ang tatlo ko pang mga kapatid at hindi nakiki salo sa aming pinag- uusapan. Lalaki ang sumunod sa akin at nasa hulibg taon na sa Senior Highschool. Ang sumunod ay babae na nasa pangalawang taon ng Junior highschool at bunso ay lalake na nasa ikalimang baitang sa mababang paaralan. Hanggang sa matapos kami sa pagkain namin ay walang nag tatankang mag salita. Na tila takot din ang mga kapatid kong pagalitan kapag nagka mali. " Nhehoy, anak. " mahinang tawag ni Tatay nang akmang papasok na ako sa silid namin ng kapatid kong babae May tatlong k'warto itong aming bahay na iyong kalahati ay yari sa bato samanatalang ang itaas ay gawa naman sa sawali. Gayunpaman ay yero ang aming bubong. " Po. " mahina ring tugon ko Kahit may sama ako ng loob sa kanila ay hindi naman nawawala ang aking pag galang. Dahil ako ang panganay kaya ang mga gagawin ko ay tutularan ng aking mga nakaka batang mga kapatid. Kaya hangga't maaari ay ayokong makakita sila sa akin na pangit na ugali. " Mag timpla ka ng kape, tatlo at paki dala mo rito sa labas. " utos ni Tatay " Opo! " kaya bumalik ako sa kusina para nga gawin ang ini uutos ng aking Ama. Nang matapos ako ay inilagay ko sa pinggan ang tatlong tasang umuusok na kape at dinala ko sa aming kubu- kubuhan. Dito kami madalas tumambay lalo na kapag tanghali dahil malakas ang hangin. " Maupo ka at inumin mo iyang isa. " masuyong utos ni Nanay kaya sinunod ko naman siya Iyon pa nga ang isang ikinasasama ko ng loob. Lahat nang iutos nila ay sinusunod ko at kahit kailan hindi ako sumuway sa kanila. Tapos itong pamamasukan ko at para rin naman sa pamilya namin ay hindi pa nila ako pinayagan? " Alam namin na malaki ka na, nasa tamang edad na rin. Kapakanan mo lang naman ang iniisip namin ng Nanay mo. " huminto muna siya sa pagli litanya para humigop ng kape. " Pero gaya nga ng pangako mo ay uuwi ka rito kapag may masamang mangyari sa'yo roon! Buo ang tiwala namin sa'yo, anak. Alam din naman naming kaya mong ipag tanggol ang sarili mo. " hindi pa siya tapos manermon ay napapa ngiti na ako dahil pumayag na silang mamasukan ako bilang kasambahay. " Opo, Tay, Nay! Kaya lang naman po ako namimilit ay kasama ko naman po si Alibg Magda. Hindi naman po ako mamamasukan kung wala akong makakasama na taga rito po sa atin. " hindi nawawala ang ngiting naka paskil sa aking mga labi sa ipinahayag na iyon ng aking Ama. " Sige, matulog na tayo pagka ubos niyobg kape at bukas ay kakausapin ko si Magda. " saad ni Nanay " Opo! " Marami silang ibinilin sa akin at puro tango at 'opo' lamang ang isinasagot ko. Kaya natulog akong may ngiting naka paskil sa aking mga labi at itinuloy ko na ang pangarap kong pasyalan kapag nasa syudad na ako. SAMANTALA . . . . THIRD PERSON's P O V " Sh!t! Bakit ayaw!? Anak ng . . . " himutok ni Rave habang abala ang mga palad sa pag baba taas sa lantang gulay ng kanyang pagka lalaki. " Babe! Bakit ganyan!? Ano nangyari!? Nasaan ang nag huhumindig mong junjun na lumalaspag sa kiffy ko!? " hindi makapaniwalang saad ng Nobyo niya Pati mga palad nito ay pinag lalaruan din ang kanyang dalawang lato- lato. " Hindi ko alam! Sh!t naman oh! " tugon ni Rave sabay mura Nangangawit na ang kanilang mga kamay ay hindi pa rin tumitigas ang junjun ni Rave. " Paki subo mo nga ulit. " utos nito sa nobya Sinunod naman siya nito at dumukwang pa ito. Minasahe pa ni Rave ang malulusog na hinaharap nito para ganahan siya. Naririnig pa niyang mahina itong umuung0l. Subalit ilang minuto na nilang niro romansa ang isa't isa ay hindi pa rin nag babago ang kanyang junjun — tila lantang gulay pa rin. " Babe! Ano ba naman iyan! Bibitinin mo lang ako! Makauwi na nga! Sakit sa puson e! Wala ka na palang silbi! " iniluwa na nito ang pagka lalake niyang tila nawalan ng buhay Tumayo ito tsaka dinampot isa- isa ang mga damit na nag kalat sa carpeted flooring tsaka niya iyon isinuot. " Babe! Sandali lang! H'wag mo namang gawin sa akin ito! " paki usap niya sa Fiancee niya ngunit hindi siya nito pina kinggan bagkus ay dumiretso ito sa pinto ng kanyang silid para lumabas " Babe! Magpapa gamot ako h'wag mo lang akong iiwan! " pagmama kaawa pa niya subalit hindi na siya nito narinig hindi naman niya ito masundan dahil hindi siya makaka lakad. " Bakit kasi ako pa ang na aksidente! Ang daming masasamang tao! Bwisit! Mukhang hindi pa matutuloy ang kasal namin! " hinagpis pa niya at pinag susuntok ang mga hitang walang laban Nagkaroon kasi siya ng car accident at na apektuhan ang mga binti niya hanggang hita. Kaya naka upo lamang siya sa kama o kaya ay sa wheelchair kung gusto niyang mag libot sa garden. Hindi naman niya akalain na pati pagka lalaki niya ay mawawalan din pala ng pakiramdam. Hanggang sa hindi niya namalayan na napa iyak na pala siya kahit lalaki. Mahal na mahal kasi niya ang kanyang Fiancee, sinasabi kasi niyo noom na kapag ito ang nawala ay hindi na niya alam kung ano ang magiging buhay niya. Dahil madalas niyang ibulong kay Cassandra na ito ang buhay niya at hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nagka hiwalay sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD