PERSONAL MAID

2347 Words
THIRD PERSON's P O V " Marami pong salamat at pag- welcome ninyo sa akin dito. " kimi pero naka ngiting saad ni Nhejoy sa mga kasamahang kasambahay, nangunguna na si Aling Magda " Syempre naman! Magiging isang pamilya na tayo rito kaya dapat lamang na magkaka sundo tayong lahat! " saad pa ni Aling Magda Siya na pala ang Mayordoma sa mansyon ng mga Villanueva. Pinag handa kasi si Nhejoy ng mga kasamahan na tila ba kaarawan niya. Naka usap na rin niya ang mag- asawang Amo ngunit ang anak ng mga ito na si Rave ay hindi na ulit niya nakita simula kaninang umaga na dumating sila ni Aling Magda. Kainan at may kaunting inuming nakaka lasing silang pinag saluhan. Kumpleto silang mga kasambahay — tatlo silang taga linis ng bahay, may labandera, dalawang Drivers, Hardinero at dalawang gwardya na salitan ang duty sa gate. Si Aling Magda nga ang kusinera. " Tatlo lang po ba silang naka tira rito!? " kiming tanong niya habang ngumunguya ng fried chicken. " Oo, pero apat ang anak nila Ma'am at Sir. Iyong tatlo ay may mga asawa na kaya hindi na sila rito naka tira. " tugon ni RC " Ahh! Ang laki ng bahay nila, 'no!? Tapos kakaunti lang sila! " wika pa niya, bahagya lang natawa ang kanyang mga kaharap Kung ano- ano pa ang tinanong ng mga ito tungkol sa kanya hanggang sa maubos ang pagkaing pinag sasaluhan. Kaya sila na rin ang nag ligpit ng mga iyon tsaka hinugasan. At kanya- kanya nang pasok sa mga silid para matulog. Naka higa man pero hindi agad dinalaw ng antok si Nhejoy. Dahil kinumusta muna niya ang kanyang pamilya. Nagpa palitan lamang sila ng mga text messages ng pangalawang kapatid. Ayaw niya kasing maistorbo ang mga kasamahang natutulog na. Nasa iisang k'warto silang mga babae, double deck ang higaan nila at mabuti na lamang sa itaas niyon ang pwesto niya para kahit papaano ay may privacy siya. Naninibago rin siya sa higaan nila ritong malambot tapos naka- aircon pa sila. Samantalang sa bahay nila sa probinsya ay silang dalawang babae ang nagtya tyaga sa iisang electric fan. Tapos banig lamang ang sapin nila sa papag na kawayan. Nang matapos silang mag kumustahan na mag kapatid ay pinilit na lamang niyang maka tulog. Dahil alam niyang maaga pa silang gigising kinabukasan. Sinabi na rin kasi sa kanya ng mga kasamahan nila kung anong oras dapat silang gumising at mag handa ng breakfast ng mga amo nila. Sinabi na rin ng mga ito ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng mansyon pati na ang oras ng tulog nila ay alam na rin niya. " Kkkrriinngggg! " tunog ng alarm sa cellphone niyang de keypad ang nagpa gising kay Nhejoy " Hhhmmmm! " inaantok pang impit niyang hikab tsaka nag- inat ng mga binti at braso kahit naka pikit pa ang mga mata. Maya- maya pa ay tumunog din ang alarm sa orasang naka patong sa lamesitang naka pagitan sa double deck nila. Kaya nagising na rin ang tatlo pa niyang mga kasamahan. Si Pepsi na ang nag- off niyon. " Magandang umaga sa inyo! May alarm clock pala tayo rito, ni- set ko pa ang cellphone ko. " nahihiyang bati niya " Magandang umaga rin naman! Okay lang iyon, mas mainam na maaga na tayong magising kaysa tanghali. " wika ni Aling Magda pagkatapos tugunin ang kanyang pag bati. " Kumusta naman ang tulog mo, Nhejoy? " tanong ni Sarsi habang nag liligpit na sila ng kanya- kanyang higaan. " Okay naman! Malambot kasi ang higaan at naka- aircon tayo! " bungisngis niyang tugon kaya mahinang natawa ang mga kasamahan niya " Mauuna na akong maligo! " paalam ni Pepsi at kumuha na ng maid's uniform niya sa cabinet sa gilid ng double deck Kanya- kanya rin kasi sila ng cabinet na may lock. " Sige! " " Ganyan din kami noong unang dating namin dito, masasanay ka rin. " naka ngiting pahayag ni Sarsi " Oo nga e! Baka ang sama nito ay kapag umuwi ako sa amin ay hindi na ako sanay sa matigas na papag na higaan. " pabirong wika niya kaya natawa silang dalawa ni Aling Magda Hindi naman nag tagal ay na tapos nang maligo si Pepsi kaya sumunod na ang Mayordoma. " Doon ka na maligo sa isang bathrooom, Nhejoy, pagkatapos ninyo tsaka ako naman. " turo ni Sarsi sa isang pinto " Ah, akala ko isa lang ang banyo rito. " kiming saad niya at dinampot na ang kanyang bihisan tsaka towel at pumasok na sa banyo " Matatagalan tayong maligo kapag isa lang ang banyo. " pa habol naman wika ni Sarsi Hindi na naka sagot si Nhejoy dahil sinarado na niya ang pinto. " Hala! Kailan kaya mararanasan ng pamilya ko ang ganitong ka gandang banyo?! 'De flush pa ang toilet, may shower na hindi na kailangan ng tabo tsaka may bidet sa pag huhugas ng pwet! Tsaka tiles pa! Sa amin kasi hollow block lang at hindi pa palatada. " bulong ni Nhejoy sa sarili habang pinagmamasdang mabuti ang loob ng banyo Kung hindi nga lamang nag hihintay ang kasamahan niya sa labas ay mag tatagal pa siya roon dahil ang bango at linis ng bathroom. Pwede ka na ngang matulog doon. Kaya tinapos niya agad ang paliligo, nauna na palang na tapos si Aling Magda kaya roon sa ginamit nitong banyo pumasok si Sarsi. Ilang sandali pa ay nasa kusina na sila at humihigop ng mainit na kape. Tsaka nila tinutulungan si Aling Magda sa pag luluto ng kanilang almusal. Pagkatapos pa raw ng mga Amo tsaka sila pwedeng kumain. Pagka luto ng Mayordoma ay dinala na nila ang mga niluto nitong daing na bangus, pritong itlog, ensaladang talong at itlog na na maalat na may sawsawan na kamatis, sibuyas at manggang hilaw. Nag lagay rin sila ng isang pitcher ng orange juice tsaka tubig. Depende raw kung ano ang iinumin ng mga Amo. " Good morning, Aling Magda! " dinig nilang tawag sa intercom na naka- install sa isang panig ng pader sa kusina. Napa tingin doon si Nhejoy kahit hindi naman nakikita ang taong nag salita. " Magandang umaga rin, Sir Rave! " tugon bati naman ng Mayordoma " Bakit ang tagal po ni Dew na umakyat dito!? Nagugutom na ho ako! " magalang pero may pagka masungit na tanong nito " Naku! Masama pa rin po ang pakiramdam niya, magpapa akyat na lang po ako ng iba, Sir Rave! " tugon namqn ni Aling Magda " Sige ho! Hintayin ko na lang. " tugon nito at tinapos na ang pag- uusap nila. " Ikaw na Nhejoy ang umakyat! Pangalawang silid sa kanan ang k'warto ni Sir Rave. Ililipat mo lang siya sa wheelchair niya at bababa kayo rito gamit ang elevator para sabay- sabay silang mag- anak na kumain ng almusal. " utos niya sa bagong kasambahay, at itinuro na rin kung saan ang silid ng binatang amo " Si- Sige po, " kinakabahang tugon ni Nhejoy sa Mayordoma Abala pa rin kasi iyong ibang kasamahan nila sa pag hahanda ng almusal. Lumabas na nga siya sa kusina at binaybay ang maluwang na living area at umakyat sa hagdan. Puro yari sa solidong tabla ang matatanaw sa bahay, ultimo sa maindoor na malapad at makapal, sa sofa na pinatungan ng malambot na kutson, sa center table na may salamin sa ibabaw at hagdanan. Hindi lamang niya alam kung anong uri ng tabla o ilang puno ang pinutol para sa mga iyon. Pati na ang pinto ng mga silid ay yari rin sa tabla. Kinakabahang kumatok siya sa itinuro ni Aling Magda. Ngayon kasi ang pangalawang pag kikita nila ng binatang amo. Kahapon ay pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nagpa- akyat na rito sa silid niya. Kaya ang mga magulang nito ang naka- usap lamang ni Nhejoy. Nagpa dala na lamang ito ng pagkain dito sa k'warto no'ng oras ng tanghalian at hapunan. " Come in! " mahinang sigaw sa loob kaya pinihit niya ang doorknob Bahagya pang lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil ngayon lamang siya makaka pasok sa silid ng isang lalaki. " Ma- Magandang umaga po, Sir Rave! " kiming bati niya sa amo Naka upo ito sa malambot at malapad na kama habang naka sandal sa headboard ng kama. " Magandang umaga rin! Kaya mo ba akong ilipat sa wheelchair ko? " masungit na bati niya sabay tanong " Su- Susubukan ko po, Sir. " kiming tugon pa ni Nhejoy sabay lapit sa kanya Inayos muna niya ang wheelchair na pag lilipatan nito tsaka niya binuhat mula sa likuran. Kaya nagka dikit ang kanyang dibdib at likuran ng amo nasa kilikili nito ang mga braso niya. " Uummppp! " hingal niyang sambit nang maiupo niya si Rave sa wheelchair, " Hindi n'yo po iiwanan iyang throw pillow? " takang tanong niya kahit habol pa ang hininga dahil mabigat ang amo. " Hi- Hindi! Ta- Talagang nandito iyan sa kandungan ko. " hindi maka tingin ng diretso sa mga mata ni Nhejoy na tugon ni Rave " Sige po, liligpitin ko lang po itong higaan ninyo bago tayo bumaba, okay lang po ba? " hinging pahintulot muna niya Baka nga kasi sungitan siya nito kapag inuna niya ang kama nitong ligpitin kaysa pakainin. " Okay lang, sandali lang naman iyan! " seryosong tugon nito kaya binilisan na nga niya ang pag- aayos ng kama ng amo. Dahil abala siya sa ginagawa ay hindi niya napansin na natatanaw na ng binatang amo ang malulusog niyang hinaharap. Maluwang kasi ang parte ng leeg ng suot niyang maid's uniform. Kaya naman may hinigpitan ni Rave ang hawak sa throw pillow na nasa kanyang kandungan. Nararamdaman kasi niyang kumikislot- kislot ang kanyang pagka lalaki kaya tinakpan niya ng maliit na unan. Baka ma eskandalo pa ang bago nilang kasambahay kapag natanaw nito ang nag huhumindig niyang alaga. Lalo na noong dumikit sa likod niya ang may kalakihan nitong hinaharap. Kahit may suot pa silang mga damit ay ramdam niya ang pag- iinit ng katawan. Kaya nga takang- taka ang binata sa kanyang sarili. Ilang linggo na kasing tila lantang gulay iyon at kahit anong gawin ni Cassandra ay hindi nagagalit. Kaya nga nakuha nitong layasan siya dahil ayon dito ay hindi na niya mabibigyan ng anak. Kaya dinamdam niya iyon at tila wala ng ganang mabuhay pa. Ilang beses na rin kasi siyang nanood sa mga adult site subalit wala pa ring epekto sa pagka lalaki niya. Hanggang sa dumating nga ang bago nilang kasambahay at kahit nakikita pa lamang niya ang magandang hubog ng katawan nito ay kumikislot na ang kaniyang alaga. " Baba na po tayo, Sir!? " tanong ni Nhejoy kaya na balik si Rave sa kasalukuyan " Si- Sige! " kiming saad pa niya na tila nawala ang pagka masungit niya Pumwesto na si Nhejoy sa likuran ng binatang amo at itinulak palabas ng silid ang wheelchair nito. Hanggang makasakay sila sa elevator. " Ehem! " napa tikhim naman si Rave nang tumapat sa mukha niya ang may kalusugang dibdib ng bago nilang kasambahay nang pindutin nito ang level na pababa. Tumama kasi mismo sa mukha niya ang malambot nitong kaumbukan. Kaya mas lalong nag humindig ang pagka lalaki niya. Diniinan pa niyang mabuti ang throw pillow na nasa kandungan niya para pigilan ang pag kislot niyon. " Hindi ka ba maingat sa mga kilos mo!? Tumama na sa akin iyang dibdib mo! Dapat hindi nagpapa dalos- dalos sa mga ginagaqa mo dahil maraming lalaki rito sa mansyon! " paasik na sambit niya kay Nhejoy " Pa- Pasensya na po, Sir, hi- hindi ko po kasi naayos ang wheelchair n'yo nang pu- pumasok tayo kaya ho hindi ko maabot ang button. " hinging paumanhin naman nito " Mag- iingat ka na sa susunod! " masungit pa rin nitong bilin " O- Opo, Sir! " Hindi na siya kumibo at hinintay na lamang nila na maka baba sa grounnd floor ang elevator na sinasakyan. Itinulak agad nito ang wheelchair patungong dining area. Nandoon na ang nga magulang ng binata at siya na lamang ang hinihintay para kumain. " Ma- Magandang umaga po, Sir, Ma'am. " kiming bati ni Nhejoy sa mag- asawang amo " Good morning too! Kumusta naman ang tulog mo? " magiliw na tugon bati ng Ginang tsaka siya tinanong " Mabuti naman po, Ma'am! " kiming tugon pa niya " Good! Let's eat! " wika pa nito at inaya na ang mag- ama na kumain Kaya nag sandok na ang nga ito ng pagkain na niluto ni Aling Magda at dinala sa kani- kanilang mga plato. Sinenyasan naman si Nhejoy ni Pepsi na tumabi sa kanila kaya sumunod naman siya rito. Nakatayo lamang sila habang nag hihintay nang iuutos ng mga among abala sa pag kain. " Mom, Dad, ahm pwede po ba akong mag- request? " basag ni Rave sa katahimikan na lumukob sa hapag kainan, tanging tunog lamang kasi ng mga kubyertos ang maririnig. " Ano 'yon? " tanong nimg Daddy niya na seryoso ang mukha Naka suot na ito ng puting long sleeve na tinupi hanggang siko at black trouser tsaka brown leather shoes. Pagkatapos kasi nilang kumain ay aalis na ito para mag tungo sa opisina nito. Tiningnan lang naman siya ng Mommy niya na tila nag hihintay lamang ng kanyang hihilingin. " Ehem! " pag- aalis muna niya ng bara sa lalamunan dahil hindi pa siya nakaka huma sa pag- iinit ng katawan niya dahil sa bagong kasambahay. " P- Pwede ko ho bang maging . . . pe- personal ma- maid si Nhejoy? " kiming saad niya Kaya natigilan sa pag kain ang kanyang mga magulang tsaka napa lingon sa kanya. Na tila ba sinisigurado kung seryoso ba siya sa kaniyang ipinahayag. Mahina namang napa singahap at napa lingon kay Nhejoy ang nga kasamahan niyang kasambahay na tila hindi makpaniwalan sa hiniling ng kanilang binatang amo. Wala namang reaksyon ang dalagang tinutukoy ni Rave na waring nag hihintay lamang kung ano ang magiging desisyon ng mag- asawang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD